Mashado akong nagiging abala ngayon sa munting tambayan ko. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa na finally nagkakaron ako ng pinagkakaabalahan. Wala na ko karapatang mag-kukuta-kuta sa pagkaburyong ko sa maghapon hehe.
Malapit ko na matapos ang Veronica Wants to Die ni Paulo Coelho. Malapit ko na rin makumbinse ang sarili ko na - - - BAKIT NGA BA HINDI KO GAWIN ANG BAGAY NA GUSTO KO? Hindi ko naman sinasabing ayaw ko ng ginagawa ko o ayaw ko ng anong meron ako. Masaya nga ako na may kumpleto at masayang pamilya ako, mga gwapong anak at asawang
Pero alam nyo may gusto ako gawin - GUSTO KO MAGRESIGN SA TRABAHO AT MAG-VOLUNTEER SA UNICEF O KAYA SA KAPUSO FOUNDATION!
Ano sa tingin nyo? Matagal ko kasing pangarap yan e. Parang sapat na ang sampung tumatalembong na taon sa pagoopisina, gusto ko naman yun medyo kakaiba. Kung mahusay lang ako magtupi ng mga damit at mahaba pasensya ko sa mga makukulit na tao, baka nga nagapply na ko as saleslady hehe. Minsan curious ako, sino kayang mas masaya, ang mga nasa opisinang malaki ang sahod pero tali sa opisina-bahay ang buhay o ang mga saleslady na nasa minimum pero sa araw-araw na pagbubukas nila ng shop nila meron silang bagong nakikitang katawa-tawa o kamangha-mangha...hmmmmm
Ah basta gusto ko magtrabaho sa isang NGO! Wala lang..sabi ko nga FOR A CHANGE! :D
2 Any violent reactions?:
for a change nga yan.
minsan may mga bagay na meron ka at naramdaman mo na e parang me hinahanap kapa.. may mga bagay na sakto na syo pero parang u want something more.. o gusto mo ng itigil ung more na un kse u want something new..
rumereaksyon! punong-puno ng emosyon! nyahahaha
Post a Comment