parang never pa kong gumawa ng halloween special sa buong buhay ko sa blogosperyo (blogosperya? ano bang kasarian ng lintek na intarnet na ito! hehe).
pero for a change, magkukwento ako. BELIEVE IT OR NOT totoo ang kwento ko.
bata pa lang ako madalas na kong makakita ng mga images. buti sana kung porno diba? haha. kaso ende e! pero palibhasa nga bata pa ako nun hindi ko naman mashadong pinapansin.
like there was a time na naglalaro ako sa room namin, maya't maya ko nakikita ang puting image na lakad ng lakad sa tagiliran ko. pagdaan nya susundan ko naman sya, pero wagtus na si luka! di ko alam kung san sya napupunta.
minsan naman kumakain kami. nakikita ko ang isang babae na exact image ng ate joan ko na nakikipag-bulagaan sakin sa nakasandal na kama sa cabinet namin. napapatingin ako sa ate joan ko na katabi kong kumakain at dun sa batang kamuka ng ate ko. since alam kong katabi ko si ate ko, dinedma ko sya ng bonggang-bongga! after a while, nawala na rin sya.
takot ako sa lolo ko sa mother side. he died when i was just 3 yrs old ata. di ko na sya natatandaan pero ewan ko kung bakit takot na takot ako sa kanya. basta sya ang pinanakot sakin ng mga ate ko, lalabas ako ng kumot na lagkitan sa pawis at hiyaw ng hiyaw hahahaha. hindi ko naman natatandaan na nagparamdam ang lolo ko sakin nun so kahit ako nagtataka kung bakit laki ng takot ko sa taong di ko naman talaga nakita o nakasama.
until isang madaling araw (lol) if i am not mistaken it was sometime between December 1995 & January 1996? naka-bakasyon si Mama at si Tito Michael sa Pinas. it was the first time that Mama brought him to our house. First time na umamin sa lovelife nya ang ma-showbiz kong ina, hihi. at being maldita, nagiinarte ako ng ishlayt. i do like tito michael pero andun yung feeling na hindi na ako ang katabi ng nanay ko matulog..hehe.
so one night, dun ako natulog sa sala, sa tabi ng pinsan kong si alfie, kahit na inaaya ako ng nanay ko sa tabi nila. heller naman 3rd year na kaya ako nun noh! bwahahahah..
nagising ako kasi feeling ko nilalamig ako at i don't know pero i have this feeling na may nakatingin sakin. so nagmulat lang ako ng ishlayt and may nakita akong isang lalake na nakashort pants na brown (kuldoroy?) na nakatayo sa tabi ko. hindi ko alam kung bakit at that very moment alam kong si lolo ko ang nasa tabi ko. at dali dali akong sumiksik sa nabubuset kong pinsan hahahah.
after that night, hindi na ko pinagparamdaman ng lolo ko. pero after a few months, nagkasakit at kinuha na samin si Mama ko. since then, i can't help but ask myself, TOTOO BANG SI LOLO ANG NAKITA KO? SINUNDO NYA BA SI MAMA NG GABING YUN? DAPAT BA AKO ANG SUSUNDUIN KASO NAGTALUKBONG AKO?
nung namatay si Mama. isang weird na amoy ang iniwan nyang reminder para malaman namin na nasa paligid lang sya. AMOY SUNOG NA SIBUYAS! lols..well, wala akong ibang maisip na pagkukumparahan talaga. pero sabi nila ate jeje at ate joan na syang kasama nya sa hospital when she died..amoy sunog daw kasi talaga sa hospital kasi karamihan nga sa mga namamatay na chinese, sinusunog diba? sa kusina madalas pumwesto ang nanay ko, sa di ko malaman na dahilan. pwedeng amoy sibuyas lang talaga ang kusina namin (hehe) pero mashadong distinct ang amoy nya. may mga times na nasa room din sya but most of the time, kusina talaga.
nung naglilipat kami sa Sharjah, nataon na death anniv nya. i know na pag kinikilabutan ako at di ko matignan ng maayos ang isang area, merong mumu dun. nangyari na kasi yun nung burol ng Mama. bigla ako kinilabutan ng bongga at di ko magawang sumilip sa isang room na katapat ng coffin nya. I knew that she was there. Wa jamming! Feel ko talaga.
Now nung last July 5 nga at nasa Sharjah kami nila Dhae at Chloe, nagsindi ako ng candle para kay Mama at nilagay ko sa kitchen. hindi ko alam kung bakit bigla na lang nangamoy ang mahiwagang amoy at ayoko na talaga pumunta ng kitchen. Hindi ko sinasabi sa dalawa kong kasama. unang-una, prinsipe ng kaduwagan si Chloe, pangalawa malamang tawanan ako ni Dhae haha..pero alam ko andun si Mama! Twing may kelangan sa kusina inuutusan ko na lang ang anak ko hak hak hak.
Nagtataka ako madalas na bakit indi ako madalas dalawin ng nanay ko especially kapag windang moments ako. Kelangan ko rin ng motherly advice minsan diba? Pero narealize ko na siguro kasi naka-ilang subok na ang nanay ko pero dinadaig ako ng takot ko. Tulad birthday ko some years ago, nagising ako na may malamig na humalik sakin, instantly kinilabutan ako at pumasok ako sa room ni jeje na ino-occupy ng boy ng ate ko hahaha. Yung boy ng ate ko parang naguluhan at biglang tumayo at pumunta na sa tindahan. akala ata rereypin ko sya haha..e kabuntisan ko nun, 2 lang room sa bahay namin at 2 lang kami dun. wapakels talaga , basta pumasok ako at umupo sa may kama. hahahahah..
oh well, kahit na takot ako sa Mama ko, still gusto ko pa ring binibisita nya ako, hihi. di naman masamang mag-get together kami kung minsan pero yun dadalaw lang sya ha, wag nya muna ako isasama...waaaaa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 Any violent reactions?:
buti di tumakbo yung bot ni ate mo hahaha...
so iskeri at aye... ako di ako nakakaramdam ng nga ganyan at di ko pinangarap. Baka mamatay ako ng maaga... hahaha!
Hmmm... tama bang si chloe ang papuntahin sa kusina hahaha!
nyahahaha johoy!! minsan nakakaaliw pag nakakaramdam pero mas madalas nakakabaliw kaya wag na lang :p
ako di naniniwala sa mga unknown being, pero noong napanuod ko ang video na ito (sa aking blog) medyo nag-iba yata yung paniniwala ko.
http://tatakblogong.wordpress.com/2009/10/30/halloween-special-tignan-natin-ang-tapang-mo/
http://tatakblogong.wordpress.com/2009/10/30/halloween-special-aswang-at-mambabarang-totoo-ba-ito-2/
hi neil :) i watched the vid..pero di ako mashado natakot hihi..maybe pag nasaksihan ko talaga ng actual..thanks for dropping by!!!
by the way, nalusot sa spam ang comment mo :kamot-batok:
Post a Comment