patay na si steve jobs di ko pa sya makikilala kung di sya namatay waaaaaaaaa...maswerte ako na meron akong mga souvenirs ng 'idea' ni pareng steve bago naman sya pumanaw! sana yung papalit sa kanya mas maging mahusay pa ang mga Apple products. tho wala naman na ko balak pang bumili ng mga bagong produkto ng Apple masaya na ko sa MAC ko at enjoy naman ng bongga ang mga chikiting ko kay iPod touch! besides, ang mahal din kaya! hehehe
speaking of Touch, in fairview naman malaki ang naitulong ng bagay na ito sa aking bunsutil. natutuwa ako na at the age of 2 yrs old (di ko alam kung advance ba sya or tama lang hehe)almost memorized nya na ang alphabet. nung panahon ko nagsisimula ang kabataan sa ABAKADA na libro, ngayon super hi-tech na talaga. even numbers nauunti unti nya na pagsunud-sunurin at narerecognize nya na ang figure kapag nakita nya sa screen.
minsan nga natatakot na ko parang adik na sa alphabet si bunso, matutulog na lang kami nag-A B C D pa sya at pag lumalabas kami bigla nya na lang binabasa yun letters ng mga bagay bagay sa kalsada loooool. pero kung good sa bunso ko, bad naman sa kuya! pag hawak na ang ipod parang wala na sa realidad =))
hayst! napansin ko lang parang karamihan ng genius sa technology puro drop outs? si Google, si Facebook at si Steve! baka yun panganay ko since tamad nga magaral at mahilig sa computer maging ganyan din paglaki? LOL
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Any violent reactions?:
Post a Comment