dahil sa nareciv kong text galing sa kaibigan ko naisipan ko tuloy magBLOG.
eto ang text nya: TOL, ANO ANG ENGLISH NG OKRA?
pramis natawa talaga ko! not because hindi nya alam kung ano ang english ng okra kung hindi dahil nararanasan ko rin yun ganong problema...anong problema? yun bang hindi mo alam kung ano sa english yung hinayupak na gulay na gusto mong orderin sa grocery! bwahahaha..dito sa Dubai, ewan ko sa ibang bansa, pwede ka magpadeliver sa mga supermarket o grocery kahit na worth 5 dirhams lang yung order mo. kahit na isang paketeng yosi lang yan o kahit pa nga 3 dirhams COKE o PEPSI lang ang oorderin mo. idedeliver yan ng magigiting na Irani o Indiano. kaya kung kelangan mo ng okra at di mo alam ang english sa okra ay naku pumunta ka na lang sa grocery mas napadali pa buhay mo kesa makipagkulitan ka sa tindero dahil lang sa okra, he he..by the way, ang mga grocery na inoorderan dito kadalasan nasa baba lang naman ng building kaya talagang katamaran na lang ang umiiral, bwahahah!
naalala ko nga noon magmumunggo kami pero wala kaming ampalaya! eto ka na, 6 kami sa bahay pero ni isa hindi alam kung ano ang ampalaya sa english, haha..nagtext pa nga ang bawat isa sa mga kakilala kahit pa nasa pinas pa sya para lang sa english ng lintek na ampalaya. may nagsabi bitter melon daw pero nung sinabi namin sa tindahan di naman alam ng tindero, hmf! ayun pala bitter gourd ang tawag sa kanya..hahaha! kaya pag maggogrocery kami sa Carrefoure (kilalang hypermarket sa UAE), tinatandaan na namin yun mga naka-label sa mga gulay dun para pag umorder kami sa grocery alam na namin ang sasabihin, hak hak hak..
kita nyo ang hirap talaga ng buhay naming mga OFW dito sa abroad noh! kahit simpleng pamamalenke lang ng uulamin namin hirap na hirap pa kami. kaya talagang deserving kami sa title na 'BAGONG BAYANI'! bwahahaha
ang english daw pala ng okra is LADY FINGERS!
toinks! nyahahahaha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 Any violent reactions?:
hahaha...sa tanda kong to,ngayon ko lng nalaman other term ng okra na yan.....lol...
at nag research pa daw ako...hahaha...lady's finger nga ang okra...ung ladyfingers naman biscuit pala un....lol..
natuwa ako sa blog na to...APIR!!!!
@pajay
tenks! hehe...honga lady's finger...nyahahahah
waw.... may natutunan ako.. yun pala ang english ng okra... hahahah eh paanu nman yung iba? madami pang ibang gulay na di ko alam ang english.. tulad ng kondol, patola, patani, upo atbp... lolz
nice post
@kosa
tenk yu sa pagbisita!
parang muntik mo ng kantahin ang bahay kubo eh noh? wehehe..yaan mo ireresearch ko yan at ipopost ko dito..nyahaha
oo nga, isa kang bagong bayani. mabuhay ka! impernes may natutunan ako sa post mo. :-) ingats ka diyan sa Dubai . :-)
Hangad ko ang iyong tagumpay. :-)
____________
Si monching? Oo naman, bading siya. Nagulumihanan nga ako nung initerview ko siya...wahhh! nagulo ang utak ko, astig na astig...bading pala siya. pero ok lang mabait naman si monching, gusto mo ba siyang maging friend? o kaya si karding? refer kita, paayos natin tattoo mo. JOKE LANG hahahaha pinapatawa lang kita. ;-)
INGATS at salamat sa pagbabasa. :-)
waa no thank you baka yun bukadkad kong rosas biglang malanta hahahah
salamat sa pagbisita :)
ano kaya kung sa pilipinas mo 'to gawin: "manang, lady fingers nga!". hehe.
ako nafufrustrate ako kung bakit yung mga ingredients sa mga cooking shows, hindi ko makita sa palengke.
@watusiboy
tenk u sa pagbisita!
korek! nakakafrustrate talaga un tas mas nakakafrustrate pa kung di mo magetz un instruction sa mga cooking show..gaya ko.. nyahahaha
hahaha. akalain mo yun! yun pala yun! hehehe :)
eh anong tagalog sa cake? hehe. hindi ko kase alam hanggang ngayon. baka masagot mo :)
alam ko pwede rin na okra
ang english ng okra
ewan ko rin
hahaha
teka ano yung bitter gourd?
kala ko yun yung ampalaya?
di pala?
mali ako
hahahaha
@XG
wow! tenk u sa pagbisita!! hihihih...ang #1 humor blogger nasa blog ko, nyahahaha :)
bitter gourd nga po yung ampalaya at yung okra naman po e ayaw tanggapin ng mga tindero dito maliban kung marunong na magtagalog yung tindero :p
Cute ka raw sabi Ko...hehe..paki kuha ng award mo sa site ko...
tama ka diyan, napakaraming chismosa sa blogsphere hahaha
eto pala yung mga links nung movie. sana mapanuod mo rin. :-)
http://www.crunchyroll.com/media-50718/Homerun-Movie-Part-1.html
http://www.crunchyroll.com/media-50955/Homerun-Movie-Part-2-Final.html
@onat
ay dear nibigay mo pala yung link..hinanap ko pa nga eh!
eto at pinapanood ko..magcocomment ako sa blog mo mga matapos ang 48years kong pagtatago sa boss ko habang nanonood ako neto hahahaha
@joshmarie
nyehehe..gawin ba kong translator :p
pero dahil like kita kasi ikaw unang naligaw sa BLAG ko..(dapat pala may award ka sa pagiging malibot na blogger eh noh? hehe)....
eto ang tagalog sa CAKE:
>sabi ni Wikipedia: KEYK daw! hahaha langya!
(http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Tagalog_loanwords)
>sabi naman ni English-Tagalog Dictionary: KAKANIN; BIBINGKA; ISANG SABON; MAMON
(http://www.foreignword.com/cgi-bin/engtag.cgi?language=engtag&termbox=cake&B1=Search)
ewan ko bakit may ISANG SABON dyan hahaha :p
OKRA!!! hahaha! takte.. nangyari din sakin yan!
talbos ng AMpalaya at talbos ng sili naman! hahahaha
@XG:
bitter gourd o bitter melon.. parehong ampalaya yun!
@r2r
langya! kala ko sinong R2R..ron lang pala...turon kung turon..la baguhan ng nick..bwahahah!! joke:p
diba nakakaiyak talaga...puchang sapatos yan. simula nun iba na talaga ang tingin ko sa sapatos hehehe
salamat naman at naapreciate mo.
:-)
r2r na talaga nick ko dati pa.. hindi mo alam siguro!lolzlmaoxoxo..
o sige ronturon na kung ronturon ang hanap mo.. xoxo...
@r2r
haha. malamang nga po hindi ko alam kasi nung isang linggo lang yata kita nakatagpo d2 sa blogosperya hihi
eh ano ang english ng sayote? :kyuryus:
@tiki
sayowte?! za-yow-tei?
bweheheheh
lechugas malay ko sa sayote hehehe..kahapon namimili ako sa grocery nakita ko yun name ng AMPALAYA -- BITTER GUARD daw..nyorks!!! sayang di ko napicturan eh..hehe
mapait na gwardya?! waaaaaaaa
Post a Comment