Bakit nga ba mahirap pakawalan ang isang nakaraan? Dahil ba sa tagal ng pinagsamahan o dahil mismo sa taong nakasama mo dyan sa nakaraang di mo mabitawan? o PAREHO?
Kung ako tatanungin nyo, dilemma ko rin yan. Pero hindi sa lovelife! For the past two years, nagtatrabaho ako sa isang banko na uber-kaduper ganda ng benefits at pasahod kaya lang recession hits us big time kaya ayun natanggal ang beauty ko sa Banko. Until now, inaamin ko na para ko syang EX na hindi ko makalimutan. Para syang isang nakaraan na ayaw ko pakawalan. Isang dating kaibigan na pinanghihinayangan. Para syang isang dating karelasyon na pinapangarap ko pa ring mabalikan. So in some ways, nauunawaan ko na ngayon kung bakit may mga taong hirap na hirap mag-let go. MAHIRAP PALA TALAGA!
Pero kailan ka nga ba dapat mag-let go? Kapag pagod ka na? Hanggang kalian at saan ba ang energy mo? O para kang yung rabbit dun sa commercial ng energizer na walang kapaguran?
Kapag ba wala ng nangyayari sa isang relasyon o sitwasyon, dapat mo na itong iwan? E pano kung maisasalba pa naman? May hinihintay ka bang sign para malaman kung dapat ka ng mag-give up o magpatuloy?
Ano bang klaseng relasyon ang tinatawag na - - WORTH SAVING?
3 Any violent reactions?:
paano nga ba mga let go??
let me go!! ayan ba ang isisigaw ko? o lets go sa bagong makikita ko?
papano kung sa other end e mahigpit ang kapit syo..sya ung nag wiwish na maayos pa ung letgo let go na yan.. kahit bumitaw kana, ang higpit ng kapit ng mga alaala.. i remember the boy but i dont remember the feelings anymore..
imbyerna nagloloko ang connection kooooooo...
anyway sabi ko nga..nasa taong gustong kumawala yan. PAG GUSTO MAY PARAAN, PAG AYAW MAY DAHILAN!
siguro kapag talagang wala nang ibubuga pa yung kahit tumambling ka mula deira hanggang sharjah wa epek pa rin sa knya, sihro mas mgnda pasagasa ka na,,, hahaha! :)
Post a Comment