Mag-iisang bwan na rin pala since naging commuter ako. Nakakaaliw lang talaga ang pagiging byahera. For almost a month now may nakakasabay akong pinay from bus station hanggang sa may ofis ko. But mas malayo yung nilalakad nya kesa sakin. We never talked. As in! Until yesterday na umuulan at wala akong payong haha. Pakapalan ng muka sabi ko talaga - - ‘kabayan, pasukob naman!’ hahahahaha..e pano kung wala akong nakasabay na may payong? Ampanget ko nun! Nakasuit pa man din ala pambili ng payong..looool..so since makapal muka ko chinika ko na lang si ‘Marlyn’ hehe. Mabait naman sya pinasukob nya ko ng bongga hanggang sa ofis namin. Now may payong akong dala pero di naman umulan..buhay talaga!
Nakasabay ko ulit kaninang umaga si Marlyn (as usual) pero sabi nya pagtawid namin ng signal pupunta pa daw sya ng hypermarket kaya naghiwalay na kami ng landas hehe. Ok lang naman din I don’t have anything to say din ehh baka naman isipin pag di ko na kinausap isa akong ‘FRIENDLY USER’ haha.
At sa tagal ko na nga ring nagba-bus may nakabatian na kong araba. Let’s call her “Halwen” kasi maganda sya. Well, typical but she speaks English very well and mukang masungit pero maganda naman. Lately lang din kami nagbabatian, kanina binati nya yung suit ko, magaganda daw sinusuot ko, gusto ko naman batiin yun mga shoes nya, cute kasi lagi pero di ko na nabati kasi naghiwalay na kami ng way heheheh..next time!
Finally, natapos na ang tendering sa opisina. Wala na ginagawa ang mga tao. BORED! At para malibang ako I decided to learn HINDI (with matching pailing-iling) hehe. Well if Liz (Eat, Love & Pray) loves Italian ako e nagdecide mag-HINDI..eh san ko naman kasi gagamitin ang Italian haha..at least ang Hindi magagamit ko with my colleagues..loooooooool..not that I am planning to live or go to India in the near future hehe.
Now i know how to count in Hindi (wala tong kodigo paramis!)
Ek,do,teen,chaar,paanch,cheyy,saath,aath,nao,dus! 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10!
Mashado lang siguro ako nadadala sa book ni Liz kaya ganito at naisipan ko mag-Hindi. In fact, if Liz decided to go to Italy, India & Indonesia..I have decided that if I am ever going to do the same I will go to - - Spain, Paris & Rome! Hehe.
What else? Isa sa mga boss ko ay last day of work ngayon sa office. Nagpakain sya ng bongga. It is so sad that he has to leave pero ganun talaga anyways I am leaving in a month or two rin naman..
My friend buninay went back to Pinas din kagabi. Nacancel na kasi ang visa nya and she has no work na. Sana makabalik sya on visit visa next month or kung magdecide man syang mag-stay sa Pinas sana maging happy na sya hihi.
My BFF is going back to Pinas for good na rin this coming June. Time to settle down and make babies (looool).
And I am moving to Qatar nga..so i guess...moving on to the next level ata talaga ang year na ito.
Good luck to all of us!
0 Any violent reactions?:
Post a Comment