korek. tama ang nabasa mo. rayuma nga ang title ng blog ko. alam nyo mga mambabasa (oo kayong 4 o 5 na bumabasa ng blog ko. konti na lang kayo di pa kayo magsipagcomment hahahah) alam ko naman na di ako type ni Kabayan dito sa aking tambayan. alam ko naman na simula pa lang di nya na ko feel kasi mas maganda ako sa kanya, bwahahahh. pero sadya atang tukso si Lord. alam nyo bang ang switch ng AC ko e nasa kwarto nya? hmf! hindi naman sa mapride pero parang di ko feel pumunta sa ofis nya at sabihin na..."ahmm, papatayin sana kita ko sana yung AC, malamig sa pwesto ko". baka naman kasi feel nya ng mala-yelong temperature as early as 8am diba? ayoko naman dahil lang sa AC e magkaron pa ng world war 3! buti na lang mabait naman itong mga ofis boy namin, its either pakiusapan ko silang pakipatay ang AC or sila na mismo nagsasabi kasi nga sobra naman talaga ang lamig. rinig mo nga yung ugong ng AC na feeling ko nasa tuktuk ko mismo yun mismong AC! pak! ewan ba naman kasi at sa di talaga malamang kadahilanan itong sulok na binigay sakin ng amo ko ay sobra kung mag absorb ng lamig. parang wala ng bukas kung maglabas ng lamig ang AC. bukod pa sa masakit sa buto, masakit din sa ulo kasi nasa tapat ng bumbunan ko ang lintek na ventilation o kung anumang tawag dun sa labasan ng hangin ng AC! isang maliit na ofis na may exhaust at yun ngang labasan ng hangin para sa AC, at yun labasan ng hangin na yan ang syang nakatapat sa upuan! di ko naman maikot ang pwesto ng mesa kasi ang haba ng mesa ko lalagpas sa pinto wahahaha...walang halong biro na ang length ng mesa ko ay halos 3/4 ng ofis ko hahaha. mas gusto ko pang cubicle na lang sana ang binigay sakin kesa isang opisinang puno ng mesa (lol)
kung itutuloy ko ang balak kong pagiikot malamang makulong na ko sa ofis ko, di na ko makalabas at wala ng makakapasok...wahahaha..natatawa ako sa naiisip ko. pero in fairness naman pag nagawa ko yang plano ko, di na ko lalamigin sa bumbunan, watchatink people? teka......kung upuan naman ang ililipat ko muka rin akong tanga dahil nakatalikod ako sa pinto ng ofis ko hehehe. solution? wag na ko makealam sa ayos ng mga gamit ala naman ako mapapala. hay, eto pa ha pagdating ko ng umaga uber lamig na. feeling ko papasok ako sa freezer at hindi sa opisina ko. kaya naman everyday pag umaalis ako ng ofis ko iniiwan kong nakabukas ang pinto para naman hindi makulob ang lamig sa loob magdamag. eto ka na, everyday din inaabutan kong nakasara ang ofis ko. leche! sino bang pakealamerong kamay ang nagsasara ng ofis ko, bakit kaya di sya magpatayo ng sarili nyang pinto at iyon ang isara nya bago nya lisanin ang ofis..hmf! lagyan ko yata ng kuryente yun door knob ng di sila nakikialam ng may pinto ng may pinto haha. sabi nga ng matandang CAD dito na si Abdullah-boy (hehe) ilabas ko na lang daw yun mesa at upuan ko at sa labas ako ng ofis ko magtrabaho wahaha..good idea sana kaso nga lang tulad ng nabanggit sa taas mashadong mahaba ang mesa, matrabaho kung ilalabas. parang tinakda na yung mesa dito for life! at para mawala ang pagkaimbyerna ko sa AC. nagisip na lang ako ng libangan.. picture taking (inabutan ako ng isang ofismate ko na nakanguso! hahaha..pumoposing eh, bakit ba!) nagvideoke (ayaw maupload ng concert ko nakakabuset naman heheeh) haist! gusto ko batuhin yung ceiling o kaya barahan yun bintana sa kisame para masira ang AC hahahaha
ano kaya magandang gawin dito sa lintek na problema ko. pag di ko kasi to sinolusyunan malamang sa edad na 25 may rayuma na talaga ako wahahahahahah Pahabol: 10pm na pinipilit ko pa ring ipost ang concert ko..leche sayang ang boses! haha..hay iniz moment! eto mga link pakituruan nga ako mailagay sa blog ko ang aking awitin hahahahaah http://www.filefactory.com/file/b0d6c13/n/Recording.amr http://www.filefactory.com/file/b0d6c6b/n/Oursong.amr kikiss ko makakapagturo sakin kung pano to mapapagana hahahaha
last night was movie time with my boylets. at dahil tukso ako kahit alam kong prinsipe ng kaduwagan ang panganay ko, go ako sa pag-play ng Tarot ni Marian Rivera & Dennis Trillo. at first medyo naaaliw din ako kasi despite the fact na mayabang ako mag-play lagi ng horror matatakutin din naman ako hahaha. anyways, tinatry ko rin kasi sanayin ang anak ko na manood ng horror. i know na lahat naman ng bata natakot sa horror movie pero di naman masamang unti-untiing sanayin diba? hehe. so punta tayo dun sa movie. yun mga unang scene, nadadala rin ako ng mystery. panalo naman din sa mga effect. kaya lang nung andun na sa part na may umeksenang old lady na nagbabanta or something parang heller..same old, same old. pinoy horror movie talaga oo. isang eksena sa city, may trahedyang magaganap, may mamamatay, may aapir na matandang babae na makaluma ang damit at magbabanta at magsabi-sabi ng kung ano anong kwento at kababalaghan. ang dahilan ng trahedya? SUMPA. pano mapuputol ang sumpa? syempre alam din ng mga character pero di lang nila gagawin sa simula kasi wala ng thrill (lol). like yung Tarot, alam ng lolo ni Marian na si Dante Rivero na ang way to stop the 'zombies' from killing ay magpakamatay din sya pero di nya yun ginagawa. not until sa may bandang huli na ng movie. nagpaliwanagan pa nga yung mag-lolo bago rin naglaslas ng leeg si Dante Rivero. aliw lang dun sa part na yun, habang nagpapaliwanagan ang mag-lolo nawala rin naman yun pagsugod ng mga zombies sa harap nila. parang binigyan din naman sila ng time maglolo magkausap, how sweet ng mga zombies haha. may part na nakita nila Marian ang isang ritual ng mga nagmumultong 'kulto members' instead tumakbo palayo, si Marian tumakbo palusob wahahahaa..oo nga naman, para mapahiwalay sya sa mga kasama nya tapos magsisisigaw (kalokohan!) ang eksena sa 'gubat' pero kung umapir sila sa gubat mula sa city parang kapitbahay lang ba. tawid bakod lang, haha. si Marian kabuntisan nasa may burol..walang kasama! amf! ang hirap kaya maglakad sa patag ng buntis na buntis ka e yun pa kayang sa burol? hehe..nakekealam ako talaga....eto pa, may part na nakayakap kunwari si Dennis kasi multo na lang sya, hindi naman ginawan ng effect na nagfade away sya sa camera, pinakita yun patagilid syang umalis kay Marian tas next scene parang nagulat pa si Marian ala na yun kayakap nya...DUH! di mo ba namalayan naglakad patagilid? wahahahahahha pero eto mas exciting sa movie kagabi. ang panganay ko as usual bokots. nagising na lang si Neneng around 3am na nasa paanan nya si Chloe ...."ate, ate di ako makatulog" ....bwahahahha..imbyerna si Neneng! pinabalik sa kama nya si Chloe at dinedma na..awa naman ni God, tulog na si Chloe when we left home this morning hehe so shall i name this movie, TAROT O CHAROT?
ilang bwan ko ng pinoproblema tong lintek kong credit card from HSBC. no, it is not because masyadong malaki ang utang ko (hehe) kung hindi dahil sa walang wentang services ng HSBC. as soon as i am done paying my debts, ikacancel ko na talaga tong lintek na toh nyahahaha... ilang milyong beses na ko tumawag sa Customer Service nila to complain about my card. sa twing kasi i-ke-key in ko yung card number ko, sasabihin ng machine - SORRY YOUR CARD NUMBER DOES NOT MATCH OUR RECORDS..what the F?! pero pag nakakausap ako ng CSR naman they were able to pull up the info about my account and sasabihin sakin na OK naman daw ang card ko. i am going into an endless loop and talaga namang highest level ang pagkainis ko hehe. i decided to visit their branch last Saturday. mahaba ang queue. may half an hour din akong naghintay only to be told by the CSR na they couldn't help me and i need to call their phone banking...again, what the fucking F?! nasa branch na nila ko and they couldn't help me kasi kelangan phone banking ang mag-a-assist? DOH! talaga. i also informed the nice CSR na pakiupdate ang aking date of birth kasi it seems that according to their system 21 May ang bday ko at hindi 21 Feb. when she asked for an ID i gave her may National ID, which is the only valid ID that will be acceptable by Bank and other government offices (according to the great UAE law implementor), pero i was advised na hindi pa nila nirerecognize ang national ID as a valid ID?? sobrannng what the F na ha!! at eto na, naisipan ko na naman tumawag sa HSBC this morning to again complain (ala lang kasi talaga ko sawa hahahahah)..isang napakamalumanay na indiano ang nakasagot. sa sobrang lumanay parang gusto nya ubusin ang airtime nya sakin haha. sa simula pa lang feeling ko na walang mangyayari sa usapan namin. bakit kamo? e vine-verify pa lang nya ang card number ko naka-10 na ata syang ONE QUICK MOMENT sakin. at matapos ang ilang tanungan another ONE QUICK MOMENT. wala naman sana problema kung quick nga e kaso abay nagspend na ko sa kanya ng 10mins para lang sa simpleng verification?? amf! so imagine nyo yung tinagal ko sa phone nung nag-uu-umangal na ko regarding my card...lol...kabuset hay naku, ayan napa-blog tuloy ako sa pagkainis ko.
N-A-I-I-N-I-S ako! Last Friday kasi nagkaron kami ng small get together ng aking mga in laws. Wala ako mashadong kwento sa get together (lols). Nagihaw ihaw lang kami at naglaro ng PINOY HENYO. mashado akong masaya sa laro kaya vinideo ko sya at dahil nga nagvideo ako am so excited na ma-upload ito. unfortunately, sobrang bagal ng net sa bahay so i have to do it in my office..at yun...nangyari ang di dapat mangyari... no, hindi ako nahuli ng boss ko na nag-a-upload ng video sa youtube..so far, di pa naman! haha. nasira ang celfone ko ng isaksak ko sya sa usb drive..grrrrrrr!!!!! nabasa naman sya ng pc ko but when i tried to open the folder, hindi na sya ma-read and when i checked my CP..eto na ang sabi - INSERT SIM waaaaaaaaaa kaimbyerna. when i tried to charge the battery naman eto ang sabi - PLEASE USE SONY ERICSSON BATTERY....waaaaaaa ulit..anoveh! SE battery kaya yun. 100% orig. hmft! ang analysis - navirus ang mobile ko kasi may trojan chuva na tumatambay sa system namin at syempre engz ang IT so di nya masolve lols so ngayon eto nagtyatyaga ako sa cellphone ng anak ko. ayoko sya magring kasi jologs ang ringtone hahahah. kelangan ko toh pagtyagaan kasi i need a phone. i didn't have the time to go shopping last night kasi may school play si Kulet..haist! hmmm gusto ko bumili ng Blackberry Bold o kaya kahit yung Curve na lang kaso naiisip ko, ano naman gagawin ko sa Blackberry? e ako ang taong pwede na ang 3210 kasi di naman pala-gamit ng features hmf. in fact, nakakapagpalit lang ako ng mobile kapag binili ako ng asawa ko o kaya pinilit ako ng asawa kong mamili hehe. Wala naman sana ako problema sa mobile ng anak ko, its just that antigas ng keypad, ang liit para sa tenga kong malaki at yun nga jologs ang mga ringtone...wahahahahaha...sige sige, kayo ba papatulan nyo ang J132 na Sony Ericsson?? hindi rin siguro..haha..nabili lang namin to sa BUY SIM, GET 1 PHONE FREE! wahahahahahah...amf!
i want SE Aspen din sana kaso lang wala pa sa market dito..kainis! na-te-tempt akong patulan ang Nokia E72 pero ayoko na sa Nokia mukang plastic na laruan hak hak hak..anyways, let's see kung anong mangyayari sa akin by the end of this week..it's either i gave up and will just buy myself whatever fancy-looking mobile phone available in Carrefoure (haha) or nadala ang husband ko sa paawa effect ko na di bagay ang J132 sa Louis Vuitton ko huwaaaaaaaaaaaaa....pak!
(beware: this might take an hour to read, lol) what a way to start my day. Katt told me the news about the accident inLimay, Bataan where 7 were killed. hanuveh?! lagi na lang sa Limay. my first question (i think) was - "MAY KAKILALA BA TAYO...?" naging ugali ko na sa twing magbabasa ako ng news dito sa UAE, it's either inaalam ko kung Filipino ba ang sangkot or worst is kung kakilala ko. ayokong makabalita ng isang bagay na hindi maganda at sankot ang mga taong kakilala ko ng personal. when i heard about Sheryl (ex-colleague in KPC), na naaksidente sa Oman on the way to Dubai, parang ilang months ko ring naiisip. she had fun with her friends and walang kamalay-malay na di na pala sya makakauwi ng buhay sa Dubai at lalo sa Pilipinas. madalas nasa daan ang husband ko kasi part ng work nya tumambling sa iba't ibang site nila. i always pray to God that He always keep him safe and away from any harm. lagi ko sinasabi kay God, i am never ready and will never be ready for any bad news basta about my family. kahit nga ibang tao ang sangkot basta kakilala ko lang naa-aligaga ako, yun pa kayang pamilya ko na involve? no, never will i ever be ready for that! when my doctor told me last December that i have (or had) bacteremia, nag-jump agad ang isip ko sa worst scenario ng balita. but then i told myself instead of dwelling into that negative thoughts, inisip ko na lang KUNG ORAS MO NA, ORAS MO NA. and i am very, very sure that God will not let me go without spending quality time with my family. as in He's letting me know na - - "hey you, warning na toh, wag ka ng maginarteng di kita kukuhanin kaya pakabait ka na. wag mo na sinusungitan ang mga anak mo pag patakla pasaway sila. ayaan mo na yung kakulitan ng asawa mo, naglalambing lang yun. yun mga kapatid mo namimiss ka lang kaya inookray ka at mga kaibigan mo pasasaan ba at magtitino din mga yan, wag mo na iniintindi..enjoy life while it last" hehe...kaya i decided to loosen up a little bit. di naman pwedeng ang iiwan kong memory sa mga kakilala ko lalo na sa mga anak ko at asawa ko e sandamakmak na sermon lang..nyehehe..i want them to remember me as someone na strict when it comes to right and wrong but cool enough to hang out with. isang maliit na tao na punong puno ng kadaldalan sa buhay at isang maliit na taong may malakas na boses..hahahahah ah basta, may point si Katt. kelan pa natin ipaparamdam na mahal natin ang nasa paligid natin, kapag wala na? para lang trabaho, kelan mo pahahalagahan pag natanggal ka na? parang simpleng kape, kelan mo maiisip na dapat di ka kape ng kape kasi baka bukas ubos na yun, tas ala ka pambili, pano na ang kape moments mo? lols friends, foes, mga boylets ko (dhae, chloe & gelo), family, katrabaho, kakilala at kahit mga di ko kakilala halabshu all..magiingat kayo palagi and always pray to God.. :) PS: Katuwaan lang, eto sa makakabasa lang at makakaalala lang naman. When my time comes (na wag naman sana soon, i want to see my great-grandchildren pa, hehe) eto requests ko:
that ill be cremated (serious)
that you guys will play the song I'm Gonna Be Ready by Yolanda Adams
or pwede na rin yung The Prayer by Yolanda Adams pa rin (hihi)
kahapon binisita ko ang blog ni Joyo at nakakatawang isipin na kung hindi pa ko naligaw dun di ko maaalala na may blog din pala ako haha. naaahh, hindi ko naman nalimutan ang blog ko 'tis just that i got so busy with work, family and syempre sa sarili ko (lol). 130 days na lang maaamoy ko na naman ang polluted na hangin ng pinas, madadampian na naman ako ng malagkit na hangin at higit sa lahat, babalik na naman ako sa pagiging negra ko at ang hiram kong kulay ay biglang maglalaho dulot ng matinding sikat ng araw (bow!) but despite all that i am so happy that i am coming home this july. mula ng magpunta ako ng Dubai (in 2002) parang mga 4 times pa lang akong nauwi ng pinas and this year ako most excited..for some reason i don't know. maybe because i'm coming home with Gelo (my bunsutil) or is it because i might be travelling with Katt? another experience with a good friend :) pero eto ang problema up until now wala pa kami ticket haha. damn, Emirates Airline at kung bakit ang flight on July 16 costs about $850 US while all the other days would only cost about $750 US..abah, malaking bagay ang $100 US. ika nga ni Katt, pangkain na rin yun sa Pinas no! lols. i know, i know some of u would say, 'pwede naman mamili ng ibang date or airline, kelangan ba July 16 at Emirates?'..well for two reasons:- one, direct flight ang Emirates which means less hassle; two, 16th kasi ang pinakaconvenient for all of us and yun date na yun ang swak na swak sa schedule ng mga events, hehe. dati chicken na chicken lang sakin ang magbooking. DNATA is just a call away. but now that lumalaki ang family, nadadagdagan ang mga kasamang babyahe, masakit na pala sa ulo mag book ng flight tapos iniisip mo pa ang budge haha..headache! amf! anyways, since wala naman kwenta ang blog ko as usual and i am just blabbing..ititigil ko na toh hek hek hek..i will try to write more often wag lang akong pipigilan ni FB at Tumblr. mashado kasi sila demanding hahahaha...