Day 105: a DOZEN love & memories

non-showbiz & non-politics issue..this is just me being personal ^-^

i will not write any story of how we were and how we are now. it will be too much work for me and to anyone reading my blog, well if there's any (lol). all i know is that from then until now i have never stopped thanking God for giving you to my life. we do have our ups & downs. we do have our mood swings. but i know that despite all the humps, curves, traffics, distractions along the way, what we really have in our hearts is what matters most.

i love you very much and i hope that you know that the past 12 years of my life is the most wonderful part of it..looking forward spending more years with you and our boys.

till after death do us part :)


Heavenly Father, we thank You from the bottom of our hearts for your continued blessings on our union that have enabled us to reach another anniversary. We thank You for letting our love deepen and for helping us in time of trial. We know that without your assistance we would never have remained so close as we are.

We ask You to continue to watch over us, over our homes and families. Help us to renew our vows of love and loyalty and to strive to remain united with You, steadfast in our faith and in your service. 
Amen.

Day 104: Rhian & Mo Twister - - an ABORTED affair

wala sana ko balak mag-blog today until maisipan ko i-Google ang RHIAN RAMOS SINGAPORE ESCAPADE. try to click the link and mababasa nyo ang negative write up kay Rhian Ramos way back in 2008. minsan talaga pag may usok, may nagyoyosi apoy! hindi lalabas ang mga usap-usapan nun kung walang nakikita o nababasa ang mga chismoso at chismosang tulad ko hehe.

now after reading that article and searching more about Rhian & Mohan, naisipan ko magsearch using keywords  ABORTION IN SINGAPORE, LEGAL  and here's what i found. believe me while i was reading the below article i was literally wide-eyed as i couldn't believe what i am reading:



24 weeks fetus


INFOrmation

Termination of Pregnancy/Abortion in Singapore


Information on who to contact and how to proceed in the event of an unwanted pregnancy. Also information on the types of termination practised, the counselling available and general health promotion.
In Singapore, abortion is legal on socio-medical grounds. The legal time limit for abortion is 24 weeks into the pregnancy. (IMAGINE, THEY STILL TERMINATE 6 MONTHS PREGNANCY??! BUONG BATA NA YUN!!! WAAAAAAAAAA)
The Age of Legal Consent and Under 21s
In Singapore the Abortion Act law states that there is no defined age limit for the abortion procedure, nor is there a legal requirement for parental consent for minors under the age of 21. (ANYBODY CAN JUST GO THERE AND ASK FOR ABORTION!)

In other words just about anyone may request the procedure for unwanted pregnancy, provided they are of sound mind and body and understand the risks and details of the procedure.
Note: In contrast, if a miscarriage happens, then parental consent is required for anyone below the age of 21.

The law applies to all patients, regardless of nationality.

Legal restrictions on foreigners

Foreigners are only eligible for pregnancy termination/abortion in Singapore if one of the following criteria are met:
  • They have been residing in Singapore for 4 months or more
  • They are married to a Singapore citizen or have PR status
  • If they have a work permit
These restrictions do not apply to foreigners who require evacuation for miscarriage, but the age of legal consent (21 and above) will apply in this scenario.

(I DON'T THINK ANY OF THE ABOVE WERE MET BY RHIAN BUT WHO KNOWS BETTER THAN MO? LOL)

Before the Procedure
The Abortion Law act requires that the woman undergoes brief counselling by a qualified abortion counsellor at any accredited abortion clinic, and watch a video on the subject.

Girls under 16 years of age have to undergo mandatory counselling at the Health Promotion Board Counselling Centre. They will be issued with a Certificate of Attendance (COA) without which they will not legally be allowed to have an abortion.

There is also a mandatory waiting period of 48 hours after the counselling before the procedure can be done. (SO AFTER COUNSELLING MAGISIP KA LANG NG 2 DAYS AND IF GUSTO MO PA RIN MAGPAABORT OK LANG AS LONG AS 48HOURS NA ANG LUMIPAS?)
Procedure for an Abortion
There are 2 main types of abortion procedure, depending on the gestation of the pregnancy
  1. For early pregnancies 3 months (12 weeks) and below, the procedure is called vacuum aspiration. This usually involves being put to sleep for about 10 minutes, during which time a small tube is placed into the womb via the vagina. An attached vacuum will then remove all the pregnancy contents of the womb. (WAAAAAAAAAAA NALOLOKA AKO SA NABABASA KO!!! PATUTULUGIN KA LANG IN 10 MINUTES TAS YUN NA?!)
  2. For pregnancies 3 to 6 months (13 to 24 weeks) , the procedure is known as Mid Trimester Pregnancy Termination (MTPT) which is a more complicated affair. Hospitalisation is usually required for a day or two, during which medicine is inserted into the vagina to induce natural expulsion of the pregnancy. After the foetus and placenta are aborted, the process of evacuation of the womb follows. This is basically the same procedure as used in vacuum aspiration; it ensures that the womb contents have been thoroughly evacuated.
The second method takes a little longer and is messier, so it is far preferable that an early decision for abortion be made, before 3 months if possible.

Abortion in a pregnancy beyond 24 weeks

Abortion is not allowed if a pregnancy has progressed beyond 24 weeks. The legal limit of termination of pregnancy in Singapore is 6 months, or 24 weeks, beyond which abortion of any pregnancy is illegal. Most doctors would not initiate abortion beyond 23 weeks as the abortion has to be completed by 24 weeks. The only exception to this rule would be a severe or lethal foetal abnormality but even then, special approval would have to be sought from the authorities before the procedure can be done.

Limit to how early in a pregnancy the abortion can be performed

A woman choosing to have the procedure, should make an appointment as soon as possible in order to date and to locate the pregnancy so that the timing of the procedure can be planned. This is important because is not advisable to have the procedure too early in the pregnancy, as the risks of retained products and a "missed" abortion is higher.

Expected downtime after the procedure

Though the evacuation procedure itself takes only about 10 to 20 minutes, it would probably be advisable to take the rest of the day off in view of the residual effects of the anaesthesia. Recovery should be complete by the next day.

Risks with the procedure

The risks of the procedure are rare, and consist of bleeding from the womb, infection and trauma to the cervix. (WHAT? RISKS ARE RARE??)

Another extremely rare complication is uterine perforation, which is when the probe goes through the wall of the womb, and which requires repair via keyhole surgery.

Long term effects (including emotional and psychological trauma)

The risks of infertility from abortion carried out in a modern setting, particularly in a sterile environment, are extremely low. As for psychosocial effects, these are far less common than some sensationalist media imply. In fact the only satisfactory studies conducted in this regard show that there is an improvement in the mental well-being when compared to someone who has to go through the entire process of an unwanted pregnancy. (NASAAN ANG MORALITY DITO?! SO MAGPA-ABORT KA NA LANG KESA MAGDUSA KA SA ISANG BAGAY NA BINIGAY SAYO NI GOD KAHIT DI MO HINIHINGI. IT JUST SO HAPPENS THAT GOD KNOWS THAT YOU DESERVE A BLESSING KAYA BINIGYAN KA NYA NG ISANG LITTLE ANGEL?! AM NOT BEING HYPOCRITE OR RELIGIOUS HERE BUT COME ON! MAS MENTALLY STABLE ANG NAGPAPA-ABORT?? SO HEARTLESS!)

Nonetheless many aspects of emotional and mental well being are subjective, and coloured by social, cultural and religious influences, making this a controversial issue. The impact of regret also varies from individual to individual. A qualified gynaecologist can provide in-depth discussion and unbiased counselling.

Cost of the procedure

The cost of the surgery itself in Singapore ranges from S$300 to S$2000. (FOR SOMEONE NA MAY PERA AT DESIDIDO ANG $300 AY BARYA LANG!)

The large disparity is due to variations in the type of theatre employed, the depth of anaesthesia applied and in the package inclusions. For MTPT, the hospitalisation and medication charges must also be taken into account. An accredited abortion centre should be contacted for an in-depth discussion.

Patients are also usually entitled to a medisave claim, although this may not be relevant to foreigners.

Abortion through taking medication

The practice of medical termination via taking of prostaglandins has the advantage of avoiding surgery. However it is a more prolonged process, and may involve pain and bleeding which may last for weeks. There is also a slightly higher failure rate, which may still require one to undergo a formal evacuation if the medicine fails.

Traditional medicines 

The procedure should only be undertaken under the supervision of a qualified non-objecting gynaecologist trained in abortion procedures. "Traditional" or "alternative" methods of abortion using pineapples, herbs and/or instrumentation in unsanitary conditions should be avoided as complications such as infection, bleeding and sometimes infertility can occur.
The Doctor's Rights, a Woman's Choice 
A doctor may refuse to perform the procedure on personal grounds although the woman retains her choice in the matter of abortion. It is the duty of every responsible medical practitioner to offer the patient a second opinion even if they object to the procedure on religious grounds. 

An accredited abortion centre is a good source of unbiased objective information. The final decision is made by the pregnant woman.

The most important aspect of abortion is the decision to have one. There are a myriad of conflicting social, religious and financial issues that have to be sorted out carefully so time should be taken to make an informed decision as this is something that should not be taken lightly.


binabasa ko pa lang naririmarim na ko. anong puso kaya meron ang mga taong mag-a-undergo sa procedure na ito? in 10-20minutes matatapos ang abortion..hay! para sakin out of wedlock or kahit rape pa ang dahilan ng pregnancy mo, you should not kill the child! for God's sake! unless it is for medical reason that they have to remove the baby other than that i firmly believe that wala kang karapatang pumatay ng sanggol sa sinapupunan mo. there are so many women i know who are dying to have a child but God only  knows why hindi sila nagkakaron pa ng anak. i have 2 sons and each pregnancy is really a very memorable experience and you just cannot explain the feeling knowing that there's a human being inside you. hindi naman yun extra fats na pwede mo patangal whenever you feel like it, hindi yan tattoo na pwede mo ipalagay at ipatanggal whenever you like. TAO yan! T-A-O! kung paano ka nabuhay sa mundo ganun din yang dinadala mo. ohhh you are so lucky that your mother did not abort you, where's the KUNSENSYA! oh wait, i am not referring to Rhian Ramos here ok?  i am referring to all women who opted to abort their unborn child 'for convenience'!

Day 103: LIES..Camera..Action!

masyadong maingay ang showbiz world nitong mga nakaraang araw. andami-dami issues. i even need to create a new FB account para lang makapagcomment ako ng di nababarubal ang original & private FB account ko LOL

halina at himay-himayin ang kaganapan sa buhay ng ibang tao. in other words pagchismisan natin sila haha.


Piolo & KC

ansakit sa bangs ng issue na to! matagal ng issue ang pagiging bakla ni Papa P! ang di ko lang maintindihan bat ba kasi di na lang magpakatotoo si Piolo diba? ok fine, mahirap! kung ako kaya magsuot ng shoes nya am sure mahihirapan din ako ilakad kasi malaki paa nya kesa sa paa ko (loooooooool). kahit di counted ang opinion ko gusto ko sabihing papansin si KC (?).  we all know na rocky ang lovelife nila. may mga 'issues' na pinagdadaanan. tulad ng lagi ngang sinasabi ng mga echoserang artista - 'mahirap ang pinagdadaanan namin' (trekking kaya ito?!)

i think may choice naman silang maging quiet sa private life nila. magtambling man ang mga fans nila ehhh kung ayaw mo magkwento ano bang magagawa nila?! natatakot ba syang mawalan ng fans dahil di sya nagshare ng private life nya? come on, andami kayang sikat na artista na di open sa timeline ng lovelife nila and yet marami pa ring supporters. isa syang KC CONCEPCION hindi pa sya nagaartista inaabangan na sya ng mga tao being a daughter of Sharon & Gabby. meron na syang mga followers. in fact isa ako sa mga madalas bumibisita dati sa multiply account nya nung di pa sya officially artista. sa aking pananaw, since ito ay exclusive ng The Buzz, pakana na naman ng prod team or ng network nila yun. TELL ALL ang title ng segment pero di naman sinabi lahat ang kwento? meron pang ayaw daw ibigay ang details. pinagisip lang ang mga tao? hmft! ayaw daw siraan si Piolo e ano ngayon ang resulta ng drama nya sa TV e di kwestyonable na naman ang gender ni Papa P! heheehe..am not a fan of Piolo, ever since di ko sya nagustuhan, there's something wrong with him that I really can't place what or where so di naman pwede sabihin pro-Piolo ako kaya ganito reaction ko. basta may mali sa interview na yun period. di ba pwede isettle yun in private? pwede naman sigurong sabihin lang YES WE ARE OVER..period walang kasunod! :D


Rhian & Mo TwisteDr

kung totoo man ang mga kumakalat na 3x na nagpaabort si Rhian, i think hindi natin sya dapat basta husgahan instead dapat silang kaawaa ni Mo dahil di nila alam ang ginagawa nila. ok fine, di ako pro-abortion. nabuntis ako out of wedlock when i was 20 years old but never ko naisip ipalaglag yung baby. i eventually got married with the father of my child. now my son is already 10 years old and  sobrang sakit ng ulo perooo super gwapo. hinding-hindi ko nireregret na tinuloy ko pregnancy ko. maybe she has reason to do that and of course nangunguna na yun showbiz career nya. pero whatever her reasons were maling mali pa rin ang abortion. again, kung totoo man ang lahat ng chismis, napakairesponsible nilang dalawa ni Mo to do that. whatever the case may be, hindi lang si Rhian ang masama dito, kahit pa sabihin ni Mo na ayaw nya. in the first place bat nila ginawa?!

leaking the video is really wrong. too selfish, too irresponsible, too stupid, too insensitive ni prettyjenny55 to upload that video. hindi nya na dapat inupload pa sa Youtube ang ganun kasensitibong bagay. she got want she wants though. FAME! when i first checked her vid there were only 55views and now it is more than 200K. what if magsuicide si Rhian cause of that video, can prettyjenny55 or Mo correct their mistakes? Nope. What's done is done. tsk


Janelle (Ramgen)/Magsaysay-Bautista

now that Janelle has finally recovered & issued her sworn statement lumabas ang isa pang side ng kwento. Janelle confirmed rift between the siblings na dineny noon ni Genelyn at mas marami pang issue & personal na bagay ang lumalabas. 

mashado ako naging busy sa The Case Briefers (Ramgen Slay Case) group sa FB at sa iba pang mga pages kung saan nakablock na ko sa di ko malamang kadahilanan hahahaha. i get to read a lot of updates, stories, opinions and i am really learning a lot. masasabi ko lang siguro sa issue na to is that Janelle should be careful din sa mga binibitawan nyang salita cause it might backfire to her. it was stated in her affidavit that she's lived with the Bautistas for 5 years (during her relationship with Ramgen) which will make people think na nagli-live in na sila ni Ramgen. though for me wala ako pakealam pero dun sa mga 'mapagmalinis' am sure makukwestyon yun. sinabi rin nyang may schizoprenia si Genelyn, tho di na yun kelangan pang sabihin parang obvious naman na noon pa hahahah, unless may medical record si Janelle to prove this claim parang mahihirapan syang idepensa yan at lalabas pa syang naninira.


however all those issues are irrelevant sa kaso kung ako tatanungin dahil ang main issue is SINO ANG KILLER? could it be RJ who was being bullied by Ramgen for being soft? Gail who's handling the finances and always in rift with Ramgen for being partyholic? i think Mara is just an accessory to the crime, sya lang ang may tibay ng dibdib na panoorin habang pinapatay ang kapatid nya to ensure na successful ang plano?


hay buhey! sana naman maresolba ang kaso bago pa mag 1st year death anniv si Ramgen.


andami daming LIES sa harap ng CAMERA...tsk!

Day 102: I Love Atty. Midas :)



i am posting this not to make fun or humiliate Atty. Midas Marquez. in fact, i like this guy. whenever makikita ko sya sa TV feeling ko ang tali-talino nya hehehe. naishare ko lang naman tong video ankyut kasi ni Atty magulat  :D

hindi man sinasadya ng mga taong makita ang clip na ito at pagusapan lalo na ang 'pagtawanan' ....but it was on TV so di natin mapipigilan ang mga nakapanood na magreact hehe. at syempre negatibo ang reaksyon ng mga tao e kung positibo yan kakalat ba yan sa FB lol. 

sana lang wag naman nila i-judge si Atty. Midas just because nagulumihanan si ate este si attorney sa pagkakahulog ng mic. tensyonado lang sya talaga sa mic topic hehehe.

regardless of his gender indi natin sya dapat husgahan. wala naman syang kinurakot sa bayan, wala syang mala-transformer na mugshots, hindi sya suspect sa pagpatay sa sariling kapatid, hindi sya umarteng parang abnormal sa Survivor Philippines at lalong hindi naman sya member ng  So Wat ng Protege..kaya puhlease wag nyo naman sya husgahan hindi sya akusado o contestant ng bayan. pasensya na kung ganung reaksyon ang naipakita nya on TV ehhh sa iyon ang natural nya..hmft! e sa magugulatin si attorney, kealam nyo ba? LOL

ahhh basta i love Midas ke lalake o bading pa sya! :D

Day 101: Pork & Babes

ngayon lang may nabasa akong 2 interesting articles:

One, Qatar is now selling PORK! (http://dohanews.co/post/13146717097) wowwwwwwwwww.....it's about time i guess..kahit naman Islamic countries ang UAE, Bahrain, Kuwait (yata) eh meron silang pork hehe..so why not Qatar?

Two, I found this article about baby names (http://ph.news.yahoo.com/blogs/yahoo-lifestyles/10-illegal-baby-names-194006397-3.html)...it's funny & weird and ewan ko ba kung anong matatawag sa mga magulang na weird ang pinapangalan sa anak nila..look at Geneva, she named her son Heaven Enrico Luis Victor Cruz Arespacochaga ...ang habaaaaaaaaaa! I am sure when Heaven was still in KG he hates Writing subject haha

thanks to QatarLiving.Com for sharing these articles...gotta love QL!

Day 100: Uzi

well..well...well here i am again.

hindi pa rin ako makamove on sa Ramgen Murder Case kaya hinahalughog ko pa rin ang internet at kinukulit si pareng Google para bigyan ako ng latest chismis  information tunkol sa case. i also want justice for Ramgen & Janelle. at hindi yan para ijustify ang pagiging chismosa ko hehehe...i believe they are good people and Ramgen doesn't deserve to die (uhmm, in that way i mean) mas lalong nakakalunkot ang update, 3 na ngayong magkakapatid ang sangkot sa krimen..argggh! ano ba yan?!!


at dahil nga chismosa akong tunay naglibot ako sa FB at nakatagpo ako ng mga links patungong twitter accounts ng mga kapatid ni Ramgen (lol)..ako na ang stalker! hahaha


puro kashowbizan na ata laman ng blog ko..fuck! hahahaha


ayoko naman kasi pagtuunan ng pansin si GMA parang mas masalimuot ang kwento. basta ang alam ko lang dapat ang Pilipinas gumawa ng panibagong batas (idagdag nila sa napakadaming pending na batas sa mesa ng mga lawmakers natin hehe) at ito ay dapat IMMEDIATELY EXECUTORY (feeling taga SC) - DAPAT ISABATAS NILA NA GAWIN NG OFFICIAL KULUNGAN NG MGA PULITIKONG NAKAKASUHAN ANG ST. LUKES!


lahat na lang ng nakakasuhan biglang nagkakasakit??? and Abalos was so gross yesterday that he had to say on national television na 'AKO'Y MAGPAPAARESTO KAHIT PA NAGDUDUGO ANG AKING U-O, KUNG KINAKAILANGAN MAGPAPAARESTO AKO'


WTF?!!! who cares about your bleeding U-O Sir?!



i think pag pumasok ka sa pulitika para ka lang batang walang isip na nagtatampisaw sa kanal, alam mo ng marumi pero nagtampisaw ka pa rin..tsk!

Day 99: Protege

yes naman pangatlo ko na tong entry for today. di ako sabik magpost haha.

ayoko kasi malaglag sa utak ko yun mga opinyon ko sayang naman pinaghirapan ko rin paganahin yun isip ko. sayang ang effort hehe.


well, di ako mahilig sumunod sa mga talent search kasi minsan ang korni ng mga nagiging drama at parang nagiging amusement na sa viewers ang buhay ng ibang tao? o sige ako na kunwari ang di pakealamera at interesado sa buhay ng may buhay hahahahah 


last night medyo naiyak ako ng kunti as in kunti lang naman. natangal na kasi sa Protege si Lovely (ayan sya o sa gilid!)  hindi kagandahan ang bata tapos wala pang table manners hehe..nagaalaga sya ng mga pigs sa probinsya nila..pero wag ka ang boses pambihira. kamuka nya si Bituin Escalante medyo macho-macho pero ang boses naman sosme! nakakapanghinayang na mas binoboto ng tao yun mga di karapat-dapat..aaminin ko ayoko sa So Wat hahaha..parang amplastik kasi ng mentor nilang si Rey Valera. paawa effect lagi. pathank u effect na parang di naman sincere?! lugi lang talaga ang ibang Protege kasi 4 families, 4 set of friends, ahhh basta laging 4 sets ang voters ng So Wat. sabi ni mentor Rey nagisip daw sya out of the box at naisip na daw nya na advantage ang 4. weh so sya na ang THINKING AHEAD or DAYA AHEAD? hheehhe..di ba nya naisip na it's unfair for the others? hmmm so simula pa lang panlalamang na ang goal? haha. dapat sa simula hindi pinayagan ang group e. 


good thing may twist naman, whether sinadya o hindi, at least may chance pa si Lovely to prove herself.


si pareng Dingdong nga parang naiyak din na nawala si Lovely, thinking na super galing ng bata, haist! kagaya din ng kay Nomer pero si Nomer medyo expected ko na kasi si Rachelle Ann bakit ba Bohemian pinakanta dun sa bata wahahaha...nanisi???


pero bet kong manalo si Krizza ni Aiza..sabi ko nga sa husband ko kung sakali mang ipagpapalit ko sya kay Aiza lang. sya lang ang karibal nya sa puso ko bwahahahah...parang ang pogeeeeeh pogeeehh ni Aiza twing Protege loooooooooooool


sana lang hindi na based on texters' votes ang resulta para lang kasi yang si Gretchen ng Pinoy Idol, hindi naman deserving pero nanalo kasi nadale sa text ng parents nyang mayaman. mas magaling pa yung batang taga Batangas na nalimot ko na name hehe. and since nga HINDI deserving si Gretchen kita mo naman wala syang karir at malamang ang So Wat sa una lang din makikita sa TV then eventually they'll fade away at sasabihin ng mga tao...So Wat??! =))))


Day 98: Krimen

nang mabalita ang pagkakapatay kay Ramgen Revilla wala akong alam...inosente akooooo! (para lang akong suspect na nagdedeny ng krimen haha). well, nabalitaan ko na lang ang pangyayari while on going na ang imbestigasyon. ako na nga kasi talaga ang madalas na nagbabasa pero huli sa balita o sa uso so hindi ko kaagad namalayan ang hot topic.

peroooo better late than later so kinarir ko ang pagsubaybay sa kaso. it is too bad, so sad na PERA ang lumalabas na dahilan. hindi lang pala pang telenovela yang mga ganyang drama even in real life pwede sya mangyari.


now here's my 2 cents or u can even call it 2 pesos (lol). sorry pero dun ako sa guilty si Mara at RJ sa pangyayari. sige ako na ang mapanghusga hehe. una kasi bakit umalis si Mara kung wala sya talaga kasalanan. ano ba kinakatakot nya, yun hindi maibigay ang tamang hustisya at madiin sya sa bagay na di nya ginawa or yung mabuking sya sa ginawa nya hehe. dahil pakealamera talaga ko, i therefore conclude, na si RJ ang tumira sa kuya nya knowing na palpak yun mga gunman na hinire nila hehehe. tsaka bakit antagal bago binisita ng nanay nila si RJ, siguro natatakot silang magkasisihan sa presinto? LOOOOOOOL


now, nasaan na si Mara? para syang Elisa lagi hinahanap ng mga taga Dos! pero eto lang dinaig ni Mara sa pagiisip si GMA, akalain mo si GMA naisyuhan ng warrant of arrest bago lumabas ng bansa samantalang si Mara nakapuslit ng bonggang bongga nyeeheehhehe...NBI? Kayo na!


oo nakekealam ako. pasensya na po. makakasuhan ba ko sa ginagawa kong to? haha. pasensya naman nagbibigay lang ng opinyon.


nakakalunkot lang na para talagang palabas sa TV yung nangyari sa buhay nila. di ba normally sa mga soap operas yung 'bida' lagi na lang pinagbabalakan ng masama nun 'kontrabida' pero in the end yun kontrabida is either mamamatay or makukulong or worst mababaliw..ano kaya ang ending ng Revilla Saga???

Day 97: S-T-R-E-S-S

ang buhay parang trabaho lang sa opisina, minsan busy, stressed ka at higit sa lahat imbyerna ka sa mga tao sa paligid mo. pero minsan naman sobrang easy at wala kang magawa kundi tumunganga at maglibot sa FB. lumalaki ang balakang mo kakaupo at tanging break ay ang pagpunta sa banyo.

itong pagpasok ng 2011 hindi ko alam kung dapat ko bang iyakan o tawanan na lang. hindi ko matandaan kung nasabi ko na ditong PUNYETA KANG 2011 KA! wahahah..halos lahat yata ng kakilala ko nagdusa sa 2011 maliban kay Shamcey Supsup siguro (hmm parang nasabi ko na talaga to dati lol). masyadong stressful kasi ang taon ko in fact hindi pa nga matapos tapos. 

siguro lessons learned na lang talaga. hay! actually isa lang naman nakakapagpastress sa akin ngayon. BANKO! umalis ako ng UAE na may pending na bayarin sa banko and of course kelangan ko yun isettle. hindi naman sa ayaw ko isettle kaso ala pa ako pangsettle hahaha... 

HOW I WISH I COULD ANSWER THE DEBT COLLECTOR THAT NO MATTER HOW MANY TIMES THEY CALL ME IT WOULDN'T CHANGE THE FACT THAT I HAVE NOTHING TO PAY THEM. YOU SEE, I AM NOT EARNING FROM THEIR CALLS, EVEN A SINGLE PENNY! (LOL)

nakikipagnegotiate ako sa banko ko pero puro legal notice ang sinasagot sakin so bahala sila sa buhay nila na-sstress lang ako sa mga eksena nila haha

hindi ko alam kung dapat ko ientertain ang katotohanang pwede nila ko kasuhan at tawagan ang mga kamag anak ko sa PI. actually yun panghuli ang problema ko kasi dedma ako sa kaso wala naman ako sa UAE haha. ayoko lang mastress pa yun mga taong di naman dapat mastress? hmft!

anyways, good luck na lang sa akin & i think aabutin pa ng 2012 ang issue ko na toh. basta sana lang matupad ang plano naming makapagsummer sa PI next year, otherwise it will be a hell lot of stressful months to endure pa..hayyyyy!

Day 96: Steve Jobs

patay na si steve jobs di ko pa sya makikilala kung di sya namatay waaaaaaaaa...maswerte ako na meron akong mga souvenirs ng 'idea' ni pareng steve bago naman sya pumanaw! sana yung papalit sa kanya mas maging mahusay pa ang mga Apple products. tho wala naman na ko balak pang bumili ng mga bagong produkto ng Apple masaya na ko sa MAC ko at enjoy naman ng bongga ang mga chikiting ko kay iPod touch! besides, ang mahal din kaya! hehehe

speaking of Touch, in fairview naman malaki ang naitulong ng bagay na ito sa aking bunsutil. natutuwa ako na at the age of 2 yrs old (di ko alam kung advance ba sya or tama lang hehe)almost memorized nya na ang alphabet. nung panahon ko nagsisimula ang kabataan sa ABAKADA na libro, ngayon super hi-tech na talaga. even numbers nauunti unti nya na pagsunud-sunurin at narerecognize nya na ang figure kapag nakita nya sa screen.

minsan nga natatakot na ko parang adik na sa alphabet si bunso, matutulog na lang kami nag-A B C D pa sya at pag lumalabas kami bigla nya na lang binabasa yun letters ng mga bagay bagay sa kalsada loooool. pero kung good sa bunso ko, bad naman sa kuya! pag hawak na ang ipod parang wala na sa realidad =))

hayst! napansin ko lang parang karamihan ng genius sa technology puro drop outs? si Google, si Facebook at si Steve! baka yun panganay ko since tamad nga magaral at mahilig sa computer maging ganyan din paglaki? LOL

Day 95: Coffee & Me

parang nagaalburuto na naman tong tyan ko at parang alam ko kung bakit. dahil sa KAPE! hehe. ewan ko ba kahit anong sabi ko sa sarili ko na di na ko iinom ng kape at magyoyosi pagdating sa bahay. i just can't help it!! cause it makes me relax a little bit :D

today is just another BORING day dito sa work. ok naman sana at least less stress pero nakakaboba din kung minsan (have said this a million times already). the pay is not bad, colleagues are nice pero siguro mas magiging ok kung meron akong ginagawang 'work' everyday? naiisip ko na lang minsan, siguro sabi ni Lord, bagong bansa, bagong simula. since naranasan ko na maging super abala sa work dati so ngayon easy-easy na lang ang binigay nya sakin. come to think of it, nandito ako ngayon sa bansang hindi ako makukulit ng mga banko so i have peace of mind, hindi ako stressed sa work so hindi pagod sa trabaho..talagang new life dito!

wala na ko ginawa kundi bisitahin ang tumblr at irefresh ang fb ko. buti na lang may mga taong kumakausap sakin dun paminsan-minsan haha kung hindi super-boring na talaga ang life...waaaaaaa

nagsawa na ko sa paglalaro sa Chrome at FB, natatamad ako magbasa ng book..hay ano kayang gagawin koooooooooooooooooooo..imberna!

i miss may UBP & Frayland friends..namimiss ko yun times na pag naiinip ako tsitsika ako sa accounts ng Frayland hanggang sa hanapin ako ng boss ko at pag natagpuan ako sasabihin saking itatali na raw nya ko sa upuan ko kasi lagi ako nawawala haha..namimiss ko ang free lunch sa UBP, free icecream na i thought at first paid by the company but it appears na yun mga kasama ko nagbabayad from their own money pala hahahahah, namimiss ko ang life ko sa UAE yes but not entirely because my family is here. it's just sometimes parang mas masaya na may kadaldalan ka sa opisina lalo sa mga panahong walang trabaho..hay!

Day 94: Kabado

ayan ako na nga ang kinakabahan hehe. ewan ko ha pero parang ang simple naman ng trabaho dito sa kinauupuan ko pero parang ang hirap naman i-please ng mga tao? LOL hindi ko alam kung sadyang mataas ang ere  expectations ng mga tao pero simpleng bagay lang parang napakalaking bagay na sa kanila? sila na ang mahilig sa BIG DEAL haha

so para di na ko mashadong magworry sinabi ko kahapon sa husband ko na napagalitan ako ng boss ko & ok lang bang mawalan ako ng trabaho? haha. yeah! for a simple reason na wrong bank account details ang nailagay ko sa document, mateterminate na ko! ako na talaga!

heniweizzzzzzzz, bago pa ko mastress out ng bongga, pinagkaabalahan ko na lang ang blog ko. i changed my header & theme. medyo masakit na rin kasi sa mata yun madilaw na palaka. hepatitis ang abot ng blog ko! tho wala naman talaga bisita madalas ang blogs ko pero mabuti na yung handa, baka may makabisita e umangal pang masakit sa mata ang theme ko haha.

---
on another note, i just finished reading The Hunger Game Series ni Suzanne Colins. am still trying to sort out my ideas & comments kaya sa next blog na lang para di naman humaba ng bongga tong entry ko hehe


---
PS: nilagay kong location ko Mexico kasi gusto ko lang haha

Day 93: Lumot at Emote

yan ang title ng blog ko kasi again nilulumot na naman ang walangyang blog hahah. wala naman talaga ko balak mag-blog sana pero something inside me (maybe yun bituka ko?) is urging me to do so. 


(isang uber lalim ng buntung-hininga) motherhood! bakit walang preparation course para sa bagay na ito? i know and accept the fact na hindi ako ang coolest & best mom na matatawag. sabi ko nga sa FB ko:


I may not be the perfect mother. I yell, I get frustrated and I can be mean sometimes but only because I care and I want you to be a better person. U may be too young 2 understand now but someday you will realize how difficult a job it really is and that I did the best I could and appreciate what you had…just bear in mind that tho we fight a lot...i love u very much!!!




DELETED SCENES (LOL)



I decided to delete some parts (3 paragraphs?) ayoko kasi mademanda ng sobrang pageemote sa blogosphere...so there..anyway nobody needs to know my whining hehe




wala wenta as usual! mabigat lang un dibdib ko feeling ko naging cup D ako bigla that is why i have to blog hahahahahha

Day 92: Livin' La Vida Loca

kung hindi ko pa naisipan isearch ang name ko sa Google di ko pa maaalala na meron pala akong blog..haha! yes you read it right! sa kawalan ng magawa sinearch ko ang name ko sa Google..DUH! how pathetic!


i deactivated my FB account. wala lang. feeling ko kasi dun na lang umiikot ang life ko hek hek. since we arrived here in Doha, wala na kong ibang ginawa kung hindi ang buksan ang Bayt, Kershaw, Gulf Talent, Qatar Living, etc para maghanap ng work. Then, after nun Facebook na! walang kamatayang refresh! haha. 


ngayon naisipan ko naman mag-DL ng mga games. after ng Plants vs Zombies (which by the way pwede nyo makuha sa Free Plants vs Zombies) naisipan ko naman hagilapin ang Angry Birds (na pwede nyo ring makuha sa Free Angry Birds for your MAC) and dahil wala akong kakuntentuhan nagdownload din ako ng mga free games sa Apps Store at kung ano anong widgets para sa dashboard ko wahahahah.


yeah right napaka-busy kong tao loooool. maliban kay bunsutil na umaalipin sakin sa maghapon at magdamag (hehe) wala na kong ibang mapagkaabalahan. sana lang may matagpuan na kong work diba? para mawala na rin lahat ng toxic sa aking utak =))


hay what a crazy life!

Day 91: Da Bus, Da Boss, atbp.

Mag-iisang bwan na rin pala since naging commuter ako. Nakakaaliw lang talaga ang pagiging byahera. For almost a month now may nakakasabay akong pinay from bus station hanggang sa may ofis ko. But mas malayo yung nilalakad nya kesa sakin. We never talked. As in! Until yesterday na umuulan at wala akong payong haha. Pakapalan ng muka sabi ko talaga - - ‘kabayan, pasukob naman!’ hahahahaha..e pano kung wala akong nakasabay na may payong? Ampanget ko nun! Nakasuit pa man din ala pambili ng payong..looool..so since makapal muka ko chinika ko na lang si ‘Marlyn’ hehe. Mabait naman sya pinasukob nya ko ng bongga hanggang sa ofis namin. Now may payong akong dala pero di naman umulan..buhay talaga!

Nakasabay ko ulit kaninang umaga si Marlyn (as usual) pero sabi nya pagtawid namin ng signal pupunta pa daw sya ng hypermarket kaya naghiwalay na kami ng landas hehe. Ok lang naman din I don’t have anything to say din ehh baka naman isipin pag di ko na kinausap isa akong ‘FRIENDLY USER’ haha.

At sa tagal ko na nga ring nagba-bus may nakabatian na kong araba. Let’s call her “Halwen” kasi maganda sya. Well, typical but she speaks English very well and mukang masungit pero maganda naman. Lately lang din kami nagbabatian, kanina binati nya yung suit ko, magaganda daw sinusuot ko, gusto ko naman batiin yun mga shoes nya, cute kasi lagi pero di ko na nabati kasi naghiwalay na kami ng way heheheh..next time!

Finally, natapos na ang tendering sa opisina. Wala na ginagawa ang mga tao. BORED! At para malibang ako I decided to learn HINDI (with matching pailing-iling) hehe. Well if Liz (Eat, Love & Pray) loves Italian ako e nagdecide mag-HINDI..eh san ko naman kasi gagamitin ang Italian haha..at least ang Hindi magagamit ko with my colleagues..loooooooool..not that I am planning to live or go to India in the near future hehe.

Now i know how to count in Hindi (wala tong kodigo paramis!)

Ek,do,teen,chaar,paanch,cheyy,saath,aath,nao,dus! 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10!

Mashado lang siguro ako nadadala sa book ni Liz kaya ganito at naisipan ko mag-Hindi. In fact, if Liz decided to go to Italy, India & Indonesia..I have decided that if I am ever going to do the same I will go to - - Spain, Paris & Rome! Hehe.

What else? Isa sa mga boss ko ay last day of work ngayon sa office. Nagpakain sya ng bongga. It is so sad that he has to leave pero ganun talaga anyways I am leaving in a month or two rin naman..

My friend buninay went back to Pinas din kagabi. Nacancel na kasi ang visa nya and she has no work na. Sana makabalik sya on visit visa next month or kung magdecide man syang mag-stay sa Pinas sana maging happy na sya hihi.

My BFF is going back to Pinas for good na rin this coming June. Time to settle down and make babies (looool).

And I am moving to Qatar nga..so i guess...moving on to the next level ata talaga ang year na ito.

Good luck to all of us!

Day 90: 2011

halos 2 weeks na ang lumilipas since nagsimula si 2011 or shall i say 2 weeks pa lang ang lumilipas since 2011 started but i already have this 'tired' feeling.

physically, i am really exhausted sa pagiging 'commuter'. for years may sarili akong car, now that i don't have my driver husband with me and i don't have a license here plus the fact na kahit may license ako i don't think i would really drive dito sa Dubai, kailangan ko tanggapin ang katotohanang masugid akong kliyente ng RTA ngayon. there's nothing bad with being a commuter syempre naman, ano ako pasosyal? nakakapagod lang talaga minsan hehe. buti kung pagbaba ng bus andun na ko sa tapat ng office but i still have to walk max 20 mins to get to my office and paguwi naman i also need to walk at least 10 mins to reach home kapag patakbo ako maglakad haha. anyways, i will consider this as my everyday exercise!

financially exhausted rin ako. shambalam ila! paisa na-ye (means no salary, no money) sabi nga ng mga kaopisina kong indiano. sosmeyo! as much as ayoko isipin ang financial aspect ng buhay ko (i have been so exhausted about this part of my life for ages) nagsusumiksik naman ang katotohanan everytime na maiisip ko sya. alam nyo yung feeling na pilit mong iniiwasan na makasalubong sa daan pero ayun at nakasalubong mo nga? yun kahit ayaw mo sana magkape e bigla ka pinagtimpla ng office boy nyo ng kape?? walang konek! pero basta hindi pa man kumakalahati ang Enero eto ako at parang windang na. sabi nga ng asawa ko, don't worry about it ngayon lang kasi nasa adjustment period kami ng aming paglipat sa Qatar. well, i really wish that it would be that easy.

emotionally down, being apart with my husband, narealise ko na mahirap pala talaga maging single mother. imagine, i have to think about the budget & grocery which i don't normally do sa bahay cause joined together lagi kami maggrocery ng husband ko. then i have to attend school meetings na sasabay pa sa deadlines ko sa office. there's this 'pagdidisiplina' moments pa sa bahay. isipin ko na lang na at least ako i have someone to talk to sa Skype every night telling him how my day went, pero hindi pa rin sapat sakin, pano pa yung mga taong walang 'makausap' at hindi maishare ang kanilang inarte sa buhay. so then came, THANKFULNESS talaga na i have a wonderful husband & family despite all the glitches in my life. well, there's not much but a glitch is still a glitch. parang peklat lang, kahit sabihin mong maliit, may peklat ka pa rin! heheheh

mentally drained? i don't know feeling ko nauubusan ako ng idea sa araw-araw na lang. dahil siguro sa pagkapagod ko na sa mga naunang aspeto ng buhay ko? haha. sometimes i am stuck with something then after a while parang hindi ko naman alam kung ano yun ginagawa ko hahaha.

i told myself this 2011 that maybe i should really start giving Chloe more leeway para hindi na kami nag-aaway. Whatever he wants to do gawin nya na lang as long as hindi sya makakasakit o makakaapekto ng ibang tao especially his younger brother. Pero iba talaga yun batang yun parang namimiss nya ko whenever hindi ko sya nasisigawan ng bonggang-bongga haha..i just need to be more patient siguro! (positive)

i've got a lot of things to say. pero natatamad na ko mag type as usual. besides all personal drama lang naman to, walang kakapulutan ng aral. walang quote na ipapauso, walang joke na bago! hehehe..

maybe, i am simply TIRED!
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting