nakatangap lang ako ng kopya ng email na to..natuwa ako at naisipan kong gumawa ng Dubai version, hek hek
MALING AKALA
A fellow OFW named "Maeng Ni" originally posted this. Inedit ko lang sya to be more applicable to Dubayyans since nasa Dubai ako :) But most of the contents are from Maeng Ni.
Akala ng mga tao sa Pilipinas na kapag nasa abroad ka marami ka ng pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili ng gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card kasi naubos na ang cash dahil pinadala na sa Pinas. Pag hindi ka kasi nagpadala iisipin nila nakalimutan mo na sila.
Akala nila marami ka ng pera kasi bwan-bwan libo-libo ang pinapadala mo walang palya, at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhan ka ng iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista sa malapit na kakilala.
Pag may okasyon sa Pinas - birthday, fiesta, anniversay, Pasko, New Year, at iba pa padala ka kaagad ng panghanda. Ang sarap ng kainan nila. Di nila alam ikaw ay nagtyatyaga sa budget meal, cheese bread, shawarma, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku! Di nila alam nakakapag-KFC ka lang o Mc Do sa abroad kapag may extrang pera ka at ang makatikim ng tuyo galing ng Pinas ay heaven na!
Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani. Naku mas masarap pa yong nasa Pinas na sa katas ng bagong bayani ay syang umaani! Utang sa abroad lalong dumarami!
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi Dirhams na ang sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pag pinalit mo ng peso, pero Dirhams din ang gagastusin mo. Ibig sabihin ang Dirhams mong kinita, sa presyong Dirhams mo rin gagastusin. Ang PhP15.00 na sardinas sa Pilipinas, AED3.00 sa Dubai. Alangan naman puro fast food ang kakainin mo. Aba, mamamatay ka sa high blood o hepa nyan kasi naguumapaw sa mantika! Kaya pag naubusan ka ng pera, no choice ka! You have to take a risk.
Akala nila masarap ang buhay ng OFW dito kasi nakatira sa Flat (o condo sa pinagandang termino). Hindi nila alam na daig pa ang sardinas sa pagsisisiksikan ng mga Kabayan dito sa Dubai sa kagustuhan lang may matipid. Di nila alam habang prente silang nakahiga sa malalambot nilang kama sa Pinas, ang mga kamag-anak nila dito sa Dubai ay halos matulog na sa sahig para lang makamura.
Akala nila buhay milyonarya ka na kasi napakaganda ng bahay at kotse mo sa Pinas. Nagpa-lypo ka kay Calayan at nagparetoke ka kay Belo. Ang totoo, nagloan ka lang sa HSBC, Citibank, ABN Amro o Standard Chartered Bank na huhulugan mo sa loob ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng mga luho mo at ng bansang ito. Kasi nga magloan ka ba naman dahil sa luho!
Akala nila masarap sa abroad. Di nila alam di ka nga makauwi kasi round trip ticket kina-cash mo pa para lang maipadala lang at ibayad sa utang. Magdadahilan ka pang di ka pinayagan magleave para lang di na magisip ang pamilya mo sa Pinas na naghihirap ka na talaga sa abroad.
Akala nila masarap sa abroad kasi paguwi mo mestisa ka, maputi at mamula-mula ang balat mo. Di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay dahil no choice ka. Mga kapitbahay mo di mo kakilala. Walang pakialaman at kung lalabas ka sunod ang balat mo sa sobrang init ng araw. At isa pa magastos lumabas lalo na pag napadpad ka sa Mall.
Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, bumili ka ng sasakyan para gawing pang-carlift (o service) para madagdagan pa yung kinikita mo. At kung wala kang sariling sasakyan, makikipagsiksikan o makikipagunahan ka sa bus na puno ng indyano at pakistano. paglabas mo ng bus, amoy putok ka na rin! Walang jeepney, tricycle o padyak sa Dubai. Wala nga rin MRT dito e, may ginagawang Metro pero di ko alam kung makakatulong nga ba yun sa mga maliliit na tulad ko. May mga taxi naman pero ginto ang presyo tapos mahihilo ka pa sa amoy ng mga driver dito!
Akala nila masarap ang buhay sa abroad. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka nagtrabaho, terminated ka, gagawan ka pa ng kwento ng kapwa mo Filipino. Hindi ka pwedeng basta tumambay sa kapitbahay kasi nga di naman kayo magkakilala haha, kung kakilala mo naman at kasama mo ang syota mo sa pagtambay, pag minalas-malas na natyempuhan kayo ng CID tapos wala kayong legal na papel na maipapakita, makukulong pa kayo! Pero marami pa ring matatalinong matsing ang nakakalusot. Nagpagawa ng fake na papel para kunwari kasal sila.
Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo na background ang Burj Al Arab, Mall of the Emirates, Ibn Batuta, Atlantis, Wild Wadi at iba pang attractions. Ang totoo kailangan mo ngumiti ng pang-friendster na smile kasi minsan ka lang makakapicture sa mga sosyal na places na yan.
Akala nila tatay, nanay, ate, kuya, anak, pamankin, at iba pa na namumulot ka lang ng pera sa abroad. Kada may problema text kaagad. Kumusta sa una tas bandang huli kailangan ng pera. Hay naku! Nakakaallergic na ang text sa roaming - puro gastos! At minsan padala ka pa ng load! Load mo nga, utang pa sa Pana (o indianong tindero sa supermarket sa baba ng bldg nyo). Bakit ba nauso pa yan! Pag di ka replyk, aawayin ka pa!
Akala nila pag may picture kayo sa bar o nagiinuman o nagpipicnic, masarap ang buhay sa abroad. Hindi nila alam ilang lang yun sa napakakonting pagkakataon na nagkakaron kayo ng get together kasi napahaba ang holiday na binigay ng government.
Akala nila ganun kadali maginom dito sa Dubai hindi nila alam dinadayo pa sa Umm Al Qwain o Ajman (ang mga lugar na may legal na tindahan ng alak) para lang makatikim ng alkohol ang katawan. Ang Umm Al Qwain ay 2 oras na byahe mula sa Dubai Proper at ang Ajman ay nasa 1 1/2. ganun kadesperado ang mga tao sa Dubai na makainom ng alak! Minsan merong mga kabayan na nagbebenta ng ilegal kaya naman pag namimili ka akala mo'y drugs ang binebenta sayo kasi nga patago nila yun iaabot sayo..hay!
Akala nila palibhasa may boyfriend ng ibang lahi ang mga Pinay dito sa Dubai, mapera na sila. Hindi nila alam ilan sa kanila (bukod dun sa mga nagsasabing inlove talaga sila) tinitiis ang amoy ng Arabo o Indyano (yun iba nga Pakistani pa!) nilang syota para lang makalibre ng pakonti-konti at kung galante ang napatulan nila mabibigyan pa sila ng extra cash. Di nila alam na kapalit ng konting ginhawang nabibigay ng mga ibang lahi na yan, kapalit naman ang buong pagkatao ni Kabayan..hay! Pag minalas pa, mabubuntis at pagkatapos ang mga nasa Pinas may gana pang manghusga! Kumusta naman yun?
Madaming naghahangad na makarating sa abroad. Lalo na mga nurses, medsec o teachers. At eto pa, pati cleaners mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho, pagdating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa, lalo na sa Dubai, wala kang outlet ng stress mo lalo at kung isang DH ka.
Hindi ibig sabihin Dirhams, Dollars, Yen, Euro o Pound ang sahod mo, yayaman ka na! Kailangan mo rin magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinag-silangan at malunkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito sa abroad o pinipitas o iniigib. Hindi ako naninira ng pangarap. Gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.
Mahirap mangibang bayan. Sino ba ang may kasalanan na iwan ang sariling bayan? Maninilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan. Hangga't may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapagiiwanan.
Kaya Juan, magiwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!
Day 10: Bad Days Are Yet To Come?!
BAD TRIP AKO!
Yan lang ang mga salitang pwedeng magdescribe sa pakiramdam ko ngayon. Nababadtrip ako kasi masakit ang ulo ko. Binigyan ako ng Tylenol ng officemate ko which I gladly accept pero hindi ko naman ininom. Wala lang although naniniwala ako sa sinabi nyang pwede yun sa buntis, ayoko pa rin sya inumin!
Pagkagising ko kaninang umaga, OK naman ako. kinukulit ko pa nga asawa ko na himbing pang natutulog. buti na lang di nya ko nasigawan ng maaga-aga, hehe. Pagsakay ko ng sasakyan as usual pinikit ko na ang mga mata ko alam ko namang walang kamatayang traffic lang naman ang makikita ko sa daan! kaso naman kamalas-malasan, paggising ko masakit ang ulo ko! Leche! Sa lahat pa naman ng ayoko yun sumasakit ang ulo o ngipin ko. UNBEARABLE! so pagdating ko ng opisina at pagbati ko ng GOOD MORNING sa mga officemate ko, naupo na ko sa aking chair at nanghihinang binuksan ang PC ko. kinumusta naman ako ng mga kasama ko na sinagot ko ng "I AM OK" pero siguro gawa ng kagigising ng utak ko at masakit nga ang ulo ko hindi tuloy naipagkailang hindi ako OK! ayun ang aming ever-girl scout na officemate binigyan ako ng Tylenol!
heniweyz, matapos naman ang ilang oras medyo ok-ok na ko. kaso mo nagpatawag naman ng staff meeting ang boss namin at sa kinamalas-malasang pagkakataon ulit ako ay nasermunan tunkol sa isang bagay na di naman ako ang may kasalanan..fuck!
ganito kasi yun isa sa mga bankera ko dito ang di agad nagrespond sa email ng aming head office. lam kong nasa office pa sya nung Thursday ng dumating ang email na yun..kasalanan ko bang motto ata sa buhay ng bankera ko na yun ay "PROCRASTINATION IS THE BEST POLICY"..ha? ha? ha? sagutin nyo ko! babanatan pa ko ng amo ko na "i know you are pregnant but you are sitting in the office the whole day and it is your job to advise your banker..blah blah blah"..ahh ok fine so kasalanan ko pala!! nakakainis lang na pati yun pregnancy ko e idamay e di ko naman kasalanan yun!
look, para kampihan nyo ko (as if may bumabasa nito) ganito kasi ang storya nyan:
about 3pm - nagpadala ang head office ng email tunkol sa isang client
(ayon sa aming COO) matapos ang email..tumatawag DAW ang taga head office para mag-follow up tunkol sa nasabing email. hanggang mag-past 5pm na di pa rin DAW makontak ng taga head office ang aking bankera..now i wonder e bat di ako ang kinausap. madalas naman pag unreachable yung banker ko ako ang kinakausap nila..hmf!
so umabot na ng past 6pm syempre naguwian na kaming lahat so tinawagan na lang daw sa mobile si bankera ko para mafinalize ang lintek na issue..sabi ko kapag di naman makontak si bankera, kadalasan pinapatawag ko sa mobile ehh kaso lang ayun kasalanan ko pala ang pangyayari....now the onus is on me??! what the fuck?!! how could that be?!
just to let you know, 5:39pm ang time out ng bankera ko which means from the time the email was sent hangang yung time daw na nagpa-follow up si taga head office sa amin through phone ay andito pa sa opisina ang aking magaling na bankera! so, siguro yung ang dahilan kung bakit hindi na ako kinailangan kontakin pa ng taga head office na yun! ehhh pero kung bakit hindi sya nagrespond o hindi nya pinansin ang email ay hindi ko na yata problema, hindi ba?
nakakainis nito ako ang nangapagalitan at parang walang ginagawa! grrrrrrrrrrrr...kasalanan ko bang tamad yun bankera ko!? eh kahit nga aantok-antok ako o kaya nabibigatan ako sa katawan ko eh pilit pa rin akong nagpapaka-smiling face sa kanila...para na nga akong smiley eh! gusto pa ata magcollapse ako para mapatunayang hindi naman ako FIT to work today!
matapos ang meeting kinausap ako ng department head namin na uber-bait at sinabi nya saking kakausapin nya ang amo namin tunkol sa situation kanina. sabi ko ayoko magmukang engot yun bankera ko sa harap ng lahat kaya kineri ko na lang na ako ang sermunan pero hindi ko yun kasalanan!!!! at pinaliwanag ko kay DH ang sequence of event plus the confirmation from our receptionist na 5:39pm ang out ni bankera so ibig sabihin andito sya ng panahong nagpa-follow up ang head office!!
ay naku ha imbyerna yang bankerang yan, paramis! pero kasalanan ko rin di kasi ako nakipag-argue kanina sa meeting pero pano naman ako makikipag-argue sa boss ko eh nung bandang simula ng meeting, nakipag argue yun isa kong officemate, nangasigawan sya sa amo, haha. so tiklop na lang muna ako at ayoko ng gera o termination (at the worst).
at eto pa, isa pa sa mga bankero ko naman ang nakakapagpainit ng ulo ko sa kadahilanang meron ata syang PMS dahil sobrang sungit sya. may pina-follow up akong issue sa kanya at sagutin ba naman ako ng "bat ngayon mo lang ako tinatanong tunkol dyan" errr, hello follow up na nga ito eh ibig sabihin nasabi na sa kanya before noh! ohmygawd talaga! ang problema sa mga lintek na ito, they are dumping the information as soon as they receive it! ampucha naman ang laki laki ng mga sahod nila tapos di man lang nila pagtrabahuhan..tsk!! eh palit kaya kami ng sahod? heheheh
kaya iinis talaga ko...grrrrr!!!!!!! tapos ngayong hapon mabait na sya. hindi ko alam kung anong problema ng mga tao ngayon at bakit parang trip nila maggalit-galitan! bakit kamo? e ngayong hapon para silang mga anghel na namang kausap! di na masusungit at nakikipagbiruan na, hmf!
pero ako? galit pa rin ako! lechugas kayo...grrrrrrrrrrrrrr!

Day 9: Bad Trip
Naranasan mo na bang pigilin ang pagkainis? Yun alam mong naiinis ka pero di mo mailabas kasi nga ayaw mo naman may masabi sayo? So naranasan mo na bang mainis kasi di mo mailabas yun pagkainis mo? haha.
Eh kaming mga buntis, pano namin maipapaliwanag sa mga tao sa paligid namin na bukod sa obvious na pagkabundat namin eh BUNTIS kami? Mahirap bang intindihin na medyo mabagal kami magkikilos ngayon kasi nga BUNTIS kami? masyado kami sensitive ngayon kasi nga BUNTIS kami? na hindi naman kami nagtatamad-tamaran kumilos kaya nga lang eh BUNTIS kami kaya mabigat ang katawan namin (ok, ako tamad talaga kahit hindi buntis)? eh mahirap bang intindihin na BUNTIS kami?
Hindi ba nila alam na napakahirap magpigil ng hininga sa tuwing maaamoy ng buntis ang usok ng sigarilyo nila? Na sadyang matalas ang pang-amoy namin na kaya kahit anong bagay na ginagamitan ng mantika at kawali ay kinakasuka namin? na bawat pabango na winiwisik nila sa katawan nila ay isang parusa sa amin? e di lalo naman ang kabahuan nila ay di namin makekeri! Sa tingin nyo ba gustong-gusto namin nagsusuka at nahihilo sa maghapon? Gusto ba namin yun maranasan ang backpain sa kakahiga pero anong gagawin namin kung sadyang bumabagsak ang katawan namin! Aba, eh kung kayo kaya magbuntis at saka nyo sabihin samin na maselan kami?!
Hindi ba nila alam na napakahirap para saming mga buntis ang gumising ng maaga at gumawa ng tulog sa gabi? Ito ay sa kadahilanang hindi namin alam kung panong pwesto ang gagawin namin sa sarili namin kaya kahit pagyakap sa katabi namin ay di na namin magawa? (waaa, kawawa naman dhae and chloe ko). Kaya di ba dapat magpasalamat pa nga sila na kahit BUNTIS eh pumapasok sa opisina at sila ay tinutulungan? (err, di naman ako galit sa ofis ko ng lagay na toh, hehe)
Napakahirap kaya sa isang buntis ang magpanggap na masaya ka kung drain na drain naman ang energy mo! Tulad kahapon, pakiramdam ko isa akong lowbat na celfone na maya-maya lang ay tutunog na ang warning alarm. Nung nakaraang Sunday, nagpacheck up ako kay Dr. Ulrich "pogi" Honeymeyer (kay pogeh ai!) para sa Down Syndrome Testing ng aking bebe. Ang appointment ko ay 10:30, awa naman ni batman, naharap ako ni Dr. Pogi ganap na 12pm! o di ba at kay sarap manakit ng gwapong doctor? Matapos ang 30 minutes na scanning here, there and everywhere ay kinailangan ko pang pumila muli sa laboratory for blood testing. bukod pa dyan, hiningan pa ako ng urine sample ng dalawang beses. buti na lang at ihiin ako kasi nga BUNTIS ako e kung hindi san ko naman pipigain sa katawan ko ang maya't mayang paghingi nila ng ihi ko?!
Matapos ang napakahabang proseso ng Down Syndrome Testing na ito, natapos din kami sa wakas at mahal ko talaga ang aking habibi ng araw na iyon dahil sinamahan nya ko sa buong maghapon, hek hek. TRIVIA: DI LANG KING OF ACTION MOVIES SI 'FPJ' , ISA RIN SYANG KING OF MGA INIPERO, MAN OF ACTION DAW KASI SYA. so isang himala ang di ko sya maringgan ng pag-angal ng araw na iyon at dadagdag lang sya sa aking stress, although nakasimangot sya from time to time pero ok na rin yun kesa umangal pa sya, hehe.
at matapos nga ang mahabang proseso, naisipan namin mag-asawa na dumiretso na lang sa Sharaf DG para mamili ng laptop ng aking mother-in-law tutal past 1pm na at useless na kung papasok pa ko sa opisina. habang nasa Sharaf DG kami at nagtitingin ako ng U900 kong pinapangarap, isang pagkahilo ang aking naramdaman, nagdilim ang aking paningin kung kaya't inalalayan ako ng aking asawang butihin sa upuan kung saan ako ay nagpahinga habang pawis na pawis sa loob ng Sharaf na fully airconditioned, hehe. wag nyo na itanong bakit muntikan ako magcollapse, siguro kasi BUNTIS ako! haha
matapos namin mananghalian sa China Times, nagdesisyon na kaming umuwi dahil babagsak na talaga ang mga mata ko sa antok..pagkarating nga ng bahay ako ay isang plakdang buntis! kinagabihan hirap na hirap akong gumawa ng tulog na konting kaluskos ay aking kinakagising kung kaya't pagsapit ng kinabukasan para akong ZOMBIE sa buong maghapon...grrrrr!!
ngayon sa mga nagaakalang kumakarir lang kaming mga buntis at nanamantala sa sitwasyon namin ngayon, bakit kaya di tayo magpalit ng role at kami ang pumansin sa inyo at kayo ang buntis..hehehe..tignan natin ang powers nyo!
Day 8: Pregnancy and all that
Thanks God it is Thursday..weekend na and 2 days na naman akong tanghali na gigising. It is not that I find it difficult to wake up in the morning but it is just that nowadays I prefer to stay in bed till late afternoon. Masaya naman ako na I don't have the morning sickness..BUT...unfortunately, meron naman akong 'evening sickness'. Ay naku, gabi-gabi na lang right after ko kumain ng napakadami, ilalabas ko rin sya ng bonggang-bongga makalipas lang ang ilang sandali (note: ilang sandali ng pagpipigil, hehe)
As much as I want to control myself not to throw up kaso lang dahil bugso ng damdamin itoh, kelangan pagbigyan ang aking katawan or else di na ako magfafunction ng mahusay the whole night and till the next morning..Now I am thinking, ano nga ba ang ADVANTAGE and DISADVANTAGE ng pagiging preggy (may disadvantage talaga!?)..
ADVANTAGES:
1. MAPAPATUNAYAN MONG 100% KANG BABAE! Ibig sabihin ang matris mo ay nagfafunction ng normal & walang anay o agiw sa loob nito that hinders the EGG CELLS and SPERM CELLS to unite! abah, akalain nyong nabasa ko somewhere, out there na ayan palang mga lintek na CELLS na yan ay inaabot ng 1 bwan (yata! nalimot ko na rin eh...pero basta matagal!) para lang magtagpo sila?! kaya ang MAKISIG NA SPERM CELL na umaabot sa loob at nakakakilala sa iyong EGG CELL ay dapat bigyan ng isang award! uhmm, wait naisip ko lang, pangalanan ko kayang MAKISIG yun magiging anak ko since galing sya sa isang makisig na sperm! wahahahahahah!!! amfanget!
2. THE CYCLE IS COMPLETE. Sabi nila kapag daw ang isang babae ay nakapanganak na, nabuo na ang life cycle ng nanay nya. Actually, nalimot ko na kung bakit, haha..nagpapaniwala kasi ako sa mga sabi-sabi, lintek! Basta, parang it has something to do with experiencing the things (such as giving birth) that your mother had experienced with you!
3. PROUD OF YOUR BELLY. Para sa mga medyo minalas-malas na mga babaeng may BEER BELLY (lol) kahit na dalaga pa, kapag nag-asawa na kayo at nabuntis na kayo, hindi nyo na ikakahiya ang belly nyo. Instead, you'll be proud of it! Hindi na kayo magkukulay violet sa pagipit ng tyan nyo at pagpigil ng paghinga para lang hindi mahalata ng mga boylets na ikaw ay isang BUTAD NA DALAGA! hahahahha. Aside from this, kahit na hindi lumiit ang tyan nyo after giving birth, meron na kayong excuse sa mga babati sa inyo na tumaba kayo o malaki tyan nyo..you will just simply smile and say "NANGANAK NA KASI AKO EH!"
4. SENSE OF RESPONSIBILITY & GREATNESS. When you do get pregnant, you'll have this feeling of responsibility. Whatever you do, kinoconsider mo na yun kapakanan ng bulilit sa iyong sinapupunan. At feeling mo talaga si Darna ka kapag nailuwal mo ng normal yung bata. Ako nga nun, kahit na putok-putok ang labi ko sa pagkagat ko habang umiire at kahit parang mapupunit ang tahi sa pekengkeng ko habang inaatake ako ng dry cough, feeling ko wonderwoman ako dahil nakapaglabas ako ng isang bouncing baby boy...isang 9lbs na bata lang naman si Chloe Gabriel ng inilabas ko 7 yrs ago..whew! warak ang lahat sa akin!
5. FEELING OF COMPLETENESS. Kahit na gaano kahirap ang pagbubuntis mo (from morning sickness to labor pains), aminin man o hindi ng mga nagbubuntis..may feeling of completeness kayong mararamdaman when you get to deliver a baby. Lalo na kung healthy & super cute ang baby mo. Iisipin mo sa sarili mo na.."alangya, sulit ang paghihirap ko ng 3 araw para lang mailabas ang pinakamagandang sanggol sa buong Earth!" you don't have to be afraid kung magiging cool mom o monster mom ka ba as long as kabutihan ng anak mo nasa isip mo..U'LL BE THE BEST MOM IN THE WORLD! Just remember, WE ARE NOT PERFECT, WE ARE JUST PARENTS! Kahit na siguro ilang paglilihi ang daanan ng isang babae, once nailabas nya na ang baby nya andun pa rin yun pakiramdam na KOMPLETO NA KO.
(bakit kaya ayaw humiwalay ng #6 kay #5, nadevelop kaya sila?! lols)
6. YOU CAN SAY NO TO YOUR PARTNER WITHOUT FEELING GUILTY. Oi eto, at dahil may dinadala ka sa iyong sinapupunan at di maganda ang pakiramdam mo during your 1st trimester...pwede ka magdahilan sa iyong partner na tinatamad ka (sssh!) para di ka nya kulitin sa gabi, hahaha.. Maari mo sabihin sa kanyang hindi maganda ang pakiramdam mo and gusto mo na magpahinga at nahihirapan ka sa tyan mo (kahit na 4 weeks ka pa lang at halos wala pang umbok ang tyan mo, wahahahah)
oh eh teka, pano naman ang disadvantages?
DISADVANTAGES
1. NO MORE SEXY OUTFITS. Ay naku, sorry ka na lang kasi medyo mga at least 1 year mo munang kakalimutan ang mga damit mong feeling mo eh SEXY ka! Instead, you have to replace your wardrobe with empire cut clothes, maternity jeans and dresses. Lalagpasan mo na ang skinny jeans BAGKUS ikaw ay dadako na sa MATERNITY DEPARTMENT na kung saan ang mga jeans, slacks at skirts ay may mala-garter na bewang!
2. NO MORE SODAS AND OTHER UNHEALTHY FOODS. As much as you want to give in to your cravings, sorry to say pero coke, pepsi at junk foods are a big NO-NO sa pregnancy. So magstick ka na lang sa tubig o di kaya simulan mo ng uminom ng Anmum para sa ikalulusog ng baby mo! Bawas rice na rin kaya sa mga tulad kong Ms. Extra Rice, isang malaking challenge ito! ha ha ha
3. WHEN YOU SAY NO TO HIM, HE MIGHT FIND SOMEONE ELSE. Ayun lang! Baka dahil nagiinarte ka, naku maghanap naman ng iba. Substitute (sub-prostitute?!) bah?! So if I were you, kung kaya mo naman go na lang iha bago pa maisipan mangaliwa di ba? hahahah
4. NO MORE PACUTE MOMENTS. Sad to say, hindi ka na pwede sa mga pacute at patweetums moments. Hindi ka na pwede magpacute kapag umuusbong na ang tyan mo noh! Well, kung wala kang asawa pero buntis ka (which is a normal case these days) siguro pwede mo sabihing bilbil lang yun at mawawala rin kapag nakapagsexcercise ka, wahahahah!
5. TAKING PILLS BIGGER THAN A KIDNEY BEAN? Ay naku ewan ko ba bakit ang mga pills for pregnant women ay malalaki! Dahil ba ito sa pinagsama-samang vitamins (like folic acid, calcium, Vit A - Z) sa isang tableta kaya kelangan eh kasinlaki ng tipak ng iceberg ang iinuming mong gamot?! hehehe
but the bottomline is YOU ARE BLESSED CAUSE YOU ARE PREGNANT..a child is a blessing so kung paano man yan dumating sa buhay mo, whether ginusto mo o hindi, wrong timing o tama lang, still isa yang blessing from Him. All we have to do is to make sure that we'll take good care of that blessing & whether normal o may abnormalities man ang baby na isisilang mo isipin mong sa'yo nangaling yan..as in dugo mo at laman kaya dapat mong ingatan at alagaan :)
hindi ko alam kung bakit nagdidikit-dikit ang mga paragraphs ng entry na toh...kakabuset! mashadong close ang mga lintek. di ko naman sila pinagdidikit-dikit..hmf! hirap nyo iformat huh!
ok ciao for now :D
Subscribe to:
Posts (Atom)