Day 55: Ondoy

Nakakatakot...Nakakakilabot...Nakakapanghina...When I first saw the footages di ako makapaniwala na sa loob ng 5 hours magagawang "lunurin" ng ulan ang Marikina at iba pang bahagi ng Manila. Na mangyayaring tangayin ng baha ang sandamakmak na sasakyan sa kalsada.

Para ngang palabas sa Hollywood o kaya e parang may naglalaban na superhero at villain at pinabaha ang Manila!

Thankful ako na OK naman ang family ko.  Taga-Parang, Marikina sina Papa ko at salamat naman at ligtas sila. Lagi kong pinagdadarasal yun safety ng family ko saan mang sulok ng mundo. Pero naaawa ako sa mga taong naapektuhan ng bagyo. When I saw Jenica on tv, naiiyak ako sa pagre-recall nya ng pangyayari.  This tragedy only proves na walang mayaman, walang mahirap. Lahat pantay-pantay kahit pa sa sakuna. Kaya dapat magtulungan ang lahat ng Pinoy na makaahon sa panibagong dagok sa Pilipinas....hayst! Hindi yun nagpopost ng status sa Facebook ng kung ano ano tulad ni Jacque B., ayan tuloy wanted na sya sa Dubai hahahah.

2 or 3 weeks before dumating ang bagyong Ondoy sa Pinas, meron akong sariling bagyong pinagdaraanan.  Isang 'bagyo' na di naman dapat sakin, pero sabi nga ni tita Mel Tianco "Help not because it feels good but because we should!".  Isang mala-Ondoy na effort ang ginawa ko para malagpasan ang pagsubok na binigay sa isang taong malapit sakin.  I nearly came to a point na parang gusto ko na magtanong ng...WHY o di kaya eh SAAN, SAAN AKO NAGKAMALI? (LOL) pero naisip ko na binigay samin ang pagsubok dahil kaya namin malagpasan ito. Kaya hala, kahit magpaka-DARNA ginawa ko na para lang talagang mapatunayang...KAYA KO TOH, KID! (ika nga ni Joliibee!).

During the times na namomroblema ako as in stressed ako EMOTIONALLY, PHYSICALLY, MENTALLY esp. FINANCIALLY may isa akong kaibigan na ang tanging problema ay ang pagnipis ng buhok nya at pagiging flat chested nya (hahaha). naisip ko sana ganun lang kasimple ang problema ko.  Pakiramdam ko kasi super-bigat na ng dala ko.

Now, nangyari ang Ondoy sa Pinas. Narealize ko na kumpara sa kanila, tuldok lang ngayon ang problema ko. Kumpara siguro sa iba, walang wala itong problema ko. PERA lang toh!

Ngayon narealize ko na ng sobra-sobra na dapat ako lagi magpasalamat kay Papa God dahil kahit anong problema ang dumarating samin (ke problema ko o problema ng iba na pinapaproblema pa sakin, hehe) nakakayanan namin lampasan. Healthy ang family ko most eps. my kids, may maayos kaming bahay, kumakain araw araw...so I don't have the right to ask WHY (hehe).

Naisip ko rin na dapat bago ako magreklamo sa paggising ng maaga, sa paulit ulit na pagkain sa mesa, sa paulit ulit na palabas sa tv, sa mainit na panahon o sa mga kahit anong simple at walang kwentang bagay, isipin ko muna dapat kung dapat nga ba ko magreklamo? For all I know,  habang nagiinarte ako sa mainit na weather ng Dubai, may isang taong nag-a-agaw buhay.  Na habang tinatamad ako kumain kasi isda na naman ang ulam, may mga batang nagkalat sa kalye at namumulot ng pagkain sa basura...speaking of basura, aminin man natin o mashadong makalat ang Pilipinas. ang mga tao walang disiplina pagdating sa basura. wag na rin natin sisihin ang gobyerno o intayin silang kumilos.  bat di natin simulan mula sa sarili natin.  sabi nga di ba, IF YOU WANT IT DONE RIGHT, DO IT YOURSELF!

this is really a wake up call for me.....sana sa inyo rin!

2 Any violent reactions?:

cAtHy said...

na bago mo sabihin gigising na naman bukas ng maaga, bakit dmo isiping sana magising ka bukas ng umaga..

maraming bagay na dapat ipag pasalamat kagaya ng:

ang pagkakaroon ng 3kl buhok (sa ulo..) lols ,na problema ng iba e wala silang buhok na kasing dami ng buhok mo..

at sobrang dami pang dapat iapg pasalamat..

carelesshush said...

ngayo ko lang napansin toh! nasa spam pala wahahhahaha

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting