Day 61: Buhay OFW

Nakailang post na ata ako ng about BUHAY OFW. Isang forwarded at isang sariling gawa ko. I read Joyo’s blog and gave me an idea na gumawa ulit. Pero this time, on a lighter side. You know? (manny pacquiao?? Hehe)

Ilang blogs na ba nadaanan ko at ilang milyong tao (ows)  na ang nagsabi ng mga ganitong linya:

HINDI MADALI ANG BUHAY SA ABROAD.

HINDI PINUPULOT ANG PERA DITO (ABROAD).

KINAKAILANGAN KO MAGKUDKUD NG KUBETA AT MAGHUGAS NG PWET NG IBANG TAO PARA KUMITA NG DOLYAR NA IPAPADALA SA INYO.

ILANG GABI O PASKO ANG PINAGTITIISAN KO DITO, KAPALIT NG MASAYANG PASKO NYO.

MALUNGKOT SA ABROAD, KUNG DI LANG SA KINIKITA, UUWI NA KO.

At syempre napakarami pang iba. Lahat naman yan totoo. Lahat yan talagang darating ang point na gugustuhin mong isulat sa noo ng pamilya o kamag-anak mong walang ginawa kung hindi manghingi ng sustento sayo.

Dito sa Dubai, maraming professionals back home pero pinili mag-work sa sales para lang kumita kahit papano. Dahil kung isusugal nilang maghanap ng trabahong naaangkop sa “diploma” nila, aabutin sila ng dekada at susugal ng milyon bago makapwesto ng maayos-ayos dito. Sa abroad, swerte ang mga taong pagdating palang maganda na ang pwesto, pero dito...karamihan dumaan sa silong ng hagdan bago naka-step 1 at bago pa unti-unting makagapang paakyat sa gustong puntahan. May mga napariwara na nga....nakalimot sa kung anong dahilan kung bakit ba sila andito sa abroad.

May mga taong umiyak muna ng ilang galong luha dahil sa pagkukudkud ng kubeta bago pa tumaas ang pwesto at mabigyan ng sariling computer (pang Facebook nya! Hehe).  Pero nakakatuwa para sakin na makita o malaman na yunn ilang kakilala kong adik tambay  sa bayan namin ay andito na rin sa Dubai at nagtatrabaho ng mahusay. Pero yung iba, bumyahe ng milya-milya, gumastos ng ilang libo..yun pala tatambay lang din dito..tskk.tskk.!

Pero eto na ang tanong..sa tingin nyo ba, kung sasabihin natin ang mga katagang yan sa pamilya, kamag-anak, boyfriend/girlfriend o kahit na kanino pang poncio pilato na nasa pinas, maniniwala sila kung ang makikita nilang mga litrato ay ganito:

(PAALALA: WALA AKONG PAHINTULOT SA PAGKUHA NG PICTURES NYO. PERO MAGDEMANDA NA KAYO SA BALIDIYA...WAKOKER! HAHAHAHA...)
[gallery columns="5"]








At sa pagtuloy na paglaki ng belt bag, body bag at pati na rin back pack natin dito, maniniwala ba talaga silang naghihirap tayo?? Sa pagkalaki-laking SMILE na nakabalandra sa pictures mo sa mga mall trips, picnics (lalo na sa beach?!) or sa mga simpleng get together..sa tingin mo talaga maniniwala silang nalulungkot tayo?? Hehe. Seriously, sa dalas ng hagalpakan natin sa pictures, mga eksenang japan-japan....maiisip ba nilang YOU ARE ONE SAD OFW??? Hindi rin siguro!!!!  Malamang titignan nila ang mga suot natin at magrerequest na baka pwede sila rin may ganun! Haahahahah. Di nila alam halos makipagpatayan ka para lang makabili ng havaianas mo! LOLS. Di nila alam na parusang magintay ng 2 yrs para lang malibre ang ticket mo pauwi at makapagbakasyon tapos biglang sasabihin lang sayo..SORRY FULLY BOOKED! Nampotah!

Pero wala silang papaniwalaan kundi kung ano nakikita nila. Di nila talaga papaniwalaan na pagkatapos magclick ang camera na yan at nagpaalaman na tayo sa isa’t isa, kanya kanyang buhay ofw na naman tayo. Matapos ang flash ng camera at mga 30minutes na tawanan, bumabalik tayo sa sad face kasi bumabalik na ang problema! Kung alam lang nila..heheh

Eto pa, sino naman talaga maniniwala na nahihirapan ka sa buhay at work mo dito....ehhh madalas updated ang Twitter, Plurk, Facebook at Friendster mo. Ang mga quizzes lahat na lang pinatulan mo. Ang mga games Farm Town, Farm Ville, Sorority Life, Cafe World, Pet Society at kung ano ano pa, ay meron ka! So sa tingin mo ba talaga maiisip nilang subsob ka sa trabaho para kumita ng pera pangpadala sa kanila?? Hahahahaha...di nila alam na kahit masakit sikmurain ang amoy at ugali ng mga tao sa paligid mo..nageenjoy ka na lang sa Facebook para mawala ang pagkabwisit mo.

Hayyyyy...Parang eksena lang talaga yan sa buhay ko. Kahit ilang daan beses ko sabihin na WALA AKONG PERA. NAGHIHIRAP AKO. PAUTANGIN NYO NAMAN AKO. Iisa lang ang sinasagot ng mga hinayupak pero loving barkada ko...TOL, WALA SA ITSURA MO.  Fuck that! Nyahahahahh

Kahit sa mga kapatid ko..feeling ko pag nageemote ako..di sila naniniwala. Di ko alam kung alam nilang sinungaling ako o talagang ayaw lang nilang paniwalaan ang mga sinasabi ko. Hahahaha..

Mahaba  na naman entry ko. Ang daldal ko talaga!! AYENG DALDAL! Hahahah...

Eto na lang parting words ko: HINDI NYO BA ALAM NA MAS MADALAS KAMING MAGKAKACHAT LANG KAHIT NA PARE-PAREHO KAMING NASA DUBAI??? NA SA BUDDY POKE LANG TALAGA KAMI NAKAKAPAG-BONDING AT HINDI SA TUNAY NA BUHAY? INIINTAY KO NA NGA LANG NA MAKAHARAP SILA AT KULAY YELLOW NA PARANG YAHOO SMILEYS NA...NYAHAHAHA...WELL, AS FOR THE SIZE, NA-ATTAIN NA NAMIN UN..LAHAT KAMI BILUGAN NA! HAHAHAHAHAH

4 Any violent reactions?:

Joyo said...

hahaha! very well said... wala na akong idadagdag pa...

abou said...

so pano ingat na lang dyan?

carelesshush said...

wow abou..such an honor! (lol)
tenks for dropping by!!
ingat ka rin dyan (hehe)

cAtHy said...

isa kang alamat..

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting