Day 80: Walang Title

kahapon binisita ko ang blog ni Joyo at nakakatawang isipin na kung hindi pa ko naligaw dun di ko maaalala na may blog din pala ako haha. naaahh, hindi ko naman nalimutan ang blog ko 'tis just that i got so busy with work, family and syempre sa sarili ko (lol).

130 days na lang maaamoy ko na naman ang polluted na hangin ng pinas, madadampian na naman ako ng malagkit na hangin at higit sa lahat, babalik na naman ako sa pagiging negra ko at ang hiram kong kulay ay biglang maglalaho dulot ng matinding sikat ng araw (bow!) but despite all that i am so happy that i am coming home this july. mula ng magpunta ako ng Dubai (in 2002) parang mga 4 times pa lang akong nauwi ng pinas and this year ako most excited..for some reason i don't know. maybe because i'm coming home with Gelo (my bunsutil) or is it because i might be travelling with Katt? another experience with a good friend :)

pero eto ang problema up until now wala pa kami ticket haha. damn, Emirates Airline at kung bakit ang flight on July 16 costs about $850 US while all the other days would only cost about $750 US..abah, malaking bagay ang $100 US. ika nga ni Katt, pangkain na rin yun sa Pinas no! lols. i know, i know some of u would say, 'pwede naman mamili ng ibang date or airline, kelangan ba July 16 at Emirates?'..well for two reasons:- one, direct flight ang Emirates which means less hassle; two, 16th kasi ang pinakaconvenient for all of us and yun date na yun ang swak na swak sa schedule ng mga events, hehe.

dati chicken na chicken lang sakin ang magbooking. DNATA is just a call away. but now that lumalaki ang family, nadadagdagan ang mga kasamang babyahe, masakit na pala sa ulo mag book ng flight tapos iniisip mo pa ang budge haha..headache! amf!

anyways, since wala naman kwenta ang blog ko as usual and i am just blabbing..ititigil ko na toh hek hek hek..i will try to write more often wag lang akong pipigilan ni FB at Tumblr. mashado kasi sila demanding hahahaha...

Day 79: Bati na nga kaya si Kris & James?

hindi na ko magtataka kung sugurin ako ng sandamakmak na ipis dito sa kinauupuan ko. sa dalas ba naman ng pangngatngat ko ng sokoleyt dito sa pwesto ko. madalas nakikita ko nalalaglag yun bits ng sokoleyt ko sa pagitan ng mga box file na nasa paanan ko haha

tinatry ko karirin ang tumblr pero sa totoo lang siguro dahil sa tagal ko ng tumatambay sa kung ano anong kalokohan sa intarnet. parang natatamad na ko sumabay sa bago...hehe. 2002 pa lang nakikisabat na ko sa forum, 2003 meron akong sariling website na nilumot na dahil di ko na nabalikan. di ko na nga alam kung anong pangalan hahaha. naadik na ko sa chat, nakabuo na ko ng napakaraming blog..hay! pero hindi kasi ako busy nung mga time na yun. WALA AKONG LIFE, sa brutal na salita..hahahah..kaya nagagawa kong karirin ang bawat nauusong bagay sa intarnet..ngayon abala na ko sa mga chikiting ko at sa magandang salita MAY BUHAY NA KO!

ayan ubos na sokoleyt ko, masakit na ngipin ko, tamad na utak ko magisip ng isusulat dito..

Day 78: Back to Normal

balik na naman sa normal ang buhay ko. walang trabaho sa opisina. nagiintay ng oras ng uwian at ngumangata ng sokoleyt sa twing maisipan. problema nga lang pag ubos na si sokoleyt (tulad ngayon). gusto ko umorder ng coke sa tindahan at sabayan ng isang bar ng kitkat kaso lang buong 200 ang pera ko. ayaw ko mabaryahan pag kasi nabaryahan mauubos ko na naman agad..hehe. kaya tiis na lang na walang coke at kitkat. mag-tea break na lang ako (lols).

after kulang-kulang isang bwan natapos ko rin yung Health & Safety Manual na pina-retype ng isang manager sa tambayan ko. nampucha sya, isang higanteng libro yun. pasalamat sya mahaba pasensya ko kung pindutan rin lang naman ang paguusapan (hehe).

eto ang problema, tapos na sya, naubos ko na ang pages. wala na akong trabaho. kung di ko naman agad tatapusin hindi ako titigilan nung manager na yun at parang sa twing makikita nya ko eh yung H & S manual ang naiisip nya...hmf! mahirap pa naman makipagkulitan sa kanya, kalahi sya ni Harry Potter na nilulunok ang bawat salita nya..amf!

pero sabi ko nga BACK TO NORMAL. ito ang normal kong buhay. darating sa ofis ng 7am, magiintay na may magbukas ng mahiwagang pintuan ng ofis, magfe-fesbuk, mag-yayahoo, tutunganga at magpapanggap maghapon na busy ako sa kakatype hehehe. magiintay na matapos ang office timing at magiintay ng mga kalahating taon pa sa baba ng building para sa sundo ko.

at pagkatapos ng lahat ng yan...dun ko pa lang mararamdaman ang tunay at exciting kong buhay...sasalubungin ng panganay kong paniguradong may comment na naman ako sa kanya, di ko pa man naibaba ang bag ko (haha), titingnan ng bunso kong parang aliw na aliw na makita na naman ako (kala ata clown ang ina nya) at hihilata sa kama na para bang pagod na pagod sa trabaho hek hek hek.

sabi nga JUST ENJOY LIFE wag na sayangin ang panahon sa pagmamarakulyo sa mga bagay-bagay na wala naman katuturan. magsisigaw ka man dyan at umatungal sa hirap ng buhay mo, wala naman ibang makakatulong sayo kung hindi ang sarili mo :)

Day 77: For A Change!

2010 na! Parang kailan lang..whew!

Mashado akong nagiging abala ngayon sa munting tambayan ko. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa na finally nagkakaron ako ng pinagkakaabalahan. Wala na ko karapatang mag-kukuta-kuta sa pagkaburyong ko sa maghapon hehe.

Malapit ko na matapos ang Veronica Wants to Die ni Paulo Coelho. Malapit ko na rin makumbinse ang sarili ko na - - - BAKIT NGA BA HINDI KO GAWIN ANG BAGAY NA GUSTO KO? Hindi ko naman sinasabing ayaw ko ng ginagawa ko o ayaw ko ng anong meron ako. Masaya nga ako na may kumpleto at masayang pamilya ako, mga gwapong anak at asawang feeling member ng boom-boom-pow boys super responsable, mga kaibigan na kahit na may kanya-kanyang issues e nagagawang tumawa at humalakhak sa maghapon. Kahit na may isang higanteng SAD FACE na naka-ambang sa amin nagagawa naming palitan yun ng mas malaking GUMUGULONG AT HUMAHALAKHAK NA SMILEY FACE. Isang - - HAHAHAHA TANGA KA! - - - na linya lang, solve na kami! Meron akong kapatid na kahit madalas magpasakit ng bulsa ulo ko e still alam kong loves na loves ako. Meron akong trabaho na kahit kalahati ng katawan ko ay di kumbinsidong gusto ko talaga dito, still the fact na may trabaho ako ay isang blessing na. Hay ano pa ba hahanapin ko?

Pero alam nyo may gusto ako gawin - GUSTO KO MAGRESIGN SA TRABAHO AT MAG-VOLUNTEER SA UNICEF O KAYA SA KAPUSO FOUNDATION!

Ano sa tingin nyo? Matagal ko kasing pangarap yan e. Parang sapat na ang sampung tumatalembong na taon sa pagoopisina, gusto ko naman yun medyo kakaiba. Kung mahusay lang ako magtupi ng mga damit at mahaba pasensya ko sa mga makukulit na tao, baka nga nagapply na ko as saleslady hehe. Minsan curious ako, sino kayang mas masaya, ang mga nasa opisinang malaki ang sahod pero tali sa opisina-bahay ang buhay o ang mga saleslady na nasa minimum pero sa araw-araw na pagbubukas nila ng shop nila meron silang bagong nakikitang katawa-tawa o kamangha-mangha...hmmmmm

Ah basta gusto ko magtrabaho sa isang NGO! Wala lang..sabi ko nga FOR A CHANGE! :D

Day 76: Torete


Wala naman akong ibang pinangarap ngayong Holiday Season kung hindi ang mag-enjoy with my family.

Aba't kung bakit naman umaapela ang di dapat umapela sa akin. Tanda ba ito na ilang tumbling na lang ay TRENTA na ako? kung ano anong masasakit na ang nararamdaman ko ah!

Amf! Menopausal na ba ako? Wahahahahahah

Sana naman paglipat ng taon OKAY na ko ako. Maiwan na sana sa 2009 ang mga sakit-sakitan ko at ang mga BAD energies ay wag na sumama pa sa 2010 ko!!!

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

Day 75: My Year Ender

How time flies! Eto patapos na naman ang 2009! Welcome 2010 na! Ano naman kayang eksena ang gaganapan ko ngayong taon na ito? Sana naman role na ng isang milyonarya ang gampanan ko diba? Mahirap din ang eksena pag palaging mahirap ang role mo, nakakatuyo ng utak. Hehe.


Anyway, going back to my 2009? Naku, napakaeventful..lemme see..

JANUARY:
6 months prego na ko nito. Napabalita na ang schedule ng tanggalan sa opisina. Worried na ko kahit ilan daang beses sabihin sakin ng mga kaopisina kong wag ako mag-worry lalo sa kalagayan ko.
FEBRUARY:
7 months prego na ko. Pinagbawalan na ko magkakain ng sweets at pinayuhan na mag-diet para na rin sa ikalulusog namin ng pinagbubuntis ko. Still, worried pa rin ako sa magaganap na tanggalan. Sabi kasi MARCH, JUNE at SEPTEMBER daw at pag minalas aabot ng DECEMBER ang tanggalan..whew!

MARCH:
Excited na ko sa nalalapit kong panganganak..wuhooo!!!!
APRIL:
22nd of April, isinilang ko na si DHAYNE ANGELO na ngayon ay 8 months old na. Uber kulit na bata at uber hyper...grraaabeee!! Thanks God at nailuwal ko naman sya ng bonggang-bongga kahit feeling ko eh wasak na wasak ang lahat sa akin.

MAY:
Gusto ko na sana bumalik sa work, worried pa rin ako sa status ko sa company. But still enjoying the feeling of being a MOM, the second time around!

JUNE:
Nakatanggap na ko ng tawag from our office. Eto na yun. Kahit kagigising ko pa lang parang feeling ko gising na gising na ang buong diwa ko. TERMINATED na ko. Amf! I was made redundant due to blah..blah..blah...Ah, ewan! Basta ang alam ko wala na kong babalikang trabaho.

JULY – AUGUST:
Dahil nga wala na kong trabaho, kailangan na naming lumipat ng bahay na kakayanin ng budget naming mag-asawa. Kaya eto sa loob ng 2 bwan ay aligagang pusa ako sa paglilipat ng bahay, internet connection, e-vision at enrolment ni Chloe Gabriel. Kasabay pa nito ang paghahanap ng trabaho..hay!

Fortunately (nga ba?), natanggap naman ako bilang Glorified Alalay sa Frayland. Ang sahod, 40% off from my previous salary at walang ibang benefit kung hindi ang annual return ticket. Ok na rin kesa sa wala. Binigyan ako ng hanggang September ng UBP (my previous company) to look for another job bago nila icancel ang visa ko. Buti na lang, nakahanap na rin naman agad ako kahit papano.

SEPTEMBER:
Nagsisimula na ulit ako sa opisinang parang hindi ko feel pasukan. Magulo ang ofis, may ere ang isang Pinay, may kanya-kanyang issues ang mga tao. Feeling ko over-dressed ako for wearing a suit, feeling ko masyado akong maganda sa opisina na ito. Haha. Pero kailangan ko ang work na toh para sa mga bayarin ko, kaya kailangan PAGTYAGAAN!

Naging magulo din pala ang September ko dahil sa problema ng ate ko na ipinasalo sa akin kahit ayaw ko.

OCTOBER:
Nasa Frayland pa rin ako. May mga tawag sa ibang company pero ang offer di hamak na mababa naman sa kasalukuyang sahod ko kaya kahit imbyerna ang ilan sa mga tao sa opisinang to, dito na lang muna ako hehe.

NOVEMBER:
Nothing exciting. Still wishing na makarecover ang UBP at i-recall ang mga natanggal na empleyado. Can’t move on. Hay!

DECEMBER:
Naospital ako! Sa loob ng ilang taon ko na sa UAE parang bilang na bilang ang inubo at sinipon ako. Parang di ko nga matandaan pang nilagnat talaga ako. Sa di malamang kadahilanan, ngayon pa ko naospital dahil sa high fever at gastroenteritis with bacteremia daw.

Hindi ko alam kung dahil:

• Yogurt lang ang kinakain ko twing lunch kaya wala ng panglaban ang katawan ko sa sakit


• Stressed ako masyado sa mga bayarin kaya ako nagkasakit


• Di ko feel ang pinagtatrabahuhan ko kaya hinayaan kong gupuin ako ng sakit

Watever! Kung anuman ang dahilan, hindi ako natutuwa kasi inabot ng 5000 dirhams ang hospital bill ko na hindi malaman kung bakit ako naospital o yun simpleng kung bakit ako nilagnat ng pagkataas taas. Sana pinambili na lang ng burberry bag yun pinangbayad sa ospital, naging masaya pa ang pagtatapos ng taon ko.

Pero kahit na-recession ako sa kalagitnaan ng taon masaya pa rin ako dahil dumating sa buhay namin si Gelo. Masaya kaming mag-asawa for having our kids here in Dubai.

All in all..MASAYA ANG 2009 KO KAHIT NA MAY MGA DOWN MOMENTS AKO! KAILANGAN DIN DAW KASI MINSAN MAY PROBLEMA ANG TAO, PARA MAGKARON NG KULAY ANG BUHAY! HEK HEK HEK



HAPPY HOLIDAYS EVERYONE!!!!!

Day 74: Kapitana Bacteremia

Been out for so long. Ilang weeks na kong nakakaramdam ng pagkapagod physically although hindi naman busy sa work. I even voiced it out to my friend, Katt. Para kakong gusto ko ng pahinga, at least for a week. Pero ewan ko ba kung anong sumpa meron ang dila ko at kung bakit nangyayari nga ang gusto ko pero sa paraang pinapahirapan naman ako.

Naospital ako last week due to very high fever na sa sobrang taas feeling ko umabot sya sa outerspace. Sobrang bilis mag-fluctuate ng temperature ko from 38deg to 40deg, parang wala ng bukas. For the NTH TIME, nakipag away ako sa sarili ko para labanan ang sakit. Sabi nga ng asawa ko kasi labanan ko daw. Kung pwede lang hatakin palabas ang sakit sa katawan ko at bugbugin ko ng bonggang-bongga as in yun tipong sya ang madedextrose at hindi ako, sana ginawa ko na!

Heniweiz, sabi ng napakahusay kong doctor (sa sobrang husay hindi maexplain ang sakit ko) meron daw akong GASTROENTERITIES WITH BACTEREMIA...errr, hanu daw? NAGTATAE DAW AKO AT MAY INFECTION SA DUGO! ahhh sus, yun lang pala...may infection lang ako sa dugo! PAK!

at dahil sa bacteria na kung tawagin ay BACTEREMIA hindi nya pa ko pinapayagan lumabas ng ospital. kasi kapag daw di ito namonitor pwede ito dumami at hindi na maging treatable. pero sa ingay sa ospital na yun at sa papalobong hospital bill ko pinilit ko lumabas at pumirma ako ng waiver saying...ITO AY NAGPAPATUNAY NA KUSANG LOOB AT WALANG HALONG PANUNULAK AKONG LALABAS SA OSPITAL NA ITO SA KADAHILANANG PARANG PALENKE AT DI OSPITAL ANG HALLWAY NYO AT IDAGDAG PANG ANG MGA NURSES NYO AY DI ALAM ANG MAHINAHONG PARAAN NG PAGSASARA NG PINTO NA KUNG SAKIT SA PUSO ANG DAHILAN NG PAGPARITO KO AY NATULUYAN NA AKO. I, THANK YOU. BOW.

Pumayag si Dok na lumabas ako pero under observation ako for 4 days at salamat po kay Lord at hindi na tumaas pang muli ang temperature ko. Bumalik ako kay Dok kahapon according sa instruction nya, pero sa di malamang kadahilanan hindi nya man lang ako kinunan ulit ng dugo para malaman kung ang bacteria ay nasa dugo ko pa. Kinunan lang ako ng temperature at ako daw ay OK na! Sa libo libong binayad ko sa ospital nila, halos di naman nila ko napagaling, ala akong napala??? Hindi man lang ako nabigyan ng assurance na wala na ang bacteriang natagpuan sa dugo ko na according to him before ako i-discharge ay pag di naagapan could be dangerous for me??!

Buti sana kung tulad ni Spiderman na matapos makagat ng spider ay naging superhero. E ako ba? Matapos mapasok ng bacteria ang sterile kong dugo magiging superwoman ba ko? Pwede ko bang ideclare na ako ay si KAPITANA BACTEREMIA since sa bacteriang yan galing ang sakit ko???

Hay leche! Mahirap talaga magkasakit sa abroad. Mashado ng mahal hindi mo pa makuha yun resultang inaasahan mo..tskkkk.tskkk..

Salamat na lang kay Lord, Papa Jesus at Mama Mary...magaling na ako...sana magtuloy-tuloy na toh...para maganda ang 2010 ko....:)
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting