ngayon ay ang official ALL SOULS DAY o kung tawagin nating mga Pinoy ay ARAW NG MGA PATAY! at sa totoo lang parang pinangatawanan ng araw ko ang pagcecelebrate ng araw na ito. TODAY IS LITERALLY A DEAD DAY! AMBORINGGGGGGGGGGGGGGG!
nananakit na ulo ko kakaisip kung ano ang pwede gawin sa maghapon! actually, 4 hours na akong nasa ofis at siguro out of that eh mga 15 minutes pa lang ako tumayo mula sa kinauupuan ko. ansaklap di ba?! WALANG MAGAWA! at eto pa, wala na nga ako magawa feeling ko pa ampanget panget ko kasi BAD HAIR DAY ako! Kalain mo yun?!
sabagay twing Sunday naman slow talaga ang trabaho kasi sarado ang Geneva office namin pero minsan naman may nagagawa ako. eto pa hirap ngayon sa sitwasyon ko at dahil may internet na ko sa bahay (wuhooo!) halos araw-araw na ko nakakacheck ng mga paborito kong website (lahat ng nakalista sa BLOGROLL ko) kung kaya nabibisita ko na sila araw-araw at dahil ganun nga ang pangyayari hindi na tuloy tulad ng dati na may nagagawa ako pag Sunday. ngayon kinakailangan ko ng magpatumbling-tumbling sa blogosperya para lang makatagpo ng pagkakaabalahan..
(COMMERCIAL..SA WAKAS INABALA DIN AKO NG AKING BANKERA)
ayan tapos na ang pang-aabala..sa mga panahong ganito ko gustong magpaistorbo sa kahit kanino. ayoko kasi ng muka akong engot na nakatitig sa monitor ko. mananakit lang mata ko kakabasa at pag minalas-malas pa susumpungin ako ng gutom, hmf! may report akong sina-submit kada Sunday pero dahil ang mga bankers ko ay dumaranas na naman ata ng katamaran kaya ayun hanggang ngayon hindi nila sina-submit sakin ang updated report nila ng maconsolidate ko na. at dahil nga delay sila so delay din ang trabaho ko..ayus di ba? pero kung hindi nila ko padadalhan ng report bago mag-6pm abay' tabla tabla magsa-submit ako ng report ko, hek hek hek! wag silang aangal di ko inintay update nila kasi maghapon akong nagiintay noh!
nakuu nagugutom na talaga ko. asan na kaya yun carbonarang inorder ko..ginagawa pa lang yata ang pasta?! hmf talaga...
ooops, eto na pala..dumating order ko..kakain na ko at nagkaron din ako sa wakas ng pagkakaabalahan. pagkatapos kong kumain maggagawa ako ng spreadsheet ng DOB at Domicile Address ng mga client ng isang banker ko..di sya urgent pero dahil wala ako magawa pwes eto na lang ang gagawin ko hehehe...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Any violent reactions?:
Post a Comment