Day 91: Da Bus, Da Boss, atbp.

Mag-iisang bwan na rin pala since naging commuter ako. Nakakaaliw lang talaga ang pagiging byahera. For almost a month now may nakakasabay akong pinay from bus station hanggang sa may ofis ko. But mas malayo yung nilalakad nya kesa sakin. We never talked. As in! Until yesterday na umuulan at wala akong payong haha. Pakapalan ng muka sabi ko talaga - - ‘kabayan, pasukob naman!’ hahahahaha..e pano kung wala akong nakasabay na may payong? Ampanget ko nun! Nakasuit pa man din ala pambili ng payong..looool..so since makapal muka ko chinika ko na lang si ‘Marlyn’ hehe. Mabait naman sya pinasukob nya ko ng bongga hanggang sa ofis namin. Now may payong akong dala pero di naman umulan..buhay talaga!

Nakasabay ko ulit kaninang umaga si Marlyn (as usual) pero sabi nya pagtawid namin ng signal pupunta pa daw sya ng hypermarket kaya naghiwalay na kami ng landas hehe. Ok lang naman din I don’t have anything to say din ehh baka naman isipin pag di ko na kinausap isa akong ‘FRIENDLY USER’ haha.

At sa tagal ko na nga ring nagba-bus may nakabatian na kong araba. Let’s call her “Halwen” kasi maganda sya. Well, typical but she speaks English very well and mukang masungit pero maganda naman. Lately lang din kami nagbabatian, kanina binati nya yung suit ko, magaganda daw sinusuot ko, gusto ko naman batiin yun mga shoes nya, cute kasi lagi pero di ko na nabati kasi naghiwalay na kami ng way heheheh..next time!

Finally, natapos na ang tendering sa opisina. Wala na ginagawa ang mga tao. BORED! At para malibang ako I decided to learn HINDI (with matching pailing-iling) hehe. Well if Liz (Eat, Love & Pray) loves Italian ako e nagdecide mag-HINDI..eh san ko naman kasi gagamitin ang Italian haha..at least ang Hindi magagamit ko with my colleagues..loooooooool..not that I am planning to live or go to India in the near future hehe.

Now i know how to count in Hindi (wala tong kodigo paramis!)

Ek,do,teen,chaar,paanch,cheyy,saath,aath,nao,dus! 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10!

Mashado lang siguro ako nadadala sa book ni Liz kaya ganito at naisipan ko mag-Hindi. In fact, if Liz decided to go to Italy, India & Indonesia..I have decided that if I am ever going to do the same I will go to - - Spain, Paris & Rome! Hehe.

What else? Isa sa mga boss ko ay last day of work ngayon sa office. Nagpakain sya ng bongga. It is so sad that he has to leave pero ganun talaga anyways I am leaving in a month or two rin naman..

My friend buninay went back to Pinas din kagabi. Nacancel na kasi ang visa nya and she has no work na. Sana makabalik sya on visit visa next month or kung magdecide man syang mag-stay sa Pinas sana maging happy na sya hihi.

My BFF is going back to Pinas for good na rin this coming June. Time to settle down and make babies (looool).

And I am moving to Qatar nga..so i guess...moving on to the next level ata talaga ang year na ito.

Good luck to all of us!

Day 90: 2011

halos 2 weeks na ang lumilipas since nagsimula si 2011 or shall i say 2 weeks pa lang ang lumilipas since 2011 started but i already have this 'tired' feeling.

physically, i am really exhausted sa pagiging 'commuter'. for years may sarili akong car, now that i don't have my driver husband with me and i don't have a license here plus the fact na kahit may license ako i don't think i would really drive dito sa Dubai, kailangan ko tanggapin ang katotohanang masugid akong kliyente ng RTA ngayon. there's nothing bad with being a commuter syempre naman, ano ako pasosyal? nakakapagod lang talaga minsan hehe. buti kung pagbaba ng bus andun na ko sa tapat ng office but i still have to walk max 20 mins to get to my office and paguwi naman i also need to walk at least 10 mins to reach home kapag patakbo ako maglakad haha. anyways, i will consider this as my everyday exercise!

financially exhausted rin ako. shambalam ila! paisa na-ye (means no salary, no money) sabi nga ng mga kaopisina kong indiano. sosmeyo! as much as ayoko isipin ang financial aspect ng buhay ko (i have been so exhausted about this part of my life for ages) nagsusumiksik naman ang katotohanan everytime na maiisip ko sya. alam nyo yung feeling na pilit mong iniiwasan na makasalubong sa daan pero ayun at nakasalubong mo nga? yun kahit ayaw mo sana magkape e bigla ka pinagtimpla ng office boy nyo ng kape?? walang konek! pero basta hindi pa man kumakalahati ang Enero eto ako at parang windang na. sabi nga ng asawa ko, don't worry about it ngayon lang kasi nasa adjustment period kami ng aming paglipat sa Qatar. well, i really wish that it would be that easy.

emotionally down, being apart with my husband, narealise ko na mahirap pala talaga maging single mother. imagine, i have to think about the budget & grocery which i don't normally do sa bahay cause joined together lagi kami maggrocery ng husband ko. then i have to attend school meetings na sasabay pa sa deadlines ko sa office. there's this 'pagdidisiplina' moments pa sa bahay. isipin ko na lang na at least ako i have someone to talk to sa Skype every night telling him how my day went, pero hindi pa rin sapat sakin, pano pa yung mga taong walang 'makausap' at hindi maishare ang kanilang inarte sa buhay. so then came, THANKFULNESS talaga na i have a wonderful husband & family despite all the glitches in my life. well, there's not much but a glitch is still a glitch. parang peklat lang, kahit sabihin mong maliit, may peklat ka pa rin! heheheh

mentally drained? i don't know feeling ko nauubusan ako ng idea sa araw-araw na lang. dahil siguro sa pagkapagod ko na sa mga naunang aspeto ng buhay ko? haha. sometimes i am stuck with something then after a while parang hindi ko naman alam kung ano yun ginagawa ko hahaha.

i told myself this 2011 that maybe i should really start giving Chloe more leeway para hindi na kami nag-aaway. Whatever he wants to do gawin nya na lang as long as hindi sya makakasakit o makakaapekto ng ibang tao especially his younger brother. Pero iba talaga yun batang yun parang namimiss nya ko whenever hindi ko sya nasisigawan ng bonggang-bongga haha..i just need to be more patient siguro! (positive)

i've got a lot of things to say. pero natatamad na ko mag type as usual. besides all personal drama lang naman to, walang kakapulutan ng aral. walang quote na ipapauso, walang joke na bago! hehehe..

maybe, i am simply TIRED!

Day 89: Half of My Heart


Hindi ko alam kung gano katagal dapat tumagal ang LSS pero ang half of my heart ni John Meyer ay may isang linggo na ring nasa utak ko. In fact sa sobrang ligalig ng kantang yan, naisipan ko pa magonline sa mobile ko para panoorin sa Youtube ang MTV nya (blocked ang Youtube sa office, hmft!). Siguro kasi I can totally relate dun sa linyang “half of my heart got a grip on the situation, half of my heart takes time”

Actually dyan lang sa isang linya na yan ako nakakarelate kasi hindi naman ako broken hearted lol. 

Naiisip ko lang na magiging status ko yata ang linyang yan pag nagkataon at naging maganda ang resulta ng business trip ng aking asawa. Not that I don’t want it sabi ko nga sa previous entry ko, am so excited for my husband. Nagresearch na nga ako ng schools in Qatar and job opportunities haha. Meron na rin akong design ng magiging bahay namin dun. Exciting!!!

2 more months at patapos na ang 2010, parang kailan lang nagsisimula pa lang tayo ng taon. Eto at patapos na naman sya. Eto nga nagiisip na naman ako ng panibagong simula. Are we going to have a new start in Doha? Only God knows. Sabi nga, Thy will be done! If we’re destined to be in Doha in 2011 then so be it J.
Para daw matupad ang wish mo, kelangan isipin mo na mangyayari talaga. JUST THINK POSITIVE! Yun ang gagawin ko ngayon para talagang mangyari ang mga nais ko sa buhay hihi. 

Bukod siguro sa move to Doha na ineexpect kong mangyari, isa pa sa kinakaligalig ko ang wish kong manalo sa National Bonds hahaha. Hindi naman ako maselan, kahit yung 100,000 dirhams na lang at hindi 1million dirhams ang mapanalunan ko sobrang masaya na ko. I can finally pay off my debts and can finally make a new start. Sabi nga nung COO ng National BondsDischarge all your debts first and then start saving; even if it’s small – save now” kaya kinakarir ko ang pag-se-save sa National Bonds at baka sakali manalo ako sa raffle nila hehe.

2 days business trip ni habibi sa Qatar which means 2 days akong walang car hehe. Until now I am not yet decided whether mag-bus ako going to office or take a taxi but leave as early as 6am. Iniisip ko kasi if by bus I should start early din, like 6:10 maybe? LOL. Siguro mag-bus na lang ako tipid pa hahahah..problema lang kung pano ako tatawid sa mga stop light hahhahaahah..well, what to do para rin ito sa ikabubuti ng kaban naming mag-asawa so magtitiis ako for 2 days lol

Day 87: Moving On

(after almost 4 months of hiatus) 


Sabi nga nila you should always expect the unexpected. Change is the only constant thing in this world and yet not everybody welcomes it with open arms.

I have been living in UAE for the last 8 years and believe me, though some of my experiences are not very good, mahal ko pa rin ang UAE! I guess I would be crying a lot pag iniwan ko ang bansa ni Maktoum (UAE VP).

Last week, may bago at bonggang opportunity na dumating sa asawa ko. Though it has not been finalized yet, I can consider na almost 80% done deal na sya. I am so excited for my husband, so much that I almost forgot na may mga formalities kami palang kelangan iconsider hehe. Yung opportunity kasi na dumating would need us to move to Qatar. Masaya naman ako. Excited ako. In fact, I am not even worried that when I go there, magiging bonggang housewife ako at unemployed for some time. I have about $2,000 monthly payments (school, nanny, credit cards, utilities, etc), ako kasi ang in-charge sa mga extra expenses and my husband pays the house and other investments-chuva so if I lose my current job then that would mean wala akong ibabayad sa monthly expenses ko hahah. Baka si Neneng ireklamo ako sa labour pag di ko na sya napasahod ng ilang bwan (lol). Pero without the financial issue, I’d be happy to move anywhere na sabihin ng asawa ko.

Kung matutuloy na nga talaga kami sa Qatar, I’d miss Dubai so much. I have so many friends here, I’ve got relatives here. Louis Vuitton, my BFF is here (haha). I’ll miss my two friends na kahit yung isa panay negative force ang dala tas yung isa naman memory gap, mamimiss ko pa rin sila hihi.

If things went smoothly and we’re set to go, I just hope that Gabriel would find and meet new friends in Doha...that he’d enjoy his new school (whatever and wherever that is) and most of all I am really hoping that Gabriel & Gelo will enjoy living Qatar as much as they have enjoyed living in UAE.

Guess we just have to have faith and believe that everything will be alright besides I know that this is part of His plan and this is for our own good :)

My husband will have his site visit next week then after that they’ll be discussing his new position and of course, the compensation package (hehe). So for now, I am keeping my fingers crossed!

Day 86: Pagpaparamdam

wow. last post 25 March. kung inaamag talaga ang blog isa ang mga blogs ko ang malamang ang aani ng AMAG NA AMAG AWARD! muntik na kong umabot ng 3 months na walang sinulat? hehe. kasalanan ito ng IT namin na MANAGER na daw ngayon ng isa sa mga subsidiary namin. kalain mo yun?! tinanggalan nya ko ng intarnet. tapos-tapos nung nakaraang araw dinidiscuss sakin ang pagoopen ng separate email accounts for job hirings, heller, wala nga ako intarnet eeehhh...at nung ipamuka ko sa kanya yun, ayun napailing lang. hehe. problem, my friend! anong pakana kasi at tinangalan ako ng intarnet...hmf!

31 days to go. nasa pinas na ulit ako (sana). naka-schedule ang bakasyon, excited na since march. OA na sa pagcount down tapos mukang hindi naman matutuloy. o matuloy man parang di naman mashadong mageenjoy! i hetchu complications! hehe. bat ba di na lang maging simple ang mga proseso ng bagay bagay sa mundo.

bakit hindi na lang black or white. bat nauso pa yung fusha? fuschia? futcha!

anyways, its good to be back. nabibisita ko na ulit ang tumblr paminsan-minsan. at syempre di ako nagrereblog. panay lang pindot ng heart haha. kasi tinatamad pa rin ako. FB lang ang madalas ko bisitahin pag sinipag at email ko kasi baka sakali may totoong magsesend na sakin ng pera maliban sa mga lintek na spam na nanalo daw ako ng billion of dollars mula sa kung anumang contest na di ko naman sinasalihan.

sa tingin nyo kelan ulit to masusundan? ay may nagbabasa pala ba?

Day 85: Rayuma

korek. tama ang nabasa mo. rayuma nga ang title ng blog ko. alam nyo mga mambabasa (oo kayong 4 o 5 na bumabasa ng blog ko. konti na lang kayo di pa kayo magsipagcomment hahahah) alam ko naman na di ako type ni Kabayan dito sa aking tambayan. alam ko naman na simula pa lang di nya na ko feel kasi mas maganda ako sa kanya, bwahahahh. pero sadya atang tukso si Lord. alam nyo bang ang switch ng AC ko e nasa kwarto nya? hmf! hindi naman sa mapride pero parang di ko feel pumunta sa ofis nya at sabihin na..."ahmm, papatayin sana kita ko sana yung AC, malamig sa pwesto ko". baka naman kasi feel nya ng mala-yelong temperature as early as 8am diba? ayoko naman dahil lang sa AC e magkaron pa ng world war 3!

buti na lang mabait naman itong mga ofis boy namin, its either pakiusapan ko silang pakipatay ang AC or sila na mismo nagsasabi kasi nga sobra naman talaga ang lamig. rinig mo nga yung ugong ng AC na feeling ko nasa tuktuk ko mismo yun mismong AC! pak!

ewan ba naman kasi at sa di talaga malamang kadahilanan itong sulok na binigay sakin ng amo ko ay sobra kung mag absorb ng lamig. parang wala ng bukas kung maglabas ng lamig ang AC. bukod pa sa masakit sa buto, masakit din sa ulo kasi nasa tapat ng bumbunan ko ang lintek na ventilation o kung anumang tawag dun sa labasan ng hangin ng AC! isang maliit na ofis na may exhaust at yun ngang labasan ng hangin para sa AC, at yun labasan ng hangin na yan ang syang nakatapat sa upuan! di ko naman maikot ang pwesto ng mesa kasi ang haba ng mesa ko lalagpas sa pinto wahahaha...walang halong biro na ang length ng mesa ko ay halos 3/4 ng ofis ko hahaha. mas gusto ko pang cubicle na lang sana ang binigay sakin kesa isang opisinang puno ng mesa (lol)


kung itutuloy ko ang balak kong pagiikot malamang makulong na ko sa ofis ko, di na ko makalabas at wala ng makakapasok...wahahaha..natatawa ako sa naiisip ko. pero in fairness naman pag nagawa ko yang plano ko, di na ko lalamigin sa bumbunan, watchatink people?

teka......kung upuan naman ang ililipat ko muka rin akong tanga dahil nakatalikod ako sa pinto ng ofis ko hehehe. solution? wag na ko makealam sa ayos ng mga gamit ala naman ako mapapala.

hay, eto pa ha pagdating ko ng umaga uber lamig na. feeling ko papasok ako sa freezer at hindi sa opisina ko. kaya naman everyday pag umaalis ako ng ofis ko iniiwan kong nakabukas ang pinto para naman hindi makulob ang lamig sa loob magdamag. eto ka na, everyday din inaabutan kong nakasara ang ofis ko. leche! sino bang pakealamerong kamay ang nagsasara ng ofis ko, bakit kaya di sya magpatayo ng sarili nyang pinto at iyon ang isara nya bago nya lisanin ang ofis..hmf! lagyan ko yata ng kuryente yun door knob ng di sila nakikialam ng may pinto ng may pinto haha.

sabi nga ng matandang CAD dito na si Abdullah-boy (hehe) ilabas ko na lang daw yun mesa at upuan ko at sa labas ako ng ofis ko magtrabaho wahaha..good idea sana kaso nga lang tulad ng nabanggit sa taas mashadong mahaba ang mesa, matrabaho kung ilalabas. parang tinakda na yung mesa dito for life!

at para mawala ang pagkaimbyerna ko sa AC. nagisip na lang ako ng libangan..

picture taking (inabutan ako ng isang ofismate ko na nakanguso! hahaha..pumoposing eh, bakit ba!)

nagvideoke (ayaw maupload ng concert ko nakakabuset naman heheeh)


haist! gusto ko batuhin yung ceiling o kaya barahan yun bintana sa kisame para masira ang AC hahahaha


ano kaya magandang gawin dito sa lintek na problema ko. pag di ko kasi to sinolusyunan malamang sa edad na 25 may rayuma na talaga ako wahahahahahah

Pahabol:
10pm na pinipilit ko pa ring ipost ang concert ko..leche sayang ang boses! haha..hay iniz moment! eto mga link pakituruan nga ako mailagay sa blog ko ang aking awitin hahahahaah

http://www.filefactory.com/file/b0d6c13/n/Recording.amr
http://www.filefactory.com/file/b0d6c6b/n/Oursong.amr


kikiss ko makakapagturo sakin kung pano to mapapagana hahahaha

Day 84: Tarot o Charot?

last night was movie time with my boylets. at dahil tukso ako kahit alam kong prinsipe ng kaduwagan ang panganay ko, go ako sa pag-play ng Tarot ni Marian Rivera & Dennis Trillo. at first medyo naaaliw din ako kasi despite the fact na mayabang ako mag-play lagi ng horror matatakutin din naman ako hahaha.

anyways, tinatry ko rin kasi sanayin ang anak ko na manood ng horror. i know na lahat naman ng bata natakot sa horror movie pero di naman masamang unti-untiing sanayin diba? hehe.

so punta tayo dun sa movie. yun mga unang scene, nadadala rin ako ng mystery. panalo naman din sa mga effect. kaya lang nung andun na sa part na may umeksenang old lady na nagbabanta or something parang heller..same old, same old. pinoy horror movie talaga oo. isang eksena sa city, may trahedyang magaganap, may mamamatay, may aapir na matandang babae na makaluma ang damit at magbabanta at magsabi-sabi ng kung ano anong kwento at kababalaghan. ang dahilan ng trahedya? SUMPA. pano mapuputol ang sumpa? syempre alam din ng mga character pero di lang nila gagawin sa simula kasi wala ng thrill (lol). like yung Tarot, alam ng lolo ni Marian na si Dante Rivero na ang way to stop the 'zombies' from killing ay magpakamatay din sya pero di nya yun ginagawa. not until sa may bandang huli na ng movie. nagpaliwanagan pa nga yung mag-lolo bago rin naglaslas ng leeg si Dante Rivero. aliw lang dun sa part na yun, habang nagpapaliwanagan ang mag-lolo nawala rin naman yun pagsugod ng mga zombies sa harap nila. parang binigyan din naman sila ng time maglolo magkausap, how sweet ng mga zombies haha.

may part na nakita nila Marian ang isang ritual ng mga nagmumultong 'kulto members' instead tumakbo palayo, si Marian tumakbo palusob wahahahaa..oo nga naman, para mapahiwalay sya sa mga kasama nya tapos magsisisigaw (kalokohan!)

ang eksena sa 'gubat' pero kung umapir sila sa gubat mula sa city parang kapitbahay lang ba. tawid bakod lang, haha. si Marian kabuntisan nasa may burol..walang kasama! amf! ang hirap kaya maglakad sa patag ng buntis na buntis ka e yun pa kayang sa burol? hehe..nakekealam ako talaga....eto pa, may part na nakayakap kunwari si Dennis kasi multo na lang sya, hindi naman ginawan ng effect na nagfade away sya sa camera, pinakita yun patagilid syang umalis kay Marian tas next scene parang nagulat pa si Marian ala na yun kayakap nya...DUH! di mo ba namalayan naglakad patagilid? wahahahahahha

pero eto mas exciting sa movie kagabi. ang panganay ko as usual bokots. nagising na lang si Neneng around 3am na nasa paanan nya si Chloe ...."ate, ate di ako makatulog" ....bwahahahha..imbyerna si Neneng! pinabalik sa kama nya si Chloe at dinedma na..awa naman ni God, tulog na si Chloe when we left home this morning hehe

so shall i name this movie, TAROT O CHAROT?
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting