naku naman nakakainis talaga oo! kung bakit naman kasi kailangan pa raw ng national id dito sa planeta ko! kaming mga ISKWATER lang sa planetang to ay hindi agad nagabalang magapply ng lecheng id na yan kasi sabi NATIONAL..eh national ba kami?! INTERNATIONAL kaya kami! bwahahaha
heniweyz, ayun so ang ending lahat pala ng residente eh kelangan may ID kasi ito ang papalit sa labour card at sa magsisilbing identification ng bawat residente (oh well, kaya nga tinawag na identification card e for identification purposes!). hokey lang naman sana kung gusto nila kaming mag-apply ng ID na yan kaya lang hassle tol...HASSSSSSLE! nyahahah..
unang-una kailangan mo pumila para sa REGISTRATION ---ito yung prosesong pipila ka ng tipong bandang 4am para makakuha ng token at magintay na magbukas ang opisina nila ng 7:30am para magfill up ng registration form at magintay na bigyan ka ng printed na bar code..aabutin ka ng buong araw para dyan dahil sa haba ng pila..dalawa lang DAW ata ang umaasikaso..malas mo pa pag babae ang nasa counter kasi sa loob ng 1 oras na pagupo nya sa pwesto nya...mga 45minutes ang ginugugol nya sa pagaayos ng shela (takip sa ulo) nya! nakngtokneneng talaga! eto pa malas mo na lang talaga kung dumating ka ng pagkaaga-aga para lang mauna sa pila tas sasabihin ng gwardya na 1/2 lang ng mga nakapila ang papapasukin dahil sa 'quota of the day'..at syempre dahil anak ka nga ng malas e di ka kasali sa 1/2 na yan kahit pa maaga kang dumating...bwahahahahha
katapos ng proseso na yan pipila ka naman para sa fingerprinting..fingeran ito! hek hek hek..pero swerte mo kung maaccomodate ka ng araw na yun o tatawagan ka na lang o ewan ko kung anong kahihinatnan mo matapos mo ang unang proseso ng pag-apply para sa national id!
at matapos ang napaka-'DALING' proseso..iintayin mo sa P.O. Box mo ang mahiwagang id mo..mga 7 araw daw ang iintayin bago ito matanggap..o di ba kahit hindi naman lalabas ng boundary ng planetang toh ang mail ehhh isang linggo ka pa ring magiintay, hihi!
buti na lang maabilidad rin ang PRO ng kumpanya namin na syang nag-ayos ng registration form naming mga alipin ng YO-BE-PE, kailangan ko lang ipadala ang finger ko para sa fingerprints hehehe..at dahil di maaari syempre na yun daliri ko lang ang pumunta sa EIDA center kelangan akong pumunta dun at pumila!!! huwattttttttt??? alam nyo bang usapan sa kanto na as early as 1am eh may pumipila sa center na 7:30am pa magbubukas para lang makakuha ng token....nakngtoken yan oo!
eto pa may website naman kaso lang suuuupppperrrrr-bagal magload dahil siguro sa dami ng nakalog sa website nila at di ako magtataka kung lalabas sa survey na 95% eh sumusubok kumonek sa lintek na website! mas mabilis pang bumukas ang friendster eh!
eto nga ako habang abala ako sa pagiinarte dito..nagagawa ko pang magregister sa website nila para sa asawa ko pero sabihin nyo sakin kung hindi kayo mabubuset na sa twing matatapos nyong sagutan ang form at pipindutin ang 'NEXT' button bigla syang magiging Arabic at kekelanganin mong ilipat ulit sya sa English..ngayon kasalukuyang blanko ang screen ng website nila habang sinasalin sa english yung page..di ko lang alam kung matapos nilang ibalik sa english yung page ehhh andun pa yun information na nilagay ko....leche talaga!!
di ba pwedeng mag-thumbmark na lang kami tas yung PRO na lang ang magsubmit sa center nila at i-scan na lang nila yung thumbmark namin? har har har
kakainis naman kasi tong national id talaga oo!!!!! pressure..stress...ehhh kung ba yung pagpila naming mga ISKWATER dun eh pagkakakitaan namin siguro kahit talagang magcamping na kami dun ala ako magiging angal..nyeheheh!!! kaya lang ito daw kasing national id ay magsisilbing identification nga namin 'nationally' at di kami makakapagrenew ng car registration, renew ng flat, conduct any bank transaction at kung ano ano pang chuvaness dahil kung walang National ID parang di ka nageexist sa planeta na toh...hirap naman oh! ISKWATER na nga lang kami...yun bang tipong pag nagdecide silang di na nila kelangan ng ISKWATER sa mundo nila pwede nila kami sipain ng walang pasabi!!! tas pahihirapan pa nila kami ng ganito..hindi ba bilang ISKWATER hindi kami naghihirap dito?? nyehehehe
hay buhay..what to do?!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 Any violent reactions?:
[...] My newest entry: Day 13: Finger Ur Face [...]
Post a Comment