Day 8: Pregnancy and all that

Thanks God it is Thursday..weekend na and 2 days na naman akong tanghali na gigising. It is not that I find it difficult to wake up in the morning but it is just that nowadays I prefer to stay in bed till late afternoon. Masaya naman ako na I don't have the morning sickness..BUT...unfortunately, meron naman akong 'evening sickness'. Ay naku, gabi-gabi na lang right after ko kumain ng napakadami, ilalabas ko rin sya ng bonggang-bongga makalipas lang ang ilang sandali (note: ilang sandali ng pagpipigil, hehe)


As much as I want to control myself not to throw up kaso lang dahil bugso ng damdamin itoh, kelangan pagbigyan ang aking katawan or else di na ako magfafunction ng mahusay the whole night and till the next morning..Now I am thinking, ano nga ba ang ADVANTAGE and DISADVANTAGE ng pagiging preggy (may disadvantage talaga!?)..




ADVANTAGES:




1. MAPAPATUNAYAN MONG 100% KANG BABAE! Ibig sabihin ang matris mo ay nagfafunction ng normal & walang anay o agiw sa loob nito that hinders the EGG CELLS and SPERM CELLS to unite! abah, akalain nyong nabasa ko somewhere, out there na ayan palang mga lintek na CELLS na yan ay inaabot ng 1 bwan (yata! nalimot ko na rin eh...pero basta matagal!) para lang magtagpo sila?! kaya ang MAKISIG NA SPERM CELL na umaabot sa loob at nakakakilala sa iyong EGG CELL ay dapat bigyan ng isang award! uhmm, wait naisip ko lang, pangalanan ko kayang MAKISIG yun magiging anak ko since galing sya sa isang makisig na sperm! wahahahahahah!!! amfanget!




2. THE CYCLE IS COMPLETE. Sabi nila kapag daw ang isang babae ay nakapanganak na, nabuo na ang life cycle ng nanay nya. Actually, nalimot ko na kung bakit, haha..nagpapaniwala kasi ako sa mga sabi-sabi, lintek! Basta, parang it has something to do with experiencing the things (such as giving birth) that your mother had experienced with you!




3. PROUD OF YOUR BELLY. Para sa mga medyo minalas-malas na mga babaeng may BEER BELLY (lol) kahit na dalaga pa, kapag nag-asawa na kayo at nabuntis na kayo, hindi nyo na ikakahiya ang belly nyo. Instead, you'll be proud of it! Hindi na kayo magkukulay violet sa pagipit ng tyan nyo at pagpigil ng paghinga para lang hindi mahalata ng mga boylets na ikaw ay isang BUTAD NA DALAGA! hahahahha. Aside from this, kahit na hindi lumiit ang tyan nyo after giving birth, meron na kayong excuse sa mga babati sa inyo na tumaba kayo o malaki tyan nyo..you will just simply smile and say "NANGANAK NA KASI AKO EH!"




4. SENSE OF RESPONSIBILITY & GREATNESS. When you do get pregnant, you'll have this feeling of responsibility. Whatever you do, kinoconsider mo na yun kapakanan ng bulilit sa iyong sinapupunan. At feeling mo talaga si Darna ka kapag nailuwal mo ng normal yung bata. Ako nga nun, kahit na putok-putok ang labi ko sa pagkagat ko habang umiire at kahit parang mapupunit ang tahi sa pekengkeng ko habang inaatake ako ng dry cough, feeling ko wonderwoman ako dahil nakapaglabas ako ng isang bouncing baby boy...isang 9lbs na bata lang naman si Chloe Gabriel ng inilabas ko 7 yrs ago..whew! warak ang lahat sa akin!




5. FEELING OF COMPLETENESS.  Kahit na gaano kahirap ang pagbubuntis mo (from morning sickness to labor pains), aminin man o hindi ng mga nagbubuntis..may feeling of completeness kayong mararamdaman when you get to deliver a baby. Lalo na kung healthy & super cute ang baby mo. Iisipin mo sa sarili mo na.."alangya, sulit ang paghihirap ko ng 3 araw para lang mailabas ang pinakamagandang sanggol sa buong Earth!" you don't have to be afraid kung magiging cool mom o monster mom ka ba as long as kabutihan ng anak mo nasa isip mo..U'LL BE THE BEST MOM IN THE WORLD! Just remember, WE ARE NOT PERFECT, WE ARE JUST PARENTS! Kahit na siguro ilang paglilihi ang daanan ng isang babae, once nailabas nya na ang baby nya andun pa rin yun pakiramdam na KOMPLETO NA KO.


(bakit kaya ayaw humiwalay ng #6 kay #5, nadevelop kaya sila?! lols)


6. YOU CAN SAY NO TO YOUR PARTNER WITHOUT FEELING GUILTY. Oi eto, at dahil may dinadala ka sa iyong sinapupunan at di maganda ang pakiramdam mo during your 1st trimester...pwede ka magdahilan sa iyong partner na tinatamad ka (sssh!) para di ka nya kulitin sa gabi, hahaha.. Maari mo sabihin sa kanyang hindi maganda ang pakiramdam mo and gusto mo na magpahinga at nahihirapan ka sa tyan mo (kahit na 4 weeks ka pa lang at halos wala pang umbok ang tyan mo, wahahahah)




oh eh teka, pano naman ang disadvantages?




DISADVANTAGES




1. NO MORE SEXY OUTFITS.  Ay naku, sorry ka na lang kasi medyo mga at least 1 year mo munang kakalimutan ang mga damit mong feeling mo eh SEXY ka! Instead, you have to replace your wardrobe with empire cut clothes, maternity jeans and dresses. Lalagpasan mo na ang skinny jeans BAGKUS ikaw ay dadako na sa MATERNITY DEPARTMENT na kung saan ang mga jeans, slacks at skirts ay may mala-garter na bewang!




2. NO MORE SODAS AND OTHER UNHEALTHY FOODS.  As much as you want to give in to your cravings, sorry to say pero coke, pepsi at junk foods are a big NO-NO sa pregnancy. So magstick ka na lang sa tubig o di kaya simulan mo ng uminom ng Anmum para sa ikalulusog ng baby mo! Bawas rice na rin kaya sa mga tulad kong Ms. Extra Rice, isang malaking challenge ito! ha ha ha


3.  WHEN YOU SAY NO TO HIM, HE MIGHT FIND SOMEONE ELSE. Ayun lang! Baka dahil nagiinarte ka, naku maghanap naman ng iba.  Substitute (sub-prostitute?!) bah?! So if I were you, kung kaya mo naman go na lang iha bago pa maisipan mangaliwa di ba? hahahah


4. NO MORE PACUTE MOMENTS. Sad to say, hindi ka na pwede sa mga pacute at patweetums moments. Hindi ka na pwede magpacute kapag umuusbong na ang tyan mo noh! Well, kung wala kang asawa pero buntis ka (which is a normal case these days) siguro pwede mo sabihing bilbil lang yun at mawawala rin kapag nakapagsexcercise ka, wahahahah!


5. TAKING PILLS BIGGER THAN A KIDNEY BEAN?  Ay naku ewan ko ba bakit ang mga pills for pregnant women ay malalaki! Dahil ba ito sa pinagsama-samang vitamins (like folic acid, calcium, Vit A - Z) sa isang tableta kaya kelangan eh kasinlaki ng tipak ng iceberg ang iinuming mong gamot?! hehehe


but the bottomline is YOU ARE BLESSED CAUSE YOU ARE PREGNANT..a child is a blessing so kung paano man yan dumating sa buhay mo, whether ginusto mo o hindi, wrong timing o tama lang, still isa yang blessing from Him. All we have to do is to make sure that we'll take good care of that blessing & whether normal o may abnormalities man ang baby na isisilang mo isipin mong sa'yo nangaling yan..as in dugo mo at laman kaya dapat mong ingatan at alagaan :)


hindi ko alam kung bakit nagdidikit-dikit ang mga paragraphs ng entry na toh...kakabuset! mashadong close ang mga lintek. di ko naman sila pinagdidikit-dikit..hmf! hirap nyo iformat huh!


ok ciao for now :D

0 Any violent reactions?:

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting