Day 81: Be Careful, Please!

(beware: this might take an hour to read, lol)

what a way to start my day. Katt told me the news about the accident in Limay, Bataan where 7 were killed.  hanuveh?! lagi na lang sa Limay. my first question (i think) was - "MAY KAKILALA BA TAYO...?" naging ugali ko na sa twing magbabasa ako ng news dito sa UAE, it's either inaalam ko kung Filipino ba ang sangkot or worst is kung kakilala ko.

ayokong makabalita ng isang bagay na hindi maganda at sankot ang mga taong kakilala ko ng personal. when i heard about Sheryl (ex-colleague in KPC), na naaksidente sa Oman on the way to Dubai, parang ilang months ko ring naiisip. she had fun with her friends and walang kamalay-malay na di na pala sya makakauwi ng buhay sa Dubai at lalo sa Pilipinas.

madalas nasa daan ang husband ko kasi part ng work nya tumambling sa iba't ibang site nila. i always pray to God that He always keep him safe and away from any harm. lagi ko sinasabi kay God, i am never ready and will never be ready for any bad news basta about my family. kahit nga ibang tao ang sangkot basta kakilala ko lang naa-aligaga ako, yun pa kayang pamilya ko na involve? no, never will i ever be ready for that!

when my doctor told me last December that i have (or had) bacteremia, nag-jump agad ang isip ko sa worst scenario ng balita. but then i told myself instead of dwelling into that negative thoughts, inisip ko na lang KUNG ORAS MO NA, ORAS MO NA. and i am very, very sure that God will not let me go without spending quality time with my family. as in He's letting me know na - - "hey you, warning na toh, wag ka ng maginarteng di kita kukuhanin kaya pakabait ka na. wag mo na sinusungitan ang mga anak mo pag patakla pasaway sila. ayaan mo na yung kakulitan ng asawa mo, naglalambing lang yun. yun mga kapatid mo namimiss ka lang kaya inookray ka at mga kaibigan mo pasasaan ba at magtitino din mga yan, wag mo na iniintindi..enjoy life while it last" hehe...kaya i decided to loosen up a little bit. di naman pwedeng ang iiwan kong memory sa mga kakilala ko lalo na sa mga anak ko at asawa ko e sandamakmak na sermon lang..nyehehe..i want them to remember me as someone na strict when it comes to right and wrong but cool enough to hang out with. isang maliit na tao na punong puno ng kadaldalan sa buhay at isang maliit na taong may malakas na boses..hahahahah

ah basta, may point si Katt. kelan pa natin ipaparamdam na mahal natin ang nasa paligid natin, kapag wala na? para lang trabaho, kelan mo pahahalagahan pag natanggal ka na? parang simpleng kape, kelan mo maiisip na dapat di ka kape ng kape kasi baka bukas ubos na yun, tas ala ka pambili, pano na ang kape moments mo? lols

friends, foes, mga boylets ko (dhae, chloe & gelo), family, katrabaho, kakilala at kahit mga di ko kakilala halabshu all..magiingat kayo palagi and always pray to God.. :)


PS:
Katuwaan lang, eto sa makakabasa lang at makakaalala lang naman. When my time comes (na wag naman sana soon, i want to see my great-grandchildren pa, hehe) eto requests ko:

  • that ill be cremated (serious)
  • that you guys will play the song I'm Gonna Be Ready by Yolanda Adams
  • or  pwede na rin yung The Prayer by Yolanda Adams pa rin (hihi)
  • and u should all wear white (kapish?!)


5 Any violent reactions?:

cathy said...

inagos ng magulo kong imaginasyon ung idea na makpag sulat ng bonga today..

very true to ning.. ipamahagi ung love hangat andito kapa,tyo.. hindi ung kung kelan wla na sya..

Anonymous said...

ah,yung bus accident.mahirap nga talaga kung ersonal na kakilala yung nadadamay sa ganitong tragedy,it will make us think and worry and ponder.just look at it as a reminder na kay rupok ng hibla ng buhay.dapat talaga sagarin ang bawat oras.yan ang dahilan kaya di ko pinalampas mag comment.hehehe!

Echoserang Froglet said...

hahah duking..ok na eh at biglang nagjoke ;p

thanks for dropping by.

Anonymous said...

na digs ko na kung bakit hindi nagana yung link ng comment mo.kase nasa blogspot ka pala.but when i try to search on wordpress,ayun nakita ko yung inabandona mong site.hehehe!salamat sa pagbisita!

joyo said...

naku ako hindi rin ako ready na may matanggap na masamang balita lalong-lalo na involve ang pamilya at mga kakilala ko...

nakakalungkot yung nangyari sa aksidenteng yan, parang biglaan, kahit wala akong kakilala kinurot ang puso ko... di talaga natin alam kung kelan tayo bigla babawiin kaya dapat wala tayong sinasayang na oras na maiparamdam natin ang lab natin sa mga taong mahalaga sa atin...

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting