Day 76: Torete


Wala naman akong ibang pinangarap ngayong Holiday Season kung hindi ang mag-enjoy with my family.

Aba't kung bakit naman umaapela ang di dapat umapela sa akin. Tanda ba ito na ilang tumbling na lang ay TRENTA na ako? kung ano anong masasakit na ang nararamdaman ko ah!

Amf! Menopausal na ba ako? Wahahahahahah

Sana naman paglipat ng taon OKAY na ko ako. Maiwan na sana sa 2009 ang mga sakit-sakitan ko at ang mga BAD energies ay wag na sumama pa sa 2010 ko!!!

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

Day 75: My Year Ender

How time flies! Eto patapos na naman ang 2009! Welcome 2010 na! Ano naman kayang eksena ang gaganapan ko ngayong taon na ito? Sana naman role na ng isang milyonarya ang gampanan ko diba? Mahirap din ang eksena pag palaging mahirap ang role mo, nakakatuyo ng utak. Hehe.


Anyway, going back to my 2009? Naku, napakaeventful..lemme see..

JANUARY:
6 months prego na ko nito. Napabalita na ang schedule ng tanggalan sa opisina. Worried na ko kahit ilan daang beses sabihin sakin ng mga kaopisina kong wag ako mag-worry lalo sa kalagayan ko.
FEBRUARY:
7 months prego na ko. Pinagbawalan na ko magkakain ng sweets at pinayuhan na mag-diet para na rin sa ikalulusog namin ng pinagbubuntis ko. Still, worried pa rin ako sa magaganap na tanggalan. Sabi kasi MARCH, JUNE at SEPTEMBER daw at pag minalas aabot ng DECEMBER ang tanggalan..whew!

MARCH:
Excited na ko sa nalalapit kong panganganak..wuhooo!!!!
APRIL:
22nd of April, isinilang ko na si DHAYNE ANGELO na ngayon ay 8 months old na. Uber kulit na bata at uber hyper...grraaabeee!! Thanks God at nailuwal ko naman sya ng bonggang-bongga kahit feeling ko eh wasak na wasak ang lahat sa akin.

MAY:
Gusto ko na sana bumalik sa work, worried pa rin ako sa status ko sa company. But still enjoying the feeling of being a MOM, the second time around!

JUNE:
Nakatanggap na ko ng tawag from our office. Eto na yun. Kahit kagigising ko pa lang parang feeling ko gising na gising na ang buong diwa ko. TERMINATED na ko. Amf! I was made redundant due to blah..blah..blah...Ah, ewan! Basta ang alam ko wala na kong babalikang trabaho.

JULY – AUGUST:
Dahil nga wala na kong trabaho, kailangan na naming lumipat ng bahay na kakayanin ng budget naming mag-asawa. Kaya eto sa loob ng 2 bwan ay aligagang pusa ako sa paglilipat ng bahay, internet connection, e-vision at enrolment ni Chloe Gabriel. Kasabay pa nito ang paghahanap ng trabaho..hay!

Fortunately (nga ba?), natanggap naman ako bilang Glorified Alalay sa Frayland. Ang sahod, 40% off from my previous salary at walang ibang benefit kung hindi ang annual return ticket. Ok na rin kesa sa wala. Binigyan ako ng hanggang September ng UBP (my previous company) to look for another job bago nila icancel ang visa ko. Buti na lang, nakahanap na rin naman agad ako kahit papano.

SEPTEMBER:
Nagsisimula na ulit ako sa opisinang parang hindi ko feel pasukan. Magulo ang ofis, may ere ang isang Pinay, may kanya-kanyang issues ang mga tao. Feeling ko over-dressed ako for wearing a suit, feeling ko masyado akong maganda sa opisina na ito. Haha. Pero kailangan ko ang work na toh para sa mga bayarin ko, kaya kailangan PAGTYAGAAN!

Naging magulo din pala ang September ko dahil sa problema ng ate ko na ipinasalo sa akin kahit ayaw ko.

OCTOBER:
Nasa Frayland pa rin ako. May mga tawag sa ibang company pero ang offer di hamak na mababa naman sa kasalukuyang sahod ko kaya kahit imbyerna ang ilan sa mga tao sa opisinang to, dito na lang muna ako hehe.

NOVEMBER:
Nothing exciting. Still wishing na makarecover ang UBP at i-recall ang mga natanggal na empleyado. Can’t move on. Hay!

DECEMBER:
Naospital ako! Sa loob ng ilang taon ko na sa UAE parang bilang na bilang ang inubo at sinipon ako. Parang di ko nga matandaan pang nilagnat talaga ako. Sa di malamang kadahilanan, ngayon pa ko naospital dahil sa high fever at gastroenteritis with bacteremia daw.

Hindi ko alam kung dahil:

• Yogurt lang ang kinakain ko twing lunch kaya wala ng panglaban ang katawan ko sa sakit


• Stressed ako masyado sa mga bayarin kaya ako nagkasakit


• Di ko feel ang pinagtatrabahuhan ko kaya hinayaan kong gupuin ako ng sakit

Watever! Kung anuman ang dahilan, hindi ako natutuwa kasi inabot ng 5000 dirhams ang hospital bill ko na hindi malaman kung bakit ako naospital o yun simpleng kung bakit ako nilagnat ng pagkataas taas. Sana pinambili na lang ng burberry bag yun pinangbayad sa ospital, naging masaya pa ang pagtatapos ng taon ko.

Pero kahit na-recession ako sa kalagitnaan ng taon masaya pa rin ako dahil dumating sa buhay namin si Gelo. Masaya kaming mag-asawa for having our kids here in Dubai.

All in all..MASAYA ANG 2009 KO KAHIT NA MAY MGA DOWN MOMENTS AKO! KAILANGAN DIN DAW KASI MINSAN MAY PROBLEMA ANG TAO, PARA MAGKARON NG KULAY ANG BUHAY! HEK HEK HEK



HAPPY HOLIDAYS EVERYONE!!!!!

Day 74: Kapitana Bacteremia

Been out for so long. Ilang weeks na kong nakakaramdam ng pagkapagod physically although hindi naman busy sa work. I even voiced it out to my friend, Katt. Para kakong gusto ko ng pahinga, at least for a week. Pero ewan ko ba kung anong sumpa meron ang dila ko at kung bakit nangyayari nga ang gusto ko pero sa paraang pinapahirapan naman ako.

Naospital ako last week due to very high fever na sa sobrang taas feeling ko umabot sya sa outerspace. Sobrang bilis mag-fluctuate ng temperature ko from 38deg to 40deg, parang wala ng bukas. For the NTH TIME, nakipag away ako sa sarili ko para labanan ang sakit. Sabi nga ng asawa ko kasi labanan ko daw. Kung pwede lang hatakin palabas ang sakit sa katawan ko at bugbugin ko ng bonggang-bongga as in yun tipong sya ang madedextrose at hindi ako, sana ginawa ko na!

Heniweiz, sabi ng napakahusay kong doctor (sa sobrang husay hindi maexplain ang sakit ko) meron daw akong GASTROENTERITIES WITH BACTEREMIA...errr, hanu daw? NAGTATAE DAW AKO AT MAY INFECTION SA DUGO! ahhh sus, yun lang pala...may infection lang ako sa dugo! PAK!

at dahil sa bacteria na kung tawagin ay BACTEREMIA hindi nya pa ko pinapayagan lumabas ng ospital. kasi kapag daw di ito namonitor pwede ito dumami at hindi na maging treatable. pero sa ingay sa ospital na yun at sa papalobong hospital bill ko pinilit ko lumabas at pumirma ako ng waiver saying...ITO AY NAGPAPATUNAY NA KUSANG LOOB AT WALANG HALONG PANUNULAK AKONG LALABAS SA OSPITAL NA ITO SA KADAHILANANG PARANG PALENKE AT DI OSPITAL ANG HALLWAY NYO AT IDAGDAG PANG ANG MGA NURSES NYO AY DI ALAM ANG MAHINAHONG PARAAN NG PAGSASARA NG PINTO NA KUNG SAKIT SA PUSO ANG DAHILAN NG PAGPARITO KO AY NATULUYAN NA AKO. I, THANK YOU. BOW.

Pumayag si Dok na lumabas ako pero under observation ako for 4 days at salamat po kay Lord at hindi na tumaas pang muli ang temperature ko. Bumalik ako kay Dok kahapon according sa instruction nya, pero sa di malamang kadahilanan hindi nya man lang ako kinunan ulit ng dugo para malaman kung ang bacteria ay nasa dugo ko pa. Kinunan lang ako ng temperature at ako daw ay OK na! Sa libo libong binayad ko sa ospital nila, halos di naman nila ko napagaling, ala akong napala??? Hindi man lang ako nabigyan ng assurance na wala na ang bacteriang natagpuan sa dugo ko na according to him before ako i-discharge ay pag di naagapan could be dangerous for me??!

Buti sana kung tulad ni Spiderman na matapos makagat ng spider ay naging superhero. E ako ba? Matapos mapasok ng bacteria ang sterile kong dugo magiging superwoman ba ko? Pwede ko bang ideclare na ako ay si KAPITANA BACTEREMIA since sa bacteriang yan galing ang sakit ko???

Hay leche! Mahirap talaga magkasakit sa abroad. Mashado ng mahal hindi mo pa makuha yun resultang inaasahan mo..tskkkk.tskkk..

Salamat na lang kay Lord, Papa Jesus at Mama Mary...magaling na ako...sana magtuloy-tuloy na toh...para maganda ang 2010 ko....:)

Day 73: Kapalaran

Like the usual, wala na naman ginagawa sa ofis. Tama nga yata yung nabasa ko, mas maraming nagtatrabaho sa opisina ang madalas magkasakit kesa yung mga nasa bahay o labas ng kalsada. Kasi at least sila may exercise, e kami (o tayo) wala! Bukod sa mga daliring panay ang tipa sa keyboard, mga konting moments na pagsasalita, pagtayo ng upuan kada makakaramdam ng pagwiwi..wala ng ibang activity! Hay! Kung pwede lang mag-yosi , siguro nag-yosi nako dito.

Almost end of the year na, nalalapit na naman ang mga year –ender article. Last year parang di ko ma-recall na gumawa ako, tinatamad naman ako puntahan ang archives ko bwehhehh. Pero siguro this year, gagawa ako.

Last year, bago pumasok ang 2009, naisipan ko maghalunkat sa internet ng mga 2009 forecast & predictions. Hindi ko na marecall yung website na napuntahan ko pero sabi nga dun magkakaron akong financial problem at additional member ng family. ...and this actually happened. At sa asawa ko, kesyo magkakasakit daw sya, ayun nga January pa lang may sakit na sya at na-dale sya ng uric acid, hehe.

So kung pagbabasehan ko ang mga nabasa namin, may katotohanan naman pala yung ilang forecast. Sabagay, HULA nga daw eh. Pwedeng tama at pwede ring mali.

Eto nga lang, may isang 2009 forecast para sa Pisces na ngayon ko lang nabasa:

Beware, however! Your tendency to compassion will be increased this year. It's possible that it will induce you to take care of others exaggeratedly, to the point of imposing yourself heavy financial or other burdens. Don't let yourself be moved by the misfortunes that others will describe to you in a deliberately tragic manner. Assure yourself of the validity of what people tell you before granting your aid. Besides, remember that well ordered charity begins with oneself.

Ayan! bakit ba hindi ko nabasa kaagad yan, sana man lang nakapaghanda ako diba? Hahahaha..ngayon it’s too late na, I HAVE ALREADY IMPOSED MYSELF SUPER HEAVY FINANCIAL burden! (LOL)

Naisipan ko na ulit magtingin-tingin ng horoscope. Di naman sa fan ako ng mga horoscopes pero wala namang masama kung magbabasa , hehe. As early as now, meron ng mga forecasts for 2010! Asteeg diba?! Sabi sa iba’t ibang website na napuntahan ko, mapopromote o magiincrease ang sahod ng asawa ko...wow, gusto ko yang hula na yan, haha. At sabi naman sakin, magiging OK ang financial, career and health ko. Naku sana nga magkatotoo, tsk!

Ikaw, gusto mo ba malaman ang 2010 mo?

Day 72: Ano Sa Tingin Mo?




Bakit ang mga artista kapag may scene na naghihingalo sila, comatose, naka-ICU, natorture o simpleng nabugbug lang..kun todo mok-up pa rin? OK fine pinapaputla sila ng ishlayt, pero ang lips pinkish pa rin, ang kilay nakapluck pa rin? Ano kayang gamit nilang make-up at bakit kahit nasa deathbed na sila, ang gaganda pa rin nila? Ikaw, ano sa tingin mo?


*****

Ano sa tingin mo, totoo kaya na si Krista Ranillo ay may relasyon kay Pacman? Kakaawa naman si Jinkee. Ayan tuloy, nun thanksgiving mass ni Pacman, nasiko ni Jinkee si Pacman, haha. Nagmomoment nga naman si Jinkee ehhh umeeksena si Manny..amf!

Meron akong mala-pimple na bukol sa gitna ng leeg ko. Medyo masakit sya at parang namamaga lang naman ng ishlayt kagabi..kaya pinakita ko sya sa asawa ko at mga kasama sa bahay..eto reaksyon nila:

Asawa Ko: Hala anlaki! Baka tinutubuan ka ng Adam’s Apple?!

Ate Raquel: Bakit mo kasi nilunok..........ang holen! (sabay halakhak ng bonggang-bongga)

Neneng: Baka magtra-transform ka na, parang si La Lola!!!!

Waaaaaaaa..meron pa nga nagsabi na baka nauntog daw yun leeg ko..errrr, pano kaya nauuntog ang leeg?! Hahahahaha..Parang ni isa sa reaksyon ng mga nakausap ko hindi ko gustong tanggapin. Yun sa asawa ko parang hindi ata gugustuhin ng mga anak ko na may adam’s apple ang ina nila (lols). Kay ate Raquel naman, ehhh wala pa nga akong praktis noh, pano ako makakalunok..........ng holen! Heheheheh..at kay neneng, ayan kakapanood ng TV! sus!
Ikaw, ano sa tingin mo dito sa bukol ko?

*****

Sabi nila - - YOU ARE WHAT YOU WEAR! Ano sa tingin mo?

Simplicity is the best policy ang motto naming mag asawa. Walang mashadong borloloy o maporma. Nung nagpunta kami sa shop ng Louis Vuitton kasi gusto ako ibili ng bag ng asawa ko, nakacasual lang kami, alam nyo ba na halos di kami pansinin ng mga tindero dun?! Kasi nga hindi kamo naka-suit o di nagkalat ang alahas namin sa katawan at muka kaming alang pera, haha. Kahit yun Pinay na tindera akala yata nagtitingin tingin lang kami. Yun hipag ko tuloy na kasama namin nung namili at magbabayad na..tinanong sya kung CASH o CARD...taas noo (kahit kanino) nya sinagot na CASH! Hahaha..o diba?

Maraming pagkakataon na kaming nahuhusgahan mag asawa base sa suot namin. Di ko alam kung dapat ban aka-gown ako para isipin ng tao na may pera ako? Sa Sunday, may pupuntahan kaming party ng friend ko na si, Katt. Birthday party ng isang kaibigan. Ang mga attendees mostly kasama nya sa trabaho, sila ay mga CABIN CREW. Knowing na they are party goers at ‘magaganda’ ayaw naman namin syempre magmukang caterer sa party noh, hahahah..so now we are brainstorming kung ano ba ang isusuot namin. Pero naisip ko, barkada namin yung may birthday since high school, dapat pa ba kami mag-maganda??

Ay naku Katt, dalhin na lang natin ang ating angking ganda, i know dun pa lang, talbog na sila! Hahahaha..that’s the spirit!

*******
Ay naku panis na tong article na toh. Last week ko pa sya pinopost pero ayaw nya ma-post at panay nasha-shutdown ng kusa yun explorer ko. In any case, maliit na ang bukol ko sa leeg, na malamang pimple lang na naligaw ng landas at napagdesisyunan ko na pumunta ng party tonight na nakapang-prayer meeting opisina. Kiber! nyahahahaha

Day 71: Bumitaw Ka Na Kasi!


Madami na kong nabasa na blog o story about LETTING GO. Meron pa nga akong nakita minsang ART OF LETTING GO na tinatawag. Meron pa palang ART ang pagle-let go?! Amf! Para ba itong Martial Arts?


Bakit nga ba mahirap pakawalan ang isang nakaraan? Dahil ba sa tagal ng pinagsamahan o dahil mismo sa taong nakasama mo dyan sa nakaraang di mo mabitawan? o PAREHO?


Kung ako tatanungin nyo, dilemma ko rin yan. Pero hindi sa lovelife! For the past two years, nagtatrabaho ako sa isang banko na uber-kaduper ganda ng benefits at pasahod kaya lang recession hits us big time kaya ayun natanggal ang beauty ko sa Banko. Until now, inaamin ko na para ko syang EX na hindi ko makalimutan. Para syang isang nakaraan na ayaw ko pakawalan. Isang dating kaibigan na pinanghihinayangan. Para syang isang dating karelasyon na pinapangarap ko pa ring mabalikan. So in some ways, nauunawaan ko na ngayon kung bakit may mga taong hirap na hirap mag-let go. MAHIRAP PALA TALAGA!


Pero kailan ka nga ba dapat mag-let go? Kapag pagod ka na? Hanggang kalian at saan ba ang energy mo? O para kang yung rabbit dun sa commercial ng energizer na walang kapaguran?


Kapag ba wala ng nangyayari sa isang relasyon o sitwasyon, dapat mo na itong iwan? E pano kung maisasalba pa naman? May hinihintay ka bang sign para malaman kung dapat ka ng mag-give up o magpatuloy?


Ano bang klaseng relasyon ang tinatawag na - - WORTH SAVING?

Day 70: Beauty Pageant

eto na naman ako. feeling ko beauty pageant na naman ang pinuntahan ko!

sa lahat talaga ng ayaw ko yung mga tanong na..WHERE DO YOU SEE YOURSELF IN 5 YEARS? o di kaya naman e WHAT IS YOUR CAREER PATH? kasi sa totoo lang, wala akong career path at lalong di ko alam kung nasaan ako in 5 years!

hindi pa naman ako manghuhula para malaman kung nasan ako limang taon mula ngayon. as long as kumikita ako, wakoker sa career path na yan! hahahah

hay, kung hindi ko lang kilala ang nagpasa ng papel ko sa beauty pageant na yan, di ko naman na sana papatulan..ayoko ng natetense kung papasa ba ako sa finalist o isa ako sa mga uuwi at magda-dialog ng..MAYBE IT'S NOT MEANT TO BE! (bow!)
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting