Hindi ko alam kung gano katagal dapat tumagal ang LSS pero ang half of my heart ni John Meyer ay may isang linggo na ring nasa utak ko. In fact sa sobrang ligalig ng kantang yan, naisipan ko pa magonline sa mobile ko para panoorin sa Youtube ang MTV nya (blocked ang Youtube sa office, hmft!). Siguro kasi I can totally relate dun sa linyang “half of my heart got a grip on the situation, half of my heart takes time”.
Actually dyan lang sa isang linya na yan ako nakakarelate kasi hindi naman ako broken hearted lol.
Naiisip ko lang na magiging status ko yata ang linyang yan pag nagkataon at naging maganda ang resulta ng business trip ng aking asawa. Not that I don’t want it sabi ko nga sa previous entry ko, am so excited for my husband. Nagresearch na nga ako ng schools in Qatar and job opportunities haha. Meron na rin akong design ng magiging bahay namin dun. Exciting!!!
2 more months at patapos na ang 2010, parang kailan lang nagsisimula pa lang tayo ng taon. Eto at patapos na naman sya. Eto nga nagiisip na naman ako ng panibagong simula. Are we going to have a new start in Doha? Only God knows. Sabi nga, Thy will be done! If we’re destined to be in Doha in 2011 then so be it J.
Para daw matupad ang wish mo, kelangan isipin mo na mangyayari talaga. JUST THINK POSITIVE! Yun ang gagawin ko ngayon para talagang mangyari ang mga nais ko sa buhay hihi.
Bukod siguro sa move to Doha na ineexpect kong mangyari, isa pa sa kinakaligalig ko ang wish kong manalo sa National Bonds hahaha. Hindi naman ako maselan, kahit yung 100,000 dirhams na lang at hindi 1million dirhams ang mapanalunan ko sobrang masaya na ko. I can finally pay off my debts and can finally make a new start. Sabi nga nung COO ng National Bonds “Discharge all your debts first and then start saving; even if it’s small – save now” kaya kinakarir ko ang pag-se-save sa National Bonds at baka sakali manalo ako sa raffle nila hehe.
2 days business trip ni habibi sa Qatar which means 2 days akong walang car hehe. Until now I am not yet decided whether mag-bus ako going to office or take a taxi but leave as early as 6am. Iniisip ko kasi if by bus I should start early din, like 6:10 maybe? LOL. Siguro mag-bus na lang ako tipid pa hahahah..problema lang kung pano ako tatawid sa mga stop light hahhahaahah..well, what to do para rin ito sa ikabubuti ng kaban naming mag-asawa so magtitiis ako for 2 days lol