Day 9: Bad Trip

Naranasan mo na bang pigilin ang pagkainis? Yun alam mong naiinis ka pero di mo mailabas kasi nga ayaw mo naman may masabi sayo? So naranasan mo na bang mainis kasi di mo mailabas yun pagkainis mo? haha.


Eh kaming mga buntis, pano namin maipapaliwanag sa mga tao sa paligid namin na bukod sa obvious na pagkabundat namin eh BUNTIS kami? Mahirap bang intindihin na medyo mabagal kami magkikilos ngayon kasi nga BUNTIS kami? masyado kami sensitive ngayon kasi nga BUNTIS kami? na hindi naman kami nagtatamad-tamaran kumilos kaya nga lang eh BUNTIS kami kaya mabigat ang katawan namin (ok, ako tamad talaga kahit hindi buntis)? eh mahirap bang intindihin na BUNTIS kami?


Hindi ba nila alam na napakahirap magpigil ng hininga sa tuwing maaamoy ng buntis ang usok ng sigarilyo nila? Na sadyang matalas ang pang-amoy namin na kaya kahit anong bagay na ginagamitan ng mantika at kawali ay kinakasuka namin? na bawat pabango na winiwisik nila sa katawan nila ay isang parusa sa amin? e di lalo naman ang kabahuan nila ay di namin makekeri! Sa tingin nyo ba gustong-gusto namin nagsusuka at nahihilo sa maghapon? Gusto ba namin yun maranasan ang backpain sa kakahiga pero anong gagawin namin kung sadyang bumabagsak ang katawan namin! Aba, eh kung kayo kaya magbuntis at saka nyo sabihin samin na maselan kami?!


Hindi ba nila alam na napakahirap para saming mga buntis ang gumising ng maaga at gumawa ng tulog sa gabi? Ito ay sa kadahilanang hindi namin alam kung panong pwesto ang gagawin namin sa sarili namin kaya kahit pagyakap sa katabi namin ay di na namin magawa? (waaa, kawawa naman dhae and chloe ko). Kaya di ba dapat magpasalamat pa nga sila na kahit BUNTIS eh pumapasok sa opisina at sila ay tinutulungan? (err, di naman ako galit sa ofis ko ng lagay na toh, hehe)


Napakahirap kaya sa isang buntis ang magpanggap na masaya ka kung drain na drain naman ang energy mo! Tulad kahapon, pakiramdam ko isa akong lowbat na celfone na maya-maya lang ay tutunog na ang warning alarm. Nung nakaraang Sunday, nagpacheck up ako kay Dr. Ulrich "pogi" Honeymeyer (kay pogeh ai!) para sa Down Syndrome Testing ng aking bebe. Ang appointment ko ay 10:30, awa naman ni batman, naharap ako ni Dr. Pogi ganap na 12pm! o di ba at kay sarap manakit ng gwapong doctor? Matapos ang 30 minutes na scanning here, there and everywhere ay kinailangan ko pang pumila muli sa laboratory for blood testing. bukod pa dyan, hiningan pa ako ng urine sample ng dalawang beses. buti na lang at ihiin ako kasi nga BUNTIS ako e kung hindi san ko naman pipigain sa katawan ko ang maya't mayang paghingi nila ng ihi ko?!


Matapos ang napakahabang proseso ng Down Syndrome Testing na ito, natapos din kami sa wakas at mahal ko talaga ang aking habibi ng araw na iyon dahil sinamahan nya ko sa buong maghapon, hek hek. TRIVIA: DI LANG KING OF ACTION MOVIES SI 'FPJ' , ISA RIN SYANG KING OF MGA INIPERO, MAN OF ACTION DAW KASI SYA. so isang himala ang di ko sya maringgan ng pag-angal ng araw na iyon at dadagdag lang sya sa aking stress, although nakasimangot sya from time to time pero ok na rin yun kesa umangal pa sya, hehe.


at matapos nga ang mahabang proseso, naisipan namin mag-asawa na dumiretso na lang sa Sharaf DG para mamili ng laptop ng aking mother-in-law tutal past 1pm na at useless na kung papasok pa ko sa opisina. habang nasa Sharaf DG kami at nagtitingin ako ng U900 kong pinapangarap, isang pagkahilo ang aking naramdaman, nagdilim ang aking paningin kung kaya't inalalayan ako ng aking asawang butihin sa upuan kung saan ako ay nagpahinga habang pawis na pawis sa loob ng Sharaf na fully airconditioned, hehe. wag nyo na itanong bakit muntikan ako magcollapse, siguro kasi BUNTIS ako! haha


matapos namin mananghalian sa China Times, nagdesisyon na kaming umuwi dahil babagsak na talaga ang mga mata ko sa antok..pagkarating nga ng bahay ako ay isang plakdang buntis! kinagabihan hirap na hirap akong gumawa ng tulog na konting kaluskos ay aking kinakagising kung kaya't pagsapit ng kinabukasan para akong ZOMBIE sa buong maghapon...grrrrr!!


ngayon sa mga nagaakalang kumakarir lang kaming mga buntis at nanamantala sa sitwasyon namin ngayon, bakit kaya di tayo magpalit ng role at kami ang pumansin sa inyo at kayo ang buntis..hehehe..tignan natin ang powers nyo!









 

0 Any violent reactions?:

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting