as much as possible ayoko sana may TV sa bedroom. for me kasi ang bedroom is a place where you can rest..and TV is for living room ONLY. but i have to break that rule yesterday kasi si Madam Neneng (my nanny) ay laging nakakatulog sa sofa na bitbit si Gelo while watching TV. mga 100x ko na siguro nasabi na gumitna sa sofa at baka malaglag sila pag napasarap ng tulog but then parang di ata ako nauunawaan ng ishlayt..lol...so we've decided na i-fix na ang lumang tv sa aming bedroom para dun na lang sila tumambay ni Gelo at kahit makatulog ay for sure na nasa kama sila at di mahuhulog.
so nafix na nga si TV..eto ka na, naisipan ng habibi ko na i-test ang player at tv na sinet-up nya. sinalang yun old movie ni Ate Vi na ANAK...ayun awa ni Batman dis-oras ng gabi umiiyak ako sa palabas..bwahahahha!! nakailang ulit ko ng napanood yun movie na yun. namili pa nga ako ng DVD copy for my collection kasi gusto ko yun story. Kumusta naman yun, sa twing na lang papanoorin ko yung movie na yan e humahagulgol ako ng iyak...waaaaaaaa..kaya hate ko na si Ate Vi kasi lagi nya na lang ako pinapaiyak sa mga movies nya...ayoko na manood ng palabas ni Ate Vi...lols..boycott?! hahahaha
i can somewhat relate kasi. di naman dahil kasing-bad ako ni Carla (played by Claudine) but kasi DH si Mama nun sa Hong Kong at nakuuuu talagang kawawa naman mga katulong dun! nun nga nagbakasyon kami sa Hong Kong may tinuro si Mama samin na taga-kabilang bldg at nasa lower floor kaya tanaw namin yun kitchen. late na pero si kabayan kudkud pa rin ng kudkud ng kitchen, dun daw kasi natutulog yun filipina na yun..kawawa diba? alam kaya ng family nya sa Pinas na sa kusina sya natutulog...na dun sa malamig na tiles naglalatag si ate? tas ang pamilya sa pinas pag na-delay ang padala magiinarte pa, hmf! mga spoiled!
minsan nga nakakatuwang-nakakairita e. nung nasa pinas yun anak o asawa nila, nakakatiis sila sa kakarampot na kita. nung mag-abroad at nakapagpadala ng malaki saka pa aangal yun mga nasa pinas na short na daw yun budget nila. anakngpating oo! alam kaya ng mga nasa Pinas kung gano kahirap maging OFW? yun tipong gusto mo na ibitin patiwarik yun boss mo o katrabaho but pinipigilan mo sarili mo kasi iniisip mo yun pamilya mo sa pinas. yun tipong gusto mo na mag-asawa pero medyo pinagiisipan mo pa kasi nga may mga nag-aaral ka pang kapatid o kaya may sakit si inay o si itay na kelangan ng sustento sa pagpapagamot.
hay ang mga matitino at martir na OFW..pwede mo na ipagpatayo ng monumento...tsk! pero dun sa mga nagloloko sa abroad, gudlak sa inyo! hehehe
eniweiz, kaya ayun kagabi imbes magtumbling ako sabay split..ayun singhot ako ng singhot kasi nga nagiiyak ako sa palabas...nagsisi tuloy yun habibi ko at kung bakit daw ba kasi naisalang pa si pesteng dvd...wahahahahah..
at eto pa ang abnormal kong habibi, iniintay yun part na sasabihin kay Vilma yung linyang AKALA MO LANG WALA...PERO MERON, MERON MERON! hahaha...sabi ko dun yun sa Bata, Bata Pano Ka Ginawa na movie...sagot naman ng habibi ko...Eh bat di na lang tayo kaya gumawa ng bata??
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 Any violent reactions?:
nakaka relate..
ayaw kong watch yan kse naka maleta na ung dvd.. ay i-dl ko nlng para maponood ko.. ayaw kong umiyak!! d ito ung hinihintay kong role now a days gusto kong i try ung pa sweet na teenager na nagpapligaw sa kanto.. wahahha.. ala lang trip ko lang mag dadakdak dito. lols
sa ilalabas mong libro (bong ong) e libre ang dakilang taga basa mo.. wahahahha
salamat sa pagbisita..lols
at talagang libreng book pa rin ang rekwes mo friend!
haha wag muna gagawa ng bata... katatapos nyo lang utang na loob... heheh!
eniwey trulala lahat ng iyong sinabi, akala nila masarap maging OFW, akala nila namumulot ka ng pera sa bawat paghakbang mo haizzz....
@jo---hoooy
nagmamadali kami! may taxi kasing nagiintay bwahahahaha
plus the fact na naghahabol na at tumatanda..ang matris baka kumunat wahahahahahahha
potek! may lalaim ka din pala! ang saya pag ganito ang blog.
Post a Comment