Day 12: Blanko

eto ang pinakaayaw kong nangyayari sa buhay ko. yun bang mapabahay o opisina e wala ako magawa kundi humarap sa computer para libangin ang sarili ko. pwede sana ko manood ng tv kaso lang natatamad naman ako. eat bulaga na naman ang mapapanood ko. paulit-ulit na eksenang umay na umay na rin ako. paminsan-minsan natutuwa ako lalo na sa mga joke ni vic o sa mga punchline ni jose o sa mga eksena ni wally (anong silbi ni patani dun?) pero bukod dun wala na kong maisip na exciting na gagawin sa bahay.

maaga ako nakauwi ng bahay ngayon. maaga kasi ako lumabas ng opisina. 5:45pm pa lang lumabas na ko kiber kung may banker pa ko sa opisina na mangangailangan sakin. gusto ko na umuwi. tapos! abangan ko na lang ang consequences ng aking paguwi ng maaga bukas, hehe. yun eh kung maabnormal ang isa sa mga banker ko at di makisama sa topak ko.

busog pa naman ako kaya ayoko pa kumain pero naghahain na mga kasama ko sa bahay. tinatamad ba ko kumain o feel ko lang?! basta wala ako sa mood pero..pero..pero...sabi nga kung wala kang matinong masasabi wag mo na lang ibuka ang bibig mo at baka mapahamak ka lang.

hay ganitong mga pagkakataon ako nakakaramdam ng 'burn out'. ganitong pagkakataon ako nabuburyong. ganitong pagkakataon madaling umiinit ang ulo ko kasi nga wala akong ibang magawa.

ngayon ang last day ng pagcacarlift (o pagseservice) sakin ng barkada ko. isang linggo nya rin akong sinerbisan at sa isang linggong yun nagkakwentuhan kami ng mga seryosong bagay ng kaibigan ko. habang tumatagal ang kwentuhanlalo ko lang naramdaman yung bigat na dala ng kaibigan ko..hay...bat kasi may mga magulang na di man lang naiintindihan yung sitwasyon ng anak nila. di man lang maisip kung nakakahinga pa ba yun anak o sagad na sa trabaho makagawa lang ng pera..bakit kaya may mga magulang na di makaintindi ng kaliwa't kanang paliwanag instead iisipan pang walang concern ang anak. naaawa ako sa kaibigan ko dahil naiintindhan ko yung sitwasyon nya & i am somewhat thankful na eto ako at walang ganung kabigat na problema. kaya alam ko na wala akong karapatang maginarte ng dahil lang sa bored ako sa buhay ko eh magkakakatak na ko ng walang saysay.

bukod sa magulang meron pang EXsenadora sa buhay ng kaibigan ko. hindi na nga magawang pagaanin ang buhay ng kaibigan ko eto pa at dumadagdag (financially and emotionally). hay friend, wish ko maging si Darna ka kahit sa 1 araw lang para lang maramdaman mo naman ang extra energy at kayanin mo lahat ng iniintindi mo. nalulunkot ako na may mga bagay na di naiintindihan ng ibang tao sayo (kasama ako kung minsan) pero kung masasabi mo lang sana lahat ng nasa loob mo ramdam kong mas mabigat pa mundo ang dinadala mo at isa kang wondergay my friend (hehe) dahil magisa mong dinadala yun bagahe mo...try mo kaya minsan tablahin naman sila at magsabit ka ng sign sa katawan mo....TAO AKO! TAOOOOO!...

may isang kaibigan din ako na kahit di ko nakakausap nakakabalita ako ng bagay-bagay tunkol sa buhay nya, gusto ko man syang kaawaan at sapukin ang EX nya sa pagtrato sa anak nya pero ano magagawa ko kung sya nga mismo hindi gumagawa ng hakbang para umangat sya at di maburo sa buhay na "ako raw" ang nagbigay sa kanya...oh well!

isa ko pang kaibigan, nagtyatyaga sa pagod sa byahe para....teka friend para saan nga ba pagtitiis mo? hehehe..bilib din ako sa taong toh pero pag nasa emotera mode sya at medyo nandun sya sa eksenang may sarili syang paliwanag kasi gusto nya idepensa ang mga taong close sa kanya ayoko na makipagbalitaktakan kasi ala kami patutunguhan. ala nmn toh panahon sa debate eh. hahaha. alam ko marami rin daing sa buhay tong kaibigan kong toh pero dinadaan nya sa pagtawa ang mga bagay. ni hindi nga ata makapagdesisyon kung magaasawa na o hindi pa kasi andami pang iniintindi. anhirap maging panganay..buti na lang bunso ako hak hak

at isang kaibigan ko pa na alam kong marami ring problema pero dinadaan sa pagiging fabulosa kaya di mo pansin kung ano na ba lagay nya..magulat ka na lang nagcollapse na rin sya, haha

ayan bigla ko tuloy naisip mga kaibigan kong andito sa planetang kinasasadlakan ko. sa dami ng problema nila (salamat kay God di ko dinaranas) naisip ko talaga wag na ko maginarte sa pagkaburyong ko, sa pagkainip ko sa opisina, sa kawalan ko ng magawa sa bahay. aangal pa ba ko na sa loob ng 25 days na trabaho e siguro 10 days lng yun talagang busy ako pero kumikita ako ng higit pa sa inaasahan ko? aangal pa ba ko na wala akong magawa sa bahay eh buti nga ako may yayang kasama sa bahay kaya pagdating ko meron ng luto at ipaghahain na lang ako samantalang yun mga kaibigan ko pagod na sa byahe pero kelangan pa nilang magluto pagdating sa bahay. kahit na pagod na pagod na pero kelangan pa nilang asikasuhin ang mga kasama nila sa bahay hindi dahil obligasyon nila kundi dahil sa pakikisama.

hay kaya pag naiinip ako naiisip ko na lang, swerte pa rin ako dahil problema ko lang kawalan ng magawa sa office pero hindi ang kawalan ng trabaho mismo. naiisip ko na lang na swerte pa rin ako kasi may family ako na andyan at aaliwin ako pag medyo nalulunkot ako..at alam nyo bang ang mga kaibigan kong mas may mabigat na problema sakin kadalasan sila pa yung nagpapasaya sakin to think na mas malunkot ang dinadaanan nila, hehehe

o i love my friends na..grabe! hak hakhak

eto ay bunga ng pagkainip ko lamang..fyi, habang hinuhulog ko ang mga bagay na yan mula sa utak ko, sinisitsitan ko rin ang anak ko at the same time dahil nagpapasaway sa lamesa. hmf!

1 Any violent reactions?:

issapotching said...

ayus ang tagalog ng website ---- pooksasapot

nyahhahah

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting