Day 27: Magdiet ka, now na!

orayt, this is it! magdiet daw ako sabi ng aking dietician na si Mr. Shafiq. as much as i enjoy eating rice pero kelangan ko daw itong bawasan. mula sa isang bandehadong kanin na kinukunsumo ko sa isang araw kelangan daw at least 18 - 21 kutsara na lang ang pwede kong kainin sa isang araw along with some 'damo' este vegetables pala na low in starch! hmf! ..now i wonder, yun caller ko kaya from IRRI ay may kinalaman sa desisyon na ito ni Mr. Dietician?!..hmmmm...

teka, bakit ba ako nagpunta sa dietician? di naman ako sosyalin para makipagmeet sa dietician ng wala lang diba, hehe. at di naman ako health conscious para mag-aksaya ng isang oras at kalahati sa harap ng indianong dietician na sa haba ng sinabi eh isa lang naman ang naintindihan ko..MAGDIET KA! hahahahaha....ok, ang main reason  kung bakit kinailangan kong makipagmeet kay Mr. Shafiq (the dietician) ay sa kadahilanang inutusan ako ng aking OB/GYN na si Dr. Ulrich 'Gwapo" Honeymeyer na makipagkita sa kanya. sa mga di pa nakakaalam, ako po ay 26 weeks pregnant na at mataas ang aking glucose level according sa latest GCT result ko! mula sa normal rate na 3.0 - 8.3 ang aking glucose level ay nasa 8.6! nakakainis hindi ba?! may 0.3 pang sumingit! e di sana pwede ako kumain ng kahit sandamakmak na blueberry o chocolate muffin, magpakasaya sa chocolate croissant at magpakasawa sa isang bandehadong kanin?!

ngayon ang challenge sakin ay eto: MAGDIET KA O MA-CAESARIAN KA!? at kahit hindi na ulitin pa ng isang beses ang tanong na yan ay pipiliin ko ang magdiet! ang mahal kaya ng CS dito, akalain nyong nasa PhP180,000 wala pa yun miscellaneous dun! hay buhey! so anyway, imagine nyo naman na ang isang kakapuranggit na taong tulad ko, na may kakayahang umubos ng 1 bandehadong kanin at sankaterbang ulam (ke oily sya o hindi) ay uutusang kumain ng at least 21 kutsarang kanin lang kasama ng mga gulay (na hindi ko nakilala as pagkain until now) o di kaya daw ay kumain ako ng yogurt at gawin kong  dressing ng mga damo vegetable salad ko..waaaaa talaga! PERO dahil makulit ako tinanong ko si Mr. Dietician kung pwede ba yogurt + fruits na lang, eto lang ang matunog nyang sagot --- 'NO, VEGETABLE IS A MUST!' anak ka ng dietician oo!

ok fine, magda-diet na nga! para raw naman toh sakin at sa lumalaking butchokoy sa aking sinapupunan (oi, may sinapupunan ako, kalain mo?! haha)...sige payag na ko na hanggang 21 na subo lang ng kanin ang gagawin ko sa araw-araw pero sandok ang gamit ko at hindi kutsara, nyahahahah!!!!!

Day 26: Curious

sabi kasi ni Pajay mag-update na daw ako. since masunurin naman ako kaya eto kahit walang wenta mag-a-update daw ako..hahahah!

naging busy lang naman ako these past few weeks kasi tinatapos ko ang Twilight Saga. talaga namang kinarir ko sya ng bonggang-bongga. ayan problemado tuloy ako kung sino kina Edward at Jacob ang type ko..hahaha..feeling Bella?! ever since di ko ginugusto yun bida sa movie or story kasi alam ko marami ako kaagaw so i always settle sa mga supporting lang...supportive kasi ako, pramis! haha..nung sa Harry Potter, nagustuhan ko na si Rob Pattinson (Cedric Diggory) kasi namatay sya dun eh (lol) kumbaga dramatic ang ending ng role nya. heroic ba? pero this time sa Twilight gusto ko pa rin sya, tho 1000% sure na di na sya mamamatay kasi nga immortal sya diba? hehe

speaking of immortality, isn't it cool kung immortal ka? wow, dadaanan mo lahat ng generations! para kang atsara, preserved na preserved ka but WITHOUT PRESERVATIVES! haha. pero one thing na nakakalungkot sa pagiging immortal, mamamatay na lahat ng kakilala mo pero ikaw buhay pa rin, you can't even stay in one place kasi mahahalata nilang you're not aging..hmmm...so meaning isa kang NPA..tsk! CURIOUS tuloy ako kung anong feeling ng isang IMMORTAL!

anyways, talagang walang pumapasok sa utak ko today. gusto ko lang mag-BLOG kasi wala rin naman akong gagawin dito sa office, hmf! damn this recession! di lang economy ang nag-slow down pati na rin ang trabaho sa office..hay! gusto ko na lang sana magtumbling-tumbling dito sa office para maaliw ako kaya lang andaming kanto ng opisina namin, mahirap magsirko! haha

ay sabi pala ng receptionist namin, may tumawag daw kaninang umaga from IRRI asking about me. kinoconfirm daw ng calller kung talagang nagtatrabaho ako sa company na ito, which kinonfirm naman daw ng receptionist namin since harmless naman ang tanong! eto ka na, tinanong ko kung anong name nun tumawag...di daw sinabi nun caller..i also asked kung 'kabayan' ba yun tumawag baka naman kakilala kong gusto lang iconfirm kung andito pa ko sa Dubai pero indi daw kasi fluent daw mag-English at halatang ibang lahi...uhmmm..sino kaya yun?!  instead tuloy isipin kong isang harmless verification lang ang lahat, nagiisip tuloy ako kasi bakit naman may tatawag at magcoconfirm ng employment ko dito? inisip ko tuloy yun mga pinagkakautangan ko baka naman hinahunting na ko..haha..teka..esep-esep....eh teka pano kung kikidnapin pala ako nun caller at inaalam lang kung dito pa nga ako nagtatrabaho..anak ng tokwa oo! makikidnap ako ng ganun-ganun lang?!

na-CURIOUS ako ngayon kung ano ang IRRI -- at sabi ni Google ito daw ay INTL. RICE RESEARCH INSTITUTE...huwat?! ano naman koneksyon ko sa IRRI? nakarating ba sa kanila ang balitang malakas ako kumain ng bigas kaya hina-hunting na nila ko? hahahah.. di naman ako nag-apply for any job sa kanila...sino kaya yun?!  sabi ng ate ko baka daw hihingan ako ng donation para sa pataba ng palay..haha..o e teka baka naman may connection toh sa FERTILIZER SCANDAL..nakuuu ayoko maging controversial..lalo na kung connected ang senate...hahahah...hay, di ko talaga alam kasi ang IRRI ay ang LARGEST NON-PROFIT AGRICULTURAL RESEARCH CENTER IN ASIA..ano kinalaman ko sa agrikultura?! mainit nga ang kamay ko sa mga halaman! one time, nag-attempt akong mag-gardening, awa ng dyos ng mga halaman, isang araw lang silang namukadkad after that para silang na-massacre! haha..patay silang lahat!

heh, basta! wala ako kinalaman sa pageexperiment ng bigas kung pano sya pahahabain o paiiklin o patatabain..wahahah..basta ang alam ko lang masarap ang bigas pag naging kanin..bow! :D

Day 25: Bagong Simula

ayan 2009 na! HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

super daming nangyari nung 2008 noh? may nga sumikat, may nalaos; may pinanganak, may namatay; may mga kumita; mas maraming nalugi...hay 2008...napakakulay ng storya mo!

in any case, so this is my first entry for 2009. gustuhin ko man na maging SENSIBLE ang entry na toh pero pinanganak akong walang sense so wag na kayo umasa, haha.

last Xmas nakatanggap ako ng gift from my special friend Cathy. niregaluhan nya ko ng book ng Twilight. alam nya kasi na hobby ko ang mangolekta ng libro at isa akong frustrated na librarian, haha. at first, ayoko sana basahin yung Twilight. isa kasi ako sa mga taong engot pagdating sa mga uso-uso na yan. ibig kong sabihin, alam kong IN ang Twilight (movie and book) pero hindi ko sya naiisipan basahin o panoorin. katwiran ko saka na lang pag di na sya uso. hahahaha. eto po ay sa kadahilanang ayoko lang makisabay (kunwari) o makiuso. wala lang abnormal lang ako, ipokrita in other words! hahaha. tapos pag di na uso, yun tipong alam na ng buong mundo ang storya saka pa lang ako mageengot na basahin o panoorin sya, waaaaaaaa...antanga di ba? weh, at least honest naman akong tanga ako, hihi.

anyway, kahit ayoko sana muna basahin si libro, sa kawalan ng magawa nun Holiday, naisipan ko na rin syang basahin. ayun natuwa naman ako! at aaminin ko there are times na kinikilig ako sa kaetchosan ni Edward at ni Bella. i even shed a tear nung andun na ko sa part na sumulat si Bella kay Edward kasi makikipagkita na sya kay James sa Phoenix! hay talaga nga naman oo! tsaka parang nakakatuwang nagsasabihan ng I LOVE U ang vampire at yun lablyf nya..hahah..la lang..natutuwa lang ako, ker nyo ba :p

at eto na dahil nga mahilig ako sa libro, syempre hindi pupwedeng di complete ang sequel..kaya sa weekend bibilin ko pa yung New Moon, Eclipse at Breaking Dawn. gusto sana iregalo pa sakin ni Cathy yung 3 kaya lang magiintay pa muna daw sya ng 3 pang occassion sa buhay ko bago nya yun bigay..waaaaaaa..sa Feb pa yun susunod na occassion kasi bday ko..since inipera akong tunay, bibilihin ko na sya sa Magrudys sa weekend..bwahahaha..

so ayan sinisimulan ko ang 2009 ko sa pagbabasa ng libro..sana naman matapos ang 2009 na medyo mas productive ang ginagawa ko diba? hehe..sana naman matapos na tong credit crunch na toh at naku naman talaga! sabi sa chinese horoscope..by November daw maganda na ang takbo ng career ko..teka paurong kaya o pasulong ang takbo nya?? hmm...

pero simula palang ng taon medyo confused na ko..e kasi naman habang tinatapos ko ang Twilight ehhhh nanonood din ako ng series ng Smallville. binigyan kasi kami ng DVD copy ng friend namin from Season 1 till Season 8...ngayon di ko alam kung sino ang mas kras ko si Edward Cullen ba o si Clark Kent..hmf! Pag binabasa ko yung Twilight mas naiisip kong ilagay na character si Tom Welling (CK) kasi parang mas bagay syang vampire tusok-tusok kasi ang teeth nya, hahahah....pero kung titignan muka naman talaga vampire si Robert Pattinson...ay naku..kompyus small brain ko! hmf!tas feeling ko mas bagay na Bella Swan si Kristin Kreuk (Lana) kasi maarte sya at pacute..bwehehe..ay akalain nyo ang name ng mga leading ladies nila ay KRISTIN at KRISTEN..ay akalain mo nga naman talaga noh?! hahahahaha

ehhh di bale eto na nga lang.....happy new year sa mga frenships na natagpuan ko dito sa blogosperya like Joshmarie, Pajay, Ron Turon at kay Onat na mukang di pa rin nakakarecover sa holiday at wala pa rin syang entry..hehe

PAHABOL:
ay akala ko bakit biglang nagtaas ng boses tong ofismeyt ko..NO WAAAAY! sabi nya! ayun pala si Beckham daw eh nasa mall at andun yun sis in law nya at ikukuha daw kami ng autograph bwahahahahah....ayus! humabol pa ko e no ala rin naman sense hahahaha

Day 24: My 2008

i am (was?) planning to write a year-ender article tulad ng maraming blogger..kaya lang natatamad ako haha..

gusto ko sana magreflect at pagnilay-nilayan ang mga bagay na naganap sa buhay ko ngayong 2008 pero naisip ko na mas madali yatang mag-Thank U Lord na lang ako sa mga blessings na nareceive ko since mahirap naman isa-isahin talaga ang mga bagay na natanggap ko hehe.

pero ang taong 2008 ang one of the best years in my life..mashadong maraming reasonssssss kung bakit sya the best di ko na iisa-isahin pa pero gusto ko lang pasalamatan si Papa God & si Sta. Clara for listening to my prayers..hehe...oo nagdadasal ako kay Sta. Clara dun sa may Marikina, in fact ako e nagdadala ng itlog dun for 2 years na. napagkasunduan kasi namin ng habibi ko na every uwi namin ng pinas we'll see to it na bibisita kami dun...call it korni but for us it is like panata :)..hek hek

etong 2008 mashado naging colorful ang life ko..there were some down moments na parang may down syndrome ako  pero mas madalas naman yung happy moments ko na parang nakakain ako ng happy peanuts kaya korek lang..

oh by the way, masaya pala ako last Xmas kasi for the first time buo ang 'pugad-baboy' family..i received an LV bag from my habibi and i gave him Tissot watch (touch)..tas si bulilit naman ay binigyan namin (on behalf of Santa Claus kahit wala kaming chimney haha) ng WII..we all enjoyed our gifts pero mas nageenjoy kami sa WII. sabi tuloy ni bulilit, kanya naman daw yun at bakit di sya makapaglaro kasi kaming matatanda ang nageenjoy, bwahahahah!

well, as for myself, syempre niregaluhan ko ang self ko ng Burberry na....BAG pa rin! hahaha..just so you know, isa ako sa mga baklang mahilig sa bag..malaki o maliit basta BAG korek sakin. kahit pa plastic bag nyahahahah!

alam nyo naiisip ko rin na gumawa naman ng New Year's Resolution...am sure maraming blogger na rin ang nagpost ng ganyang topic pero again natatamad ako..haha..pero kasi naman magmula ng matutunan ko ang salitang 'resolution' eh wala pa naman yata akong natupad talaga! so siguro this coming year, ang resolution ko na lang is TUPARIN ANG KUNG ANUMANG NAISIP KONG RESOLUTION..lols..pwede na ba yun?

hay naku 2 tulog na lang 2009 na! panibagong taon, panibagong simula. sana ang 2009 ay maging maliwanag  tulad ng simula ng aming 2008. sana ang 2009 ay hindi matulad sa 2008 na nag-end sa isang malaking economic crisis..at syempre sana sa 2009 eh dagdagan ulit ng amo ko yung pangwaldas ko bwan-bwan heheheh...lintek kasing credit crunch ala tuloy yata bonus at salary increase next year!

o ayan uwian na (nasa office pa kasi ako!) ipopost ko na toh tas iedit ko na lang sa bahay hehehe..

bye 2008 and welcome 2009!!!

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!! Sana madagdagan pala ang kaibigan kong blogger next year!!!!

Day 23: Bakit Wala?

may natanggap akong balita ngayong umaga

isang malunkot na balita...hindi lang pala malunkot...isa syang masamang balita

ang di ko maintindihan ay kung BAKIT parang wala akong maramdamang REAKSYON ng puso ko nang mabasa ko ang balita...

di ko alam kung BAKIT...

nakaholiday ba ang 'sense of feeling' ko?

tinatamad bang makiramdam ang katawan ko?

BAKIT di ko magawang umiyak dahil sa balitang natangap ko?

BAKIT di ko makuhang makaramdam ng lunkot...maigi pa nung nalaman kong namatay si Daboy o kaya si Marky Cielo...

sa dami ng BAKIT na gusto ko sagutin parang lalo akong nahihiwalay sa emosyon ko..

ang alam ko dapat malunkot ako..dapat mag-alala ako...at higit sa lahat dapat umiyak ako

pero BAKIT WALA???

hindi ko talaga maintindihan...

habang tinatayp ko toh nasa paligid ko ay tatlong batang abala sa panonood ng Disney Channel..lalong di ko mahalunkat kung saan man nagtago ang lintek na emosyon...gusto ko makaramdam ng lunkot..gusto ko umiyak..pero ala e...isang MALAKING emptiness lang ang nararamdaman ko...

oh wait, may nararamdaman pala ako...EMPTINESS!

hay..alam ko mali ito..alam ko hindi dapat ganito...

iniisip ko na isa marahil sa mga dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko (o yeah, ngayon alam ko ng may nararamdaman din pala ako) ay ang kadahilanang hindi naman ako lumaking kasama sya. wala akong 'memories' na aalalahanin at panghihinayangan.

wala naman akong masyadong alam tunkol sa kanya kung hindi ang pangalan nya at kung anong relasyon ko sa kanya. ang alam ko lang masungit sya. ang alam ko lang....ahhh basta!

ngayon, nakarating sa akin ang balitang sinugod sya sa ospital...bakit di ko maramdaman ang lunkot na dapat nararamdaman ko sana? bakit di ko magawang umiyak sa posibilidad na 'mawawala' na sya....

BAKIT??!!!

Day 22: Kompyus

pano ba sasagutin yung ganitong text:

Few days to go
Xmas/New Year na
Masaya ka ba?

Did you say sorry
Sa mga taong
Di mo sinasadyang masaktan?

Did you say thanks rin
Sa mga taong
Nagpapahalaga sayo?

Wel, do this habang maaga pa
U'll have a wonderful year and xmas!

I'll start

Sorry if I've caused you pain
Either intentionally or unintentionally

But thank you for the friendship, respect
Love and acceptance you've given me

Merry Xmas & Happy New Year!!!


lam nyo bat ko pinoproblema kung pano sasagutin yan..


di ko kasi alam kung sino yung sender...nyahahahahah!!!!! kainis ala sa fonbuk ko! hmf!

Day 21: Basted!

I AM SUPER BASTED!!!



hay naku...di naalala ang anniversary namin! kung di ko pa sinabing may  nakalimutan syang gawin nung araw na yun...di nya pa maiisip kung anong meron..hmf!! eto pa, bago nya narealize, NAGALIT PA NGA SAKIN! naktokwa!


dalas neto mangyari ha...di na nakakatuwa...hmf!

at di rin ako magpapacomment ngayon..gusto ko lang din maranasan yung nagsasara ng comment...kasi sa buong buhay-blogosperya ko di ko pa naranasan yung walang nagcocomment kasi nakasara yun comment...kasi kahit nakaopen yung comment dito..wala lang talaga nagcocomment sa blog ko kasi walang trip magcomment...nyahhahaha


gusto ko sana magupdate ng BLAG ko everyday since may 'intarnets' (gaya-gaya lang) naman ako sa bahay..kaya lang naisip ko magmumuka naman TWITTER o PLURK tong blog ko..hehe...kaya ayan nagbago na isip ko


ay..di ko pala alam iclose yun comment...bwahahahah...yae na nga...letch!


ay...bye Marky Cielo na pala..huhuu...type ko pa naman tong si Marky kasi ang cute-cute nya sumayaw...ano kaya cause of death nya noh???

teka congratulations din pala kay PACMAN kasi nanalo sya..akalain mo naman...sa loob ng 1 araw nakatanggap ang Pinas ng good and bad news...pero ako puro bad news lang..di na nabati nun anniversary, nabalitaan pang namatay ang isa sa mga kras ko sa showbiz..hay life...so ka-ka! di na sakin news yun pagkapanalo ni PACMAN...alam ko kasi mananalo sya..hehehe..magulat pa ko pag natalo sya...!


tse,  BADTRIP ako!....

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting