Showing posts with label kaetchosan lang. Show all posts
Showing posts with label kaetchosan lang. Show all posts

Day 66: Homesick

madalas pag nakikinig ako ng music. nagkakaron ako ng last song syndrome chuva. at pag nangyari na yang syndrome na yan, walang ibang emosyon akong nararamdaman kung hindi pagkairita sa sarili ko kasi naman kahit yun kantang Voulez Vous  nung sinaunang panahon pa ay di nawawaglit sa isip ko. as in pinapatulan ng vocal chords ko!! namf!

kahit nga nung minsang manood ako ng Batang Bibbo kinakanta ni Roxanne at ng mga batang puppet yun "ulo, abaga, hawak, dapi-dapi, tuhod, pitil" (sa tono ng paa, tuhod, balikat ulo but in hiligaynon version) ng paulit ulit hanggang sa masaulo ko na tuloy! awa ni batman, ayun kinakanta ko na sya kay Gelo ngayon at aliw na aliw naman ang bunso ko. i dunno if its because he likes the song o kasi mukang minggoy ang nanay nya habang kumakanta ng kantang pang-alien ata..nyahahah

pero nung nakaraang araw...may mga kantang tugtog sa player ang asawa ko..i can't help but to feel 'homesick'. i know i am with my family but then miss ko rin ang family ko sa pinas. si jeje at si breanna, sila lola at mga tyahing maiingay at mga pinsang ubod ng kukulit!!!! hehe..at syempre miss ko na rin si shoana, psn at bujoy na nasa canada :(

kung kayo makarinig ng mga awiting ganito..ano mararamdaman nyo???





wag na isama pa dyan ang mga mas nakakalungkot pang Xmas song..hehehe!!! ohmygawd talaga! 8 xmas na akong wala sa Pinas....miss ko na ang Pinas kung Xmas...hihihihi!!!! but i know that compared to others swerte pa rin ako kasi i am with my family here in Dubai... so for that..I AM SO THANKFUL..........
MERRY XMAS EVERYONE!!!!!!  :)

Day 61: Buhay OFW

Nakailang post na ata ako ng about BUHAY OFW. Isang forwarded at isang sariling gawa ko. I read Joyo’s blog and gave me an idea na gumawa ulit. Pero this time, on a lighter side. You know? (manny pacquiao?? Hehe)

Ilang blogs na ba nadaanan ko at ilang milyong tao (ows)  na ang nagsabi ng mga ganitong linya:

HINDI MADALI ANG BUHAY SA ABROAD.

HINDI PINUPULOT ANG PERA DITO (ABROAD).

KINAKAILANGAN KO MAGKUDKUD NG KUBETA AT MAGHUGAS NG PWET NG IBANG TAO PARA KUMITA NG DOLYAR NA IPAPADALA SA INYO.

ILANG GABI O PASKO ANG PINAGTITIISAN KO DITO, KAPALIT NG MASAYANG PASKO NYO.

MALUNGKOT SA ABROAD, KUNG DI LANG SA KINIKITA, UUWI NA KO.

At syempre napakarami pang iba. Lahat naman yan totoo. Lahat yan talagang darating ang point na gugustuhin mong isulat sa noo ng pamilya o kamag-anak mong walang ginawa kung hindi manghingi ng sustento sayo.

Dito sa Dubai, maraming professionals back home pero pinili mag-work sa sales para lang kumita kahit papano. Dahil kung isusugal nilang maghanap ng trabahong naaangkop sa “diploma” nila, aabutin sila ng dekada at susugal ng milyon bago makapwesto ng maayos-ayos dito. Sa abroad, swerte ang mga taong pagdating palang maganda na ang pwesto, pero dito...karamihan dumaan sa silong ng hagdan bago naka-step 1 at bago pa unti-unting makagapang paakyat sa gustong puntahan. May mga napariwara na nga....nakalimot sa kung anong dahilan kung bakit ba sila andito sa abroad.

May mga taong umiyak muna ng ilang galong luha dahil sa pagkukudkud ng kubeta bago pa tumaas ang pwesto at mabigyan ng sariling computer (pang Facebook nya! Hehe).  Pero nakakatuwa para sakin na makita o malaman na yunn ilang kakilala kong adik tambay  sa bayan namin ay andito na rin sa Dubai at nagtatrabaho ng mahusay. Pero yung iba, bumyahe ng milya-milya, gumastos ng ilang libo..yun pala tatambay lang din dito..tskk.tskk.!

Pero eto na ang tanong..sa tingin nyo ba, kung sasabihin natin ang mga katagang yan sa pamilya, kamag-anak, boyfriend/girlfriend o kahit na kanino pang poncio pilato na nasa pinas, maniniwala sila kung ang makikita nilang mga litrato ay ganito:

(PAALALA: WALA AKONG PAHINTULOT SA PAGKUHA NG PICTURES NYO. PERO MAGDEMANDA NA KAYO SA BALIDIYA...WAKOKER! HAHAHAHA...)
[gallery columns="5"]








At sa pagtuloy na paglaki ng belt bag, body bag at pati na rin back pack natin dito, maniniwala ba talaga silang naghihirap tayo?? Sa pagkalaki-laking SMILE na nakabalandra sa pictures mo sa mga mall trips, picnics (lalo na sa beach?!) or sa mga simpleng get together..sa tingin mo talaga maniniwala silang nalulungkot tayo?? Hehe. Seriously, sa dalas ng hagalpakan natin sa pictures, mga eksenang japan-japan....maiisip ba nilang YOU ARE ONE SAD OFW??? Hindi rin siguro!!!!  Malamang titignan nila ang mga suot natin at magrerequest na baka pwede sila rin may ganun! Haahahahah. Di nila alam halos makipagpatayan ka para lang makabili ng havaianas mo! LOLS. Di nila alam na parusang magintay ng 2 yrs para lang malibre ang ticket mo pauwi at makapagbakasyon tapos biglang sasabihin lang sayo..SORRY FULLY BOOKED! Nampotah!

Pero wala silang papaniwalaan kundi kung ano nakikita nila. Di nila talaga papaniwalaan na pagkatapos magclick ang camera na yan at nagpaalaman na tayo sa isa’t isa, kanya kanyang buhay ofw na naman tayo. Matapos ang flash ng camera at mga 30minutes na tawanan, bumabalik tayo sa sad face kasi bumabalik na ang problema! Kung alam lang nila..heheh

Eto pa, sino naman talaga maniniwala na nahihirapan ka sa buhay at work mo dito....ehhh madalas updated ang Twitter, Plurk, Facebook at Friendster mo. Ang mga quizzes lahat na lang pinatulan mo. Ang mga games Farm Town, Farm Ville, Sorority Life, Cafe World, Pet Society at kung ano ano pa, ay meron ka! So sa tingin mo ba talaga maiisip nilang subsob ka sa trabaho para kumita ng pera pangpadala sa kanila?? Hahahahaha...di nila alam na kahit masakit sikmurain ang amoy at ugali ng mga tao sa paligid mo..nageenjoy ka na lang sa Facebook para mawala ang pagkabwisit mo.

Hayyyyy...Parang eksena lang talaga yan sa buhay ko. Kahit ilang daan beses ko sabihin na WALA AKONG PERA. NAGHIHIRAP AKO. PAUTANGIN NYO NAMAN AKO. Iisa lang ang sinasagot ng mga hinayupak pero loving barkada ko...TOL, WALA SA ITSURA MO.  Fuck that! Nyahahahahh

Kahit sa mga kapatid ko..feeling ko pag nageemote ako..di sila naniniwala. Di ko alam kung alam nilang sinungaling ako o talagang ayaw lang nilang paniwalaan ang mga sinasabi ko. Hahahaha..

Mahaba  na naman entry ko. Ang daldal ko talaga!! AYENG DALDAL! Hahahah...

Eto na lang parting words ko: HINDI NYO BA ALAM NA MAS MADALAS KAMING MAGKAKACHAT LANG KAHIT NA PARE-PAREHO KAMING NASA DUBAI??? NA SA BUDDY POKE LANG TALAGA KAMI NAKAKAPAG-BONDING AT HINDI SA TUNAY NA BUHAY? INIINTAY KO NA NGA LANG NA MAKAHARAP SILA AT KULAY YELLOW NA PARANG YAHOO SMILEYS NA...NYAHAHAHA...WELL, AS FOR THE SIZE, NA-ATTAIN NA NAMIN UN..LAHAT KAMI BILUGAN NA! HAHAHAHAHAH

Day 60: Banyo Queen

94088b8a825e8c92Mashado akong nabibigatan sa dibdib ko mga balita nitong nakaraang araw...to lighten up a little bit eto na lang may kwento akong walang kwenta...

Everyday 6:30am kami umaalis ng Sharjah. Dumarating kami ng Dubai around 7am lang. Since 8am pa ang pasok ko at ang may hawak ng susi ay dumarating ng around 7:30 or 7:45, tumatambay muna ako sa banyo..at lately, naisipan kong idaan sa tulog ang paghihintay ng oras..hahaha!!! Ginagawa kong tulugan ang isa sa mga cubicle. In fairness naman sa banyo ng bldg namin, malinis sya at may spray na nagpapabango every 15mins.  Yeah, sa dalas ng tambay ko dun naorasan ko na sya. Pag nga nagwisik yun..as in....WWWWWWWWIIIIISHHHHIIIIKKKK! rinig ‘gang labas at lumayo ka sa kanya kasi maliligo ka ng pabangong pangbanyo pag nagkataon hehe. At pag naka 3 wisik na sya ibig sabihin it is time for me to go na. Bukas na ang office nun for sure! Ganda ng indicator ko noh?

Eto ka na. Kaninang umaga as usual 7am ako dumating. I checked our office, sarado pa! So punta ako sa ‘tulugan’ ko..lols.  Ayoko sana matulog but then ala ako gagawin kung hindi tutunganga for the next 30-45 minutes..So, OK pumwesto ako at buti na lang talentada talaga ko pagdating sa pagtulog. Nakaidlip naman ako. Pero nagigising ako whenever nagwiwisik ang mahiwagang spray sa banyo. Nung nakaka-dalawang spray na, I knew na malapit na ang oras para sa pagpasok ko.

Sos, eto na. Pangatlong wisik na pero parang napasarap naman ang tambay ko sa banyo. Hindi agad ako nag-ayos. Hanggang marinig ko ang pang-apat na pagwisik..huwaaaaaaaaaa...mag-8am na! Hahahaha...namfota talaga ko! Akalain nyo, ang aga ko na nga dumating sa office tapos male-late pa ko ng time in? Nyahahahah..natawa talaga ko sa pangyayaring to, oo!

MORAL LESSON: WAG UGALIIN ANG PAGTULOG SA BANYO, IKAKA-TERMINATE MO ITO!

Day 51: A fact of life

My day began with nerve racking news.  Now, to get rid of this pressing issue in my head…which is actually a fact of life...I decided to just write in my blog..waste my precious time thinking of what  ‘kalokohans’ I have done recently that I can share to everybody….again, I know there are only about 5 people who read my blog….but who cares?! Who the hell cares?

The class started already in some school, at least. Chloe’s school will start next week. He still has few more days to jump around the house. This morning I saw some kids dressed in uniforms waiting for their school bus. The little Indian boys look so cute in their neatly tucked uniform with their trolley bag beside them and a lunch box on their hand. 

Seeing them actually made me sing…..

One little two, little three, little Indians

Four little five, little six, little Indians

Seven little eight, little nine, little Indians

Ten little Indian boys.



Ten little, nine little, eight little Indians

Seven little, six little, five little Indians

Four little, three little, two little Indians

One little Indian boy.



By the way, today is 09.09.09..sabi nila lucky daw…feeling ko naman hindi…hayyy!!! Ayan napa-English tuloy ako..boring tuloy post ko..pero pinaghirapan ko na yun English ko kaya ipopost ko na rin..lols..

Mag-enjoy na lang sa palabas...





Day 50: I hate Ate Vi!

as much as possible ayoko sana may TV sa bedroom. for me kasi ang bedroom is a place where you can rest..and TV is for living room ONLY. but i have to break that rule yesterday kasi si Madam Neneng (my nanny) ay laging nakakatulog sa sofa na bitbit si Gelo while watching TV. mga 100x ko na siguro nasabi na gumitna sa sofa at baka malaglag sila pag napasarap ng tulog but then parang di ata ako nauunawaan ng ishlayt..lol...so we've decided na i-fix na ang lumang tv sa aming bedroom para dun na lang sila tumambay ni Gelo at kahit makatulog ay for sure na nasa kama sila at di mahuhulog.

so nafix na nga si TV..eto ka na, naisipan ng habibi ko na i-test ang player at tv na sinet-up nya. sinalang yun old movie ni Ate Vi na ANAK...ayun awa ni Batman dis-oras ng gabi umiiyak ako sa palabas..bwahahahha!! nakailang ulit ko ng napanood yun movie na yun. namili pa nga ako ng DVD copy for my collection kasi gusto ko yun story. Kumusta naman yun, sa twing na lang papanoorin ko yung movie na yan e humahagulgol ako ng iyak...waaaaaaaa..kaya hate ko na si Ate Vi kasi lagi nya na lang ako pinapaiyak sa mga movies nya...ayoko na manood ng palabas ni Ate Vi...lols..boycott?! hahahaha

i can somewhat relate kasi. di naman dahil kasing-bad ako ni Carla (played by Claudine) but kasi DH si Mama nun sa Hong Kong at nakuuuu talagang kawawa naman mga katulong dun! nun nga nagbakasyon kami sa Hong Kong may tinuro si Mama samin na taga-kabilang bldg at nasa lower floor kaya tanaw namin yun kitchen. late na pero si kabayan kudkud pa rin ng kudkud ng kitchen, dun daw kasi natutulog yun filipina na yun..kawawa diba? alam kaya ng family nya sa Pinas na sa kusina sya natutulog...na dun sa malamig na tiles naglalatag si ate? tas ang pamilya sa pinas pag na-delay ang padala magiinarte pa, hmf! mga spoiled!

minsan nga nakakatuwang-nakakairita e. nung nasa pinas yun anak o asawa nila, nakakatiis sila sa kakarampot na kita. nung mag-abroad at nakapagpadala ng malaki saka pa aangal yun mga nasa pinas na short na daw yun budget nila. anakngpating oo! alam kaya ng mga nasa Pinas kung gano kahirap maging OFW? yun tipong gusto mo na ibitin patiwarik yun boss mo o katrabaho but pinipigilan mo sarili mo kasi iniisip mo yun pamilya mo sa pinas.   yun tipong gusto mo na mag-asawa pero medyo pinagiisipan mo pa kasi nga may mga nag-aaral ka pang kapatid o kaya may sakit si inay o si itay na kelangan ng sustento sa pagpapagamot.

hay ang mga matitino at martir na OFW..pwede mo na ipagpatayo ng monumento...tsk! pero dun sa mga nagloloko sa abroad, gudlak sa inyo! hehehe

eniweiz, kaya ayun kagabi imbes magtumbling ako sabay split..ayun singhot ako ng singhot kasi nga nagiiyak ako sa palabas...nagsisi tuloy yun habibi ko at kung bakit daw ba kasi naisalang pa si pesteng dvd...wahahahahah..

at eto pa ang abnormal kong habibi, iniintay yun part na sasabihin kay Vilma yung linyang AKALA MO LANG WALA...PERO MERON, MERON MERON! hahaha...sabi ko dun yun sa Bata, Bata Pano Ka Ginawa na movie...sagot naman ng habibi ko...Eh bat di na lang tayo kaya gumawa ng bata?? :lol::olrayt:

Day 48: Happyness


i am still unemployed pero masaya pa rin naman ako,hehe. the reason being is because i have my family with me. my husband who supports me kahit anong gawin kong tumbling sa buhay. may 2 kids na kahit yung isa e nuknukan ng kulit and yun isa naman ay super galing mamuyat, still they make me happy. just looking at my 3 boys (husband + 2 kids) makes me feel HAPPYNESS!


my husband and i always try our best na magkaron ng time for ourselves, no matter how busy we are, before we sleep, kailangan may kwentuhang magaganap. yeah right, mga malisyosong readers (errr, meron ba?), kwentuhan lang ang aking tinutukoy, hindin yun tipo ng 'time for ourselves' na iniisip nyo bwehehehe. although, pwede rin maganap yun syempre :p. bago kami matulog nagkukwentuhan muna kami ng mga bagay na naganap sa maghapon namin. we only stopped doing that nung magbuntis ako last July. kasi basta wala akong pagkakaabalahan sa bahay, natutulog ako. well, alam nyo na ang buntis. hayok sa tulog! haha. then of course after 9 months i delivered our baby, so busy naman kami sa aming newborn kaya wala pa ring time to make kwento...but now, we're back in business! and i am so happy that again nagchichikahan na naman kami ng mga pangyayari sa buhay naming dalawa.

last night was one of the best nights i have ever had siguro. oh teka, not because nagtumbling ako sa kama ha (haha). i am happy kasi for the longest time, napagusapan namin yun mga pangyayari sa married life namin that happened few years ago. from 2004 till present ang kwentuhan namin. actually, at first we were not talking about our marriage, nakikialam kami sa marriage ng may marriage (haha) then without realizing napaguusapan na pala namin yung samin. we talked about how and why he cheated on me 3 yrs ago, bakit ako naaddict sa chat when he was still in Pinas..he even asked if i really had a boyfriend online (LOL), how we almost separated and everything as in everything na hindi namin sinubukang pagusapan before. why? ayaw lang namin harapin, ker nyo ba? hehe..but sabi nga it is always better to talk about the storm, once the storm has passed. wag mo sabayan ang lakas ng ulan at hangin, moment ng bagyo yun, wag mo sya agawan ng eksena. hayaang humupa, matapos ang 'unos' then you talk about it. mas pleasant, mas magaan.

in any case, i am just blabbing here. wala lang, i am just happy that my husband and i again spent almost 2 hours talking..just talking about our family. the kids, our marriage, our life....kapag ganito ang tema, masarap mag asawa..hehe

sana ganito na lang lagi...HAPPYNESS!!!

Day 44: Marital Problem

natagpuan ko toh sa blog ng friend ko and nakakatuwa sya kaya ishe-share ko..hek hek



30di4o2_jpgjoke



may mai-advice ba kayo sa letter sender??? hahahahha

Day 38: Who wants to be a MILLIONAIRE?

kailan kaya ako mananalo dito?!more than 1 year na rin pala ako nagiinvest sa National Bonds pero maliit pa rin ang investment ko hehe. akshuli, napagkatuwaan ko lang bumili ng bond certificates kasi 10 dirhams each lang and minimum of 10 lang ang kailangang bilhin.

OK naman mag-invest sa Natl Bonds (NB) kasi not only you are saving your money but at the same time may chance kang manalo ng prizes from AED100 (PhP120) hanggang AED 1,000,000 (PhP12 million). mula nga ng maginvest ako sa NB 3x na rin ako nanalo ng prize. 3rd time ko kahapon hehe. alam nyo  ba magkano lagi napapanalunan ko? tumataginting na ONE HUNDRED DIRHAMS! hahahaha...
every 1st saturday ang draw ng NB and lagi ko pinagdadasal na sana manalo ako ng prize. pinagbibigyan naman ako kaso lang 100 dirhams lang hehehe. sabi ko sa sarili ko siguro kasi di ako specific magdasal kaya this time nagdasal ako ng specific talaga sabi ko "Lord sana manalo ako ng grand prize na 1mio dirhams"..kaso lang di yata ako narinig at again pinagbigyan ako sa 100 dirhams hahaha..well, ok na rin yun. pagtyatyagaan ko na lang na intayin ang time kung saan tatawagan ako ng NB at sasabihing "CONGRATULATIONS YOU ARE THE LATEST NATIONAL BONDS MILLIONAIRE"..haha..kung kailan yun ay di ko alam. basta aabangan ko na lang....

sa katunayan, pinaghahandaan ko na nga ang aking speech kung sakali manalo ako. kasi syempre may interview portion yun at may pictorial pa yun kasama ang NB staff at ang gigantic na cheke amounting to 1mio dirhams haha. kung bakit naman kasi ayaw pang dagdagan yun  ZERO sa napapanalunanan ko! kada may text ang NB sakin kinakakatitigan ko at baka mali lang ako ng nabasang prize ko hahahaha....hay..pero siguro sabi nga ni Lord, di ko naman daw kailangan ng 1 million ngayon, baka mas higit na kailangan ng mga nananalo kaya magintay lang daw ako at pumila..magkikita rin kami sa finals..hahahah

yaan nyo pag nanalo talaga ako ipopost ko dito ang bonggang-bonggang picture ko kasama ang uber-laking cheke ko hehehe..wait, baka sa sobrang preparation ko naiinis na sakin si Lord kaya di nya na ko papanalunin..hahaha...mashado daw ako seksayted eh!

Day 30: Boredom kills the charosera!

(warning: isang kilometrong entry ito..kung walang tyaga, wag na magsimula..hehe)


Tulad ng napakaraming araw na nagdaan wala na naman ako magawa kaya naisipan ko maglibot-libot sa internet.  Sa totoo lang ayoko ng ganito kasi nakakalaki ng pwet ang maghapong pag-upo. Aba’y buti sana kung magiging matambok tulad ng kay J-Lo eh ang kaso hindi..ito ay magiging isang malaking flat na pwet lang kasi nga for 8 hours nakaupo lang ako! hehe..Mamanasin pa ko ng lagay na toh e…pero sabi nga ng boss namin magpasalamat na lang kami na kahit naiinip kami at least employed pa rin kami. Sa dami ng lay off na nangyayari sa paligid maigi na toh kesa maging unemployed ako diba, hehe..

At eto nga, sa aking paglilibot ay napagtanto ko ang mga sumusunod:

  • Darating sa Dubai ang aking hinahangaang si Paulo Coehlo para sa Emirates Airline International Festival of Literature na gaganapin mula Feb 26 hanggang March 1. Di ko lang alam kung anong date sya magiging open for book signing o kung magkakaron nga ba ng book signing pero wish ko lang na magkaroon at makapunta sana ako sa Dubai Festival City kung saan gaganapin ang event…hmmmm

  • Ang Cirque du Soleil ay nasa Dubai mula March 5 hanggang April 5! Isa ito sa mga event na pagiisipan ko kung pupuntahan namin o hindi, hek hek. Affordable naman yun price ng ticket pero...depende kung sisipagin ako, har har har!

  • Hindi pinayagang makapasok dito sa UAE ang Israeli tennis player na si Shahar Peer kasi wala daw diplomatic ties ang UAE sa Israel. Charosera mga UAE officials, hehe..well, actually hindi talaga pwede ang kahit sinong tao o hayop man na pumasok sa UAE kapag isa kang Israeli o kaya kahit napadaan ka lang sa lupain ng Israel..isa kasi sa mga matinding supporter ng Palestine ang UAE..naalala ko nga noon yun dati kong boss, nagmagandang magtour sa Jerusalem. Ayun pagbalik dito sa UAE at may tatak sya sa passport from Jerusalem, hindi sya pinapasok ng Immigration bwahahahah..bumalik na lang muna sya ng Canada at nag-renew ng passport nya..hahaha..abnormal kasi!

  • Nabalitaan nyo naman na siguro yun tunkol sa octuplets? Well, the octuplet mom’s publicist calls it quits! Duh, finally! Para sakin napaka-irresponsible nya at selfish sa pagdedesisyon na gumawa pa ng mas maraming bata. Hindi na nga nya maasikaso pa yun 6 anim nyang anak! Hay!

  • May bagong lalabas na book si Bob Ong at ang title ay Kapitan Sino . Kapag lumabas na toh sa market, malamang orderin ko na naman sa Divisoria.Com ala kasi dito nagbebenta ng tagalog books..hmf! 

Now speaking of Bob Ong..naalala ko na may mga nakakatuwa syang quotes. Although, malamang nabasa nyo na sila ng paulit-ulit, ilalagay ko pa rin dito para pandagdag sa entry ko ngayong araw na ito....bwahahahah..ker nyo eh blog ko toh?!

Heto ang ilan sa mga nagustuhan ko na sabi daw ni Bob Ong:

"Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher."


"Iba ang informal grammar sa mali!"


"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko"


"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo,lima,sampung taon sa hinaharap, magiiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareho dahil lang kaboses nya si Debbie Gibson o magaling sya mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit kaninuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumuka ring pandesal. Maniwala ka."

Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko eh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan."

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kungdi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon kung magaling kasa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't ibang paraan. Tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan."

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam nyang hindi lahat sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Walang taong manhid. Hindi lang nya talaga maintindihan kung ano ang gusto mo iparating dahil ayaw mo syang diretsuhin"


“Kung magmamahal ka ng pangalawa, iwan mo yung una. Hindi ka naman kasi magmamahal ng pangalawa kung minahal mo talaga yung nauna”


O diba asteeg yun panghuli! May point sya dyan ng bonggang-bongga, hahaha!  Oi ni-retype ko talaga lahat yan para ubos-oras haha.

Malapit na pala ang birthday ko..ina-announce ko talaga na sa Saturday na sya! haha..kaya batiin nyo ko huh! LOLS! i'll be 18 by then..lols..charosera...ende...i'll be 29 na this coming Saturday..naalala ko last year as a birthday gift sinama ako ng aking habibi sa kanyang business trip sa Pinas. last year, sa Pinas pa naka-base ang panganay namin na si Kulet. am so excited nun time na yun kasi almost 2 years na rin kami hindi umuuwi and miss ko na ang aking unico hijo. i got a chance to see my youngest niece for the very first time din (sya yun nasa profile ko, hehe). kakaiba ang last year, mayaman ako last year, hahahaha...pero this time mas mayaman pa ko kasi, dala-dala ko ang aming second angel..2 months pa bago ko sya ilabas pero seksayted na ko..weeeee..sa sobrang excitement nga namili na kami ng mga gamit ng bebe namin kagabi, haha..habol sana ko sa last day ng Dubai Shopping Festival sale kaso lang nun last Saturday pa pala ang last day..bwahahaha..malas talaga!


ayan naku 11am pa lang dito, 7 hours pa kong uupo at ngangata ng almonds? huwaaaaaaaaa..nakakainipppppppppp......damn am so bored!


Pahabol: Mukang engot ang format ng entry ko pero wakoker hahaha...la naman mashado nagbabasa dito..bwahahahahhaha

















Day 29: Ang mga Bayani at ang Blogging

napanood ko kagabi sa Kapuso mo, Jessica Soho ang ilan sa mga 'video bloggers' dito sa blogosperya. hindi ko alam kung lumang episode na sya or what, kasi delayed naman ipalabas ang ilang show dito sa Dubai, hmf!

heniweiz, ilan sa mga na-feature ay sina Happy Slip (na napuntahan ko na before at nagenjoy talaga ako), Foodtrip28 (na malamang puntahan ko kasi tunkol to sa pagluluto - not because i love to cook, i actually LOOOOVE to eat! haha), Gorgoro , at saka may dalawa pang di ko na matandaan yun name ng blog, kainis! Basta alam ko yun isa si Coy and the other one is yung funandsexy.ph (errr, something like that, hehe). asteeeg si funandsexy kasi complete sa gadget..hihi..how i wish ganun din ako kaseryoso sa pagbo-blog ko diba? hahaha...oh mali, how i wish may mga ganung gadget ako para makarir ko ng bonggang-bongga ang pagbo-blogging! hak hak hak...

ang isa sa mga nakakaaliw pa ay si Foodtrip28 kasi as in CELLPHONE lang ang gamit nya. karir kung karir! at take note, cooking ang forte nya so imagine him, na sa isang kamay naghahalo ng rekado tas isang kamay ay nasa cellphone at nagvivideo..aliw diba? while ang wife nya at si Ax(?) na anak nya ay nagiintay sa mesa para sa kanilang food...weeeeee!! natuwa talaga ko, paramis!

pero hindi kasi ganun kalakas ang loob kong ibandera ang muka ko sa blogosperya. kita nyo nga parang si Pajay lang ang MALAS na nakakita ng pic ko na 2 weeks ko lang yata pinost dito at pinalitan ko na ng pic ng pamankin ko ang profile ko bwahahahahaha...shy type kasi ako ng ishlayt..hehe..

ehhh, teka maiba naman tayo ng topic. naexperience nyo na ba yung habang nakikinig kayo ng radio biglang tinugtog yung favorite song nyo ng bf/gf/asawa/partner nyo? at pagkatapos mo mag-emote kasi favorite nyo nga yung tugtog biglang isusunod ng DJ eh yung theme song nyo naman ng EX mo? bwahahahahhaha....weird!

kagabi kasi nakikinig akong radio biglang tinugtog ang fave song namin ng habibi ko na Hero ni E. Iglesias at pagkatapos biglang sinunod yung Glory of Love na nakatuwaang theme song namin ng EX ko..di ko mapigilang di matawa..kasi...errr, natawa ako eh, ker nyo ba?! haha

tas as usual bumalentong na naman ang isip ko sa kung saan...naisip ko lang na ang HERO ay may linyang:

I can be your HERO baby--I can kiss away your pain--I will stand by you forever--You can take my breath away...

while ang Glory of Love ay may mga linyang:

I am a man who will fight for your honor--I'll be the HERO you're dreaming of--We'll live forever --Knowing together that we--Did it all for the glory of love...

asowsko! ang mga labtim ko naman pala may mga pagka-action star ang dating..gusto nila maging HERO ko sila..bwahahahah! naisip ko tuloy, kung 'unconsciously' eh mahilig ako sa HERO buti na lang di ako pinanganak nun panahon nila Rizal. kasi kung nagkataon eh baka naging isa ako sa napakaraming babae ni Rizal at baka naging kakumpetensya ko pa si Josephine Bracken kay Rizal! bwahahahahah....pero kung sakali pinanganak ako sa panahon ng mga bayani..malamang huntingin ko si Gregorio del Pilar! kasi nun elementary pa lang ako pinagnanasahan ko na sya sa twing makikita ko sya sa poster na ANG MGA BAYANING PILIPINO..hahahahah...

buti na lang talaga di ako pinanganak sa panahong yun, kung hindi as early as 1899 uso na siguro ang SCANDAL..waaaaaaaaa....nyahahahhha

Day 28: R-18 toh..Bawal ang 'maarte' dito!

INTRO:
as usual naisipan ko i-blog ang conversation namin ng friend ko kasi natawa ako at gusto ko i-share. pero FIRST and FOREMOST as in pinangungunahan ko na medyo mahalay ang content, kung magiinarte ka lang din..wag na basahin..anyway, di naman sya OVER sa KAHALAYAN..baka lang may mag-eewww sa tabi tabi eh bigla ko lang mabatukan hahahaha

i had a chance to chat with a longtime friend last nite..eto conversation namin:

kumare: huy musta na?
ako: eto bundat pa rin!
kumare: ay oo nga pala nakalunok ka ng sperm cell..haha
ako: huh? aahhh (realizing what she meant)...wahahahahahaha (laffin trip na ko magdamag!)

tuloy ngayon naisip ko...kaya ba yun ibang mga bading eh malalaki ang tyan kasi panay ang lunok nila ng sperm cell?! hahaha...kita mo si Boy Abunda, John Lapus (ishlayt!), at si ...yun host ng pang-gabing show? ayoko pangalanan baka mademanda ako ng libel. hahahaha. so ang laki ng tyan ba nila ang batayan ng kanilang sex life? mas malaki, mas maraming nalunok?! hahahaha...natatawa talaga ko! ayun lang kung di kayo natawa e di wag..hahahahah

kaya ladies beware...kung ayaw mabundat wag lulunok ng sperm cell huh! napapatumbling talaga ako sa idea na yan!

Day 26: Curious

sabi kasi ni Pajay mag-update na daw ako. since masunurin naman ako kaya eto kahit walang wenta mag-a-update daw ako..hahahah!

naging busy lang naman ako these past few weeks kasi tinatapos ko ang Twilight Saga. talaga namang kinarir ko sya ng bonggang-bongga. ayan problemado tuloy ako kung sino kina Edward at Jacob ang type ko..hahaha..feeling Bella?! ever since di ko ginugusto yun bida sa movie or story kasi alam ko marami ako kaagaw so i always settle sa mga supporting lang...supportive kasi ako, pramis! haha..nung sa Harry Potter, nagustuhan ko na si Rob Pattinson (Cedric Diggory) kasi namatay sya dun eh (lol) kumbaga dramatic ang ending ng role nya. heroic ba? pero this time sa Twilight gusto ko pa rin sya, tho 1000% sure na di na sya mamamatay kasi nga immortal sya diba? hehe

speaking of immortality, isn't it cool kung immortal ka? wow, dadaanan mo lahat ng generations! para kang atsara, preserved na preserved ka but WITHOUT PRESERVATIVES! haha. pero one thing na nakakalungkot sa pagiging immortal, mamamatay na lahat ng kakilala mo pero ikaw buhay pa rin, you can't even stay in one place kasi mahahalata nilang you're not aging..hmmm...so meaning isa kang NPA..tsk! CURIOUS tuloy ako kung anong feeling ng isang IMMORTAL!

anyways, talagang walang pumapasok sa utak ko today. gusto ko lang mag-BLOG kasi wala rin naman akong gagawin dito sa office, hmf! damn this recession! di lang economy ang nag-slow down pati na rin ang trabaho sa office..hay! gusto ko na lang sana magtumbling-tumbling dito sa office para maaliw ako kaya lang andaming kanto ng opisina namin, mahirap magsirko! haha

ay sabi pala ng receptionist namin, may tumawag daw kaninang umaga from IRRI asking about me. kinoconfirm daw ng calller kung talagang nagtatrabaho ako sa company na ito, which kinonfirm naman daw ng receptionist namin since harmless naman ang tanong! eto ka na, tinanong ko kung anong name nun tumawag...di daw sinabi nun caller..i also asked kung 'kabayan' ba yun tumawag baka naman kakilala kong gusto lang iconfirm kung andito pa ko sa Dubai pero indi daw kasi fluent daw mag-English at halatang ibang lahi...uhmmm..sino kaya yun?!  instead tuloy isipin kong isang harmless verification lang ang lahat, nagiisip tuloy ako kasi bakit naman may tatawag at magcoconfirm ng employment ko dito? inisip ko tuloy yun mga pinagkakautangan ko baka naman hinahunting na ko..haha..teka..esep-esep....eh teka pano kung kikidnapin pala ako nun caller at inaalam lang kung dito pa nga ako nagtatrabaho..anak ng tokwa oo! makikidnap ako ng ganun-ganun lang?!

na-CURIOUS ako ngayon kung ano ang IRRI -- at sabi ni Google ito daw ay INTL. RICE RESEARCH INSTITUTE...huwat?! ano naman koneksyon ko sa IRRI? nakarating ba sa kanila ang balitang malakas ako kumain ng bigas kaya hina-hunting na nila ko? hahahah.. di naman ako nag-apply for any job sa kanila...sino kaya yun?!  sabi ng ate ko baka daw hihingan ako ng donation para sa pataba ng palay..haha..o e teka baka naman may connection toh sa FERTILIZER SCANDAL..nakuuu ayoko maging controversial..lalo na kung connected ang senate...hahahah...hay, di ko talaga alam kasi ang IRRI ay ang LARGEST NON-PROFIT AGRICULTURAL RESEARCH CENTER IN ASIA..ano kinalaman ko sa agrikultura?! mainit nga ang kamay ko sa mga halaman! one time, nag-attempt akong mag-gardening, awa ng dyos ng mga halaman, isang araw lang silang namukadkad after that para silang na-massacre! haha..patay silang lahat!

heh, basta! wala ako kinalaman sa pageexperiment ng bigas kung pano sya pahahabain o paiiklin o patatabain..wahahah..basta ang alam ko lang masarap ang bigas pag naging kanin..bow! :D

Day 25: Bagong Simula

ayan 2009 na! HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

super daming nangyari nung 2008 noh? may nga sumikat, may nalaos; may pinanganak, may namatay; may mga kumita; mas maraming nalugi...hay 2008...napakakulay ng storya mo!

in any case, so this is my first entry for 2009. gustuhin ko man na maging SENSIBLE ang entry na toh pero pinanganak akong walang sense so wag na kayo umasa, haha.

last Xmas nakatanggap ako ng gift from my special friend Cathy. niregaluhan nya ko ng book ng Twilight. alam nya kasi na hobby ko ang mangolekta ng libro at isa akong frustrated na librarian, haha. at first, ayoko sana basahin yung Twilight. isa kasi ako sa mga taong engot pagdating sa mga uso-uso na yan. ibig kong sabihin, alam kong IN ang Twilight (movie and book) pero hindi ko sya naiisipan basahin o panoorin. katwiran ko saka na lang pag di na sya uso. hahahaha. eto po ay sa kadahilanang ayoko lang makisabay (kunwari) o makiuso. wala lang abnormal lang ako, ipokrita in other words! hahaha. tapos pag di na uso, yun tipong alam na ng buong mundo ang storya saka pa lang ako mageengot na basahin o panoorin sya, waaaaaaaa...antanga di ba? weh, at least honest naman akong tanga ako, hihi.

anyway, kahit ayoko sana muna basahin si libro, sa kawalan ng magawa nun Holiday, naisipan ko na rin syang basahin. ayun natuwa naman ako! at aaminin ko there are times na kinikilig ako sa kaetchosan ni Edward at ni Bella. i even shed a tear nung andun na ko sa part na sumulat si Bella kay Edward kasi makikipagkita na sya kay James sa Phoenix! hay talaga nga naman oo! tsaka parang nakakatuwang nagsasabihan ng I LOVE U ang vampire at yun lablyf nya..hahah..la lang..natutuwa lang ako, ker nyo ba :p

at eto na dahil nga mahilig ako sa libro, syempre hindi pupwedeng di complete ang sequel..kaya sa weekend bibilin ko pa yung New Moon, Eclipse at Breaking Dawn. gusto sana iregalo pa sakin ni Cathy yung 3 kaya lang magiintay pa muna daw sya ng 3 pang occassion sa buhay ko bago nya yun bigay..waaaaaaa..sa Feb pa yun susunod na occassion kasi bday ko..since inipera akong tunay, bibilihin ko na sya sa Magrudys sa weekend..bwahahaha..

so ayan sinisimulan ko ang 2009 ko sa pagbabasa ng libro..sana naman matapos ang 2009 na medyo mas productive ang ginagawa ko diba? hehe..sana naman matapos na tong credit crunch na toh at naku naman talaga! sabi sa chinese horoscope..by November daw maganda na ang takbo ng career ko..teka paurong kaya o pasulong ang takbo nya?? hmm...

pero simula palang ng taon medyo confused na ko..e kasi naman habang tinatapos ko ang Twilight ehhhh nanonood din ako ng series ng Smallville. binigyan kasi kami ng DVD copy ng friend namin from Season 1 till Season 8...ngayon di ko alam kung sino ang mas kras ko si Edward Cullen ba o si Clark Kent..hmf! Pag binabasa ko yung Twilight mas naiisip kong ilagay na character si Tom Welling (CK) kasi parang mas bagay syang vampire tusok-tusok kasi ang teeth nya, hahahah....pero kung titignan muka naman talaga vampire si Robert Pattinson...ay naku..kompyus small brain ko! hmf!tas feeling ko mas bagay na Bella Swan si Kristin Kreuk (Lana) kasi maarte sya at pacute..bwehehe..ay akalain nyo ang name ng mga leading ladies nila ay KRISTIN at KRISTEN..ay akalain mo nga naman talaga noh?! hahahahaha

ehhh di bale eto na nga lang.....happy new year sa mga frenships na natagpuan ko dito sa blogosperya like Joshmarie, Pajay, Ron Turon at kay Onat na mukang di pa rin nakakarecover sa holiday at wala pa rin syang entry..hehe

PAHABOL:
ay akala ko bakit biglang nagtaas ng boses tong ofismeyt ko..NO WAAAAY! sabi nya! ayun pala si Beckham daw eh nasa mall at andun yun sis in law nya at ikukuha daw kami ng autograph bwahahahahah....ayus! humabol pa ko e no ala rin naman sense hahahaha

Day 24: My 2008

i am (was?) planning to write a year-ender article tulad ng maraming blogger..kaya lang natatamad ako haha..

gusto ko sana magreflect at pagnilay-nilayan ang mga bagay na naganap sa buhay ko ngayong 2008 pero naisip ko na mas madali yatang mag-Thank U Lord na lang ako sa mga blessings na nareceive ko since mahirap naman isa-isahin talaga ang mga bagay na natanggap ko hehe.

pero ang taong 2008 ang one of the best years in my life..mashadong maraming reasonssssss kung bakit sya the best di ko na iisa-isahin pa pero gusto ko lang pasalamatan si Papa God & si Sta. Clara for listening to my prayers..hehe...oo nagdadasal ako kay Sta. Clara dun sa may Marikina, in fact ako e nagdadala ng itlog dun for 2 years na. napagkasunduan kasi namin ng habibi ko na every uwi namin ng pinas we'll see to it na bibisita kami dun...call it korni but for us it is like panata :)..hek hek

etong 2008 mashado naging colorful ang life ko..there were some down moments na parang may down syndrome ako  pero mas madalas naman yung happy moments ko na parang nakakain ako ng happy peanuts kaya korek lang..

oh by the way, masaya pala ako last Xmas kasi for the first time buo ang 'pugad-baboy' family..i received an LV bag from my habibi and i gave him Tissot watch (touch)..tas si bulilit naman ay binigyan namin (on behalf of Santa Claus kahit wala kaming chimney haha) ng WII..we all enjoyed our gifts pero mas nageenjoy kami sa WII. sabi tuloy ni bulilit, kanya naman daw yun at bakit di sya makapaglaro kasi kaming matatanda ang nageenjoy, bwahahahah!

well, as for myself, syempre niregaluhan ko ang self ko ng Burberry na....BAG pa rin! hahaha..just so you know, isa ako sa mga baklang mahilig sa bag..malaki o maliit basta BAG korek sakin. kahit pa plastic bag nyahahahah!

alam nyo naiisip ko rin na gumawa naman ng New Year's Resolution...am sure maraming blogger na rin ang nagpost ng ganyang topic pero again natatamad ako..haha..pero kasi naman magmula ng matutunan ko ang salitang 'resolution' eh wala pa naman yata akong natupad talaga! so siguro this coming year, ang resolution ko na lang is TUPARIN ANG KUNG ANUMANG NAISIP KONG RESOLUTION..lols..pwede na ba yun?

hay naku 2 tulog na lang 2009 na! panibagong taon, panibagong simula. sana ang 2009 ay maging maliwanag  tulad ng simula ng aming 2008. sana ang 2009 ay hindi matulad sa 2008 na nag-end sa isang malaking economic crisis..at syempre sana sa 2009 eh dagdagan ulit ng amo ko yung pangwaldas ko bwan-bwan heheheh...lintek kasing credit crunch ala tuloy yata bonus at salary increase next year!

o ayan uwian na (nasa office pa kasi ako!) ipopost ko na toh tas iedit ko na lang sa bahay hehehe..

bye 2008 and welcome 2009!!!

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!! Sana madagdagan pala ang kaibigan kong blogger next year!!!!

Day 22: Kompyus

pano ba sasagutin yung ganitong text:

Few days to go
Xmas/New Year na
Masaya ka ba?

Did you say sorry
Sa mga taong
Di mo sinasadyang masaktan?

Did you say thanks rin
Sa mga taong
Nagpapahalaga sayo?

Wel, do this habang maaga pa
U'll have a wonderful year and xmas!

I'll start

Sorry if I've caused you pain
Either intentionally or unintentionally

But thank you for the friendship, respect
Love and acceptance you've given me

Merry Xmas & Happy New Year!!!


lam nyo bat ko pinoproblema kung pano sasagutin yan..


di ko kasi alam kung sino yung sender...nyahahahahah!!!!! kainis ala sa fonbuk ko! hmf!

Day 20: Display Na Lang, Iha!

Alam nyo yung kasabihang ‘BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR; YOU MIGHT GET IT!’..tsaka naranasan nyo na ba yung mamili ng shoes o kaya ng appliances kaya lang out of stock na kaya yung DISPLAY na lang ang maibibigay sa inyo ng saleslady kung gusto nyo talaga yung product...may naalala lang kasi kasi ako bigla..

It was 9 years ago…

May nakita akong mag-shota na nakasakay sa kanya-kanyang scooter on the way somewhere (hehe). Alam ko magshota sila kasi kakilala ko yun girl, hihi. Pero hindi ako kakilala nung BF nya kasi we are not that close naman. Although, yung guy eh familiar sakin kasi taga-dun din samin..Nakasakay ako sa bus nun and nasabi ko sa sarili ko na ‘ay, pag ako nagkaron ng serious relationship gusto ko yung tipong ganung guy, yun makakabonding ko sa mga trip ko sa buhay..yung may something in common kami talaga, para masaya ang sekslayp lablyp’….bwehehe

Then makalipas ang ilang bwan…ang taong tinutukoy ko ay nakilala ko ng personal…at ilang bwan pa ulit ang lumipas..naging bopren ko na sya! Bwahahahaha..wag nyo na itanong kung anong nangyari dun sa girl na kasama nya sa pagmomotor kasi sobrang habang storya yun at nakakangawit itype (hihi)..

Nung maging lablyf ko na nga si GUY..nasabi ko kay God…”Thank you po for giving me someone na mahal na mahal ako at syempre mahal ko..pero God matanong ko lang…kasi ang sabi ko po yung tulad lang nya sana ang ibigay nyo pero hindi naman mismong sya”…feeling ko sumagot si God sakin at that moment, sabi nya…”Iha, pasensya na, OUT OF STOCK kasi ang tulad nya nung panahong humiling ka, kaya yung naka-DISPLAY na lang ang binigay ko sayo. Aangal ka pa ba?”

Nyahahaha..si God pasaway ng ishlayt noh? At syempre di naman na ko aangal pa kasi I am super thankful na kahit na madami na ang ‘sumukat o nagtry’ sa nakadisplay na yun, kahit kinailangan ko pang dumaan sa mala-telenovelang eksena, korek lang kasi masaya naman ako sa 'DISPLAY' na binigay ni Lord sakin..hindi man sya as in ‘bagong stock’ ni God…masayang-masaya pa rin ako. In fact, mag-9 years na kaming naglolokohan (lols) and each year pinagpapasalamat ko na binigay sakin ni Lord yung DISPLAY..mas gugustuhin ko na siguro toh kesa sa ibang stock tas di naman ako magiging masaya..hehehe

weee, HAPPY ANNIVERSARY TO US!!!!!

Day 15: Gabi with Ate Pipay

first of all, salamat muna sa aking sis in law na namigay ng libreng ticket para sa concert ni Pops hehe..

sa loob ng 6 1/2 years ko dito sa Dubai, sa totoo lang 3 live shows pa lang ang napapanood ko. una ay yung concert ni Ogie & Regine, tapos yun Eat Bulaga sa Abu Dhabi (haha, pinatulan ko talaga yun!) at eto ngang Divalicious!

8pm ang start ng concert pero syempre Filipino nga kasi kaya almost 9pm na nagsimula. kung di pa siguro maghiyawan ng 'huuuuuuu' ang mga tao di pa mabubulabog ang organizers na naiinip na ang mga manonood.

sinimulan ang concert ng isang 'host' na di ko nakilala kung sino eh, bwahahah. siguro isa sa mga staff ng organizer..at pagkatapos pumasok na si Pops..pero alam nyo bang hindi naman naiannounce na si Pops na yun papasok after ng spiel ni 'host'..naktokwa! naririnig ko tuloy sa likuran ko nagtatanungan ang mga tao "Si Pops na ba yan?" bwahahah..bloopers! Anyway, so ayun nga syempre kahit walang formal na pagpapakilala ehhh narealize na rin ng mga manonood na si Pops nga yun. Aliw nga dun pa nagpalit si Pops ng outfit nya sa stage. la lang eksena lang! haha

ayus ang concert aliw. hiyawan ang mga LALAKE nun sinabing andun si John Pratts, haha! sabi tuloy ni kulet sa kanyang daddie "de, bakla ka ba? bat ka humihiyaw kay John Pratts" na ikinatawa ng mga nasa unahan namin..hehe..masaya ang concert except nun kay Geneva na (sorry po opinion lang hihih)..parang paos kasi si Geneva na di namin halos naintindihan yun kinakanta nya. para syang nawawala or hindi pala PARANG aktwali nawawala talaga boses nya. hindi namin alam kung dahil super nilalayo nya ang mic sa bibig nya o dahil sa sobrang acrobatic nya habang kinakanta yun Womanizer eh di na sya maintidihan ng audience! ay ewan, dun na lang ako siguro sa paos sya, hehe.

aliw naman magconcert si Pops kasi kinakarir nya yun 'ibang lahi' sa audience hihi. pero ang mas nakapagpagising sa mga audience ay yung part na may umakyat at nakipagshowdown kay John Pratts na local na Emirati...wuhooo!! imaginin nyo naka-kandura sya..(kandura ay yung parang bestida na damit ng mga arabo) pero ng mag back dive si John super back dive din ang lolo nyo, wahahaha! at super game sya! aktwali sya yung inaasar ni Pops nung maaga aga pa na pwede naman daw isara ang bibig habang nanonood...hahaha...asar!

heniweyz, ayun natapos ang concert ng almost 12am! masaya naman pero syempre parang kulang :) at sa totoo lang mas nagenjoy akong panoorin si kulet na nakikipagsabayan sa pagkanta at super inenjoy ang concert. kaya ayun pagsakay ng sasakyan plakda ang bata,bweheh! naubos ang energy! sa sobrang aliw ko nga sa kanya halos nakalimutan kong may bulilit pala ako sa aking sinapupunan na buti na lang e di pa masyadong nakakarinig at kung hindi ay baka pinagsisipa na ko sa sobrang ingay sa stadium,hihihihi

ayun lang BLAG ko ngayon, ala kasi friendster! bwahaha ala lang gusto ko lang sisihin ang pagiging down ng friendster kaya walang wenta post ko ngayonh..at isa pa pala kagigising ko lang kaya parang wala sa tamang direksyon yun blog ko har har har..

oi oi natutuwa naman nga pala kasi akalain nyo may 2 reader ako na nacomment dun sa last blog ko bwahahah..aliw!

tenkyu Nobody and Kabute sa pagdalaw sa blog ko sana dalas-dalasan nyo para naman may kasama ako dito, hihihihi

Day 13: Finger Ur Face

naku naman nakakainis talaga oo! kung bakit naman kasi kailangan pa raw ng national id dito sa planeta ko! kaming mga ISKWATER lang sa planetang to ay hindi agad nagabalang magapply ng lecheng id na yan kasi sabi NATIONAL..eh national ba kami?! INTERNATIONAL kaya kami! bwahahaha

heniweyz, ayun so ang ending lahat pala ng residente eh kelangan may ID kasi ito ang papalit sa labour card at sa magsisilbing identification ng bawat residente (oh well, kaya nga tinawag na identification card e for identification purposes!). hokey lang naman sana kung gusto nila kaming mag-apply ng ID na yan kaya lang hassle tol...HASSSSSSLE! nyahahah..

unang-una kailangan mo pumila para sa REGISTRATION ---ito yung prosesong pipila ka ng tipong bandang 4am para makakuha ng token at magintay na magbukas ang opisina nila ng 7:30am para magfill up ng registration form at magintay na bigyan ka ng printed na bar code..aabutin ka ng buong araw para dyan dahil sa haba ng pila..dalawa lang DAW ata ang umaasikaso..malas mo pa pag babae ang nasa counter kasi sa loob ng 1 oras na pagupo nya sa pwesto nya...mga 45minutes ang ginugugol nya sa pagaayos ng shela (takip sa ulo) nya! nakngtokneneng talaga! eto pa malas mo na lang talaga kung dumating ka ng pagkaaga-aga para lang mauna sa pila tas sasabihin ng gwardya na 1/2 lang ng mga nakapila ang papapasukin dahil sa 'quota of the day'..at syempre dahil anak ka nga ng malas e di ka kasali sa 1/2 na yan kahit pa maaga kang dumating...bwahahahahha

katapos ng proseso na yan pipila ka naman para sa fingerprinting..fingeran ito! hek hek hek..pero swerte mo kung maaccomodate ka ng araw na yun o tatawagan ka na lang o ewan ko kung anong kahihinatnan mo matapos mo ang unang proseso ng pag-apply para sa national id!

at matapos ang napaka-'DALING' proseso..iintayin mo sa P.O. Box mo ang mahiwagang id mo..mga 7 araw daw ang iintayin bago ito matanggap..o di ba kahit hindi naman lalabas ng boundary ng planetang toh ang mail ehhh isang linggo ka pa ring magiintay, hihi!

buti na lang maabilidad rin ang PRO ng kumpanya namin na syang nag-ayos ng registration form naming mga alipin ng YO-BE-PE, kailangan ko lang ipadala ang finger ko para sa fingerprints hehehe..at dahil di maaari syempre na yun daliri ko lang ang pumunta sa EIDA center kelangan akong pumunta dun at pumila!!! huwattttttttt??? alam nyo bang usapan sa kanto na as early as 1am eh may pumipila sa center na 7:30am pa magbubukas para lang makakuha ng token....nakngtoken yan oo!

eto pa may website naman kaso lang suuuupppperrrrr-bagal magload dahil siguro sa dami ng nakalog sa website nila at di ako magtataka kung lalabas sa survey na 95% eh sumusubok kumonek sa lintek na website! mas mabilis pang bumukas ang friendster eh!

eto nga ako habang abala ako sa pagiinarte dito..nagagawa ko pang magregister sa website nila para sa asawa ko pero sabihin nyo sakin kung hindi kayo mabubuset na sa twing matatapos nyong sagutan ang form at pipindutin ang 'NEXT' button bigla syang magiging Arabic at kekelanganin mong ilipat ulit sya sa English..ngayon kasalukuyang blanko ang screen ng website nila habang sinasalin sa english yung page..di ko lang alam kung matapos nilang ibalik sa english yung page ehhh andun pa yun information na nilagay ko....leche talaga!!

di ba pwedeng mag-thumbmark na lang kami tas yung PRO na lang ang magsubmit sa center nila at i-scan na lang nila yung thumbmark namin? har har har

kakainis naman kasi tong national id talaga oo!!!!! pressure..stress...ehhh kung ba yung pagpila naming mga ISKWATER dun eh pagkakakitaan namin siguro kahit talagang magcamping na kami dun ala ako magiging angal..nyeheheh!!! kaya lang ito daw kasing national id ay magsisilbing identification nga namin 'nationally' at di kami makakapagrenew ng car registration, renew ng flat, conduct any bank transaction at kung ano ano pang chuvaness dahil kung walang National ID parang di ka nageexist sa planeta na toh...hirap naman oh! ISKWATER na nga lang kami...yun bang tipong pag nagdecide silang di na nila kelangan ng ISKWATER sa mundo nila pwede nila kami sipain ng walang pasabi!!! tas pahihirapan pa nila kami ng ganito..hindi ba bilang ISKWATER hindi kami naghihirap dito?? nyehehehe

hay buhay..what to do?!!

Day 9: Bad Trip

Naranasan mo na bang pigilin ang pagkainis? Yun alam mong naiinis ka pero di mo mailabas kasi nga ayaw mo naman may masabi sayo? So naranasan mo na bang mainis kasi di mo mailabas yun pagkainis mo? haha.


Eh kaming mga buntis, pano namin maipapaliwanag sa mga tao sa paligid namin na bukod sa obvious na pagkabundat namin eh BUNTIS kami? Mahirap bang intindihin na medyo mabagal kami magkikilos ngayon kasi nga BUNTIS kami? masyado kami sensitive ngayon kasi nga BUNTIS kami? na hindi naman kami nagtatamad-tamaran kumilos kaya nga lang eh BUNTIS kami kaya mabigat ang katawan namin (ok, ako tamad talaga kahit hindi buntis)? eh mahirap bang intindihin na BUNTIS kami?


Hindi ba nila alam na napakahirap magpigil ng hininga sa tuwing maaamoy ng buntis ang usok ng sigarilyo nila? Na sadyang matalas ang pang-amoy namin na kaya kahit anong bagay na ginagamitan ng mantika at kawali ay kinakasuka namin? na bawat pabango na winiwisik nila sa katawan nila ay isang parusa sa amin? e di lalo naman ang kabahuan nila ay di namin makekeri! Sa tingin nyo ba gustong-gusto namin nagsusuka at nahihilo sa maghapon? Gusto ba namin yun maranasan ang backpain sa kakahiga pero anong gagawin namin kung sadyang bumabagsak ang katawan namin! Aba, eh kung kayo kaya magbuntis at saka nyo sabihin samin na maselan kami?!


Hindi ba nila alam na napakahirap para saming mga buntis ang gumising ng maaga at gumawa ng tulog sa gabi? Ito ay sa kadahilanang hindi namin alam kung panong pwesto ang gagawin namin sa sarili namin kaya kahit pagyakap sa katabi namin ay di na namin magawa? (waaa, kawawa naman dhae and chloe ko). Kaya di ba dapat magpasalamat pa nga sila na kahit BUNTIS eh pumapasok sa opisina at sila ay tinutulungan? (err, di naman ako galit sa ofis ko ng lagay na toh, hehe)


Napakahirap kaya sa isang buntis ang magpanggap na masaya ka kung drain na drain naman ang energy mo! Tulad kahapon, pakiramdam ko isa akong lowbat na celfone na maya-maya lang ay tutunog na ang warning alarm. Nung nakaraang Sunday, nagpacheck up ako kay Dr. Ulrich "pogi" Honeymeyer (kay pogeh ai!) para sa Down Syndrome Testing ng aking bebe. Ang appointment ko ay 10:30, awa naman ni batman, naharap ako ni Dr. Pogi ganap na 12pm! o di ba at kay sarap manakit ng gwapong doctor? Matapos ang 30 minutes na scanning here, there and everywhere ay kinailangan ko pang pumila muli sa laboratory for blood testing. bukod pa dyan, hiningan pa ako ng urine sample ng dalawang beses. buti na lang at ihiin ako kasi nga BUNTIS ako e kung hindi san ko naman pipigain sa katawan ko ang maya't mayang paghingi nila ng ihi ko?!


Matapos ang napakahabang proseso ng Down Syndrome Testing na ito, natapos din kami sa wakas at mahal ko talaga ang aking habibi ng araw na iyon dahil sinamahan nya ko sa buong maghapon, hek hek. TRIVIA: DI LANG KING OF ACTION MOVIES SI 'FPJ' , ISA RIN SYANG KING OF MGA INIPERO, MAN OF ACTION DAW KASI SYA. so isang himala ang di ko sya maringgan ng pag-angal ng araw na iyon at dadagdag lang sya sa aking stress, although nakasimangot sya from time to time pero ok na rin yun kesa umangal pa sya, hehe.


at matapos nga ang mahabang proseso, naisipan namin mag-asawa na dumiretso na lang sa Sharaf DG para mamili ng laptop ng aking mother-in-law tutal past 1pm na at useless na kung papasok pa ko sa opisina. habang nasa Sharaf DG kami at nagtitingin ako ng U900 kong pinapangarap, isang pagkahilo ang aking naramdaman, nagdilim ang aking paningin kung kaya't inalalayan ako ng aking asawang butihin sa upuan kung saan ako ay nagpahinga habang pawis na pawis sa loob ng Sharaf na fully airconditioned, hehe. wag nyo na itanong bakit muntikan ako magcollapse, siguro kasi BUNTIS ako! haha


matapos namin mananghalian sa China Times, nagdesisyon na kaming umuwi dahil babagsak na talaga ang mga mata ko sa antok..pagkarating nga ng bahay ako ay isang plakdang buntis! kinagabihan hirap na hirap akong gumawa ng tulog na konting kaluskos ay aking kinakagising kung kaya't pagsapit ng kinabukasan para akong ZOMBIE sa buong maghapon...grrrrr!!


ngayon sa mga nagaakalang kumakarir lang kaming mga buntis at nanamantala sa sitwasyon namin ngayon, bakit kaya di tayo magpalit ng role at kami ang pumansin sa inyo at kayo ang buntis..hehehe..tignan natin ang powers nyo!









 

Day 4: The Ring

( i was trying to post a pic in here pero ayaw, grrr!!!)

Since pagpasok ng May masyado ng mabilis ang araw dito sa Dubai. Parang napakabilis lumilipas ng linggo. Ok sana yun eh kaso lang mabilis ding natatapos ang weekend, hehe.

Did anyone hear about the General Motors Weight Loss Diet? Alam nyo effective, if and only if you follow the diet ‘religiously’. I am actually on a diet right now. To be honest, natatawa ako sa ginagawa ko knowing that sa susunod na linggo naman eh lalamon na naman ako, hahaha! But no, I actually promised myself that hindi ako magra-rice till magbakasyon ako sa Pinas next month (lol). Pag-pray nyo at orasyonan nyo pa na sana matupad ko ang promise ko sa sarili ko, wahahah.

In any case, ilang weeks na rin akong hindi gaanong busy dito sa office. Dinedelay ko na nga ang mga paperworks ko para lang mastretch ko sya for 5 days. My boss is currently travelling hence I don’t need to pretend na I am busy kaya eto nagblog na lang ako, haha. Tsaka ayoko naman mawalan ng work habang andito ang boss ko noh. Hirap kaya magpretend na busy sus!! Inaabala ko na lang self ko sa paglilibot sa internet. Nakakapagod din pala maglibot noh? But habang naglilibot ako napatingin ako sa kamay ng colleague ko and I saw her wedding ring on her left ring finger (why?!).

Sa totoo lang matagal na ring gumugulo sa isip ko kung saan ba talaga nilalagay ang wedding ring, hmph! We had a seminar prior to our wedding day, at natanong ng pari kung saan daw ba isinusuot ang wedding ring. The priest asked the elderly couple na pangalawang beses ng magpapakasal (they are both widows), and the couple answered ‘LEFT RING FINGER’ pero ako I answered RIGHT RING FINGER kasi naalala ko nung kinasal ang Tita Ning ko sa right nakalagay and she once said, ‘BAKIT SA LEFT ILALAGAY EH PANGHUGAS NG PWET UN!’ wahahahah. Pero sabi ng pari sa kanan nga daw nilalagay yun! So tama ako di ba? Pero pagdating ko dito sa Dubai, madalas na mabati ang aking wedding ring, bakit daw nasa kanan? Weh, eh san ba talaga?! Lalo na dito sa office, madalas ako matanong ng aking usiserong boss kung bakit nasa kanan ang aking wedding ring. Di daw ako mukang kasal but engage lang. Gusto ko pa daw ba magpaligaw? Hahahahahah. Dapat daw sa kaliwa! Ai sus ewan ko ba. Kaya ngayon naisipan kong kumunsulta kay WIKIPEDIA and here’s what it has to say:

A wedding ring or wedding band consists of a precious metal ring. In certain countries it is worn on the base of the left ring finger. In other parts of the world, it is worn on the right ring finger (see Post-wedding customs below).

In other countries such as Germany, Norway, Greece, Russia, Spain, Slovakia, India, Colombia, Venezuela, and Poland, however, it is worn on the right hand. Orthodox Christians and Eastern Europeans also traditionally wear the wedding band on the right hand. Jewish couples wear the wedding ring on the left hand, even though it is placed on the right hand during the marriage ceremony. In The Netherlands, Catholic people wear it on the left, all others on the right; in Austria, Catholic people wear it on the right. In Belgium, the choice of hand depends on the region of the country. Greek people, many being Orthodox Christians, also wear the wedding rings on the right hand in keeping with Greek tradition. A traditional reason to wear the wedding ring on the right hand stems from Roman custom. The Latin word for left is "sinister", which in addition to this sense also has the same senses as the English word. The Latin word for right is "dexter", a word that evolved into "dexterity" (meaning: skill and ease in using the hands). Hence, the left hand had a negative connotation and the right a good one. (Ref: http://en.wikipedia.org/wiki/Wedding_ring_)

So there, sabi ni Wiki pwedeng sa left o sa right, depende sa tradition. Pero it is much better sa right kasi nga may negative connotation ang left, hehehe.. and tsaka di ba baka yun asawa mo ‘mangaliwa’ kapag sa kaliwang kamay nyo nilagay ang wedding ring nyo, wahahah!!!

O sige magpapanggap ulit ako na may bumabasa talaga nitong blog ko. Ikaw, married ka na ba? San mo sinusuot ang wedding ring mo?


 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting