Day 2: Headstone

nung isang araw nagsleep over sa amin yun aking closest friend (don't want to call her BEST FRIEND, di kasi sya best, haha). naisipan kasi namin magpa-salon the next day. so nung paalis na kami, ready na sya para lumarga but ako hindi pa kasi nagluka-lukahan pa ko sa bahay. inaaway ko pa yun paco fish na pinagbibintangan kong ngumarag dun sa aking bagong biling fish, hmph! di ko alam yun tawag sa mga fishes ko, wahahaha! kalain mo yun?!

ay teka, naligaw na ko sa kwento, so yun nga since di pa ko ready, sabi nya 'OI UNA NA KO HA' then i answered her with 'SIGE SUNOD AKO'..then isang kalokohan este thought ang pumasok sa aking isipan..napapanood ko kasi sa TV, sa US ang mga nilalagay nila sa mga headstones are something like, A LOVING MOTHER, o kaya A FAITHFUL WIFE..eh kung ang ipalagay ko kaya sa tombstone ko 'PRE NAUNA NA KO, SUNOD KA NA LANG!' antaray di ba??

wala lang ayun naisip ko lang sya, ahahahaha!!! wala lang ako magawa matapos ang mahigit isang oras na staff meeting, i guess i needed a laugh ..how about u, given a chance, ano ang ipapalagay mo sa headstone mo?

0 Any violent reactions?:

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting