Day 58: Cathy

in your lifetime..minsan ka lang makakatagpo ng isang taong pwede mong ituring na STRESS/PAIN RELIEVER at SHOCK ABSORBER...i am glad that at an early age natagpuan ko sya.

she's the type of person who would say HAHAHAHAH as in ROFL sa corny jokes mo. yung kayang sundan ang bawat sentence mo..yun ngiti mo lang, alam nya na ibig mong sabihin. titingin ka pa lang gets nya na yun reaction mo. yung kahit daig pa Da Vinci Code sa sobrang gulo ng sinasabi mo, kaya nyang unawain, isang sulyap lang sayo. she's the kind of person who would be willing to listen (or read) your sentiments kahit na may sarili syang sintemyento. yun bang tipong pagkausap mo sya at kahit O at Y o Y lang ang sagot nya mapapagaan ka nya ng bonggang-bongga. hindi sya fabulosa, hindi sya maarte, super-simple nyang tao na hindi mo nga mapapansin ang existence nya. but you will love her simplicity..kasi sya yun eh..ISANG SIMPLENG KAIBIGAN!

one thing i love about this girl....SHE LOVES HER FAMILY MORE THAN ANYONE OR ANYTHING ELSE..she'd do some crazy stunts na hindi mo maiimagine na kaya nya just to make her family happy. she don't pretend. she don't assume. if hindi nya kaya ang isang bagay or hindi nya alam, SHE WILL ASK. hindi sya mahihiyang sabihin na hindi nya kaya pero mas lalong hindi sya mahihiyang magtanong kung pano nya ba kakayanin ang isang problema. i don't know but from the time i met her, i just love her. i love her family too..so magulo! hehe

she's willing to go beyond her limits..and if dumating ang point na medyo hindi nya pala kaya...she's not too scared to ask for help. another thing i love about her. hindi nagmamaganda..for her maganda na sya bwehehehe....

how long have we been friends na ba? 17 years?? wow tol!! halabshu na talaga! nakakatuwang isipin na sa twing maalala kong dumadalaw ako sa inyo at ihahatid mo na ko sa sakayan..alam na ng nanay mong hanggang Manila mabibitbit kita! bwahahaha....kidnapper/snatcher mo nga daw ako....tipong pag ako kasama mo...see u in summer na!

kaya pag nag asawa ka na..i am going to miss you a lot..lalo na pag lamang-dagat ang mapapangasawa mo..hahaha..isa syang shellfish, ate! SHELLFISH! hak hak hak hak!!!! hindi ka naman sirena kaya di ka nya dapat ikulong sa dagat huh! lols...

anyway, sino nga ba tinutukoy ko? syempre walang iba kung hindi si CATHY MONTEAGUDO!!!!!! my friend na kahit walang kwenta sinasabi ko napapatawa ko..kahit anong tumbling ang gawin ko, pinapalakpakan ako. isang kaibigan na kahit na anong mangyari, buraot na sya sa buhay nya willing pa rin pakinggan at alalahanin ang pagkaburaot ko.

hmmm kaya sa mga taong hindi kayang tanggapin kung anuman si katt...well, sorry mah friend, u don't deserve her. she deserves someone na hindi sya itatali sa isang banko simply because gusto lang nya. isang taong hindi sya haharangan sa daan sa twing may sale sa roxie, sa oakley, sa crocs o kahit saan pa! isang tao na willing syang samahan para bumili ng havaianas o kahit yung mariveles tshirt man lang! isang taong willing suportahan ang pangarap ni Katt na maging artista kahit alam nyang walang talent si Katt haha..in short, isang taong magiging supporter nya sa kahit na anong laban! how i wish Katt, i could find someone who would be just like that for you..lols..kung pwede ko nga lang irecommend sayo si ET kaso lang may gelpren na rin ata si gwapo eh! hehehe...ay naku, i told you mas madali nga yata i-update ang SSS (sex..sex..sex) dito kasi hi-tech na, e ang PAGIBIG ba automated na rin? haha. konting ingat lang baka Phil Health kabagsakan mo..mahal ang maternity package, isipin mo! wahahah...

to end this...gusto ko lang sabihin na Katt...although hindi ka naappreciate ng ibang tao andito kami ni Fernando Poe Jose na willing mainvolve sa buhay mo kahit na ayaw mo na syang iinvolve pa sa drama ng life mo...kasi naman si FPJ super affected parang gusto ka na lang nya pakasalan wag lang masayang ang effort mo hahahaha...sabi nga ng asawa ko tayo na lang daw kaya magpakasal para wala lng sakit ng ulo? pero alam mo naman di ako 2-timer maliban na lang kung hiwalayan nya ko at ipalit nya si rubio hahahah..

dream on my friend...ipagpatuloy ang nasimulan..wag hayaan ang isang hump ay magpahinto sayong daraanan..kasi kahit mala-dugong ang hump na yan kaya natin yan sagasaan..remember, mahusay akong magdrive sa highway! walang tingin tingin sa side mirror, walang palitan ng kambyo, kaliwa't kanan lang! naalala ko tuloy, buti na lang yun dog mabilis tatakbo kung hindi...ay sus!!! heheheeh

all the best my friend!!!! i am not saying time is running out pero di mo naman gugustuhing mag-keloid yang...(tuuuuttt) mo diba? so go and find someone new (haha, bad!). i know it's gonna be hard for you. pero hindi naman ito ang unang pagkadapa mo, hindi rin ito ang unang magpapasugat sayo. aanuhin mo ang isang tao kung di naman makasakay sa agos ng buhay mo..lunurin na lang kaya natin sya sa baha ng Ondoy para malaman nya ang kaibahan ng mababaw sa malalim at importante sa walang wenta? lols..galit ako? ishlayt..cause he's sooooo....F-ing jerk!!! ass#%#@#!! hahaha

 i know kaya mo toh, sabi ni Mc Do! haha



(pahabol:  namfotang explorer oo!!! kalain mo muntik idelete tong entry ko buti na lang si darna ako! nyahahaha..napasigaw talaga ko nung nawala sya screen ko hahahahaa)

3 Any violent reactions?:

cAtHy said...

iiyak ba ako?? nong makita kong pangalan ko ung title?
naisip ko lang na eto nga ako.. kopyang kopya.. nadale mo na naman e.
dko nga alam kung mababaw ako?? sobrang tawa ako ng tawa sa mga jokes mo..
tnx friend sa effort..alam kong may pinag huhugutan ka kaya na sulat mo to.. sinu si ET.. :) mag aapply na ako ng medicare in case..

salamat sa artista mong asawa! marami pang beach tyo na pupuntahan..

carelesshush said...

@katt
ako rin gusto ko maiyak nun biglang mawala sa harapan ko yang entry ko hahahaha...

alam mo ba kung san ko toh hinugot?? sa bulsa ni FPJ! kaya ayan full of emotion diba?

si ET...yun alien? di mo kilala? hmf!

PS: ang hirap pala magtype pag mahaba ang pekeng kuko mo! leche..

ceejhay said...

ok na sana tol e, nakakarelate na ko eh.... tamang emote na nga din, bandang huli sabit pala ako dun...lolz... pero ok lang bsta si FPJ di ko tatangihan...bwahahahaha.....

@cathy- tol, kakaiba ka tlga! SALUDO AKO SA 'YO...

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting