Day 76: Torete


Wala naman akong ibang pinangarap ngayong Holiday Season kung hindi ang mag-enjoy with my family.

Aba't kung bakit naman umaapela ang di dapat umapela sa akin. Tanda ba ito na ilang tumbling na lang ay TRENTA na ako? kung ano anong masasakit na ang nararamdaman ko ah!

Amf! Menopausal na ba ako? Wahahahahahah

Sana naman paglipat ng taon OKAY na ko ako. Maiwan na sana sa 2009 ang mga sakit-sakitan ko at ang mga BAD energies ay wag na sumama pa sa 2010 ko!!!

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

Day 75: My Year Ender

How time flies! Eto patapos na naman ang 2009! Welcome 2010 na! Ano naman kayang eksena ang gaganapan ko ngayong taon na ito? Sana naman role na ng isang milyonarya ang gampanan ko diba? Mahirap din ang eksena pag palaging mahirap ang role mo, nakakatuyo ng utak. Hehe.


Anyway, going back to my 2009? Naku, napakaeventful..lemme see..

JANUARY:
6 months prego na ko nito. Napabalita na ang schedule ng tanggalan sa opisina. Worried na ko kahit ilan daang beses sabihin sakin ng mga kaopisina kong wag ako mag-worry lalo sa kalagayan ko.
FEBRUARY:
7 months prego na ko. Pinagbawalan na ko magkakain ng sweets at pinayuhan na mag-diet para na rin sa ikalulusog namin ng pinagbubuntis ko. Still, worried pa rin ako sa magaganap na tanggalan. Sabi kasi MARCH, JUNE at SEPTEMBER daw at pag minalas aabot ng DECEMBER ang tanggalan..whew!

MARCH:
Excited na ko sa nalalapit kong panganganak..wuhooo!!!!
APRIL:
22nd of April, isinilang ko na si DHAYNE ANGELO na ngayon ay 8 months old na. Uber kulit na bata at uber hyper...grraaabeee!! Thanks God at nailuwal ko naman sya ng bonggang-bongga kahit feeling ko eh wasak na wasak ang lahat sa akin.

MAY:
Gusto ko na sana bumalik sa work, worried pa rin ako sa status ko sa company. But still enjoying the feeling of being a MOM, the second time around!

JUNE:
Nakatanggap na ko ng tawag from our office. Eto na yun. Kahit kagigising ko pa lang parang feeling ko gising na gising na ang buong diwa ko. TERMINATED na ko. Amf! I was made redundant due to blah..blah..blah...Ah, ewan! Basta ang alam ko wala na kong babalikang trabaho.

JULY – AUGUST:
Dahil nga wala na kong trabaho, kailangan na naming lumipat ng bahay na kakayanin ng budget naming mag-asawa. Kaya eto sa loob ng 2 bwan ay aligagang pusa ako sa paglilipat ng bahay, internet connection, e-vision at enrolment ni Chloe Gabriel. Kasabay pa nito ang paghahanap ng trabaho..hay!

Fortunately (nga ba?), natanggap naman ako bilang Glorified Alalay sa Frayland. Ang sahod, 40% off from my previous salary at walang ibang benefit kung hindi ang annual return ticket. Ok na rin kesa sa wala. Binigyan ako ng hanggang September ng UBP (my previous company) to look for another job bago nila icancel ang visa ko. Buti na lang, nakahanap na rin naman agad ako kahit papano.

SEPTEMBER:
Nagsisimula na ulit ako sa opisinang parang hindi ko feel pasukan. Magulo ang ofis, may ere ang isang Pinay, may kanya-kanyang issues ang mga tao. Feeling ko over-dressed ako for wearing a suit, feeling ko masyado akong maganda sa opisina na ito. Haha. Pero kailangan ko ang work na toh para sa mga bayarin ko, kaya kailangan PAGTYAGAAN!

Naging magulo din pala ang September ko dahil sa problema ng ate ko na ipinasalo sa akin kahit ayaw ko.

OCTOBER:
Nasa Frayland pa rin ako. May mga tawag sa ibang company pero ang offer di hamak na mababa naman sa kasalukuyang sahod ko kaya kahit imbyerna ang ilan sa mga tao sa opisinang to, dito na lang muna ako hehe.

NOVEMBER:
Nothing exciting. Still wishing na makarecover ang UBP at i-recall ang mga natanggal na empleyado. Can’t move on. Hay!

DECEMBER:
Naospital ako! Sa loob ng ilang taon ko na sa UAE parang bilang na bilang ang inubo at sinipon ako. Parang di ko nga matandaan pang nilagnat talaga ako. Sa di malamang kadahilanan, ngayon pa ko naospital dahil sa high fever at gastroenteritis with bacteremia daw.

Hindi ko alam kung dahil:

• Yogurt lang ang kinakain ko twing lunch kaya wala ng panglaban ang katawan ko sa sakit


• Stressed ako masyado sa mga bayarin kaya ako nagkasakit


• Di ko feel ang pinagtatrabahuhan ko kaya hinayaan kong gupuin ako ng sakit

Watever! Kung anuman ang dahilan, hindi ako natutuwa kasi inabot ng 5000 dirhams ang hospital bill ko na hindi malaman kung bakit ako naospital o yun simpleng kung bakit ako nilagnat ng pagkataas taas. Sana pinambili na lang ng burberry bag yun pinangbayad sa ospital, naging masaya pa ang pagtatapos ng taon ko.

Pero kahit na-recession ako sa kalagitnaan ng taon masaya pa rin ako dahil dumating sa buhay namin si Gelo. Masaya kaming mag-asawa for having our kids here in Dubai.

All in all..MASAYA ANG 2009 KO KAHIT NA MAY MGA DOWN MOMENTS AKO! KAILANGAN DIN DAW KASI MINSAN MAY PROBLEMA ANG TAO, PARA MAGKARON NG KULAY ANG BUHAY! HEK HEK HEK



HAPPY HOLIDAYS EVERYONE!!!!!

Day 74: Kapitana Bacteremia

Been out for so long. Ilang weeks na kong nakakaramdam ng pagkapagod physically although hindi naman busy sa work. I even voiced it out to my friend, Katt. Para kakong gusto ko ng pahinga, at least for a week. Pero ewan ko ba kung anong sumpa meron ang dila ko at kung bakit nangyayari nga ang gusto ko pero sa paraang pinapahirapan naman ako.

Naospital ako last week due to very high fever na sa sobrang taas feeling ko umabot sya sa outerspace. Sobrang bilis mag-fluctuate ng temperature ko from 38deg to 40deg, parang wala ng bukas. For the NTH TIME, nakipag away ako sa sarili ko para labanan ang sakit. Sabi nga ng asawa ko kasi labanan ko daw. Kung pwede lang hatakin palabas ang sakit sa katawan ko at bugbugin ko ng bonggang-bongga as in yun tipong sya ang madedextrose at hindi ako, sana ginawa ko na!

Heniweiz, sabi ng napakahusay kong doctor (sa sobrang husay hindi maexplain ang sakit ko) meron daw akong GASTROENTERITIES WITH BACTEREMIA...errr, hanu daw? NAGTATAE DAW AKO AT MAY INFECTION SA DUGO! ahhh sus, yun lang pala...may infection lang ako sa dugo! PAK!

at dahil sa bacteria na kung tawagin ay BACTEREMIA hindi nya pa ko pinapayagan lumabas ng ospital. kasi kapag daw di ito namonitor pwede ito dumami at hindi na maging treatable. pero sa ingay sa ospital na yun at sa papalobong hospital bill ko pinilit ko lumabas at pumirma ako ng waiver saying...ITO AY NAGPAPATUNAY NA KUSANG LOOB AT WALANG HALONG PANUNULAK AKONG LALABAS SA OSPITAL NA ITO SA KADAHILANANG PARANG PALENKE AT DI OSPITAL ANG HALLWAY NYO AT IDAGDAG PANG ANG MGA NURSES NYO AY DI ALAM ANG MAHINAHONG PARAAN NG PAGSASARA NG PINTO NA KUNG SAKIT SA PUSO ANG DAHILAN NG PAGPARITO KO AY NATULUYAN NA AKO. I, THANK YOU. BOW.

Pumayag si Dok na lumabas ako pero under observation ako for 4 days at salamat po kay Lord at hindi na tumaas pang muli ang temperature ko. Bumalik ako kay Dok kahapon according sa instruction nya, pero sa di malamang kadahilanan hindi nya man lang ako kinunan ulit ng dugo para malaman kung ang bacteria ay nasa dugo ko pa. Kinunan lang ako ng temperature at ako daw ay OK na! Sa libo libong binayad ko sa ospital nila, halos di naman nila ko napagaling, ala akong napala??? Hindi man lang ako nabigyan ng assurance na wala na ang bacteriang natagpuan sa dugo ko na according to him before ako i-discharge ay pag di naagapan could be dangerous for me??!

Buti sana kung tulad ni Spiderman na matapos makagat ng spider ay naging superhero. E ako ba? Matapos mapasok ng bacteria ang sterile kong dugo magiging superwoman ba ko? Pwede ko bang ideclare na ako ay si KAPITANA BACTEREMIA since sa bacteriang yan galing ang sakit ko???

Hay leche! Mahirap talaga magkasakit sa abroad. Mashado ng mahal hindi mo pa makuha yun resultang inaasahan mo..tskkkk.tskkk..

Salamat na lang kay Lord, Papa Jesus at Mama Mary...magaling na ako...sana magtuloy-tuloy na toh...para maganda ang 2010 ko....:)

Day 73: Kapalaran

Like the usual, wala na naman ginagawa sa ofis. Tama nga yata yung nabasa ko, mas maraming nagtatrabaho sa opisina ang madalas magkasakit kesa yung mga nasa bahay o labas ng kalsada. Kasi at least sila may exercise, e kami (o tayo) wala! Bukod sa mga daliring panay ang tipa sa keyboard, mga konting moments na pagsasalita, pagtayo ng upuan kada makakaramdam ng pagwiwi..wala ng ibang activity! Hay! Kung pwede lang mag-yosi , siguro nag-yosi nako dito.

Almost end of the year na, nalalapit na naman ang mga year –ender article. Last year parang di ko ma-recall na gumawa ako, tinatamad naman ako puntahan ang archives ko bwehhehh. Pero siguro this year, gagawa ako.

Last year, bago pumasok ang 2009, naisipan ko maghalunkat sa internet ng mga 2009 forecast & predictions. Hindi ko na marecall yung website na napuntahan ko pero sabi nga dun magkakaron akong financial problem at additional member ng family. ...and this actually happened. At sa asawa ko, kesyo magkakasakit daw sya, ayun nga January pa lang may sakit na sya at na-dale sya ng uric acid, hehe.

So kung pagbabasehan ko ang mga nabasa namin, may katotohanan naman pala yung ilang forecast. Sabagay, HULA nga daw eh. Pwedeng tama at pwede ring mali.

Eto nga lang, may isang 2009 forecast para sa Pisces na ngayon ko lang nabasa:

Beware, however! Your tendency to compassion will be increased this year. It's possible that it will induce you to take care of others exaggeratedly, to the point of imposing yourself heavy financial or other burdens. Don't let yourself be moved by the misfortunes that others will describe to you in a deliberately tragic manner. Assure yourself of the validity of what people tell you before granting your aid. Besides, remember that well ordered charity begins with oneself.

Ayan! bakit ba hindi ko nabasa kaagad yan, sana man lang nakapaghanda ako diba? Hahahaha..ngayon it’s too late na, I HAVE ALREADY IMPOSED MYSELF SUPER HEAVY FINANCIAL burden! (LOL)

Naisipan ko na ulit magtingin-tingin ng horoscope. Di naman sa fan ako ng mga horoscopes pero wala namang masama kung magbabasa , hehe. As early as now, meron ng mga forecasts for 2010! Asteeg diba?! Sabi sa iba’t ibang website na napuntahan ko, mapopromote o magiincrease ang sahod ng asawa ko...wow, gusto ko yang hula na yan, haha. At sabi naman sakin, magiging OK ang financial, career and health ko. Naku sana nga magkatotoo, tsk!

Ikaw, gusto mo ba malaman ang 2010 mo?

Day 72: Ano Sa Tingin Mo?




Bakit ang mga artista kapag may scene na naghihingalo sila, comatose, naka-ICU, natorture o simpleng nabugbug lang..kun todo mok-up pa rin? OK fine pinapaputla sila ng ishlayt, pero ang lips pinkish pa rin, ang kilay nakapluck pa rin? Ano kayang gamit nilang make-up at bakit kahit nasa deathbed na sila, ang gaganda pa rin nila? Ikaw, ano sa tingin mo?


*****

Ano sa tingin mo, totoo kaya na si Krista Ranillo ay may relasyon kay Pacman? Kakaawa naman si Jinkee. Ayan tuloy, nun thanksgiving mass ni Pacman, nasiko ni Jinkee si Pacman, haha. Nagmomoment nga naman si Jinkee ehhh umeeksena si Manny..amf!

Meron akong mala-pimple na bukol sa gitna ng leeg ko. Medyo masakit sya at parang namamaga lang naman ng ishlayt kagabi..kaya pinakita ko sya sa asawa ko at mga kasama sa bahay..eto reaksyon nila:

Asawa Ko: Hala anlaki! Baka tinutubuan ka ng Adam’s Apple?!

Ate Raquel: Bakit mo kasi nilunok..........ang holen! (sabay halakhak ng bonggang-bongga)

Neneng: Baka magtra-transform ka na, parang si La Lola!!!!

Waaaaaaaa..meron pa nga nagsabi na baka nauntog daw yun leeg ko..errrr, pano kaya nauuntog ang leeg?! Hahahahaha..Parang ni isa sa reaksyon ng mga nakausap ko hindi ko gustong tanggapin. Yun sa asawa ko parang hindi ata gugustuhin ng mga anak ko na may adam’s apple ang ina nila (lols). Kay ate Raquel naman, ehhh wala pa nga akong praktis noh, pano ako makakalunok..........ng holen! Heheheheh..at kay neneng, ayan kakapanood ng TV! sus!
Ikaw, ano sa tingin mo dito sa bukol ko?

*****

Sabi nila - - YOU ARE WHAT YOU WEAR! Ano sa tingin mo?

Simplicity is the best policy ang motto naming mag asawa. Walang mashadong borloloy o maporma. Nung nagpunta kami sa shop ng Louis Vuitton kasi gusto ako ibili ng bag ng asawa ko, nakacasual lang kami, alam nyo ba na halos di kami pansinin ng mga tindero dun?! Kasi nga hindi kamo naka-suit o di nagkalat ang alahas namin sa katawan at muka kaming alang pera, haha. Kahit yun Pinay na tindera akala yata nagtitingin tingin lang kami. Yun hipag ko tuloy na kasama namin nung namili at magbabayad na..tinanong sya kung CASH o CARD...taas noo (kahit kanino) nya sinagot na CASH! Hahaha..o diba?

Maraming pagkakataon na kaming nahuhusgahan mag asawa base sa suot namin. Di ko alam kung dapat ban aka-gown ako para isipin ng tao na may pera ako? Sa Sunday, may pupuntahan kaming party ng friend ko na si, Katt. Birthday party ng isang kaibigan. Ang mga attendees mostly kasama nya sa trabaho, sila ay mga CABIN CREW. Knowing na they are party goers at ‘magaganda’ ayaw naman namin syempre magmukang caterer sa party noh, hahahah..so now we are brainstorming kung ano ba ang isusuot namin. Pero naisip ko, barkada namin yung may birthday since high school, dapat pa ba kami mag-maganda??

Ay naku Katt, dalhin na lang natin ang ating angking ganda, i know dun pa lang, talbog na sila! Hahahaha..that’s the spirit!

*******
Ay naku panis na tong article na toh. Last week ko pa sya pinopost pero ayaw nya ma-post at panay nasha-shutdown ng kusa yun explorer ko. In any case, maliit na ang bukol ko sa leeg, na malamang pimple lang na naligaw ng landas at napagdesisyunan ko na pumunta ng party tonight na nakapang-prayer meeting opisina. Kiber! nyahahahaha

Day 71: Bumitaw Ka Na Kasi!


Madami na kong nabasa na blog o story about LETTING GO. Meron pa nga akong nakita minsang ART OF LETTING GO na tinatawag. Meron pa palang ART ang pagle-let go?! Amf! Para ba itong Martial Arts?


Bakit nga ba mahirap pakawalan ang isang nakaraan? Dahil ba sa tagal ng pinagsamahan o dahil mismo sa taong nakasama mo dyan sa nakaraang di mo mabitawan? o PAREHO?


Kung ako tatanungin nyo, dilemma ko rin yan. Pero hindi sa lovelife! For the past two years, nagtatrabaho ako sa isang banko na uber-kaduper ganda ng benefits at pasahod kaya lang recession hits us big time kaya ayun natanggal ang beauty ko sa Banko. Until now, inaamin ko na para ko syang EX na hindi ko makalimutan. Para syang isang nakaraan na ayaw ko pakawalan. Isang dating kaibigan na pinanghihinayangan. Para syang isang dating karelasyon na pinapangarap ko pa ring mabalikan. So in some ways, nauunawaan ko na ngayon kung bakit may mga taong hirap na hirap mag-let go. MAHIRAP PALA TALAGA!


Pero kailan ka nga ba dapat mag-let go? Kapag pagod ka na? Hanggang kalian at saan ba ang energy mo? O para kang yung rabbit dun sa commercial ng energizer na walang kapaguran?


Kapag ba wala ng nangyayari sa isang relasyon o sitwasyon, dapat mo na itong iwan? E pano kung maisasalba pa naman? May hinihintay ka bang sign para malaman kung dapat ka ng mag-give up o magpatuloy?


Ano bang klaseng relasyon ang tinatawag na - - WORTH SAVING?

Day 70: Beauty Pageant

eto na naman ako. feeling ko beauty pageant na naman ang pinuntahan ko!

sa lahat talaga ng ayaw ko yung mga tanong na..WHERE DO YOU SEE YOURSELF IN 5 YEARS? o di kaya naman e WHAT IS YOUR CAREER PATH? kasi sa totoo lang, wala akong career path at lalong di ko alam kung nasaan ako in 5 years!

hindi pa naman ako manghuhula para malaman kung nasan ako limang taon mula ngayon. as long as kumikita ako, wakoker sa career path na yan! hahahah

hay, kung hindi ko lang kilala ang nagpasa ng papel ko sa beauty pageant na yan, di ko naman na sana papatulan..ayoko ng natetense kung papasa ba ako sa finalist o isa ako sa mga uuwi at magda-dialog ng..MAYBE IT'S NOT MEANT TO BE! (bow!)

Day 69: Moving

I AM MOVING.


Naisipan ko lumipat ng Blogspot/Blogger kasi nagsasawa na ko sa template ko dito.  At para mapalitan ko sya sa gusto ko sanang template, kailangan mag-upgrade pa ako where in magbabayad ako ng $15 US every year?! Heheheh.

Kaya matapos ang sankatutak na tambling at pagsirko, napagdesisyunan kong lumipat na lang sa Blogger...Ang problema nga lang ayaw maimport ang mga old entries ko dito papunta dun..bummer!! hmf!

Heniweizzzzzzzz..I AM MOVING TO - - - http://tamblingerangkuba.blogspot.com


Kita kita tayo dun! Pag napangitan ako for sure babalik din ako dito hahahaha

Day 68: Pagod na Pagod na Ako



oo tama ang nabasa nyo. PAGOD NA PAGOD NA TALAGA AKO!!!

ito ang unang araw na kinarir ko ang blogspot/blogger. although, pagkakaalam ko may account na ako dito dati pero pinagpalit ko sya sa wordpress. at ngayon nakikipagbalikan ako sa kanya pero ang hirap nya na unawain...amf!


ngayon or rather kahapon pa, tinatry ko ng ilipat ang WP blog ko dito sa Blogger. pero hanggang ngayon, sawi pa rin ako. para akong nanliligaw ng babae na ginagawa na ang lahat pero snob pa rin ang effort ko. tinry ko na gamitin yung link na - - http://wordpress2blogger.appspot.com/ - - pero sa kinamalas-malasan, ayaw nya gumana!


kung nababago lang ang template sa wordpress, siguro dun na lang ako. kaso pang mayaman naman ang mga bagay na nakakatuwa dun ehh mahirap lang ako..


hay, may makakatulong ba sakin dyan kung paanong maililipat ko ang lahat ng kalokohan ko from Wordpress to Blogspot?!?

Day 67: Ang Panga ko, Si Pacman, At Iba Pa!

Nitong mga nakaraang lingo sumasakit lagi ang PANGA ko sa di ko malamang kadahilanan..Pero sa kalikutan ng kukote ko nakaisip ako ng 3 dahilan kung bakit sumasakit ang aking PANGA:

Una, siguro LOCK JAW! Hindi ko kasi mashado ma-practice ang kadaldalan ko dito sa trabaho ko. Hindi ko alam kung isang BLESSING na may sarili akong opisina o isa itong CURSE kasi wala ako ka-dal-dalan dito..hehe.. 3 pirasong kalahi ni Shivaker ang mga nakaupo sa harapan ng ofis ko..kaya feeling ko pag lalabas ako ng ofis ko parang gusto ko kumanta ng JAE HO! hahaha

Pangalawa, maari ring tinutubuan siguro ako ng WISDOM TOOTH! Hahahah...kelan ba tinutubuan ng wisdom tooth? Gaano karaming WISDOM kaya ang makukuha ko at nagagawa nyang pasakitin ang panga ko?! Hmf! Nag-uunahan ba silang maglabasan sa gums ko?!

Pangatlo, baka naman kasi sanay ang panga ko na galaw ng galaw sa twing nasa bahay ako! Sa walang humpay na pagsesermon ko sa panganay ko, malamang nahihirapan ang panga ko na mag-adjust from being hyper to being idle..lols




O di kaya naman siguro (at malamang na eto nga ang dahilan), dahil ito sa pagpipigil ng panga ko na tumawa sa twing ka-chat ko si Katt..bwahahahah...

Hay ewan! Sabi ng asawa ko kulang lang daw sa practice...practice sa kung saan, yun ang di ko alam at parang ayaw kong alamin! Hahahahahah

 *********************************************************************************

 And so PACMAN won again. Pacquiao wins by 12th-round technical knockout.

Amf! Kung ang 2009 ay maituturing ng karamihan na TAON NG CRISIS para sa Paquiao family, ito ang taon naman ng kasaganaan! Di ba? Ilang fights ang ginawa ni Manny this year? At sa lahat ng yun nanalo sya!

To be honest, hindi ko iniisip ang karangalan ng Pilipinas (haha). Instead, ang naiisip ko is yun limpak-limpak na dolyares na naman na mapapanalunan ni Manny! Naisip ko tuloy, pagboksingin ko na lang kaya asawa ko baka sakali yumaman din kami! Hahahaha.

Mayaman na naman si Mommie Dionisia..pero eto ang sabi ng natanggap kong text:

Aanhin mo ang malaking bahay at madaming pera

Kung kamuka mo naman si Aling Dionisia!

Waaaaaa di sakin galing yan huh! Nyahahahaha......

Well, anyway CONGRATULATIONS MANNY!!! OOOOPPSS, U DID IT AGAIN!!!

*********************************************************************************

May kras ako! O wag kayo makealam dyan! Hahaha..pinapakealaman ko ba mga kras nyo?!

Ganito kasi yan sa araw-araw na paghahatid ko kay Chloe sa labasan, nakikita ko yun isang binatilyong CUTE! Hahaha..oo binatilyo naman sya, nakyutan lang ako ng ishlayt! At oo ulit, habang naghihintay kami ng school bus ng anak ko, nag-bo-boy watching ako..bwahahahah...Wag na kayo magreak! (haha)

Unawain nyo naman na mula ng mapangasawa ko si Fernando Poe Jose, sya na lang ang gwapo sa paningin ko...oh well, bukod kay Ricky Martin na according sa nanay (RIP) ko at mga kapatid, ay tumatambling daw ako sa twing napapanood ko noon sa TV, wala na akong ibang naging kras bukod sa kanilang dalawa! Nyahahahaha...and oh yes, 3 yrs old pa lang ako tumatambling na ko dahil sa lalake, no wonder until now tamblingerang kuba ako! Hahahaha..

Ayun lang nishare ko lang na may kras ako, pake nyo?! (lols)

Day 66: Homesick

madalas pag nakikinig ako ng music. nagkakaron ako ng last song syndrome chuva. at pag nangyari na yang syndrome na yan, walang ibang emosyon akong nararamdaman kung hindi pagkairita sa sarili ko kasi naman kahit yun kantang Voulez Vous  nung sinaunang panahon pa ay di nawawaglit sa isip ko. as in pinapatulan ng vocal chords ko!! namf!

kahit nga nung minsang manood ako ng Batang Bibbo kinakanta ni Roxanne at ng mga batang puppet yun "ulo, abaga, hawak, dapi-dapi, tuhod, pitil" (sa tono ng paa, tuhod, balikat ulo but in hiligaynon version) ng paulit ulit hanggang sa masaulo ko na tuloy! awa ni batman, ayun kinakanta ko na sya kay Gelo ngayon at aliw na aliw naman ang bunso ko. i dunno if its because he likes the song o kasi mukang minggoy ang nanay nya habang kumakanta ng kantang pang-alien ata..nyahahah

pero nung nakaraang araw...may mga kantang tugtog sa player ang asawa ko..i can't help but to feel 'homesick'. i know i am with my family but then miss ko rin ang family ko sa pinas. si jeje at si breanna, sila lola at mga tyahing maiingay at mga pinsang ubod ng kukulit!!!! hehe..at syempre miss ko na rin si shoana, psn at bujoy na nasa canada :(

kung kayo makarinig ng mga awiting ganito..ano mararamdaman nyo???





wag na isama pa dyan ang mga mas nakakalungkot pang Xmas song..hehehe!!! ohmygawd talaga! 8 xmas na akong wala sa Pinas....miss ko na ang Pinas kung Xmas...hihihihi!!!! but i know that compared to others swerte pa rin ako kasi i am with my family here in Dubai... so for that..I AM SO THANKFUL..........
MERRY XMAS EVERYONE!!!!!!  :)

Day 65: SSS o PAG IBIG?

brokenGano nga ba kita kamahal? San ba nasusukat ang pagmamahal? Nasusukat nga ba? Paano? Metro? Yarda? Dipa? Dangkal? Hakbang? Kailangan ba talaga may sukatan? Hindi ba pwede o sapat na yung sabihing  - - MAHAL KITA.. as in period, walang kasunod. ang sumunod, tutubuan ng buntot??? di ba talaga pwedeng ganun lang?? Kailangan may measurement pang nagaganap?

Gaano ba kalalim ang pagmamahal mo? Ano namang tanong yan? Ano ba tamang sagot dyan? 15 feet? 20? 100? Talaga bang may lalim dapat? Pwede ba sabihing - - KASING-LALIM NG CLEAVAGE KO ANG PAGMAMAHAL KO SAYO!?

Hanggang saan nga ba ang pagmamahal? Dapat ba may limitation? May katapusan o may hangganan? Hindi ba talaga pwedeng, isang simpleng MAHAL KITA lang ang kasagutan? E paano kung sagutin ka ng - - MAHAL KITA HANGGANG DUN SA KABILANG KANTO..masaya ka na ba sa sagot na yun?

Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao? Kaya mo bang magmahal ng tao na di mo nahahawakan o nakikita o nakakasama? Paano mong masasabing mahal mo ang isang tao kung hindi mo pa naman sya nakasama talaga? Ano yun, naramdaman mo lang, parang BOOM, MAHAL KITA!! yorn na ba yorn, koya?

Kaya mo bang magbigay sa isang taong 'mahal' mo nang lahat-lahat ng kung anong meron ka kahit na di ka sigurado kung mahal ka nga nya? 

Hanggang saan ba talaga ang kaya mo ibigay because of lintek na pagmamahal na yan? Ano ba ang kaya mo ibigay sa pagmamahal mo? Bukod sa emotions ano pa ba pwede mo ibigay? Physical support? Ano ka saklay?? Financial support? Ano ka ATM machine?

Pag sinabihan mo ng I LOVE YOU ang isang tao, ibig bang sabihin talaga ay MAHAL mo sya at di mo sya kayang saktan pati na ang kanyang pamilya, kaibigan at mahal sa buhay o sya lang? Kasi di mo naman sinabing MAHAL KO KAYO. Para ka na lang pulitiko nun na nangangampanya.

Pag ba sinabing mahal mo ang isang tao,  ibig sabihin pangangalagaan mo sya sa abot ng iyong makakaya. Eh pano kung may makita kang iba, habang kayo pa, iiwan mo na lang ba sya? E asan na yung MAHAL KITA na pinagmamalaki mo at ilang ulit na sinabi sa kanya. Bigla lang bang naglalaho ang pagmamahal? Andali naman pala maglaho, daig pa ang bula. Tsk...tsk...at least ang bula medyo umeeksena muna sa ere bago puputok diba?

Masasabi mo bang mahal mo ang isang tao kung matapos mo makuha ang PAGKATAO, KATINUAN o PERA nya ay basta mo na lang syang iiwan o dededmahin as if di kayo magkakilala??

Alin ang mas gugustuhin mo - - MAHAL KA o MAHAL MO?

Mas madali nga siguro mag-update ng  Sex.Sex..Sex (SSS) kesa ng PAGIBIG. Basta may nabunot kang lucky home partner, updated na ang SSS mo, eh ang PAG IBIG matagal ang proseso. Minsan nauuwi pa sa wala yung pinaghirapan mo..at least ang SSS may posibilidad na magiwan sayo ng souvenir..mamili ka na lang...baby boy o baby girl ang gusto mo? Hehehehe.

Hay ang sakit naman sa puso nyan oo! Pero alam nyo ba na wala ng mas sasakit pa sa katotohanang - - - MAHIRAP MAGMAHAL NG SYOTA/ASAWA NG IBA! (hehe)


(I am so grateful that I have a happy marriage. I was just inspired to write this entry because few of my friends are currently experiencing heart problem---masakit dito, hindi magagamot ang mga sakit nila sa puso (o puson) ng operation o kahit na anong medication --- but I wish them goodluck..matatapos din yan mga friendlies!!)

Day 64: Nakakabobo!

e4eebf3371f19b82Minsan OK na yung kumikita ka. Bwan-bwan may perang dumadaan sa kamay mo. As in LITERAL na dumadaan lang sya. Ni hindi mo maibubulsa kasi pagkasahod na pagkasahod mo ayan na yung mga maniningil mo...BAHAY, KURYENTE/TUBIG, UTANG KAY GANITO, UTANG KAY GANYAN, CREDIT CARD at kung ano ano pa.  Yun iba nga wala pa sayo sahod mo, nakwenta na nila (hehe). Yun na lang masabihan kang "ABROAD" ng mga taga-Pinas ang tanging kunswelo mo kasi nagiging tunog mayaman ka (lols). 

Pero talagang kahit dapat makuntento ka na sa kung anong meron ka darating at darating yung point na pakiramdam mo - - NABOBOBO KA NA!

Kahit alam mong may mga capabilities ka na pwede i-apply sa kasalakuyan mong sitwasyon o posisyon parang nawawalan ka ng gana kasi yung nasa paligid pinipilit na gawing BOBO KA!

ayoko sa lahat ng trabaho ay yun super-stagnant ka. para ka lang isang furniture sa opisina na naka-tengga! pakshet! ayoko talaga ng ganito. talagang pakiramdam ko NABOBOBO AKO!

hay sana nga makapasa ako sa audition ko sa Starstruck para naman kahit papano mabago ang routine ko. Gusto ko minsan may song and dance number rin ako, hindi yun panay lang ako sirko! Namimiss ko na rin yun mga linyang - - - I WILL CALL YOU LATER, BUSY AKO SA TRABAHO!  I know na hindi dapat ako magreklamo kasi buti nga may trabaho. Nung mga nakaraang bwan lang trabaho hanap ko, ngayon naman nagrereklamo na naman ako.  Papa God, wag mo kukunin sakin yun trabaho, gusto ko lang naman sana kahit papano matuto tsaka feeling ko kasi ma-i-stroke na ko sa kawalan ng activity sa munting opisina ko hihhiihi...

baka pag natuluyan ang pagkaburyong ko dito...ma-headline ako sa mga dyaryo:

HEADLINE: SEKRETARYA, NAG-AMOK DAHIL SA PAGKAINIP SA TRABAHO!

sos ko po! ayaw ko ata ng ganun hehehehe

Day 63: Halloween Special

2783a7f17213f68eparang never pa kong gumawa ng halloween special sa buong buhay ko sa blogosperyo (blogosperya? ano bang kasarian ng lintek na intarnet na ito! hehe).

pero for a change, magkukwento ako. BELIEVE IT OR NOT totoo ang kwento ko.

bata pa lang ako madalas na kong makakita ng mga images. buti sana kung porno diba? haha. kaso ende e! pero palibhasa nga bata pa ako nun hindi ko naman mashadong pinapansin.

like there was a time na naglalaro ako sa room namin, maya't maya ko nakikita ang puting image na lakad ng lakad sa tagiliran ko. pagdaan nya susundan ko naman sya, pero wagtus na si luka! di ko alam kung san sya napupunta.

minsan naman kumakain kami. nakikita ko ang isang babae na exact image ng ate joan ko na nakikipag-bulagaan sakin sa nakasandal na kama sa cabinet namin. napapatingin ako sa ate joan ko na katabi kong kumakain at dun sa batang kamuka ng ate ko. since alam kong katabi ko si ate ko, dinedma ko sya ng bonggang-bongga! after a while, nawala na rin sya.

takot ako sa lolo ko sa mother side. he died when i was just 3 yrs old ata. di ko na sya natatandaan pero ewan ko kung bakit takot na takot ako sa kanya. basta sya ang pinanakot sakin ng mga ate ko, lalabas ako ng kumot na lagkitan sa pawis at hiyaw ng hiyaw hahahaha. hindi ko naman natatandaan na nagparamdam ang lolo ko sakin nun so kahit ako nagtataka kung bakit laki ng takot ko sa taong di ko naman talaga nakita o nakasama.

until isang madaling araw (lol) if i am not mistaken it was sometime between December 1995  & January 1996? naka-bakasyon si Mama at si Tito Michael sa Pinas. it was the first time that Mama brought him to our house. First time na umamin sa lovelife nya ang ma-showbiz kong ina, hihi. at being maldita, nagiinarte ako ng ishlayt. i do like tito michael pero andun yung feeling na hindi na ako ang katabi ng nanay ko matulog..hehe.

so one night, dun ako natulog sa sala, sa tabi ng pinsan kong si alfie, kahit na inaaya ako ng nanay ko sa tabi nila. heller naman 3rd year na kaya ako nun noh! bwahahahah..

nagising ako kasi feeling ko nilalamig ako at i don't know pero i have this feeling na may nakatingin sakin. so nagmulat lang ako ng ishlayt and may nakita akong isang lalake na nakashort pants na brown (kuldoroy?) na nakatayo sa tabi ko. hindi ko alam kung bakit at that very moment alam kong si lolo ko ang nasa tabi ko. at dali dali akong sumiksik sa nabubuset kong pinsan hahahah.

after that night, hindi na ko pinagparamdaman ng lolo ko.  pero after a few months, nagkasakit at kinuha na samin si Mama ko. since then, i can't help but ask myself, TOTOO BANG SI LOLO ANG NAKITA KO? SINUNDO NYA BA SI MAMA NG GABING YUN? DAPAT BA AKO ANG SUSUNDUIN KASO NAGTALUKBONG AKO?

nung namatay si Mama. isang weird na amoy ang iniwan nyang reminder para malaman namin na nasa paligid lang sya. AMOY SUNOG NA SIBUYAS! lols..well, wala akong ibang maisip na pagkukumparahan talaga. pero sabi nila ate jeje at ate joan na syang kasama nya sa hospital when she died..amoy sunog daw kasi talaga sa hospital kasi karamihan nga sa mga namamatay na chinese, sinusunog diba? sa kusina madalas pumwesto ang nanay ko, sa di ko malaman na dahilan. pwedeng amoy sibuyas lang talaga ang kusina namin (hehe) pero mashadong distinct ang amoy nya. may mga times na nasa room din sya but most of the time, kusina talaga.

nung naglilipat kami sa Sharjah, nataon na death anniv nya. i know na pag kinikilabutan ako at di ko matignan ng maayos ang isang area, merong mumu dun. nangyari na kasi yun nung burol ng Mama. bigla ako kinilabutan ng bongga at di ko magawang sumilip sa isang room na katapat ng coffin nya. I knew that she was there. Wa jamming! Feel ko talaga.

Now nung last July 5 nga at nasa Sharjah kami nila Dhae at Chloe, nagsindi ako ng candle para kay Mama at nilagay ko sa kitchen. hindi ko alam kung bakit bigla na lang nangamoy ang mahiwagang amoy at ayoko na talaga pumunta ng kitchen. Hindi ko sinasabi sa dalawa kong kasama. unang-una, prinsipe ng kaduwagan si Chloe, pangalawa malamang tawanan ako ni Dhae haha..pero alam ko andun si Mama! Twing may kelangan sa kusina inuutusan ko na lang ang anak ko hak hak hak.

Nagtataka ako madalas na bakit indi ako madalas dalawin ng nanay ko especially kapag windang moments ako. Kelangan ko rin ng motherly advice minsan diba? Pero narealize ko na siguro kasi naka-ilang subok na ang nanay ko pero dinadaig ako ng takot ko. Tulad birthday ko some years ago, nagising ako na may malamig na humalik sakin, instantly kinilabutan ako at pumasok ako sa room ni jeje na ino-occupy ng boy ng ate ko hahaha. Yung boy ng ate ko parang naguluhan at biglang tumayo at pumunta na sa tindahan. akala ata rereypin ko sya haha..e  kabuntisan ko nun, 2 lang room sa bahay namin at 2 lang kami dun. wapakels talaga , basta pumasok ako at umupo sa may kama. hahahahah..

oh well, kahit na takot ako sa Mama ko, still gusto ko pa ring binibisita nya ako, hihi. di naman masamang mag-get together kami kung minsan pero yun dadalaw lang sya ha, wag nya muna ako isasama...waaaaa

Day 62: H1N1 Virus?

kahit na madalas sabihin ni katt na patolera ako. hindi ako mapagpatol sa mga spam emails. sino ba naman papatol dun? kahit nga spam na food di ko pinapatulan e! kasi mahal, haha.

last week i received an email from MY NAME..yes, inemail ko yata ang sarili ko ng di ko namamalayan, bwahahah..so syempre curious ako although i have a feeling na spam yun...eto ang message ko sa sarili ko...

I think you should come to see my phone, I bought it from a site and get a benefit, I will share that with you. The promotion of their website only keep 45days. Therefore it will be very value to buy now. you can have a look, I guarantee that you will
not be disappointed. His address:  www.uicshop.com
I also hope to share your happiness in the future! !
Regards! !


amf!!! spam nga! in-ignore ko ang message thinking that it won't do any harm naman sakin. but today, i checked my Yahoo Mail and to my surprise..ang GMAIL folder ko ay naglalaman ng 81 messages!!!! puro MAIL DELIVERY FAILURE at yun ay sa kadahilanang ang lintek na message pala ay naforward o nasend sa lahat ng nasa address book ko!!!! anakangintarnet oo!!

that means na lahat ng walang kamalay-malay na nilalang ay napadalhan ng mensaheng walang wenta. eto ang masakit, pano kung isa sa mga inaaplyan ko ang napadalan. ay di malamang, minus ganda points na ko kasi spammer ako! bwahahahah..pesteng spam!

so sa kung sino man..i know na sa 3 hanggang 5 na babasa nito ay wala sa add book ng gmail ko (pang propesyunal lang kasi yun account na yun! hahah) gusto ko pa ring ipaalam na NAMFOTANG SPAM YAN DINALE ANG ACCOUNT KO! hahahahaaha

gusto ko sana iemail lahat ng nasa address book ko at magpliwanag..pero naisip  ko yaan ko na lang. kung sakaling may magdemanda naman, eto o may proof ako na na-dale talaga ng virus ang account ko. teka, virus nga ba o na-hack ang account ko? nakangteteng talga! magbabago pa 2loy aok ng password ngayon...ooohhh, wait..now i tried to log in..ayaw na ng leche! wahahahah...nakangsampungkuto oo!!!! tinatry kong iretrieve yung password kaso ang secret question ko pala dun ay - - WHO IS YOUR FIRST? - -  e di ko na matandaan! bwahahahah..di ko tuloy ma-retrieve!! kaya kayo pag nagset ng security question, make sure matatandaan ang sagot ha..hehehe 

naisip ko na lang na solution? mag-create na lang ng bagong GMAIL account..lols

Day 61: Buhay OFW

Nakailang post na ata ako ng about BUHAY OFW. Isang forwarded at isang sariling gawa ko. I read Joyo’s blog and gave me an idea na gumawa ulit. Pero this time, on a lighter side. You know? (manny pacquiao?? Hehe)

Ilang blogs na ba nadaanan ko at ilang milyong tao (ows)  na ang nagsabi ng mga ganitong linya:

HINDI MADALI ANG BUHAY SA ABROAD.

HINDI PINUPULOT ANG PERA DITO (ABROAD).

KINAKAILANGAN KO MAGKUDKUD NG KUBETA AT MAGHUGAS NG PWET NG IBANG TAO PARA KUMITA NG DOLYAR NA IPAPADALA SA INYO.

ILANG GABI O PASKO ANG PINAGTITIISAN KO DITO, KAPALIT NG MASAYANG PASKO NYO.

MALUNGKOT SA ABROAD, KUNG DI LANG SA KINIKITA, UUWI NA KO.

At syempre napakarami pang iba. Lahat naman yan totoo. Lahat yan talagang darating ang point na gugustuhin mong isulat sa noo ng pamilya o kamag-anak mong walang ginawa kung hindi manghingi ng sustento sayo.

Dito sa Dubai, maraming professionals back home pero pinili mag-work sa sales para lang kumita kahit papano. Dahil kung isusugal nilang maghanap ng trabahong naaangkop sa “diploma” nila, aabutin sila ng dekada at susugal ng milyon bago makapwesto ng maayos-ayos dito. Sa abroad, swerte ang mga taong pagdating palang maganda na ang pwesto, pero dito...karamihan dumaan sa silong ng hagdan bago naka-step 1 at bago pa unti-unting makagapang paakyat sa gustong puntahan. May mga napariwara na nga....nakalimot sa kung anong dahilan kung bakit ba sila andito sa abroad.

May mga taong umiyak muna ng ilang galong luha dahil sa pagkukudkud ng kubeta bago pa tumaas ang pwesto at mabigyan ng sariling computer (pang Facebook nya! Hehe).  Pero nakakatuwa para sakin na makita o malaman na yunn ilang kakilala kong adik tambay  sa bayan namin ay andito na rin sa Dubai at nagtatrabaho ng mahusay. Pero yung iba, bumyahe ng milya-milya, gumastos ng ilang libo..yun pala tatambay lang din dito..tskk.tskk.!

Pero eto na ang tanong..sa tingin nyo ba, kung sasabihin natin ang mga katagang yan sa pamilya, kamag-anak, boyfriend/girlfriend o kahit na kanino pang poncio pilato na nasa pinas, maniniwala sila kung ang makikita nilang mga litrato ay ganito:

(PAALALA: WALA AKONG PAHINTULOT SA PAGKUHA NG PICTURES NYO. PERO MAGDEMANDA NA KAYO SA BALIDIYA...WAKOKER! HAHAHAHA...)
[gallery columns="5"]








At sa pagtuloy na paglaki ng belt bag, body bag at pati na rin back pack natin dito, maniniwala ba talaga silang naghihirap tayo?? Sa pagkalaki-laking SMILE na nakabalandra sa pictures mo sa mga mall trips, picnics (lalo na sa beach?!) or sa mga simpleng get together..sa tingin mo talaga maniniwala silang nalulungkot tayo?? Hehe. Seriously, sa dalas ng hagalpakan natin sa pictures, mga eksenang japan-japan....maiisip ba nilang YOU ARE ONE SAD OFW??? Hindi rin siguro!!!!  Malamang titignan nila ang mga suot natin at magrerequest na baka pwede sila rin may ganun! Haahahahah. Di nila alam halos makipagpatayan ka para lang makabili ng havaianas mo! LOLS. Di nila alam na parusang magintay ng 2 yrs para lang malibre ang ticket mo pauwi at makapagbakasyon tapos biglang sasabihin lang sayo..SORRY FULLY BOOKED! Nampotah!

Pero wala silang papaniwalaan kundi kung ano nakikita nila. Di nila talaga papaniwalaan na pagkatapos magclick ang camera na yan at nagpaalaman na tayo sa isa’t isa, kanya kanyang buhay ofw na naman tayo. Matapos ang flash ng camera at mga 30minutes na tawanan, bumabalik tayo sa sad face kasi bumabalik na ang problema! Kung alam lang nila..heheh

Eto pa, sino naman talaga maniniwala na nahihirapan ka sa buhay at work mo dito....ehhh madalas updated ang Twitter, Plurk, Facebook at Friendster mo. Ang mga quizzes lahat na lang pinatulan mo. Ang mga games Farm Town, Farm Ville, Sorority Life, Cafe World, Pet Society at kung ano ano pa, ay meron ka! So sa tingin mo ba talaga maiisip nilang subsob ka sa trabaho para kumita ng pera pangpadala sa kanila?? Hahahahaha...di nila alam na kahit masakit sikmurain ang amoy at ugali ng mga tao sa paligid mo..nageenjoy ka na lang sa Facebook para mawala ang pagkabwisit mo.

Hayyyyy...Parang eksena lang talaga yan sa buhay ko. Kahit ilang daan beses ko sabihin na WALA AKONG PERA. NAGHIHIRAP AKO. PAUTANGIN NYO NAMAN AKO. Iisa lang ang sinasagot ng mga hinayupak pero loving barkada ko...TOL, WALA SA ITSURA MO.  Fuck that! Nyahahahahh

Kahit sa mga kapatid ko..feeling ko pag nageemote ako..di sila naniniwala. Di ko alam kung alam nilang sinungaling ako o talagang ayaw lang nilang paniwalaan ang mga sinasabi ko. Hahahaha..

Mahaba  na naman entry ko. Ang daldal ko talaga!! AYENG DALDAL! Hahahah...

Eto na lang parting words ko: HINDI NYO BA ALAM NA MAS MADALAS KAMING MAGKAKACHAT LANG KAHIT NA PARE-PAREHO KAMING NASA DUBAI??? NA SA BUDDY POKE LANG TALAGA KAMI NAKAKAPAG-BONDING AT HINDI SA TUNAY NA BUHAY? INIINTAY KO NA NGA LANG NA MAKAHARAP SILA AT KULAY YELLOW NA PARANG YAHOO SMILEYS NA...NYAHAHAHA...WELL, AS FOR THE SIZE, NA-ATTAIN NA NAMIN UN..LAHAT KAMI BILUGAN NA! HAHAHAHAHAH

Day 60: Banyo Queen

94088b8a825e8c92Mashado akong nabibigatan sa dibdib ko mga balita nitong nakaraang araw...to lighten up a little bit eto na lang may kwento akong walang kwenta...

Everyday 6:30am kami umaalis ng Sharjah. Dumarating kami ng Dubai around 7am lang. Since 8am pa ang pasok ko at ang may hawak ng susi ay dumarating ng around 7:30 or 7:45, tumatambay muna ako sa banyo..at lately, naisipan kong idaan sa tulog ang paghihintay ng oras..hahaha!!! Ginagawa kong tulugan ang isa sa mga cubicle. In fairness naman sa banyo ng bldg namin, malinis sya at may spray na nagpapabango every 15mins.  Yeah, sa dalas ng tambay ko dun naorasan ko na sya. Pag nga nagwisik yun..as in....WWWWWWWWIIIIISHHHHIIIIKKKK! rinig ‘gang labas at lumayo ka sa kanya kasi maliligo ka ng pabangong pangbanyo pag nagkataon hehe. At pag naka 3 wisik na sya ibig sabihin it is time for me to go na. Bukas na ang office nun for sure! Ganda ng indicator ko noh?

Eto ka na. Kaninang umaga as usual 7am ako dumating. I checked our office, sarado pa! So punta ako sa ‘tulugan’ ko..lols.  Ayoko sana matulog but then ala ako gagawin kung hindi tutunganga for the next 30-45 minutes..So, OK pumwesto ako at buti na lang talentada talaga ko pagdating sa pagtulog. Nakaidlip naman ako. Pero nagigising ako whenever nagwiwisik ang mahiwagang spray sa banyo. Nung nakaka-dalawang spray na, I knew na malapit na ang oras para sa pagpasok ko.

Sos, eto na. Pangatlong wisik na pero parang napasarap naman ang tambay ko sa banyo. Hindi agad ako nag-ayos. Hanggang marinig ko ang pang-apat na pagwisik..huwaaaaaaaaaa...mag-8am na! Hahahaha...namfota talaga ko! Akalain nyo, ang aga ko na nga dumating sa office tapos male-late pa ko ng time in? Nyahahahah..natawa talaga ko sa pangyayaring to, oo!

MORAL LESSON: WAG UGALIIN ANG PAGTULOG SA BANYO, IKAKA-TERMINATE MO ITO!

Day 59! What A Day!!!

whew!! just got home...

mahirap talaga mag-assume ng pangyayari sa buhay ng isang tao...

ganito umikot ang pwet  mundo ko ngayong araw na toh..konting ingat sa pagbabasa baka pati ikaw mahilo...

simula ng araw ko...ganito ang eksena sa buhay ko....ang mundo ko.....

SUPER AYOS

1st Task: Check Yahoo Mail: hmmm..check..check.....problemang puso ni sisteret...facebook updates...

2nd Task: Check Facebook: wow dami requests...check requests..SORORITY check..amf nabugbog na naman ako..pero OK lang $2000+ lang pinakamalaking naumit sakin...lucky bitch! lols...SOCIALIZE...Carribean Cruise...deym! 7 out of 10...Southsea...again, 7 out of 10! pakshet, kelangan ko na ata magpalit ng mata ah....nagsawa sa Sorority..approve requests ulit...PAGE ERROR..ayun hudyat na..tigilan ko na daw FB..hahaha..pero bago ko sya lisanin ng tuluyan namigay muna ako ng mga PAYO NI BERTONG BADTRIP..namfotang Berto pinapaligo ako!!! pero kewl naaliw mga friendliness ko..lols...hep, hep bago pa ulit lumayas...tried GIVE A HUG application muna..gave Cathy a brewed coffee..i knew she'd like that..hihihi

3rd Task: Check Outlook mail: lols, last talaga ang office mail noh? wala naman kasi ako email dun lagi hahahahah

hanggang sa mapunta ang mundo ko sa.....

MEDYO MAAYOS NA LANG

Eto na dumarating na ang trabaho..QS nagpaprepare ng letters...incoming faxes coming through...stamp..stamp..stamp...photocopy...distribute...logged! Report to CV...binigay ko yun mga for signatures nya and at the same time nagpaalam na OFF ako for tomorrow for my son's baptismal..said YES pero magpaalam daw sa director na si ND...i said OK..but before he let me go..he told me na kinausap sya ng HR about my visa kasi nagpamedical ako kahapon...explained my situation and what i have done so far..and proposed that i process my husband visa and then just apply work permit for me...works fine with him..so iniwan ko na sya sa mga papel na tinambak ko sa kanya..lols

then eto na....

PAWALA NA SA AYOS

kinausap ko si HR kung nagtanong sya kay CV about my medical yesterday...sinagot nya lang ako ng SUPER DAMING ILING AT KUNOT NG NOO..which annoyed me, really! so inexplain ko side ko and ilang batuhan ng katwiran..then i left..i think i have explained my side and proven my point...ayun lang si HR hindi ata marunong umintindi ng point ng iba gusto nya point nya lang...poineta!!! bweheheh

may pinatype si BD na sulat....ang haaaabbaaaaa...pero natapos ko na naman..when i was about to print it....BROWN OUT!! waaaaaaaaaaaaaa....di ko nasave yun huling pagbabago sa sulat!!! F-ing brown out!!!!

bumalik si power..naprint si sulat!! pero umalis na si BD bukas na lang daw...lechugas!

MALAPIT NG MAHULOG SA PAGKAKAAYOS

tambak na letters..incoming faxes.....5pm na..5:30pm dapat uwian na...tumawag si boss sa phone ko....sabi "HANG ON FOR A MINUTE, I NEED TO REPLY TO THIS LETTER. ONCE DONE, SCAN IT AND EMAIL IT TO THEM"...okey, A MINUTE LANG DAW...umabot na 5:30 ala pa si letter..ok lang 6:30 darating ang sundo ko..eto na...nagkakagulo na talaga mundo ko....

6:00 -  inabot si draft letter sakin

6:10 - done! at binigay sa boss for final approval & printing

6:15 - binabasa pa rin ni boss yun draft..naisip dagdagan..hindi kumbinsido sa gawa nya

6:20 - iniintay ko pa rin matapos ang pagbabasa nya...pinahanap si letter na gawa ni BD...right away na naiabot sa kanya...basa ulit ng sulat...

ISANG KALABIT NA LANG TULUYAN NG WALA SA AYOS

6:30 - miskol na si habibi....akshuli tinext ko na sya ng 5pm pa lang na malelate ako so he better call me a little bit early..which he did naman kaso lang dumating na sya..di pa tapos basahin si letter....huhuhuhuu...ayun muntik pa kami mag away sa text kasi akala nya i stayed late pa sa office kaya nautusan pa ko hindi nya naalalang tinext ko sya ng maaga na late nga ako makakababa kasi busy..anyways, whatever!! pinauuna ko na sila ng uwi. but he insisted na maghihintay sila..nahihiya naman ako sa mga kasabay ko so pinilit kong umuwi na sila..pinipilit pa rin ng asawa ko na maghihintay sila...STRESS!!! ang ending nauna na rin sila kasi talagang matatagalan ako sa ginagawa ko.

6:40 - finally! OK na daw si letter..gusto ko habulin yun asawa ko na intayin na ko kaso nakaalis na sila hahaha..babalikan na lang daw ako..i said no kasi kawawa naman 1 hour byahe din pabalik because of traffic..kaso desidido atang sunduin ako dahil ang sabi ko sasabay na ko sa officemate kong pinoy...paranoid? lols

6:45 - natapos si letter...approved..signed...

GUHO NA ANG MUNDO KO NG TULUYAN

6:50 - scanning the letter...SCAN....PREVIEW...ACCEPT...SYSTEM ERROR! what the??! either restart the program daw or ang PC..ayoko irestart ang PC kasi hiniram ko lang yun PC ng officemate ko na may scanner and di ko alam ang PW ng computer nya! e 5:30 pa lang umuwi na si loko. restart the program na lang...SCAN....PREVIEW...ACCEPT...SYSTEM ERROR!....ulit nga...SCAN....PREVIEW....ACCEPT...SYSTEM ERROR!....shiyet! isa pa..SCAN....PREVIEW...ACCEPT...SYSTEM ERROR!...waaaa..am freaking out na!!!!! tumawag na ko ng saklolo...tinry na ng officemate ko..ayaw din!! since alam ni officemate ang PW i suggested na irestart ang PC...so RESTART...LOG IN...PASSWORD INCORRECT....namfotah! stress na with a capital F huh! LOG IN...PASSWORD INCORRECT....again, again....LOG IN...PASSWORD INCORRECT....lecheng pagkakataon oo! tumawag kami ng isa pang help...LOG IN...LOGGING IN..wuhooo..nadale si PW..kala namin nagbago na ng PW yun mayari...eto na toh...

7:15 - yes, 7:15 na! SCAN....PREVIEW...ACCEPT...SYSTEM ERROR!!! shiyet na super lagkit! what's happening??!!!! then came the IT guy...buti na lang nasa office pa...he scanned the letter through Adobe na lang..potah..pwede pala from that program e...SCAN..PREVIEW..ACCEPT...DONE...pag tingin ko sa document ang page 2 naging page 1 at ang page 1 nasa page 2...waaaaaaaaaaaa...DO IT AGAIN!!!!.....gusto nya na umuwi pero sige inulit namin...SCAN...PREVIEW..ACCEPT..DONE..SAVED! wuhooo..eto naaaaaaaa

7:20 - emailing the document to my email kasi kelangan from my email sya manggaling!

7:25 - deym! makupad pa naman ang server....buti na lang nareciv ko rin agad ang email...now...SENDING...tapos..tapos..biglang FROZEN ang potaenang screen!!! napapamura na talaga ko ng bonggang-bongga..nagshutdown ang PC ko...this is not happeningggggggggggg...RESTART THE PC...RESTART THE OUTLOOK..SENT!!!! tapos pagchek ko sa sent item..nakasent na pala sya kanina!!! huwaaaaa....naganap din pala nung 1st attempt!!!

7:30 - my boss saw me...WHY YOU ARE STILL HERE??...errrr, tumatambay? hahaha....i explained what happened and he just smiled...wow!!

7:40 - done..uwian na..eto na toh talaga..walang pigilan!!!

7:52 - dumating na ulit ang masungit pero sweet kong asawa

9:00 - nasa bahay na kami..finally!! saw Gelo looking at the door..and smiled when he saw us...biglang napawi ang pagguho ng mundo ko kani-kanina lang..hehehe

hay talaga...now, i can sya WHAT A DAY!!!! anyway, rest ko bukas kasi aasikasuhin ko lang ang aking bulilit and thank you kay Bunayners na pumayag magluto ng lumpia and kay Rubio na bonggang magdadala ng leche plan...bwehehe..halabshu friendlies...mwah!!!

Nytie nyt pipol! Gagawa na lang ako ng bata tonight para mawala ang stress..lols...



PS: Shiyet ulit...naalala ko..wala akong bagong damit para sa binyag ng anak ko!! Hmmm...kung si Katt maglalaba ng bagong damit pwes ako paplantsahin ko na lang yun gusto kong isuot na damit...BAGONG PLANTSANG DAMIT...o di ba parang bago na rin? nyahahaha

Day 58: Cathy

in your lifetime..minsan ka lang makakatagpo ng isang taong pwede mong ituring na STRESS/PAIN RELIEVER at SHOCK ABSORBER...i am glad that at an early age natagpuan ko sya.

she's the type of person who would say HAHAHAHAH as in ROFL sa corny jokes mo. yung kayang sundan ang bawat sentence mo..yun ngiti mo lang, alam nya na ibig mong sabihin. titingin ka pa lang gets nya na yun reaction mo. yung kahit daig pa Da Vinci Code sa sobrang gulo ng sinasabi mo, kaya nyang unawain, isang sulyap lang sayo. she's the kind of person who would be willing to listen (or read) your sentiments kahit na may sarili syang sintemyento. yun bang tipong pagkausap mo sya at kahit O at Y o Y lang ang sagot nya mapapagaan ka nya ng bonggang-bongga. hindi sya fabulosa, hindi sya maarte, super-simple nyang tao na hindi mo nga mapapansin ang existence nya. but you will love her simplicity..kasi sya yun eh..ISANG SIMPLENG KAIBIGAN!

one thing i love about this girl....SHE LOVES HER FAMILY MORE THAN ANYONE OR ANYTHING ELSE..she'd do some crazy stunts na hindi mo maiimagine na kaya nya just to make her family happy. she don't pretend. she don't assume. if hindi nya kaya ang isang bagay or hindi nya alam, SHE WILL ASK. hindi sya mahihiyang sabihin na hindi nya kaya pero mas lalong hindi sya mahihiyang magtanong kung pano nya ba kakayanin ang isang problema. i don't know but from the time i met her, i just love her. i love her family too..so magulo! hehe

she's willing to go beyond her limits..and if dumating ang point na medyo hindi nya pala kaya...she's not too scared to ask for help. another thing i love about her. hindi nagmamaganda..for her maganda na sya bwehehehe....

how long have we been friends na ba? 17 years?? wow tol!! halabshu na talaga! nakakatuwang isipin na sa twing maalala kong dumadalaw ako sa inyo at ihahatid mo na ko sa sakayan..alam na ng nanay mong hanggang Manila mabibitbit kita! bwahahaha....kidnapper/snatcher mo nga daw ako....tipong pag ako kasama mo...see u in summer na!

kaya pag nag asawa ka na..i am going to miss you a lot..lalo na pag lamang-dagat ang mapapangasawa mo..hahaha..isa syang shellfish, ate! SHELLFISH! hak hak hak hak!!!! hindi ka naman sirena kaya di ka nya dapat ikulong sa dagat huh! lols...

anyway, sino nga ba tinutukoy ko? syempre walang iba kung hindi si CATHY MONTEAGUDO!!!!!! my friend na kahit walang kwenta sinasabi ko napapatawa ko..kahit anong tumbling ang gawin ko, pinapalakpakan ako. isang kaibigan na kahit na anong mangyari, buraot na sya sa buhay nya willing pa rin pakinggan at alalahanin ang pagkaburaot ko.

hmmm kaya sa mga taong hindi kayang tanggapin kung anuman si katt...well, sorry mah friend, u don't deserve her. she deserves someone na hindi sya itatali sa isang banko simply because gusto lang nya. isang taong hindi sya haharangan sa daan sa twing may sale sa roxie, sa oakley, sa crocs o kahit saan pa! isang tao na willing syang samahan para bumili ng havaianas o kahit yung mariveles tshirt man lang! isang taong willing suportahan ang pangarap ni Katt na maging artista kahit alam nyang walang talent si Katt haha..in short, isang taong magiging supporter nya sa kahit na anong laban! how i wish Katt, i could find someone who would be just like that for you..lols..kung pwede ko nga lang irecommend sayo si ET kaso lang may gelpren na rin ata si gwapo eh! hehehe...ay naku, i told you mas madali nga yata i-update ang SSS (sex..sex..sex) dito kasi hi-tech na, e ang PAGIBIG ba automated na rin? haha. konting ingat lang baka Phil Health kabagsakan mo..mahal ang maternity package, isipin mo! wahahah...

to end this...gusto ko lang sabihin na Katt...although hindi ka naappreciate ng ibang tao andito kami ni Fernando Poe Jose na willing mainvolve sa buhay mo kahit na ayaw mo na syang iinvolve pa sa drama ng life mo...kasi naman si FPJ super affected parang gusto ka na lang nya pakasalan wag lang masayang ang effort mo hahahaha...sabi nga ng asawa ko tayo na lang daw kaya magpakasal para wala lng sakit ng ulo? pero alam mo naman di ako 2-timer maliban na lang kung hiwalayan nya ko at ipalit nya si rubio hahahah..

dream on my friend...ipagpatuloy ang nasimulan..wag hayaan ang isang hump ay magpahinto sayong daraanan..kasi kahit mala-dugong ang hump na yan kaya natin yan sagasaan..remember, mahusay akong magdrive sa highway! walang tingin tingin sa side mirror, walang palitan ng kambyo, kaliwa't kanan lang! naalala ko tuloy, buti na lang yun dog mabilis tatakbo kung hindi...ay sus!!! heheheeh

all the best my friend!!!! i am not saying time is running out pero di mo naman gugustuhing mag-keloid yang...(tuuuuttt) mo diba? so go and find someone new (haha, bad!). i know it's gonna be hard for you. pero hindi naman ito ang unang pagkadapa mo, hindi rin ito ang unang magpapasugat sayo. aanuhin mo ang isang tao kung di naman makasakay sa agos ng buhay mo..lunurin na lang kaya natin sya sa baha ng Ondoy para malaman nya ang kaibahan ng mababaw sa malalim at importante sa walang wenta? lols..galit ako? ishlayt..cause he's sooooo....F-ing jerk!!! ass#%#@#!! hahaha

 i know kaya mo toh, sabi ni Mc Do! haha



(pahabol:  namfotang explorer oo!!! kalain mo muntik idelete tong entry ko buti na lang si darna ako! nyahahaha..napasigaw talaga ko nung nawala sya screen ko hahahahaa)

Day 57: Wanted: Shoes

13a5306c6f482768It is funny how some people sometimes think about shoes. Ako feeling ko friends ko sila. Everyday sinisilip ko sila at kinakamusta! Sa maniwala kayo’t sa hindi, mahilig ako sa shoes, particularly pumps! Siguro kung isasama ko yun mga pinamigay o tinapon ko ng sapatos, umabot na ko sa 50? Oi, marami na yun ah! Dalawa lang naman ang paa ko kaya para sakin marami na yun 50 pares ng sapatos bwehehe....sa bahay nga namin may sarili na kong shoe rack kasi nga para daw akong si Imelda sabi ni Luwi (pinsan)..lols

Pangarap ko pa nga makabili ng Manolo Blahnik o kaya Christian Louboutin eh. Masama bang mangarap? May paa naman ako ah! Hehehe..

Pero mashadong mahal para sakin ang mga sapatos na yan. Besides,  di ko naman siguradong magagamit ko sya ng araw-araw, meaning hindi praktikal pagkagastusan. Kadalasan kasi sa mga designer items, pang-malakasan lang hehehe. The most expensive shoe that I have ever bought in my life, so far, ay ang knee-high, leather boots na binili ko pa sa Turkey, to the tune of $300 US tapos sumunod yun doll shoes kong Burberry na $250 US.  Masaya naman ako sa mga shoes ko pero aaminin ko kahit mahal sila, nagmumuka silang mura pagsuot ko na hahahah at eto pa, di sila ganun ka-komportable gamitin. Mahirap kaya magboots habang  paroon at parito ka sa opisina. Mahirap din isuot yun uber-flat na doll shoes kung sa mainit na kalsada ka naglalakad..lols..in short, sila yun mga pang-once in a while lang na gamit for me.

Teka bakit ko ba naisip ang shoes? Parang nakukumpara ko kasi ang PAGHAHANAP NG SAPATOS sa PAGHAHANAP NG MAKAKASAMA SA BUHAY. Pag naghahanap tayo ng sapatos, eto kadalasan ang mga guidelines natin:

  • Kumportable sa paa

  • Di mashadong kamahalan

  • Pwedeng pang-malakasan

  • Syempre, yung sakto sa paa mo


Sa paghahanap ng makakasama sa buhay, para ka lang namimili ng sapatos. Gusto natin yun sakto satin pero minsan naglalagay tayo ng allowance para sa ‘paglaki’ pa ng paa natin, hehe. It only means na lagi tayong open for adjustments.

Kung ang sapatos na nabili mo ay marupok hindi sya magtatagal sayo. Kung ang sapatos na nabili mo ay sakto nga sayo at kumportable ka nung una pero paglipas ng panahon ay pinapasakit na ang paa mo, siguro ibig sabihin nun kelangan mo na rin syang palitan diba? May mga sapatos na kahit sira na, kahit butas na yun swelas, willing pa rin tayong i-restore, i-repair ng paulit-ulit sa kadahilanang mahalaga satin yun sapatos. Or sometimes sa kadahilanang wala ka na kasing ibang magagamit na sapatos.

Pero come to think of it, do we have to settle for something less when we know that we deserve something more?

Sa paghahanap ng makakasama sa buhay, pinagkaiba lang nya sa pagkakaron ng sapatos, ay hindi mo pwedeng basta itapon si ‘LUCKY HOME PARTNER’ dahil di ka na kumportable sa kanya. Sa isang relationship kelangan marunong kang mag-compromise, magtiis kung kinakailangan at mag-work out ng bonggang-bongga para maging malakas ka sa mga challenges na darating sa inyong dalawa. Otherwise, wag kang makipagrelasyon kung hindi mo naman kaya!

Tulad din ng isang sapatos, kung alam mong wala ng pagasa, pagpipilitan mo pa ba? Kung alam mong sanay ka sa rubber shoes, pipilitin mo bang mag-heels? Kung gusto mo pala mag-tsinelas lang, magpapanggap ka bang masaya ka sa pagsasapatos mo?

Eh pero pano kung masakit lang sa una yung sapatos kasi bago, di ka ba willing mag-adjust para sa kanya? Am sure sya rin nag-a-adjust para sayo, siguro ilang bwan syang nasa kahon at papel lang ang nakasuksuk sa kanya, ngayon may isang luya este paa ng namamahay sa pagka-‘sapatos’ nya...lols

I wrote an entry last December for my anniversary special (lol). Naalala ko tong sinulat ko kasi parang related. Nung matagpuan ko ang Fernando Poe Jose ng buhay ko, hindi mashadong OK ang simula. Mashadong emotional at ma-action ang pangyayari pero later on, napagtanto ko na hindi lahat ng nagsisimula sa SAKIT ay mauuwi rin sa SAKIT pwede rin palang maging happy ending ang lahat..nasa pag-aalaga mo lang ng sapatos este ng relationship mo..hehe

Before I end this entry, nananawagan ako sa mga may mabubuting puso, umaayaw na sakin si Aldo, baka gusto nyo ko regaluhan, size 37 ako...hahaha..ge na magpapasko naman ah! Hmf!
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting