Day 19: Stupid Mistake

"It can happen to--Anyone of us, anyone you think of--Anyone can fall--Anyone can hurt someone they love--Hearts will break--'Cause I made a stupid mistake" - Anyone of US by Gareth Gates

ay naku!!!!! mukang ako ay made-dethrone na haha. Eh kasi naman nakuu talaga kakabuset oo!

nung isang araw bumyahe yung isa sa mga senior bankers ko patungong USA at pagkatapos ay pumunta ng UK...aba'y akalain mo wala palang visa si loko sa UK ...ang hirap pa nito sakin binagsak ang sisi kasi nga daw ako ang assistant nya at kung bakit di ko alam na wala syang visa sa UK?! anakngtokwa naman oo! aktwali, may visa naman sya kaya lang naexpire nung 11 Nov 2008...wahahaha....pero teka oo nga assistant nya nga ako pero di ba alam nya dapat kung may visa sya o wala? pero ang totoo nawala din naman sa isip ko na icheck kung may visa sya ..kaya partly kasalanan ko rin..KAYA LANG (talagang idedepensa ko daw sarili ko! haha) a week before his flight to USA/UK ehhh inarrange ko pa yung visa nya to Thailand..at yun ay AS PER HIS REQUEST..so akala ko naman aware sya sa mga visa nya..apparently, hindi sya aware! lechugas ..so ayun ako eh nasermunan kahapon ng bonggang-bongga at sa lahat pa naman ng ayoko eh tawagin akong 'sloppy', kasi hindi ko alam meaning nun haha..joke, kasi feeling ko napakawalang kwentang katulong ko dito sa opisina noh! and besides di ko naman kasalanan lang yun..nagawa nya ichek yung Thai visa nya bat di nya nagawa silipin yung UK visa nya..hmf! sabi nga ng mga ofismate ko naghuhugas-kamay lang sya kasi alam nyang partly kasalanan din nya kasi go sya ng go sa byahe...kainis!

anyway, ayun so dumating ngayon sa ofis si 'sungit' (codename ko sa kanya hehe) at sabi ko na lang with matching beautiful eyes.."please don't kill me..." bwehehe..sagot lang ni gaguh di naman daw sya ang galit kung hindi yung MD namin na kasama nya sa trip...gusto ko sana sagutin.."neknek mo! kausap ko si MD kanina...ambait pa nga sakin!" hahaha..at nachismis na sakin ng accountant namin na sabi daw ng MD sa kanya galit na galit daw sakin si 'sungit' kasi nga sa nangyari...

nakuu, malamang nito hotseat na naman ako sa staff meeting namin! sana walang staff meeting sa Sunday pagbalik ng MD namin at since holiday naman na sa mga susunod na linggo..sana makalimutan na ni MD yung nangyari o kaya wag na ring ungkatin ni sungit yun sa staff meeting kasi di ko alam pano ako magtatago nun sa kinauupuan ko (as in )..

eto pa nakakaasar sa pangyayari ha, originally ang booking ni sungit from Dubai to NY; NY to Dubai..ehh sukat maisipan nilang magstop over sa London..waaaaaaa..kung dumirecho lang siguro sila sa Dubai baka di na ko nagkaproblema, haha..at isa pang nakakaasar meron naman FRENCH passport si sungit...ay kung bakit di nya gamitin!!!!! (sungit  ako)...at inaasikaso ko ang trip nya for the whole month of Nov and December since 1st week of November pero sya yung delay ng delay ng issues...then nung nafinalize ko na ang tickets and hotel booking nya and tinanong nya kung OK na lahat..sabi ko oo OK na nga lahat..kasi nga akala ko OK..hahah..marami talaga mateterminate sa AKALA...tsk!

ayun lang pag matagal akong di nakapagblog o nakabisita sa mga blogs ng mga naging 'friends' ko na sa blogosperya..alam nyo na....NATERMINATE NA KO!

hayy naku mahirap talaga magkaron ng STUPID MISTAKE! lalo na kung sahod ang nakataya...bwahahahah!

11 Any violent reactions?:

Pajay said...

SA PULIS KA NA MAGPALIWANAG!!!....lolz...

wag naman ma terminate....hirap walang trabaho....hehe..

peace out!

carelesshush said...

@pajay
hahahahaha..oo nga eh!
naghahanap nga ako ng barangay dito na pwede ko pagpaliwanagan kaso wala...bwahahah..

tenks for dropping by!!

ka bute said...

"and i made a stupid mistake, stupid mistake..." parang kanta ata 'to. ehehe.

natawa ako dun sa banat mo sa header... sa likod ng aking isipan ……ay mga bumabalentong, nagtatumbling at nagsisirkong kalokohan……" hak hak hak panalo (--,)

naalala ko tuloy nung sa HK kami. ayaw akong palusutin sa airport pabalik ng pinas kasi expired na pla ang passport ko. di ko napansin. hak hak hak. at di din napansin sa airport dito sa pinas. (--.)

carelesshush said...

@ka bute

mas malupit naman yun nyahahaha..expired na passport di napansin ng may ari at ng immigration natin...waaaaaaa!!!!

true to life yang nasa header ko..sa panay nga pagtambling ng kalokohan sa utak ko..ayan di ako nakakapagisip ng matino hehehe

salamat sa pagbisita :)

ka bute said...

siguro puro kalokohan din yung nasa isip ng senior banker mo kaya di nya namalayan wala pala syang visa to UK. hak hak hak. (--,)

cliffnotes said...

ang saya mo naman magkwento ..hehe!

nakikibasa dito. nice site.

carelesshush said...

@cliffnote

hehe tenk u!!!

basa ka lang libre po yan :)

chyng said...

super sunget! pwede naman makahanp ng job na wlanga tarayan. at of course, it's not all your fault.

buti nga sa knia! natawa ko! hahaha

meron ka na new job?

carelesshush said...

@chyng

nyahahahh..

perst, tenk u sa pagbisita po...

sekondness, di pa naman ako nateterminate nyahaha..wag naman susme...kahit gusto ko tirising parang kuto yun taong yun ehhhh mahirap humanap ng work ngayon esp nasa banking ako...bagsak ang ekonomiya...uso ang lay-off....frozen ang recruitment...waaaaaaaaaaaa

pero pag naterminate ako malamang isang NAPAKALAKING headline yun sa blog ko hihihi

onat said...

naniniwala akong di ka mateterminate, magtiwala ka...wala lang hehe may masabi lang ako. haha

basta magtiwala ka. hehe

carelesshush said...

@onat

tenchu...mwahsssss (maraming MWAH kaya may S? haha)

aktwali, hindi naman ako naterminate and nareciv ko pa yung memo ng job designation for january 2009 at kasama pa naman ako sa may assignment bwahahahah

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting