Day 85: Rayuma

korek. tama ang nabasa mo. rayuma nga ang title ng blog ko. alam nyo mga mambabasa (oo kayong 4 o 5 na bumabasa ng blog ko. konti na lang kayo di pa kayo magsipagcomment hahahah) alam ko naman na di ako type ni Kabayan dito sa aking tambayan. alam ko naman na simula pa lang di nya na ko feel kasi mas maganda ako sa kanya, bwahahahh. pero sadya atang tukso si Lord. alam nyo bang ang switch ng AC ko e nasa kwarto nya? hmf! hindi naman sa mapride pero parang di ko feel pumunta sa ofis nya at sabihin na..."ahmm, papatayin sana kita ko sana yung AC, malamig sa pwesto ko". baka naman kasi feel nya ng mala-yelong temperature as early as 8am diba? ayoko naman dahil lang sa AC e magkaron pa ng world war 3!

buti na lang mabait naman itong mga ofis boy namin, its either pakiusapan ko silang pakipatay ang AC or sila na mismo nagsasabi kasi nga sobra naman talaga ang lamig. rinig mo nga yung ugong ng AC na feeling ko nasa tuktuk ko mismo yun mismong AC! pak!

ewan ba naman kasi at sa di talaga malamang kadahilanan itong sulok na binigay sakin ng amo ko ay sobra kung mag absorb ng lamig. parang wala ng bukas kung maglabas ng lamig ang AC. bukod pa sa masakit sa buto, masakit din sa ulo kasi nasa tapat ng bumbunan ko ang lintek na ventilation o kung anumang tawag dun sa labasan ng hangin ng AC! isang maliit na ofis na may exhaust at yun ngang labasan ng hangin para sa AC, at yun labasan ng hangin na yan ang syang nakatapat sa upuan! di ko naman maikot ang pwesto ng mesa kasi ang haba ng mesa ko lalagpas sa pinto wahahaha...walang halong biro na ang length ng mesa ko ay halos 3/4 ng ofis ko hahaha. mas gusto ko pang cubicle na lang sana ang binigay sakin kesa isang opisinang puno ng mesa (lol)


kung itutuloy ko ang balak kong pagiikot malamang makulong na ko sa ofis ko, di na ko makalabas at wala ng makakapasok...wahahaha..natatawa ako sa naiisip ko. pero in fairness naman pag nagawa ko yang plano ko, di na ko lalamigin sa bumbunan, watchatink people?

teka......kung upuan naman ang ililipat ko muka rin akong tanga dahil nakatalikod ako sa pinto ng ofis ko hehehe. solution? wag na ko makealam sa ayos ng mga gamit ala naman ako mapapala.

hay, eto pa ha pagdating ko ng umaga uber lamig na. feeling ko papasok ako sa freezer at hindi sa opisina ko. kaya naman everyday pag umaalis ako ng ofis ko iniiwan kong nakabukas ang pinto para naman hindi makulob ang lamig sa loob magdamag. eto ka na, everyday din inaabutan kong nakasara ang ofis ko. leche! sino bang pakealamerong kamay ang nagsasara ng ofis ko, bakit kaya di sya magpatayo ng sarili nyang pinto at iyon ang isara nya bago nya lisanin ang ofis..hmf! lagyan ko yata ng kuryente yun door knob ng di sila nakikialam ng may pinto ng may pinto haha.

sabi nga ng matandang CAD dito na si Abdullah-boy (hehe) ilabas ko na lang daw yun mesa at upuan ko at sa labas ako ng ofis ko magtrabaho wahaha..good idea sana kaso nga lang tulad ng nabanggit sa taas mashadong mahaba ang mesa, matrabaho kung ilalabas. parang tinakda na yung mesa dito for life!

at para mawala ang pagkaimbyerna ko sa AC. nagisip na lang ako ng libangan..

picture taking (inabutan ako ng isang ofismate ko na nakanguso! hahaha..pumoposing eh, bakit ba!)

nagvideoke (ayaw maupload ng concert ko nakakabuset naman heheeh)


haist! gusto ko batuhin yung ceiling o kaya barahan yun bintana sa kisame para masira ang AC hahahaha


ano kaya magandang gawin dito sa lintek na problema ko. pag di ko kasi to sinolusyunan malamang sa edad na 25 may rayuma na talaga ako wahahahahahah

Pahabol:
10pm na pinipilit ko pa ring ipost ang concert ko..leche sayang ang boses! haha..hay iniz moment! eto mga link pakituruan nga ako mailagay sa blog ko ang aking awitin hahahahaah

http://www.filefactory.com/file/b0d6c13/n/Recording.amr
http://www.filefactory.com/file/b0d6c6b/n/Oursong.amr


kikiss ko makakapagturo sakin kung pano to mapapagana hahahaha

0 Any violent reactions?:

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting