nakatangap lang ako ng kopya ng email na to..natuwa ako at naisipan kong gumawa ng Dubai version, hek hek
MALING AKALA
A fellow OFW named "Maeng Ni" originally posted this. Inedit ko lang sya to be more applicable to Dubayyans since nasa Dubai ako :) But most of the contents are from Maeng Ni.
Akala ng mga tao sa Pilipinas na kapag nasa abroad ka marami ka ng pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili ng gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card kasi naubos na ang cash dahil pinadala na sa Pinas. Pag hindi ka kasi nagpadala iisipin nila nakalimutan mo na sila.
Akala nila marami ka ng pera kasi bwan-bwan libo-libo ang pinapadala mo walang palya, at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhan ka ng iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista sa malapit na kakilala.
Pag may okasyon sa Pinas - birthday, fiesta, anniversay, Pasko, New Year, at iba pa padala ka kaagad ng panghanda. Ang sarap ng kainan nila. Di nila alam ikaw ay nagtyatyaga sa budget meal, cheese bread, shawarma, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku! Di nila alam nakakapag-KFC ka lang o Mc Do sa abroad kapag may extrang pera ka at ang makatikim ng tuyo galing ng Pinas ay heaven na!
Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani. Naku mas masarap pa yong nasa Pinas na sa katas ng bagong bayani ay syang umaani! Utang sa abroad lalong dumarami!
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi Dirhams na ang sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pag pinalit mo ng peso, pero Dirhams din ang gagastusin mo. Ibig sabihin ang Dirhams mong kinita, sa presyong Dirhams mo rin gagastusin. Ang PhP15.00 na sardinas sa Pilipinas, AED3.00 sa Dubai. Alangan naman puro fast food ang kakainin mo. Aba, mamamatay ka sa high blood o hepa nyan kasi naguumapaw sa mantika! Kaya pag naubusan ka ng pera, no choice ka! You have to take a risk.
Akala nila masarap ang buhay ng OFW dito kasi nakatira sa Flat (o condo sa pinagandang termino). Hindi nila alam na daig pa ang sardinas sa pagsisisiksikan ng mga Kabayan dito sa Dubai sa kagustuhan lang may matipid. Di nila alam habang prente silang nakahiga sa malalambot nilang kama sa Pinas, ang mga kamag-anak nila dito sa Dubai ay halos matulog na sa sahig para lang makamura.
Akala nila buhay milyonarya ka na kasi napakaganda ng bahay at kotse mo sa Pinas. Nagpa-lypo ka kay Calayan at nagparetoke ka kay Belo. Ang totoo, nagloan ka lang sa HSBC, Citibank, ABN Amro o Standard Chartered Bank na huhulugan mo sa loob ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng mga luho mo at ng bansang ito. Kasi nga magloan ka ba naman dahil sa luho!
Akala nila masarap sa abroad. Di nila alam di ka nga makauwi kasi round trip ticket kina-cash mo pa para lang maipadala lang at ibayad sa utang. Magdadahilan ka pang di ka pinayagan magleave para lang di na magisip ang pamilya mo sa Pinas na naghihirap ka na talaga sa abroad.
Akala nila masarap sa abroad kasi paguwi mo mestisa ka, maputi at mamula-mula ang balat mo. Di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay dahil no choice ka. Mga kapitbahay mo di mo kakilala. Walang pakialaman at kung lalabas ka sunod ang balat mo sa sobrang init ng araw. At isa pa magastos lumabas lalo na pag napadpad ka sa Mall.
Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, bumili ka ng sasakyan para gawing pang-carlift (o service) para madagdagan pa yung kinikita mo. At kung wala kang sariling sasakyan, makikipagsiksikan o makikipagunahan ka sa bus na puno ng indyano at pakistano. paglabas mo ng bus, amoy putok ka na rin! Walang jeepney, tricycle o padyak sa Dubai. Wala nga rin MRT dito e, may ginagawang Metro pero di ko alam kung makakatulong nga ba yun sa mga maliliit na tulad ko. May mga taxi naman pero ginto ang presyo tapos mahihilo ka pa sa amoy ng mga driver dito!
Akala nila masarap ang buhay sa abroad. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka nagtrabaho, terminated ka, gagawan ka pa ng kwento ng kapwa mo Filipino. Hindi ka pwedeng basta tumambay sa kapitbahay kasi nga di naman kayo magkakilala haha, kung kakilala mo naman at kasama mo ang syota mo sa pagtambay, pag minalas-malas na natyempuhan kayo ng CID tapos wala kayong legal na papel na maipapakita, makukulong pa kayo! Pero marami pa ring matatalinong matsing ang nakakalusot. Nagpagawa ng fake na papel para kunwari kasal sila.
Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo na background ang Burj Al Arab, Mall of the Emirates, Ibn Batuta, Atlantis, Wild Wadi at iba pang attractions. Ang totoo kailangan mo ngumiti ng pang-friendster na smile kasi minsan ka lang makakapicture sa mga sosyal na places na yan.
Akala nila tatay, nanay, ate, kuya, anak, pamankin, at iba pa na namumulot ka lang ng pera sa abroad. Kada may problema text kaagad. Kumusta sa una tas bandang huli kailangan ng pera. Hay naku! Nakakaallergic na ang text sa roaming - puro gastos! At minsan padala ka pa ng load! Load mo nga, utang pa sa Pana (o indianong tindero sa supermarket sa baba ng bldg nyo). Bakit ba nauso pa yan! Pag di ka replyk, aawayin ka pa!
Akala nila pag may picture kayo sa bar o nagiinuman o nagpipicnic, masarap ang buhay sa abroad. Hindi nila alam ilang lang yun sa napakakonting pagkakataon na nagkakaron kayo ng get together kasi napahaba ang holiday na binigay ng government.
Akala nila ganun kadali maginom dito sa Dubai hindi nila alam dinadayo pa sa Umm Al Qwain o Ajman (ang mga lugar na may legal na tindahan ng alak) para lang makatikim ng alkohol ang katawan. Ang Umm Al Qwain ay 2 oras na byahe mula sa Dubai Proper at ang Ajman ay nasa 1 1/2. ganun kadesperado ang mga tao sa Dubai na makainom ng alak! Minsan merong mga kabayan na nagbebenta ng ilegal kaya naman pag namimili ka akala mo'y drugs ang binebenta sayo kasi nga patago nila yun iaabot sayo..hay!
Akala nila palibhasa may boyfriend ng ibang lahi ang mga Pinay dito sa Dubai, mapera na sila. Hindi nila alam ilan sa kanila (bukod dun sa mga nagsasabing inlove talaga sila) tinitiis ang amoy ng Arabo o Indyano (yun iba nga Pakistani pa!) nilang syota para lang makalibre ng pakonti-konti at kung galante ang napatulan nila mabibigyan pa sila ng extra cash. Di nila alam na kapalit ng konting ginhawang nabibigay ng mga ibang lahi na yan, kapalit naman ang buong pagkatao ni Kabayan..hay! Pag minalas pa, mabubuntis at pagkatapos ang mga nasa Pinas may gana pang manghusga! Kumusta naman yun?
Madaming naghahangad na makarating sa abroad. Lalo na mga nurses, medsec o teachers. At eto pa, pati cleaners mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho, pagdating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa, lalo na sa Dubai, wala kang outlet ng stress mo lalo at kung isang DH ka.
Hindi ibig sabihin Dirhams, Dollars, Yen, Euro o Pound ang sahod mo, yayaman ka na! Kailangan mo rin magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinag-silangan at malunkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito sa abroad o pinipitas o iniigib. Hindi ako naninira ng pangarap. Gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.
Mahirap mangibang bayan. Sino ba ang may kasalanan na iwan ang sariling bayan? Maninilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan. Hangga't may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapagiiwanan.
Kaya Juan, magiwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Any violent reactions?:
Post a Comment