Day 38: Who wants to be a MILLIONAIRE?

kailan kaya ako mananalo dito?!more than 1 year na rin pala ako nagiinvest sa National Bonds pero maliit pa rin ang investment ko hehe. akshuli, napagkatuwaan ko lang bumili ng bond certificates kasi 10 dirhams each lang and minimum of 10 lang ang kailangang bilhin.

OK naman mag-invest sa Natl Bonds (NB) kasi not only you are saving your money but at the same time may chance kang manalo ng prizes from AED100 (PhP120) hanggang AED 1,000,000 (PhP12 million). mula nga ng maginvest ako sa NB 3x na rin ako nanalo ng prize. 3rd time ko kahapon hehe. alam nyo  ba magkano lagi napapanalunan ko? tumataginting na ONE HUNDRED DIRHAMS! hahahaha...
every 1st saturday ang draw ng NB and lagi ko pinagdadasal na sana manalo ako ng prize. pinagbibigyan naman ako kaso lang 100 dirhams lang hehehe. sabi ko sa sarili ko siguro kasi di ako specific magdasal kaya this time nagdasal ako ng specific talaga sabi ko "Lord sana manalo ako ng grand prize na 1mio dirhams"..kaso lang di yata ako narinig at again pinagbigyan ako sa 100 dirhams hahaha..well, ok na rin yun. pagtyatyagaan ko na lang na intayin ang time kung saan tatawagan ako ng NB at sasabihing "CONGRATULATIONS YOU ARE THE LATEST NATIONAL BONDS MILLIONAIRE"..haha..kung kailan yun ay di ko alam. basta aabangan ko na lang....

sa katunayan, pinaghahandaan ko na nga ang aking speech kung sakali manalo ako. kasi syempre may interview portion yun at may pictorial pa yun kasama ang NB staff at ang gigantic na cheke amounting to 1mio dirhams haha. kung bakit naman kasi ayaw pang dagdagan yun  ZERO sa napapanalunanan ko! kada may text ang NB sakin kinakakatitigan ko at baka mali lang ako ng nabasang prize ko hahahaha....hay..pero siguro sabi nga ni Lord, di ko naman daw kailangan ng 1 million ngayon, baka mas higit na kailangan ng mga nananalo kaya magintay lang daw ako at pumila..magkikita rin kami sa finals..hahahah

yaan nyo pag nanalo talaga ako ipopost ko dito ang bonggang-bonggang picture ko kasama ang uber-laking cheke ko hehehe..wait, baka sa sobrang preparation ko naiinis na sakin si Lord kaya di nya na ko papanalunin..hahaha...mashado daw ako seksayted eh!
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting