Day 24: My 2008

i am (was?) planning to write a year-ender article tulad ng maraming blogger..kaya lang natatamad ako haha..

gusto ko sana magreflect at pagnilay-nilayan ang mga bagay na naganap sa buhay ko ngayong 2008 pero naisip ko na mas madali yatang mag-Thank U Lord na lang ako sa mga blessings na nareceive ko since mahirap naman isa-isahin talaga ang mga bagay na natanggap ko hehe.

pero ang taong 2008 ang one of the best years in my life..mashadong maraming reasonssssss kung bakit sya the best di ko na iisa-isahin pa pero gusto ko lang pasalamatan si Papa God & si Sta. Clara for listening to my prayers..hehe...oo nagdadasal ako kay Sta. Clara dun sa may Marikina, in fact ako e nagdadala ng itlog dun for 2 years na. napagkasunduan kasi namin ng habibi ko na every uwi namin ng pinas we'll see to it na bibisita kami dun...call it korni but for us it is like panata :)..hek hek

etong 2008 mashado naging colorful ang life ko..there were some down moments na parang may down syndrome ako  pero mas madalas naman yung happy moments ko na parang nakakain ako ng happy peanuts kaya korek lang..

oh by the way, masaya pala ako last Xmas kasi for the first time buo ang 'pugad-baboy' family..i received an LV bag from my habibi and i gave him Tissot watch (touch)..tas si bulilit naman ay binigyan namin (on behalf of Santa Claus kahit wala kaming chimney haha) ng WII..we all enjoyed our gifts pero mas nageenjoy kami sa WII. sabi tuloy ni bulilit, kanya naman daw yun at bakit di sya makapaglaro kasi kaming matatanda ang nageenjoy, bwahahahah!

well, as for myself, syempre niregaluhan ko ang self ko ng Burberry na....BAG pa rin! hahaha..just so you know, isa ako sa mga baklang mahilig sa bag..malaki o maliit basta BAG korek sakin. kahit pa plastic bag nyahahahah!

alam nyo naiisip ko rin na gumawa naman ng New Year's Resolution...am sure maraming blogger na rin ang nagpost ng ganyang topic pero again natatamad ako..haha..pero kasi naman magmula ng matutunan ko ang salitang 'resolution' eh wala pa naman yata akong natupad talaga! so siguro this coming year, ang resolution ko na lang is TUPARIN ANG KUNG ANUMANG NAISIP KONG RESOLUTION..lols..pwede na ba yun?

hay naku 2 tulog na lang 2009 na! panibagong taon, panibagong simula. sana ang 2009 ay maging maliwanag  tulad ng simula ng aming 2008. sana ang 2009 ay hindi matulad sa 2008 na nag-end sa isang malaking economic crisis..at syempre sana sa 2009 eh dagdagan ulit ng amo ko yung pangwaldas ko bwan-bwan heheheh...lintek kasing credit crunch ala tuloy yata bonus at salary increase next year!

o ayan uwian na (nasa office pa kasi ako!) ipopost ko na toh tas iedit ko na lang sa bahay hehehe..

bye 2008 and welcome 2009!!!

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!! Sana madagdagan pala ang kaibigan kong blogger next year!!!!

Day 23: Bakit Wala?

may natanggap akong balita ngayong umaga

isang malunkot na balita...hindi lang pala malunkot...isa syang masamang balita

ang di ko maintindihan ay kung BAKIT parang wala akong maramdamang REAKSYON ng puso ko nang mabasa ko ang balita...

di ko alam kung BAKIT...

nakaholiday ba ang 'sense of feeling' ko?

tinatamad bang makiramdam ang katawan ko?

BAKIT di ko magawang umiyak dahil sa balitang natangap ko?

BAKIT di ko makuhang makaramdam ng lunkot...maigi pa nung nalaman kong namatay si Daboy o kaya si Marky Cielo...

sa dami ng BAKIT na gusto ko sagutin parang lalo akong nahihiwalay sa emosyon ko..

ang alam ko dapat malunkot ako..dapat mag-alala ako...at higit sa lahat dapat umiyak ako

pero BAKIT WALA???

hindi ko talaga maintindihan...

habang tinatayp ko toh nasa paligid ko ay tatlong batang abala sa panonood ng Disney Channel..lalong di ko mahalunkat kung saan man nagtago ang lintek na emosyon...gusto ko makaramdam ng lunkot..gusto ko umiyak..pero ala e...isang MALAKING emptiness lang ang nararamdaman ko...

oh wait, may nararamdaman pala ako...EMPTINESS!

hay..alam ko mali ito..alam ko hindi dapat ganito...

iniisip ko na isa marahil sa mga dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko (o yeah, ngayon alam ko ng may nararamdaman din pala ako) ay ang kadahilanang hindi naman ako lumaking kasama sya. wala akong 'memories' na aalalahanin at panghihinayangan.

wala naman akong masyadong alam tunkol sa kanya kung hindi ang pangalan nya at kung anong relasyon ko sa kanya. ang alam ko lang masungit sya. ang alam ko lang....ahhh basta!

ngayon, nakarating sa akin ang balitang sinugod sya sa ospital...bakit di ko maramdaman ang lunkot na dapat nararamdaman ko sana? bakit di ko magawang umiyak sa posibilidad na 'mawawala' na sya....

BAKIT??!!!

Day 22: Kompyus

pano ba sasagutin yung ganitong text:

Few days to go
Xmas/New Year na
Masaya ka ba?

Did you say sorry
Sa mga taong
Di mo sinasadyang masaktan?

Did you say thanks rin
Sa mga taong
Nagpapahalaga sayo?

Wel, do this habang maaga pa
U'll have a wonderful year and xmas!

I'll start

Sorry if I've caused you pain
Either intentionally or unintentionally

But thank you for the friendship, respect
Love and acceptance you've given me

Merry Xmas & Happy New Year!!!


lam nyo bat ko pinoproblema kung pano sasagutin yan..


di ko kasi alam kung sino yung sender...nyahahahahah!!!!! kainis ala sa fonbuk ko! hmf!

Day 21: Basted!

I AM SUPER BASTED!!!



hay naku...di naalala ang anniversary namin! kung di ko pa sinabing may  nakalimutan syang gawin nung araw na yun...di nya pa maiisip kung anong meron..hmf!! eto pa, bago nya narealize, NAGALIT PA NGA SAKIN! naktokwa!


dalas neto mangyari ha...di na nakakatuwa...hmf!

at di rin ako magpapacomment ngayon..gusto ko lang din maranasan yung nagsasara ng comment...kasi sa buong buhay-blogosperya ko di ko pa naranasan yung walang nagcocomment kasi nakasara yun comment...kasi kahit nakaopen yung comment dito..wala lang talaga nagcocomment sa blog ko kasi walang trip magcomment...nyahhahaha


gusto ko sana magupdate ng BLAG ko everyday since may 'intarnets' (gaya-gaya lang) naman ako sa bahay..kaya lang naisip ko magmumuka naman TWITTER o PLURK tong blog ko..hehe...kaya ayan nagbago na isip ko


ay..di ko pala alam iclose yun comment...bwahahahah...yae na nga...letch!


ay...bye Marky Cielo na pala..huhuu...type ko pa naman tong si Marky kasi ang cute-cute nya sumayaw...ano kaya cause of death nya noh???

teka congratulations din pala kay PACMAN kasi nanalo sya..akalain mo naman...sa loob ng 1 araw nakatanggap ang Pinas ng good and bad news...pero ako puro bad news lang..di na nabati nun anniversary, nabalitaan pang namatay ang isa sa mga kras ko sa showbiz..hay life...so ka-ka! di na sakin news yun pagkapanalo ni PACMAN...alam ko kasi mananalo sya..hehehe..magulat pa ko pag natalo sya...!


tse,  BADTRIP ako!....

Day 20: Display Na Lang, Iha!

Alam nyo yung kasabihang ‘BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR; YOU MIGHT GET IT!’..tsaka naranasan nyo na ba yung mamili ng shoes o kaya ng appliances kaya lang out of stock na kaya yung DISPLAY na lang ang maibibigay sa inyo ng saleslady kung gusto nyo talaga yung product...may naalala lang kasi kasi ako bigla..

It was 9 years ago…

May nakita akong mag-shota na nakasakay sa kanya-kanyang scooter on the way somewhere (hehe). Alam ko magshota sila kasi kakilala ko yun girl, hihi. Pero hindi ako kakilala nung BF nya kasi we are not that close naman. Although, yung guy eh familiar sakin kasi taga-dun din samin..Nakasakay ako sa bus nun and nasabi ko sa sarili ko na ‘ay, pag ako nagkaron ng serious relationship gusto ko yung tipong ganung guy, yun makakabonding ko sa mga trip ko sa buhay..yung may something in common kami talaga, para masaya ang sekslayp lablyp’….bwehehe

Then makalipas ang ilang bwan…ang taong tinutukoy ko ay nakilala ko ng personal…at ilang bwan pa ulit ang lumipas..naging bopren ko na sya! Bwahahahaha..wag nyo na itanong kung anong nangyari dun sa girl na kasama nya sa pagmomotor kasi sobrang habang storya yun at nakakangawit itype (hihi)..

Nung maging lablyf ko na nga si GUY..nasabi ko kay God…”Thank you po for giving me someone na mahal na mahal ako at syempre mahal ko..pero God matanong ko lang…kasi ang sabi ko po yung tulad lang nya sana ang ibigay nyo pero hindi naman mismong sya”…feeling ko sumagot si God sakin at that moment, sabi nya…”Iha, pasensya na, OUT OF STOCK kasi ang tulad nya nung panahong humiling ka, kaya yung naka-DISPLAY na lang ang binigay ko sayo. Aangal ka pa ba?”

Nyahahaha..si God pasaway ng ishlayt noh? At syempre di naman na ko aangal pa kasi I am super thankful na kahit na madami na ang ‘sumukat o nagtry’ sa nakadisplay na yun, kahit kinailangan ko pang dumaan sa mala-telenovelang eksena, korek lang kasi masaya naman ako sa 'DISPLAY' na binigay ni Lord sakin..hindi man sya as in ‘bagong stock’ ni God…masayang-masaya pa rin ako. In fact, mag-9 years na kaming naglolokohan (lols) and each year pinagpapasalamat ko na binigay sakin ni Lord yung DISPLAY..mas gugustuhin ko na siguro toh kesa sa ibang stock tas di naman ako magiging masaya..hehehe

weee, HAPPY ANNIVERSARY TO US!!!!!

Day 19: Stupid Mistake

"It can happen to--Anyone of us, anyone you think of--Anyone can fall--Anyone can hurt someone they love--Hearts will break--'Cause I made a stupid mistake" - Anyone of US by Gareth Gates

ay naku!!!!! mukang ako ay made-dethrone na haha. Eh kasi naman nakuu talaga kakabuset oo!

nung isang araw bumyahe yung isa sa mga senior bankers ko patungong USA at pagkatapos ay pumunta ng UK...aba'y akalain mo wala palang visa si loko sa UK ...ang hirap pa nito sakin binagsak ang sisi kasi nga daw ako ang assistant nya at kung bakit di ko alam na wala syang visa sa UK?! anakngtokwa naman oo! aktwali, may visa naman sya kaya lang naexpire nung 11 Nov 2008...wahahaha....pero teka oo nga assistant nya nga ako pero di ba alam nya dapat kung may visa sya o wala? pero ang totoo nawala din naman sa isip ko na icheck kung may visa sya ..kaya partly kasalanan ko rin..KAYA LANG (talagang idedepensa ko daw sarili ko! haha) a week before his flight to USA/UK ehhh inarrange ko pa yung visa nya to Thailand..at yun ay AS PER HIS REQUEST..so akala ko naman aware sya sa mga visa nya..apparently, hindi sya aware! lechugas ..so ayun ako eh nasermunan kahapon ng bonggang-bongga at sa lahat pa naman ng ayoko eh tawagin akong 'sloppy', kasi hindi ko alam meaning nun haha..joke, kasi feeling ko napakawalang kwentang katulong ko dito sa opisina noh! and besides di ko naman kasalanan lang yun..nagawa nya ichek yung Thai visa nya bat di nya nagawa silipin yung UK visa nya..hmf! sabi nga ng mga ofismate ko naghuhugas-kamay lang sya kasi alam nyang partly kasalanan din nya kasi go sya ng go sa byahe...kainis!

anyway, ayun so dumating ngayon sa ofis si 'sungit' (codename ko sa kanya hehe) at sabi ko na lang with matching beautiful eyes.."please don't kill me..." bwehehe..sagot lang ni gaguh di naman daw sya ang galit kung hindi yung MD namin na kasama nya sa trip...gusto ko sana sagutin.."neknek mo! kausap ko si MD kanina...ambait pa nga sakin!" hahaha..at nachismis na sakin ng accountant namin na sabi daw ng MD sa kanya galit na galit daw sakin si 'sungit' kasi nga sa nangyari...

nakuu, malamang nito hotseat na naman ako sa staff meeting namin! sana walang staff meeting sa Sunday pagbalik ng MD namin at since holiday naman na sa mga susunod na linggo..sana makalimutan na ni MD yung nangyari o kaya wag na ring ungkatin ni sungit yun sa staff meeting kasi di ko alam pano ako magtatago nun sa kinauupuan ko (as in )..

eto pa nakakaasar sa pangyayari ha, originally ang booking ni sungit from Dubai to NY; NY to Dubai..ehh sukat maisipan nilang magstop over sa London..waaaaaaa..kung dumirecho lang siguro sila sa Dubai baka di na ko nagkaproblema, haha..at isa pang nakakaasar meron naman FRENCH passport si sungit...ay kung bakit di nya gamitin!!!!! (sungit  ako)...at inaasikaso ko ang trip nya for the whole month of Nov and December since 1st week of November pero sya yung delay ng delay ng issues...then nung nafinalize ko na ang tickets and hotel booking nya and tinanong nya kung OK na lahat..sabi ko oo OK na nga lahat..kasi nga akala ko OK..hahah..marami talaga mateterminate sa AKALA...tsk!

ayun lang pag matagal akong di nakapagblog o nakabisita sa mga blogs ng mga naging 'friends' ko na sa blogosperya..alam nyo na....NATERMINATE NA KO!

hayy naku mahirap talaga magkaron ng STUPID MISTAKE! lalo na kung sahod ang nakataya...bwahahahah!

Day 18: Teks..Teks..Teks

madalas ako dumadalaw sa Tristancafe.Com at nagbabasa sa Patawa Ka Talaga section...at syempre pa hahagikhik ako magisa pag natuwa ako sa joke na nabasa ko bwehehehe..lately, naaaliw ako sa mga nagkalat na text na nababasa ko sa TCAF...wala na kasi nagtetext sa roaming ko kaya sa internet na ko nagbabasa ng mga usong text messages..

ewan ko pero madali talaga ako maaliw sa mga kalokohan sa text..eto yung ilan sa mga nakatuwaan ko daw.....

"Hindi ko mawari kung saan eksakto. Pakiramdam ko, nasa gitna ako ng bangungot at delubyo. Kung sakaling makita mo ako na malapit sa ‘yo, tatawagin mo ba ako? Maglalaan ka ba ng pagod upang kausapin ako?" Iyan ang text back ng EMO sa text na, "Wer na u?"
**************

“Hindi lahat ng malamig ay refreshing.” – BANGKAY
**************

“Nandito ako sa tapat ng bahay n’yo.” – GATE
**************

Hindi man ganu’n kasarap ang buhay… habambuhay naman akong masarap.
**************

Buti pa ang cholesterol… may lugar d’yan sa puso mo!
**************

A-absent na ako sa lahat ng klase ko… makapasok lang ako sa puso mo!
**************

Aanhin mo pa ang bahay n’yo… kung nakatira ka na sa puso ko?
**************

Masakit kapag nalaman mo na ang mahal mo ay may mahal na iba.
Masakit isipin na pinaglaruan ka lang pala niya.
Pero mas masakit isipin… pagbukas mo ng kaldero, tutong ang natira. Nilalanggam pa!
**************

Kapag ika’y nasaktan, lumaban ka.
Kung ika’y nabigo, bumangon ka.
Kapag ika’y gumulong sa hagdan at nakatingin sa ‘yo lahat, huwag kang pahalata.
Tumayo ka at sabihin mo, “Pakialam n’yo?! Ganu’n ako bumaba, eh!”
**************

Kahit nasaan ka…
kahit wala ka sa paningin ko…
kahit wala ka sa tabi ko…
kahit gaano ka kalayo sa akin…
tandaan mo:
Hindi kita nakikita!
**************

Sadyang pinaglalaruan tayo ng panahon…
Kung kailan hindi mo hinihintay, du’n darating. Kapag sobrang umaasa ka naman, saka naman siya wala.
Haaayyy…
Ang utot talaga… pabigla-bigla!
**************

Mag-ingat sa taong handang umagapay… nguni’t mahalay.
**************

Kung nangangati ka… huwag mong gawing pangkamot ang boyfriend ng iba.
**************

When someone is flirting with you… please… COOPERATE.
**************

Kahit nasasaktan ang isang tao, pinipili pa rin niya ang magmahal.
Bakit?
Syempre! Kerengkeng kasi!
**************

Kung ikaw ay taong laging pinagpapala…
Malamang… isa kang construction worker!
**************

KUNG kailangan mo ako… and there are a hundred steps between us, you can take the first step para mapalapit sa akin…
Tapos, gumulong ka na lang nang bonggang-bongga para mabilis!!!
**************

Ano ang mas mahalaga?
Martir mong puso o bayan mong sawi?
Ano ang mas kaawa-awa?
Pagkabigo mo sa pag-ibig o mga batang lansangan na walang makain?
Ano ang mas kailangang hanapin?
Damdaming tila naglaho o mga taong dinukot na lang bigla?
Maraming problema ang lipunan!
Magdadrama ka ba sa mga pansarili mong kalungkutan?
DEBATE: Emo vs. Aktibista.
**************

Siguro, minsan, kailangang madapa…
Bakit?
Wala lang. Para agaw-eksena.
**************

“Ngek! Sira ka pala, eh! Alangan namang ako pa ang iiwas sa ‘yo para hindi ka mahulog sa akin! Hindi ko naman ginusto dahil mapapahiya ka lang…
“Don’t worry, hindi ko ipagsasabi na na-fall ka sa akin!” – KANAL
**************

If only I had the power to turn back time…
If only I could read your mind…
Wala lang… astig, ‘di ba?!
marunong pa raw akong lumipad! Dyan-dya-raaaan!!! 
**************

BAWA’T tao, iba magmahal. May tunay; may salawahan. May mahirap ipadama; may todo bigay.
Iba-iba man ang paraan, wala akong pakialam.
Dahil kagigising ko lang.
**************

"..no matter how strong we hold on,
still there comes a time that
suddenly we fall.."
-butiki.
(nag eemote!)
**************

Aanhin pa ang Kagandahan ng isang babae?...
Kung
Hindi nman ako ang Boyfriend?
…Useless diba?
**************

kapag bilugan ang mukha mo,
wag ka masyado magngi-ngiti...
....baka pagkamalan ka nilang SMILEY
**************

hindi nako makahinga sa mga ginagawa mo,,, leave me alone!!!
- sabi ni ilong kay sipon
**************

bawat tao iba magmahal
may tunay
may salawahan
may mahirap magpadama
may todo bigay
iba-iba man ang paraan
wala akong paki-alam
dahil.....
wala akong Lovelife!!
**************

pinapaikot mo lang ako.
nagsasawa na ko!
mabuti pa patayin mo nlng ako.
-electric fan
**************

hala! cge magpakasawa ka!
alam ko namang katawan ko
lang ang habol mo.
-hipon
**************

ayoko na! pag nagmamahal ako
palagi na lang maraming nagagalit.
Wala na ba akong karapatang magmahal?!
-gasolina
**************

Ginawa ko naman lahat para sumaya ka.
Mahirap ba talga makuntento sa isa?
Bakit palipalipat ka??
-tv
**************

sawang sawa na ko! lagi nlng akong
pinagpapasahan, pagod na ko!
-bola
**************

Bakit ba ako lage pinag-iinitan nyo??!
-takore
**************

kung talagang para sayo
ang isang tao..
eh di sayo!
sayong sayo na!
isaksak mo
sa baga mo!
lamutakin mo pa!
kadamutan neto!
**************

I am
butterfly a pretty small brown butterfly…
bittered and hated
by all Disgusted seen low..”
--Bakla na ipis nag emote!...
**************

Pag may nagsabi sayo na di ka magaling manamit at magbihis..
Sumagot ka ng ….
Alam ko pero magaling naman ako maghubad! (Taray!)
**************

Minsan ba nakikita mo akong kausap ang sarili ko?
Ngayon Malabo mo na yun Makita…
Kasi….
Nag-away kami…
Parang tanga kasi!
**************

Love is like a tocino. Know why?
Kasi, ang love, ‘pag nag-start, gagawin mo lahat mapasaiyo lang ang taong mahal mo.
‘Yung tocino, wala ‘yun. Kalimutan mo na. Ulam namin ‘yun kahapon.
**************

Ang love, parang yosi.
Sa umpisa, masarap. Hinihithit hanggang filter. Sinasagad pa!
Pero kapag ubos na at sawa na, itatapon ka na sa isang tabi.
At ang hinayupak, tatapakan ka pa!
**************

Ang love ay parang Olympics.
Sa una ay makulay. Sa dulo ay may kampeon. Sa gitna ay pagsubok at nag-iisa lang ang magkakamit ng natatanging gold medal.
**************

Simula nu’ng bata tayo, maraming bagay ang nabago.
Ugali… kaibi¬gan… paniniwala… priorities…
Pero isang bagay ang hindi.
Alam mo kung ano ‘yun?
‘Yung bata sa logo ng Alaska.
**************

It’s true that money can’t buy happiness.
But you have to admit… it’s more comfortable to cry inside a BMW than inside a tricycle.
**************

“Ano’ng kasalanan ko sa ‘yo? Iniwan mo na lang akong duguan…” – NAPKIN
**************

“Kapag namatay ako, ido-donate ko ang puso ko sa mamahalin mo… hindi para mahalin mo uli ako, kundi mahalin ka niya tulad ng pagmamahal ko sa ‘yo!” -- SENTI NG PUSO NG SAGING SA UNGGOY
**************

May isang higad sa gitna ng kalye…
Asteeeeg!!! Ang tapaaang!!!
**************

The most hurtful words that your father can tell you:
"kung alam ko lang magiging bading ka, pinahid na lang sana kita sa kumot!"
**************

A sad story about cremation..
A gay’s lover died and the gay had him cremated. The gay blew the ashes into the ocean and said,
“Papa this is my last blow job for you!”
Sad nuh? Haha
**************

Quote for the Day:
Hindi bale nang tamad..hindi naman pagod!

Quote for the Night:
Hindi bale ng pagod..hindi naman bitin!
**************

"Bakit mo ‘ko binibitin? Gayong nasa kainitan at basang-basa na ako!” – SINAMPAY
**************

Minsan, naisip ko, sino kaya ang mahalaga?
‘Yung taong MAHAL ko o ‘yung taong NAGPAPASAYA sa akin?
Kasi,’yung mahal ko, madali na akong pasayahin... pero ‘yung nagpapasaya sa ‘kin, malapit ko nang mahalin.
**************


hehe ayun lang...aktwali, ala lang ako magawa (as usual) dito sa ofis kaya ayan naisipan ko na lang magpost ng isang walang wentang post ulit..hehehe

by the way, sino sa inyo nakakaalam kung saan pwede makabili ng DVD copy ng mga indie films satin..gusto ko kasi panoorin yun Thank You Girls! hmf...wala ako makitang pwedeng bilhan

Day 17: Ano nga bang English nun?!

dahil sa nareciv kong text galing sa kaibigan ko naisipan ko tuloy magBLOG.

eto ang text nya: TOL, ANO ANG ENGLISH NG OKRA?

pramis natawa talaga ko! not because hindi nya alam kung ano ang english ng okra kung hindi dahil nararanasan ko rin yun ganong problema...anong problema? yun bang hindi mo alam kung ano sa english yung hinayupak na gulay na gusto mong orderin sa grocery! bwahahaha..dito sa Dubai, ewan ko sa ibang bansa, pwede ka magpadeliver sa mga supermarket o grocery kahit na worth 5 dirhams lang yung order mo. kahit na isang paketeng yosi lang yan o kahit pa nga 3 dirhams COKE o PEPSI lang ang oorderin mo. idedeliver yan ng magigiting na Irani o Indiano. kaya kung kelangan mo ng okra at di mo alam ang english sa okra ay naku pumunta ka na lang sa grocery mas napadali pa buhay mo kesa makipagkulitan ka sa tindero dahil lang sa okra, he he..by the way, ang mga grocery na inoorderan dito kadalasan nasa baba lang naman ng building kaya talagang katamaran na lang ang umiiral, bwahahah!

naalala ko nga noon magmumunggo kami pero wala kaming ampalaya! eto ka na, 6 kami sa bahay pero ni isa hindi alam kung ano ang ampalaya sa english, haha..nagtext pa nga ang bawat isa sa mga kakilala kahit pa nasa pinas pa sya para lang sa english ng lintek na ampalaya. may nagsabi bitter melon daw pero nung sinabi namin sa tindahan di naman alam ng tindero, hmf! ayun pala bitter gourd ang tawag sa kanya..hahaha! kaya pag maggogrocery kami sa Carrefoure (kilalang hypermarket sa UAE), tinatandaan na namin yun mga naka-label sa mga gulay dun para pag umorder kami sa grocery alam na namin ang sasabihin, hak hak hak..

kita nyo ang hirap talaga ng buhay naming mga OFW dito sa abroad noh! kahit simpleng pamamalenke lang ng uulamin namin hirap na hirap pa kami. kaya talagang deserving kami sa title na 'BAGONG BAYANI'! bwahahaha

ang english daw pala ng okra is LADY FINGERS!

toinks! nyahahahaha

Day 16: The Day They All Vanished

bwahahahah..gusto ko simulan toh ng malaking BWAHAHAHAHAHA!! 

abnormal talaga ang friendster. magme-maintenance ng dalawang araw pagkatapos bigla na lang tatangalan ako ng mga friends?! hahaha...part ba ng maintenance nila ang pagtanggal ng mga 'virus' kong friends?! PEACE sa mga nawala kong friends.

aktwali, di pa ko bothered kahit na 34 na lang yung natira kong friends sa list...teka ilan na nga ba friends ko dun?! nyahahaha...malamang kasi natatangengot lang ang friendster so dedma na lang muna..but if next year ganun pa rin saka na lang ako maghahagilap ulit ng friends, hihiihih! nangyari na rin toh sa dati kong account nangawala yun mga testes (testimonials) saking super important pa naman kasi mula sa puso sa lahat (bukod sa inuuto nila ko dun haha) at galing sa family & friends.. pero bumalik din naman ang mga naglahong testes ayun nga lang naisipan ko ng idelete ang account na yun kasi nahihirapan na ko magmaintain ng 2! hahaha..parang etong blog meron akong existing blog sa friendster perooooo gumawa pa rin ako sa wordpress at dahil nabuset ako na kailangan kong i-update yung dalawang blog..dito na lang ako nagconcentrate! mahirap pala talaga maging two timer, bwahahahha!

in any case, dun sa mga nawala kong friends don'cha worry mga dear friends kasi ibabalik at ibabalik ko kayo sa aking listahan..alam nyo namang di ko kayang di makichismis sa buhay nyo sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga profile nyo..hak hak hak

realization: pano pa pala mababasa ng mga fwenship ko tong blog ko kung nawala na sila sa friendster ko?! andun yun link papunta dito?! nakpotah FRIENDSTER panira ka ng karir sa blogosperya! bwahahahahha...iilan na nga lang readers ko...sukat mangawala pa!!! deym!

Day 15: Gabi with Ate Pipay

first of all, salamat muna sa aking sis in law na namigay ng libreng ticket para sa concert ni Pops hehe..

sa loob ng 6 1/2 years ko dito sa Dubai, sa totoo lang 3 live shows pa lang ang napapanood ko. una ay yung concert ni Ogie & Regine, tapos yun Eat Bulaga sa Abu Dhabi (haha, pinatulan ko talaga yun!) at eto ngang Divalicious!

8pm ang start ng concert pero syempre Filipino nga kasi kaya almost 9pm na nagsimula. kung di pa siguro maghiyawan ng 'huuuuuuu' ang mga tao di pa mabubulabog ang organizers na naiinip na ang mga manonood.

sinimulan ang concert ng isang 'host' na di ko nakilala kung sino eh, bwahahah. siguro isa sa mga staff ng organizer..at pagkatapos pumasok na si Pops..pero alam nyo bang hindi naman naiannounce na si Pops na yun papasok after ng spiel ni 'host'..naktokwa! naririnig ko tuloy sa likuran ko nagtatanungan ang mga tao "Si Pops na ba yan?" bwahahah..bloopers! Anyway, so ayun nga syempre kahit walang formal na pagpapakilala ehhh narealize na rin ng mga manonood na si Pops nga yun. Aliw nga dun pa nagpalit si Pops ng outfit nya sa stage. la lang eksena lang! haha

ayus ang concert aliw. hiyawan ang mga LALAKE nun sinabing andun si John Pratts, haha! sabi tuloy ni kulet sa kanyang daddie "de, bakla ka ba? bat ka humihiyaw kay John Pratts" na ikinatawa ng mga nasa unahan namin..hehe..masaya ang concert except nun kay Geneva na (sorry po opinion lang hihih)..parang paos kasi si Geneva na di namin halos naintindihan yun kinakanta nya. para syang nawawala or hindi pala PARANG aktwali nawawala talaga boses nya. hindi namin alam kung dahil super nilalayo nya ang mic sa bibig nya o dahil sa sobrang acrobatic nya habang kinakanta yun Womanizer eh di na sya maintidihan ng audience! ay ewan, dun na lang ako siguro sa paos sya, hehe.

aliw naman magconcert si Pops kasi kinakarir nya yun 'ibang lahi' sa audience hihi. pero ang mas nakapagpagising sa mga audience ay yung part na may umakyat at nakipagshowdown kay John Pratts na local na Emirati...wuhooo!! imaginin nyo naka-kandura sya..(kandura ay yung parang bestida na damit ng mga arabo) pero ng mag back dive si John super back dive din ang lolo nyo, wahahaha! at super game sya! aktwali sya yung inaasar ni Pops nung maaga aga pa na pwede naman daw isara ang bibig habang nanonood...hahaha...asar!

heniweyz, ayun natapos ang concert ng almost 12am! masaya naman pero syempre parang kulang :) at sa totoo lang mas nagenjoy akong panoorin si kulet na nakikipagsabayan sa pagkanta at super inenjoy ang concert. kaya ayun pagsakay ng sasakyan plakda ang bata,bweheh! naubos ang energy! sa sobrang aliw ko nga sa kanya halos nakalimutan kong may bulilit pala ako sa aking sinapupunan na buti na lang e di pa masyadong nakakarinig at kung hindi ay baka pinagsisipa na ko sa sobrang ingay sa stadium,hihihihi

ayun lang BLAG ko ngayon, ala kasi friendster! bwahaha ala lang gusto ko lang sisihin ang pagiging down ng friendster kaya walang wenta post ko ngayonh..at isa pa pala kagigising ko lang kaya parang wala sa tamang direksyon yun blog ko har har har..

oi oi natutuwa naman nga pala kasi akalain nyo may 2 reader ako na nacomment dun sa last blog ko bwahahah..aliw!

tenkyu Nobody and Kabute sa pagdalaw sa blog ko sana dalas-dalasan nyo para naman may kasama ako dito, hihihihi

Day 14: Pesteng ADIK!

naranasan nyo na ba yung may tinatawagan kayong napakaimportante pero ang lekat na phone ay laging naka-answering machine:

sa tinagal-tagal ng pagiintay mo sa napakahabang ring na akala mo eh may pag asa ka ng masagot ng kabilang linya..babanatan ka bigla ng...

"YOUR CALL IS BEING ANSWERED BY ADIK"

lekat na adik yan oo! bat ba panay ang sagot ng telephone! di naman sya ang kelangan ko...hmfness talaga! nyahahahah

aktwali, ADEX daw yun pero dahil nabubuset ako feeling ko ADIK talaga yun answering machine na yun!! ano veh, uwian na in 15minutes di ko pa rin makontak ang lekat na New York office namin..huwaaaaaaaaaaaaa!!! i hate 'em!

Day 13: Finger Ur Face

naku naman nakakainis talaga oo! kung bakit naman kasi kailangan pa raw ng national id dito sa planeta ko! kaming mga ISKWATER lang sa planetang to ay hindi agad nagabalang magapply ng lecheng id na yan kasi sabi NATIONAL..eh national ba kami?! INTERNATIONAL kaya kami! bwahahaha

heniweyz, ayun so ang ending lahat pala ng residente eh kelangan may ID kasi ito ang papalit sa labour card at sa magsisilbing identification ng bawat residente (oh well, kaya nga tinawag na identification card e for identification purposes!). hokey lang naman sana kung gusto nila kaming mag-apply ng ID na yan kaya lang hassle tol...HASSSSSSLE! nyahahah..

unang-una kailangan mo pumila para sa REGISTRATION ---ito yung prosesong pipila ka ng tipong bandang 4am para makakuha ng token at magintay na magbukas ang opisina nila ng 7:30am para magfill up ng registration form at magintay na bigyan ka ng printed na bar code..aabutin ka ng buong araw para dyan dahil sa haba ng pila..dalawa lang DAW ata ang umaasikaso..malas mo pa pag babae ang nasa counter kasi sa loob ng 1 oras na pagupo nya sa pwesto nya...mga 45minutes ang ginugugol nya sa pagaayos ng shela (takip sa ulo) nya! nakngtokneneng talaga! eto pa malas mo na lang talaga kung dumating ka ng pagkaaga-aga para lang mauna sa pila tas sasabihin ng gwardya na 1/2 lang ng mga nakapila ang papapasukin dahil sa 'quota of the day'..at syempre dahil anak ka nga ng malas e di ka kasali sa 1/2 na yan kahit pa maaga kang dumating...bwahahahahha

katapos ng proseso na yan pipila ka naman para sa fingerprinting..fingeran ito! hek hek hek..pero swerte mo kung maaccomodate ka ng araw na yun o tatawagan ka na lang o ewan ko kung anong kahihinatnan mo matapos mo ang unang proseso ng pag-apply para sa national id!

at matapos ang napaka-'DALING' proseso..iintayin mo sa P.O. Box mo ang mahiwagang id mo..mga 7 araw daw ang iintayin bago ito matanggap..o di ba kahit hindi naman lalabas ng boundary ng planetang toh ang mail ehhh isang linggo ka pa ring magiintay, hihi!

buti na lang maabilidad rin ang PRO ng kumpanya namin na syang nag-ayos ng registration form naming mga alipin ng YO-BE-PE, kailangan ko lang ipadala ang finger ko para sa fingerprints hehehe..at dahil di maaari syempre na yun daliri ko lang ang pumunta sa EIDA center kelangan akong pumunta dun at pumila!!! huwattttttttt??? alam nyo bang usapan sa kanto na as early as 1am eh may pumipila sa center na 7:30am pa magbubukas para lang makakuha ng token....nakngtoken yan oo!

eto pa may website naman kaso lang suuuupppperrrrr-bagal magload dahil siguro sa dami ng nakalog sa website nila at di ako magtataka kung lalabas sa survey na 95% eh sumusubok kumonek sa lintek na website! mas mabilis pang bumukas ang friendster eh!

eto nga ako habang abala ako sa pagiinarte dito..nagagawa ko pang magregister sa website nila para sa asawa ko pero sabihin nyo sakin kung hindi kayo mabubuset na sa twing matatapos nyong sagutan ang form at pipindutin ang 'NEXT' button bigla syang magiging Arabic at kekelanganin mong ilipat ulit sya sa English..ngayon kasalukuyang blanko ang screen ng website nila habang sinasalin sa english yung page..di ko lang alam kung matapos nilang ibalik sa english yung page ehhh andun pa yun information na nilagay ko....leche talaga!!

di ba pwedeng mag-thumbmark na lang kami tas yung PRO na lang ang magsubmit sa center nila at i-scan na lang nila yung thumbmark namin? har har har

kakainis naman kasi tong national id talaga oo!!!!! pressure..stress...ehhh kung ba yung pagpila naming mga ISKWATER dun eh pagkakakitaan namin siguro kahit talagang magcamping na kami dun ala ako magiging angal..nyeheheh!!! kaya lang ito daw kasing national id ay magsisilbing identification nga namin 'nationally' at di kami makakapagrenew ng car registration, renew ng flat, conduct any bank transaction at kung ano ano pang chuvaness dahil kung walang National ID parang di ka nageexist sa planeta na toh...hirap naman oh! ISKWATER na nga lang kami...yun bang tipong pag nagdecide silang di na nila kelangan ng ISKWATER sa mundo nila pwede nila kami sipain ng walang pasabi!!! tas pahihirapan pa nila kami ng ganito..hindi ba bilang ISKWATER hindi kami naghihirap dito?? nyehehehe

hay buhay..what to do?!!

Day 12: Blanko

eto ang pinakaayaw kong nangyayari sa buhay ko. yun bang mapabahay o opisina e wala ako magawa kundi humarap sa computer para libangin ang sarili ko. pwede sana ko manood ng tv kaso lang natatamad naman ako. eat bulaga na naman ang mapapanood ko. paulit-ulit na eksenang umay na umay na rin ako. paminsan-minsan natutuwa ako lalo na sa mga joke ni vic o sa mga punchline ni jose o sa mga eksena ni wally (anong silbi ni patani dun?) pero bukod dun wala na kong maisip na exciting na gagawin sa bahay.

maaga ako nakauwi ng bahay ngayon. maaga kasi ako lumabas ng opisina. 5:45pm pa lang lumabas na ko kiber kung may banker pa ko sa opisina na mangangailangan sakin. gusto ko na umuwi. tapos! abangan ko na lang ang consequences ng aking paguwi ng maaga bukas, hehe. yun eh kung maabnormal ang isa sa mga banker ko at di makisama sa topak ko.

busog pa naman ako kaya ayoko pa kumain pero naghahain na mga kasama ko sa bahay. tinatamad ba ko kumain o feel ko lang?! basta wala ako sa mood pero..pero..pero...sabi nga kung wala kang matinong masasabi wag mo na lang ibuka ang bibig mo at baka mapahamak ka lang.

hay ganitong mga pagkakataon ako nakakaramdam ng 'burn out'. ganitong pagkakataon ako nabuburyong. ganitong pagkakataon madaling umiinit ang ulo ko kasi nga wala akong ibang magawa.

ngayon ang last day ng pagcacarlift (o pagseservice) sakin ng barkada ko. isang linggo nya rin akong sinerbisan at sa isang linggong yun nagkakwentuhan kami ng mga seryosong bagay ng kaibigan ko. habang tumatagal ang kwentuhanlalo ko lang naramdaman yung bigat na dala ng kaibigan ko..hay...bat kasi may mga magulang na di man lang naiintindihan yung sitwasyon ng anak nila. di man lang maisip kung nakakahinga pa ba yun anak o sagad na sa trabaho makagawa lang ng pera..bakit kaya may mga magulang na di makaintindi ng kaliwa't kanang paliwanag instead iisipan pang walang concern ang anak. naaawa ako sa kaibigan ko dahil naiintindhan ko yung sitwasyon nya & i am somewhat thankful na eto ako at walang ganung kabigat na problema. kaya alam ko na wala akong karapatang maginarte ng dahil lang sa bored ako sa buhay ko eh magkakakatak na ko ng walang saysay.

bukod sa magulang meron pang EXsenadora sa buhay ng kaibigan ko. hindi na nga magawang pagaanin ang buhay ng kaibigan ko eto pa at dumadagdag (financially and emotionally). hay friend, wish ko maging si Darna ka kahit sa 1 araw lang para lang maramdaman mo naman ang extra energy at kayanin mo lahat ng iniintindi mo. nalulunkot ako na may mga bagay na di naiintindihan ng ibang tao sayo (kasama ako kung minsan) pero kung masasabi mo lang sana lahat ng nasa loob mo ramdam kong mas mabigat pa mundo ang dinadala mo at isa kang wondergay my friend (hehe) dahil magisa mong dinadala yun bagahe mo...try mo kaya minsan tablahin naman sila at magsabit ka ng sign sa katawan mo....TAO AKO! TAOOOOO!...

may isang kaibigan din ako na kahit di ko nakakausap nakakabalita ako ng bagay-bagay tunkol sa buhay nya, gusto ko man syang kaawaan at sapukin ang EX nya sa pagtrato sa anak nya pero ano magagawa ko kung sya nga mismo hindi gumagawa ng hakbang para umangat sya at di maburo sa buhay na "ako raw" ang nagbigay sa kanya...oh well!

isa ko pang kaibigan, nagtyatyaga sa pagod sa byahe para....teka friend para saan nga ba pagtitiis mo? hehehe..bilib din ako sa taong toh pero pag nasa emotera mode sya at medyo nandun sya sa eksenang may sarili syang paliwanag kasi gusto nya idepensa ang mga taong close sa kanya ayoko na makipagbalitaktakan kasi ala kami patutunguhan. ala nmn toh panahon sa debate eh. hahaha. alam ko marami rin daing sa buhay tong kaibigan kong toh pero dinadaan nya sa pagtawa ang mga bagay. ni hindi nga ata makapagdesisyon kung magaasawa na o hindi pa kasi andami pang iniintindi. anhirap maging panganay..buti na lang bunso ako hak hak

at isang kaibigan ko pa na alam kong marami ring problema pero dinadaan sa pagiging fabulosa kaya di mo pansin kung ano na ba lagay nya..magulat ka na lang nagcollapse na rin sya, haha

ayan bigla ko tuloy naisip mga kaibigan kong andito sa planetang kinasasadlakan ko. sa dami ng problema nila (salamat kay God di ko dinaranas) naisip ko talaga wag na ko maginarte sa pagkaburyong ko, sa pagkainip ko sa opisina, sa kawalan ko ng magawa sa bahay. aangal pa ba ko na sa loob ng 25 days na trabaho e siguro 10 days lng yun talagang busy ako pero kumikita ako ng higit pa sa inaasahan ko? aangal pa ba ko na wala akong magawa sa bahay eh buti nga ako may yayang kasama sa bahay kaya pagdating ko meron ng luto at ipaghahain na lang ako samantalang yun mga kaibigan ko pagod na sa byahe pero kelangan pa nilang magluto pagdating sa bahay. kahit na pagod na pagod na pero kelangan pa nilang asikasuhin ang mga kasama nila sa bahay hindi dahil obligasyon nila kundi dahil sa pakikisama.

hay kaya pag naiinip ako naiisip ko na lang, swerte pa rin ako dahil problema ko lang kawalan ng magawa sa office pero hindi ang kawalan ng trabaho mismo. naiisip ko na lang na swerte pa rin ako kasi may family ako na andyan at aaliwin ako pag medyo nalulunkot ako..at alam nyo bang ang mga kaibigan kong mas may mabigat na problema sakin kadalasan sila pa yung nagpapasaya sakin to think na mas malunkot ang dinadaanan nila, hehehe

o i love my friends na..grabe! hak hakhak

eto ay bunga ng pagkainip ko lamang..fyi, habang hinuhulog ko ang mga bagay na yan mula sa utak ko, sinisitsitan ko rin ang anak ko at the same time dahil nagpapasaway sa lamesa. hmf!

Day 12A: Araw ng mga Patay!

ngayon ay ang official ALL SOULS DAY o kung tawagin nating mga Pinoy ay ARAW NG MGA PATAY! at sa totoo lang parang pinangatawanan ng araw ko ang pagcecelebrate ng araw na ito. TODAY IS LITERALLY A DEAD DAY! AMBORINGGGGGGGGGGGGGGG!

nananakit na ulo ko kakaisip kung ano ang pwede gawin sa maghapon! actually, 4 hours na akong nasa ofis at siguro out of that eh mga 15 minutes pa lang ako tumayo mula sa kinauupuan ko. ansaklap di ba?! WALANG MAGAWA! at eto pa, wala na nga ako magawa feeling ko pa ampanget panget ko kasi BAD HAIR DAY ako! Kalain mo yun?!

sabagay twing Sunday naman slow talaga ang trabaho kasi sarado ang Geneva office namin pero minsan naman may nagagawa ako. eto pa hirap ngayon sa sitwasyon ko at dahil may internet na ko sa bahay (wuhooo!) halos araw-araw na ko nakakacheck ng mga paborito kong website (lahat ng nakalista sa BLOGROLL ko) kung kaya nabibisita ko na sila araw-araw at dahil ganun nga ang pangyayari hindi na tuloy tulad ng dati na may nagagawa ako pag Sunday. ngayon kinakailangan ko ng magpatumbling-tumbling sa blogosperya para lang makatagpo ng pagkakaabalahan..

(COMMERCIAL..SA WAKAS INABALA DIN AKO NG AKING BANKERA)

ayan tapos na ang pang-aabala..sa mga panahong ganito ko gustong magpaistorbo sa kahit kanino. ayoko kasi ng muka akong engot na nakatitig sa monitor ko. mananakit lang mata ko kakabasa at pag minalas-malas pa susumpungin ako ng gutom, hmf! may report akong sina-submit kada Sunday pero dahil ang mga bankers ko ay dumaranas na naman ata ng katamaran kaya ayun hanggang ngayon hindi nila sina-submit sakin ang updated report nila ng maconsolidate ko na. at dahil nga delay sila so delay din ang trabaho ko..ayus di ba? pero kung hindi nila ko padadalhan ng report bago mag-6pm abay' tabla tabla magsa-submit ako ng report ko, hek hek hek! wag silang aangal di ko inintay update nila kasi maghapon akong nagiintay noh!

nakuu nagugutom na talaga ko. asan na kaya yun carbonarang inorder ko..ginagawa pa lang yata ang pasta?! hmf talaga...

ooops, eto na pala..dumating order ko..kakain na ko at nagkaron din ako sa wakas ng pagkakaabalahan. pagkatapos kong kumain maggagawa ako ng spreadsheet ng DOB at Domicile Address ng mga client ng isang banker ko..di sya urgent pero dahil wala ako magawa pwes eto na lang ang gagawin ko hehehe...

Day 11: Buhay OFW (carbon copy at edited)

nakatangap lang ako ng kopya ng email na to..natuwa ako at naisipan kong gumawa ng Dubai version, hek hek

MALING AKALA

A fellow OFW named "Maeng Ni" originally posted this. Inedit ko lang sya to be more applicable to Dubayyans since nasa Dubai ako :) But most of the contents are from Maeng Ni.

Akala ng mga tao sa Pilipinas na kapag nasa abroad ka marami ka ng pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili ng gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card kasi naubos na ang cash dahil pinadala na sa Pinas. Pag hindi ka kasi nagpadala iisipin nila nakalimutan mo na sila. 

Akala nila marami ka ng pera kasi bwan-bwan libo-libo ang pinapadala mo walang palya, at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhan ka ng iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista sa malapit na kakilala.

Pag may okasyon sa Pinas - birthday, fiesta, anniversay, Pasko, New Year, at iba pa padala ka kaagad ng panghanda. Ang sarap ng kainan nila. Di nila alam ikaw ay nagtyatyaga sa budget meal, cheese bread, shawarma, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku! Di nila alam nakakapag-KFC ka lang o Mc Do sa abroad kapag may extrang pera ka at ang makatikim ng tuyo galing ng Pinas ay heaven na!

Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani. Naku mas masarap pa yong nasa Pinas na sa katas ng bagong bayani ay syang umaani! Utang sa abroad lalong dumarami!

Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi Dirhams na ang sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pag pinalit mo ng peso, pero Dirhams din ang gagastusin mo. Ibig sabihin ang Dirhams mong kinita, sa presyong Dirhams mo rin gagastusin. Ang PhP15.00 na sardinas sa Pilipinas, AED3.00 sa Dubai. Alangan naman puro fast food ang kakainin mo. Aba, mamamatay ka sa high blood o hepa nyan kasi naguumapaw sa mantika! Kaya pag naubusan ka ng pera, no choice ka! You have to take a risk.

Akala nila masarap ang buhay ng OFW dito  kasi nakatira sa Flat (o condo sa pinagandang termino). Hindi nila alam na daig pa ang sardinas sa pagsisisiksikan ng mga Kabayan dito sa Dubai sa kagustuhan lang may matipid. Di nila alam habang prente silang nakahiga sa malalambot nilang kama sa Pinas, ang mga kamag-anak nila dito sa Dubai ay halos matulog na sa sahig para lang makamura.

Akala nila buhay milyonarya ka na kasi napakaganda ng bahay at kotse mo sa Pinas. Nagpa-lypo ka kay Calayan at nagparetoke ka kay Belo. Ang totoo, nagloan ka lang sa HSBC, Citibank, ABN Amro o Standard Chartered Bank na huhulugan mo sa loob ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng mga luho mo at ng bansang ito. Kasi nga magloan ka ba naman dahil sa luho!

Akala nila masarap sa abroad. Di nila alam di ka nga makauwi kasi round trip ticket kina-cash mo pa para lang maipadala lang at ibayad sa utang. Magdadahilan ka pang di ka pinayagan magleave para lang di na magisip ang pamilya mo sa Pinas na naghihirap ka na talaga sa abroad.

Akala nila masarap sa abroad kasi paguwi mo mestisa ka, maputi at mamula-mula ang balat mo. Di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay dahil no choice ka. Mga kapitbahay mo di mo kakilala. Walang pakialaman at kung lalabas ka sunod ang balat mo sa sobrang init ng araw. At isa pa magastos lumabas lalo na pag napadpad ka sa Mall.

Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, bumili ka ng sasakyan para gawing pang-carlift (o service) para madagdagan pa yung kinikita mo. At kung wala kang sariling sasakyan, makikipagsiksikan o makikipagunahan ka sa bus na puno ng indyano at pakistano. paglabas mo ng bus, amoy putok ka na rin! Walang jeepney, tricycle o padyak sa Dubai. Wala nga rin MRT dito e, may ginagawang Metro pero di ko alam kung makakatulong nga ba yun sa mga maliliit na tulad ko. May mga taxi naman pero ginto ang presyo tapos mahihilo ka pa sa amoy ng mga driver dito!

Akala nila masarap ang buhay sa abroad. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka nagtrabaho, terminated ka, gagawan ka pa ng kwento ng kapwa mo Filipino. Hindi ka pwedeng basta tumambay sa kapitbahay kasi nga di naman kayo magkakilala haha, kung kakilala mo naman at kasama mo ang syota mo sa pagtambay, pag minalas-malas na natyempuhan kayo ng CID tapos wala kayong legal na papel na maipapakita, makukulong pa kayo! Pero marami pa ring matatalinong matsing ang nakakalusot. Nagpagawa ng fake na papel para kunwari kasal sila.

Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo na background ang Burj Al Arab, Mall of the Emirates, Ibn Batuta, Atlantis, Wild Wadi at iba pang attractions. Ang totoo kailangan mo ngumiti ng pang-friendster na smile kasi minsan ka lang makakapicture sa mga sosyal na places na yan. 

Akala nila tatay, nanay, ate, kuya, anak, pamankin, at iba pa na namumulot ka lang ng pera sa abroad. Kada may problema text kaagad. Kumusta sa una tas bandang huli kailangan ng pera. Hay naku! Nakakaallergic na ang text sa roaming - puro gastos! At minsan padala ka pa ng load! Load mo nga, utang pa sa Pana (o indianong tindero sa supermarket sa baba ng bldg nyo). Bakit ba nauso pa yan! Pag di ka replyk, aawayin ka pa!

Akala nila pag may picture kayo sa bar o nagiinuman o nagpipicnic, masarap ang buhay sa abroad. Hindi nila alam ilang lang yun sa napakakonting pagkakataon na nagkakaron kayo ng get together kasi napahaba ang holiday na binigay ng government.

Akala nila ganun kadali maginom dito sa Dubai hindi nila alam dinadayo pa sa Umm Al Qwain o Ajman (ang mga lugar na may legal na tindahan ng alak) para lang makatikim ng alkohol ang katawan. Ang Umm Al Qwain ay 2 oras na byahe mula sa Dubai Proper at ang Ajman ay nasa 1 1/2. ganun kadesperado ang mga tao sa Dubai na makainom ng alak! Minsan merong mga kabayan na nagbebenta ng ilegal kaya naman pag namimili ka akala mo'y drugs ang binebenta sayo kasi nga patago nila yun iaabot sayo..hay!

Akala nila palibhasa may boyfriend ng ibang lahi ang mga Pinay dito sa Dubai, mapera na sila. Hindi nila alam ilan sa kanila (bukod dun sa mga nagsasabing inlove talaga sila) tinitiis ang amoy ng Arabo  o Indyano (yun iba nga Pakistani pa!) nilang syota para lang makalibre ng pakonti-konti at kung galante ang napatulan nila mabibigyan pa sila ng extra cash. Di nila alam na kapalit ng konting ginhawang nabibigay ng mga ibang lahi na yan, kapalit naman ang buong pagkatao ni Kabayan..hay! Pag minalas pa, mabubuntis at pagkatapos ang mga nasa Pinas may gana pang manghusga! Kumusta naman yun?

Madaming naghahangad na makarating sa abroad. Lalo na mga nurses, medsec o teachers. At eto pa, pati cleaners mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho, pagdating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa, lalo na sa Dubai, wala kang outlet ng stress mo lalo at kung isang DH ka.

Hindi ibig sabihin Dirhams, Dollars, Yen, Euro o Pound ang sahod mo, yayaman ka na! Kailangan mo rin magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinag-silangan at malunkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito sa abroad o pinipitas o iniigib. Hindi ako naninira ng pangarap.  Gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Mahirap mangibang bayan. Sino ba ang may kasalanan na iwan ang sariling bayan? Maninilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan. Hangga't may pinay DH  na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapagiiwanan.

Kaya Juan, magiwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!

Day 10: Bad Days Are Yet To Come?!

BAD TRIP AKO!

Yan lang ang mga salitang pwedeng magdescribe sa pakiramdam ko ngayon. Nababadtrip ako kasi masakit ang ulo ko. Binigyan ako ng Tylenol ng officemate ko which I gladly accept pero hindi ko naman ininom. Wala lang although naniniwala ako sa sinabi nyang pwede yun sa buntis, ayoko pa rin sya inumin!


Pagkagising ko kaninang umaga, OK naman ako. kinukulit ko pa nga asawa ko na himbing pang natutulog. buti na lang di nya ko nasigawan ng maaga-aga, hehe. Pagsakay ko ng sasakyan as usual pinikit ko na ang mga mata ko alam ko namang walang kamatayang traffic lang naman ang makikita ko sa daan! kaso naman kamalas-malasan, paggising ko masakit ang ulo ko! Leche! Sa lahat pa naman ng ayoko yun sumasakit ang ulo o ngipin ko. UNBEARABLE! so pagdating ko ng opisina at pagbati ko ng GOOD MORNING sa mga officemate ko, naupo na ko sa aking chair at nanghihinang binuksan ang PC ko. kinumusta naman ako ng mga kasama ko na sinagot ko ng "I AM OK" pero siguro gawa ng kagigising ng utak ko at masakit nga ang ulo ko hindi tuloy naipagkailang hindi ako OK! ayun ang aming ever-girl scout na officemate binigyan ako ng Tylenol!


heniweyz, matapos naman ang ilang oras medyo ok-ok na ko. kaso mo nagpatawag naman ng staff meeting ang boss namin at sa kinamalas-malasang pagkakataon ulit ako ay nasermunan tunkol sa isang bagay na di naman ako ang may kasalanan..fuck!


ganito kasi yun isa sa mga bankera ko dito ang di agad nagrespond sa email ng aming head office. lam kong nasa office pa sya nung Thursday  ng dumating ang email na yun..kasalanan ko bang motto ata sa buhay ng bankera ko na yun ay "PROCRASTINATION IS THE BEST POLICY"..ha? ha? ha? sagutin nyo ko! babanatan pa ko ng amo ko na "i know you are pregnant but you are sitting  in the office the whole day and it is your job to advise your banker..blah blah blah"..ahh ok fine so kasalanan ko pala!! nakakainis lang na pati yun pregnancy ko e idamay e di ko naman kasalanan yun!


look, para kampihan nyo ko (as if may bumabasa nito) ganito kasi ang storya nyan:


about 3pm - nagpadala ang head office ng email tunkol sa isang client


(ayon sa aming COO) matapos ang email..tumatawag DAW ang taga head office para mag-follow up tunkol sa nasabing email. hanggang mag-past 5pm na di pa rin DAW makontak ng taga head office ang aking bankera..now i wonder e bat di ako ang kinausap. madalas naman pag unreachable yung banker ko ako ang kinakausap nila..hmf!


so umabot na ng past 6pm syempre naguwian na kaming lahat so tinawagan na lang daw sa mobile si bankera ko para mafinalize ang lintek na issue..sabi ko kapag di naman makontak si bankera, kadalasan pinapatawag ko sa mobile ehh kaso lang ayun kasalanan ko pala ang pangyayari....now the onus is on me??! what the fuck?!! how could that be?!


just to let you know, 5:39pm ang time out ng bankera ko which means from the time the email was sent hangang yung time daw na nagpa-follow up si taga head office sa amin through phone ay andito pa sa opisina ang aking magaling na bankera! so, siguro yung ang dahilan kung bakit hindi na ako kinailangan kontakin pa ng taga head office na yun! ehhh  pero kung bakit hindi sya nagrespond o hindi nya pinansin ang email ay hindi ko na yata problema, hindi ba?


nakakainis nito ako ang nangapagalitan at parang walang ginagawa! grrrrrrrrrrrr...kasalanan ko bang tamad yun bankera ko!? eh kahit nga aantok-antok ako o kaya nabibigatan ako sa katawan ko eh pilit pa rin akong nagpapaka-smiling face sa kanila...para na nga akong smiley eh! gusto pa ata magcollapse ako para mapatunayang hindi naman ako FIT to work today!


matapos ang meeting kinausap ako ng department head namin na uber-bait at sinabi nya saking kakausapin nya ang amo namin tunkol sa situation kanina. sabi ko ayoko magmukang engot yun bankera ko sa harap ng lahat kaya kineri ko na lang na ako ang sermunan pero hindi ko yun kasalanan!!!! at pinaliwanag ko kay DH ang sequence of event plus the confirmation from our receptionist na 5:39pm ang out ni bankera so ibig sabihin andito sya ng panahong nagpa-follow up ang head office!!


ay naku ha imbyerna yang bankerang yan, paramis! pero kasalanan ko rin di kasi ako nakipag-argue kanina sa meeting pero pano naman ako makikipag-argue sa boss ko eh nung bandang simula ng meeting, nakipag argue yun isa kong officemate, nangasigawan sya sa amo, haha. so tiklop na lang muna ako at ayoko ng gera o termination (at the worst).


at eto pa, isa pa sa mga bankero ko naman ang nakakapagpainit ng ulo ko sa kadahilanang meron ata syang PMS dahil sobrang sungit sya. may pina-follow up akong issue sa kanya at sagutin ba naman ako ng "bat ngayon mo lang ako tinatanong tunkol dyan" errr, hello follow up na nga ito eh ibig sabihin nasabi na sa kanya before noh! ohmygawd talaga! ang problema sa mga lintek na ito, they are dumping the information as soon as they receive it! ampucha naman ang laki laki ng mga sahod nila tapos di man lang nila pagtrabahuhan..tsk!! eh palit kaya kami ng sahod? heheheh


kaya iinis talaga ko...grrrrr!!!!!!! tapos ngayong hapon mabait na sya. hindi ko alam kung anong problema ng mga tao ngayon at bakit parang trip nila maggalit-galitan! bakit kamo? e ngayong hapon para silang mga anghel na namang kausap! di na masusungit at nakikipagbiruan na, hmf!


pero ako? galit pa rin ako! lechugas kayo...grrrrrrrrrrrrrr!

Day 9: Bad Trip

Naranasan mo na bang pigilin ang pagkainis? Yun alam mong naiinis ka pero di mo mailabas kasi nga ayaw mo naman may masabi sayo? So naranasan mo na bang mainis kasi di mo mailabas yun pagkainis mo? haha.


Eh kaming mga buntis, pano namin maipapaliwanag sa mga tao sa paligid namin na bukod sa obvious na pagkabundat namin eh BUNTIS kami? Mahirap bang intindihin na medyo mabagal kami magkikilos ngayon kasi nga BUNTIS kami? masyado kami sensitive ngayon kasi nga BUNTIS kami? na hindi naman kami nagtatamad-tamaran kumilos kaya nga lang eh BUNTIS kami kaya mabigat ang katawan namin (ok, ako tamad talaga kahit hindi buntis)? eh mahirap bang intindihin na BUNTIS kami?


Hindi ba nila alam na napakahirap magpigil ng hininga sa tuwing maaamoy ng buntis ang usok ng sigarilyo nila? Na sadyang matalas ang pang-amoy namin na kaya kahit anong bagay na ginagamitan ng mantika at kawali ay kinakasuka namin? na bawat pabango na winiwisik nila sa katawan nila ay isang parusa sa amin? e di lalo naman ang kabahuan nila ay di namin makekeri! Sa tingin nyo ba gustong-gusto namin nagsusuka at nahihilo sa maghapon? Gusto ba namin yun maranasan ang backpain sa kakahiga pero anong gagawin namin kung sadyang bumabagsak ang katawan namin! Aba, eh kung kayo kaya magbuntis at saka nyo sabihin samin na maselan kami?!


Hindi ba nila alam na napakahirap para saming mga buntis ang gumising ng maaga at gumawa ng tulog sa gabi? Ito ay sa kadahilanang hindi namin alam kung panong pwesto ang gagawin namin sa sarili namin kaya kahit pagyakap sa katabi namin ay di na namin magawa? (waaa, kawawa naman dhae and chloe ko). Kaya di ba dapat magpasalamat pa nga sila na kahit BUNTIS eh pumapasok sa opisina at sila ay tinutulungan? (err, di naman ako galit sa ofis ko ng lagay na toh, hehe)


Napakahirap kaya sa isang buntis ang magpanggap na masaya ka kung drain na drain naman ang energy mo! Tulad kahapon, pakiramdam ko isa akong lowbat na celfone na maya-maya lang ay tutunog na ang warning alarm. Nung nakaraang Sunday, nagpacheck up ako kay Dr. Ulrich "pogi" Honeymeyer (kay pogeh ai!) para sa Down Syndrome Testing ng aking bebe. Ang appointment ko ay 10:30, awa naman ni batman, naharap ako ni Dr. Pogi ganap na 12pm! o di ba at kay sarap manakit ng gwapong doctor? Matapos ang 30 minutes na scanning here, there and everywhere ay kinailangan ko pang pumila muli sa laboratory for blood testing. bukod pa dyan, hiningan pa ako ng urine sample ng dalawang beses. buti na lang at ihiin ako kasi nga BUNTIS ako e kung hindi san ko naman pipigain sa katawan ko ang maya't mayang paghingi nila ng ihi ko?!


Matapos ang napakahabang proseso ng Down Syndrome Testing na ito, natapos din kami sa wakas at mahal ko talaga ang aking habibi ng araw na iyon dahil sinamahan nya ko sa buong maghapon, hek hek. TRIVIA: DI LANG KING OF ACTION MOVIES SI 'FPJ' , ISA RIN SYANG KING OF MGA INIPERO, MAN OF ACTION DAW KASI SYA. so isang himala ang di ko sya maringgan ng pag-angal ng araw na iyon at dadagdag lang sya sa aking stress, although nakasimangot sya from time to time pero ok na rin yun kesa umangal pa sya, hehe.


at matapos nga ang mahabang proseso, naisipan namin mag-asawa na dumiretso na lang sa Sharaf DG para mamili ng laptop ng aking mother-in-law tutal past 1pm na at useless na kung papasok pa ko sa opisina. habang nasa Sharaf DG kami at nagtitingin ako ng U900 kong pinapangarap, isang pagkahilo ang aking naramdaman, nagdilim ang aking paningin kung kaya't inalalayan ako ng aking asawang butihin sa upuan kung saan ako ay nagpahinga habang pawis na pawis sa loob ng Sharaf na fully airconditioned, hehe. wag nyo na itanong bakit muntikan ako magcollapse, siguro kasi BUNTIS ako! haha


matapos namin mananghalian sa China Times, nagdesisyon na kaming umuwi dahil babagsak na talaga ang mga mata ko sa antok..pagkarating nga ng bahay ako ay isang plakdang buntis! kinagabihan hirap na hirap akong gumawa ng tulog na konting kaluskos ay aking kinakagising kung kaya't pagsapit ng kinabukasan para akong ZOMBIE sa buong maghapon...grrrrr!!


ngayon sa mga nagaakalang kumakarir lang kaming mga buntis at nanamantala sa sitwasyon namin ngayon, bakit kaya di tayo magpalit ng role at kami ang pumansin sa inyo at kayo ang buntis..hehehe..tignan natin ang powers nyo!









 
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting