Day 57: Wanted: Shoes

13a5306c6f482768It is funny how some people sometimes think about shoes. Ako feeling ko friends ko sila. Everyday sinisilip ko sila at kinakamusta! Sa maniwala kayo’t sa hindi, mahilig ako sa shoes, particularly pumps! Siguro kung isasama ko yun mga pinamigay o tinapon ko ng sapatos, umabot na ko sa 50? Oi, marami na yun ah! Dalawa lang naman ang paa ko kaya para sakin marami na yun 50 pares ng sapatos bwehehe....sa bahay nga namin may sarili na kong shoe rack kasi nga para daw akong si Imelda sabi ni Luwi (pinsan)..lols

Pangarap ko pa nga makabili ng Manolo Blahnik o kaya Christian Louboutin eh. Masama bang mangarap? May paa naman ako ah! Hehehe..

Pero mashadong mahal para sakin ang mga sapatos na yan. Besides,  di ko naman siguradong magagamit ko sya ng araw-araw, meaning hindi praktikal pagkagastusan. Kadalasan kasi sa mga designer items, pang-malakasan lang hehehe. The most expensive shoe that I have ever bought in my life, so far, ay ang knee-high, leather boots na binili ko pa sa Turkey, to the tune of $300 US tapos sumunod yun doll shoes kong Burberry na $250 US.  Masaya naman ako sa mga shoes ko pero aaminin ko kahit mahal sila, nagmumuka silang mura pagsuot ko na hahahah at eto pa, di sila ganun ka-komportable gamitin. Mahirap kaya magboots habang  paroon at parito ka sa opisina. Mahirap din isuot yun uber-flat na doll shoes kung sa mainit na kalsada ka naglalakad..lols..in short, sila yun mga pang-once in a while lang na gamit for me.

Teka bakit ko ba naisip ang shoes? Parang nakukumpara ko kasi ang PAGHAHANAP NG SAPATOS sa PAGHAHANAP NG MAKAKASAMA SA BUHAY. Pag naghahanap tayo ng sapatos, eto kadalasan ang mga guidelines natin:

  • Kumportable sa paa

  • Di mashadong kamahalan

  • Pwedeng pang-malakasan

  • Syempre, yung sakto sa paa mo


Sa paghahanap ng makakasama sa buhay, para ka lang namimili ng sapatos. Gusto natin yun sakto satin pero minsan naglalagay tayo ng allowance para sa ‘paglaki’ pa ng paa natin, hehe. It only means na lagi tayong open for adjustments.

Kung ang sapatos na nabili mo ay marupok hindi sya magtatagal sayo. Kung ang sapatos na nabili mo ay sakto nga sayo at kumportable ka nung una pero paglipas ng panahon ay pinapasakit na ang paa mo, siguro ibig sabihin nun kelangan mo na rin syang palitan diba? May mga sapatos na kahit sira na, kahit butas na yun swelas, willing pa rin tayong i-restore, i-repair ng paulit-ulit sa kadahilanang mahalaga satin yun sapatos. Or sometimes sa kadahilanang wala ka na kasing ibang magagamit na sapatos.

Pero come to think of it, do we have to settle for something less when we know that we deserve something more?

Sa paghahanap ng makakasama sa buhay, pinagkaiba lang nya sa pagkakaron ng sapatos, ay hindi mo pwedeng basta itapon si ‘LUCKY HOME PARTNER’ dahil di ka na kumportable sa kanya. Sa isang relationship kelangan marunong kang mag-compromise, magtiis kung kinakailangan at mag-work out ng bonggang-bongga para maging malakas ka sa mga challenges na darating sa inyong dalawa. Otherwise, wag kang makipagrelasyon kung hindi mo naman kaya!

Tulad din ng isang sapatos, kung alam mong wala ng pagasa, pagpipilitan mo pa ba? Kung alam mong sanay ka sa rubber shoes, pipilitin mo bang mag-heels? Kung gusto mo pala mag-tsinelas lang, magpapanggap ka bang masaya ka sa pagsasapatos mo?

Eh pero pano kung masakit lang sa una yung sapatos kasi bago, di ka ba willing mag-adjust para sa kanya? Am sure sya rin nag-a-adjust para sayo, siguro ilang bwan syang nasa kahon at papel lang ang nakasuksuk sa kanya, ngayon may isang luya este paa ng namamahay sa pagka-‘sapatos’ nya...lols

I wrote an entry last December for my anniversary special (lol). Naalala ko tong sinulat ko kasi parang related. Nung matagpuan ko ang Fernando Poe Jose ng buhay ko, hindi mashadong OK ang simula. Mashadong emotional at ma-action ang pangyayari pero later on, napagtanto ko na hindi lahat ng nagsisimula sa SAKIT ay mauuwi rin sa SAKIT pwede rin palang maging happy ending ang lahat..nasa pag-aalaga mo lang ng sapatos este ng relationship mo..hehe

Before I end this entry, nananawagan ako sa mga may mabubuting puso, umaayaw na sakin si Aldo, baka gusto nyo ko regaluhan, size 37 ako...hahaha..ge na magpapasko naman ah! Hmf!

4 Any violent reactions?:

cathy said...

usapang paa ito.. kse mentioned lahat ng mga nagagamit natin sa paa..

ako ang taong lageng naka slippers,doll shoes., madali akong mapagod sa shoes na me takong.. i got my ever first converse snickers! (a gift from tita).. minsan ko syang sinuot sa ofis.. muka daw magagala lang ako.. dko na inulit. umaawit ako ng isang rubber shoes sa aking ever dear friend! "my friend.. lapit na ang pasko" hahhaha ikaw din may wish ako din noh..

carelesshush said...

bwahahaha e akalain mo magrubber shoes ka sa ofis!buti nga di ka tinanong kung saan ang jogging! waaaaaaa

ate pag natupad ang Aldo ko matutupad ang rubber shoes mo! walang pinaglayo yan sa pag nakabili ka na ng rubber shoes, may videoke na ko! hahaha..paghahanda ito sa pasko! kakanta ako habang nakaALDO! waaaaaaaaaaaaa

dhyoy said...

ate ako rin gusto ko shoes sa pasko... size 7 ako :) hahaha!

carelesshush said...

@johoy
pwes sabay tayong manalangin! hahahaha
si katt natupad na wish :p

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting