BAD TRIP AKO!
Yan lang ang mga salitang pwedeng magdescribe sa pakiramdam ko ngayon. Nababadtrip ako kasi masakit ang ulo ko. Binigyan ako ng Tylenol ng officemate ko which I gladly accept pero hindi ko naman ininom. Wala lang although naniniwala ako sa sinabi nyang pwede yun sa buntis, ayoko pa rin sya inumin!
Pagkagising ko kaninang umaga, OK naman ako. kinukulit ko pa nga asawa ko na himbing pang natutulog. buti na lang di nya ko nasigawan ng maaga-aga, hehe. Pagsakay ko ng sasakyan as usual pinikit ko na ang mga mata ko alam ko namang walang kamatayang traffic lang naman ang makikita ko sa daan! kaso naman kamalas-malasan, paggising ko masakit ang ulo ko! Leche! Sa lahat pa naman ng ayoko yun sumasakit ang ulo o ngipin ko. UNBEARABLE! so pagdating ko ng opisina at pagbati ko ng GOOD MORNING sa mga officemate ko, naupo na ko sa aking chair at nanghihinang binuksan ang PC ko. kinumusta naman ako ng mga kasama ko na sinagot ko ng "I AM OK" pero siguro gawa ng kagigising ng utak ko at masakit nga ang ulo ko hindi tuloy naipagkailang hindi ako OK! ayun ang aming ever-girl scout na officemate binigyan ako ng Tylenol!
heniweyz, matapos naman ang ilang oras medyo ok-ok na ko. kaso mo nagpatawag naman ng staff meeting ang boss namin at sa kinamalas-malasang pagkakataon ulit ako ay nasermunan tunkol sa isang bagay na di naman ako ang may kasalanan..fuck!
ganito kasi yun isa sa mga bankera ko dito ang di agad nagrespond sa email ng aming head office. lam kong nasa office pa sya nung Thursday ng dumating ang email na yun..kasalanan ko bang motto ata sa buhay ng bankera ko na yun ay "PROCRASTINATION IS THE BEST POLICY"..ha? ha? ha? sagutin nyo ko! babanatan pa ko ng amo ko na "i know you are pregnant but you are sitting in the office the whole day and it is your job to advise your banker..blah blah blah"..ahh ok fine so kasalanan ko pala!! nakakainis lang na pati yun pregnancy ko e idamay e di ko naman kasalanan yun!
look, para kampihan nyo ko (as if may bumabasa nito) ganito kasi ang storya nyan:
about 3pm - nagpadala ang head office ng email tunkol sa isang client
(ayon sa aming COO) matapos ang email..tumatawag DAW ang taga head office para mag-follow up tunkol sa nasabing email. hanggang mag-past 5pm na di pa rin DAW makontak ng taga head office ang aking bankera..now i wonder e bat di ako ang kinausap. madalas naman pag unreachable yung banker ko ako ang kinakausap nila..hmf!
so umabot na ng past 6pm syempre naguwian na kaming lahat so tinawagan na lang daw sa mobile si bankera ko para mafinalize ang lintek na issue..sabi ko kapag di naman makontak si bankera, kadalasan pinapatawag ko sa mobile ehh kaso lang ayun kasalanan ko pala ang pangyayari....now the onus is on me??! what the fuck?!! how could that be?!
just to let you know, 5:39pm ang time out ng bankera ko which means from the time the email was sent hangang yung time daw na nagpa-follow up si taga head office sa amin through phone ay andito pa sa opisina ang aking magaling na bankera! so, siguro yung ang dahilan kung bakit hindi na ako kinailangan kontakin pa ng taga head office na yun! ehhh pero kung bakit hindi sya nagrespond o hindi nya pinansin ang email ay hindi ko na yata problema, hindi ba?
nakakainis nito ako ang nangapagalitan at parang walang ginagawa! grrrrrrrrrrrr...kasalanan ko bang tamad yun bankera ko!? eh kahit nga aantok-antok ako o kaya nabibigatan ako sa katawan ko eh pilit pa rin akong nagpapaka-smiling face sa kanila...para na nga akong smiley eh! gusto pa ata magcollapse ako para mapatunayang hindi naman ako FIT to work today!
matapos ang meeting kinausap ako ng department head namin na uber-bait at sinabi nya saking kakausapin nya ang amo namin tunkol sa situation kanina. sabi ko ayoko magmukang engot yun bankera ko sa harap ng lahat kaya kineri ko na lang na ako ang sermunan pero hindi ko yun kasalanan!!!! at pinaliwanag ko kay DH ang sequence of event plus the confirmation from our receptionist na 5:39pm ang out ni bankera so ibig sabihin andito sya ng panahong nagpa-follow up ang head office!!
ay naku ha imbyerna yang bankerang yan, paramis! pero kasalanan ko rin di kasi ako nakipag-argue kanina sa meeting pero pano naman ako makikipag-argue sa boss ko eh nung bandang simula ng meeting, nakipag argue yun isa kong officemate, nangasigawan sya sa amo, haha. so tiklop na lang muna ako at ayoko ng gera o termination (at the worst).
at eto pa, isa pa sa mga bankero ko naman ang nakakapagpainit ng ulo ko sa kadahilanang meron ata syang PMS dahil sobrang sungit sya. may pina-follow up akong issue sa kanya at sagutin ba naman ako ng "bat ngayon mo lang ako tinatanong tunkol dyan" errr, hello follow up na nga ito eh ibig sabihin nasabi na sa kanya before noh! ohmygawd talaga! ang problema sa mga lintek na ito, they are dumping the information as soon as they receive it! ampucha naman ang laki laki ng mga sahod nila tapos di man lang nila pagtrabahuhan..tsk!! eh palit kaya kami ng sahod? heheheh
kaya iinis talaga ko...grrrrr!!!!!!! tapos ngayong hapon mabait na sya. hindi ko alam kung anong problema ng mga tao ngayon at bakit parang trip nila maggalit-galitan! bakit kamo? e ngayong hapon para silang mga anghel na namang kausap! di na masusungit at nakikipagbiruan na, hmf!
pero ako? galit pa rin ako! lechugas kayo...grrrrrrrrrrrrrr!
0 Any violent reactions?:
Post a Comment