Day 55: Ondoy

Nakakatakot...Nakakakilabot...Nakakapanghina...When I first saw the footages di ako makapaniwala na sa loob ng 5 hours magagawang "lunurin" ng ulan ang Marikina at iba pang bahagi ng Manila. Na mangyayaring tangayin ng baha ang sandamakmak na sasakyan sa kalsada.

Para ngang palabas sa Hollywood o kaya e parang may naglalaban na superhero at villain at pinabaha ang Manila!

Thankful ako na OK naman ang family ko.  Taga-Parang, Marikina sina Papa ko at salamat naman at ligtas sila. Lagi kong pinagdadarasal yun safety ng family ko saan mang sulok ng mundo. Pero naaawa ako sa mga taong naapektuhan ng bagyo. When I saw Jenica on tv, naiiyak ako sa pagre-recall nya ng pangyayari.  This tragedy only proves na walang mayaman, walang mahirap. Lahat pantay-pantay kahit pa sa sakuna. Kaya dapat magtulungan ang lahat ng Pinoy na makaahon sa panibagong dagok sa Pilipinas....hayst! Hindi yun nagpopost ng status sa Facebook ng kung ano ano tulad ni Jacque B., ayan tuloy wanted na sya sa Dubai hahahah.

2 or 3 weeks before dumating ang bagyong Ondoy sa Pinas, meron akong sariling bagyong pinagdaraanan.  Isang 'bagyo' na di naman dapat sakin, pero sabi nga ni tita Mel Tianco "Help not because it feels good but because we should!".  Isang mala-Ondoy na effort ang ginawa ko para malagpasan ang pagsubok na binigay sa isang taong malapit sakin.  I nearly came to a point na parang gusto ko na magtanong ng...WHY o di kaya eh SAAN, SAAN AKO NAGKAMALI? (LOL) pero naisip ko na binigay samin ang pagsubok dahil kaya namin malagpasan ito. Kaya hala, kahit magpaka-DARNA ginawa ko na para lang talagang mapatunayang...KAYA KO TOH, KID! (ika nga ni Joliibee!).

During the times na namomroblema ako as in stressed ako EMOTIONALLY, PHYSICALLY, MENTALLY esp. FINANCIALLY may isa akong kaibigan na ang tanging problema ay ang pagnipis ng buhok nya at pagiging flat chested nya (hahaha). naisip ko sana ganun lang kasimple ang problema ko.  Pakiramdam ko kasi super-bigat na ng dala ko.

Now, nangyari ang Ondoy sa Pinas. Narealize ko na kumpara sa kanila, tuldok lang ngayon ang problema ko. Kumpara siguro sa iba, walang wala itong problema ko. PERA lang toh!

Ngayon narealize ko na ng sobra-sobra na dapat ako lagi magpasalamat kay Papa God dahil kahit anong problema ang dumarating samin (ke problema ko o problema ng iba na pinapaproblema pa sakin, hehe) nakakayanan namin lampasan. Healthy ang family ko most eps. my kids, may maayos kaming bahay, kumakain araw araw...so I don't have the right to ask WHY (hehe).

Naisip ko rin na dapat bago ako magreklamo sa paggising ng maaga, sa paulit ulit na pagkain sa mesa, sa paulit ulit na palabas sa tv, sa mainit na panahon o sa mga kahit anong simple at walang kwentang bagay, isipin ko muna dapat kung dapat nga ba ko magreklamo? For all I know,  habang nagiinarte ako sa mainit na weather ng Dubai, may isang taong nag-a-agaw buhay.  Na habang tinatamad ako kumain kasi isda na naman ang ulam, may mga batang nagkalat sa kalye at namumulot ng pagkain sa basura...speaking of basura, aminin man natin o mashadong makalat ang Pilipinas. ang mga tao walang disiplina pagdating sa basura. wag na rin natin sisihin ang gobyerno o intayin silang kumilos.  bat di natin simulan mula sa sarili natin.  sabi nga di ba, IF YOU WANT IT DONE RIGHT, DO IT YOURSELF!

this is really a wake up call for me.....sana sa inyo rin!

Day 54: Kaput

Sorry for the inconvenience.




You've stumbled upon an EXPECTED, RECURRING problem. Performing your stunt again i.e. :tumbling: SABAY  :split:   SABAY HAWI NG BANGS, in a few moments will likely resolve your problem. If not, we suggest you try transforming yourself.........:darna:



If the problem persist, feel free to jump over the cliff! I am sure nobody will look for you cause nobody F-ing cares!!



Thanks.



Your truly,

Your Alter-Ego

Day 53: Exhaustion

iba't ibang pangyayari...iba't ibang tao...pero iisa ang epekto..iniimbyerna ako!

i didn't mean to complain. it is just that parang feeling ko nade-drain ang energy ko to the highest level and ang sinumang mang-imbyerna sakin ay for sure na masasaktan.

i have my own issues to attend to..my own drama to deal with...my OWN...*sigh*

naranasan nyo na ba yung eksenang feeling mo paulit-ulit na lang at walang katapusan yun pangyayari? ayoko ng ganito. in fact, isa sa mga dahilan kaya ayaw ko sumasakay ng merry-go-round, carousel at lalo na ng ferris wheel..AYOKO NG PA-IKOT-IKOT...ayaw!!!!

- - - -

bakit may mga taong mahilig magmaganda? ow,  hindi ko alam kung nagmamaganda o nagmamagaling o nagmamaasim or WHATEVER! few years ago sabi ng husband ko sakin, ang hilig ko daw sumimangot. sabi ko - - WHAT'S WRONG WITH THAT?...ngayon may tao akong laging nakikitang nakasimangot for some reason e feeling ko ako lang ang sinisimangutan nya..NAKAKAINIS! ngayon naiintindihan ko na husband ko when he said na nakakainis ang pagsimangot ko. kabuset nga namang makakita ng taong nakasimangot ng di mo alam kung bakit busangot!

di ko alam kung sadyang may edad lang kaya masungit o sadyang insecure at hindi nya ko feel makita sa paligid nya..well, good news for her..the feeling is MUTUAL..i don't wanna see her too...kalas!

- - - -

alam nyo rin ba yun feeling na mapunta sa isang sitwasyon na kahit ayaw mo e wala kang magagawa kasi ganun talaga ang dapat mangyari..yun talaga ang dapat gawin? hay, i am in a situation na ayoko sana, kaya lang ano naman magagawa ko e kelangan ko pagtyagaan at NO CHOICE ako.

- - - -

paggising ko kaninang umaga (5:30am)..isang TXT ang sumira agad ng araw ko. isang text mula sa isang stupid na tao na ang galing mag-assume! sabi ng stupid na texter: ARISA, TUMATAWAG ANG  - - - - - -  HINDI MO SINASAGOT....well, you stupid texter..just want you to know 3 things OK!?

1. ARIZA ang name ko at hindi ARISA...di ako tumatanggap ng excuse kasi kahit itanong mo sa Kinder iba ang Z sa S! capiche?! (i know it is nonsense to make a big deal out of it, pero wakoker! gusto ko mgalit bwahahaha! plus hindi ako tumatanggap ng paliwanag ng ganun kaaga..lols)

2. Hindi ko alam kung anong klaseng cellphone meron ka pero i tried to call you several times pero di ko makontak ang mahiwaga mong phone! Don't assume na hindi ko sinasagot ang phone porke lang hindi ko nasagot during your call. In fact, i texted you with HU U kasi interesado akong malaman kun sino yun tumatawag sakin. Kung iniiwasan ko ang call mo or anybody from ------ hindi ko na itetext and will just totally ignore it. Intiende?

3. I have my own life and career..meaning, hindi ako nakatutok sa telepono ko at nagiintay ng tawag ng kahit sinong makaisip i-dial ang number ko.  Nagtatrabaho rin ako, just so you know!

so with the above at sa tinext ko sayo kanina, siguro naman hindi ka na magtataray o mag-a-assume ng isang bagay na hindi ka naman sigurado. you could have texted me ng  SI CHUVA TOH, I WAS TRYING TO CALL YOU RE BLAH BLAH BLAH..PLEASE CALL ME BACK ASAP!...

- - - -

obviously galit ako dun sa texter kasi nagdadagdag pa sya sa iniisip ko..hay life!!!!! sabi nga IF LIFE GIVES YOU HUNDRED REASONS TO CRY, SHOW LIFE THAT YOU HAVE MILLION REASONS TO SMILE!!!

Day 52: The Cross I Have To Bear

Complainingly I told myself,
“This cross was too heavy to wear!”
And I wondered discontentedly
Why God gave it to me to bear.

I looked with envy at others
Whose crosses seemed lighter than mine,
And wished that I could change my cross
For one of a lighter design.

Then in a dream I beheld the cross
I impulsively wanted to wear ...
It was fashioned of pearls and diamonds,
And gems that are precious and rare.

And when I hung it around my neck,
The weight of the jewels and the gold
Was much too heavy and cumbersome
For my small, slender neck to hold.

So I tossed it aside, and before my eyes
Was a cross of rose-red flowers;
And I said with delight as I put it on,
"This cross I can wear for hours."

For it was so dainty and fragile,
So lovely and light and thin;
But I had forgotten about the thorns
That started to pierce my skin.

Then in a dream I saw my cross ...
Rugged and old and plain;
The clumsy old cross I had looked upon
With discontented and disdain.

And at last I knew that God had made
This special cross for me;
For God in His great wisdom
Knew what I before could not see ...
That often the loveliest Cross
Are the heaviest crosses to bear;
For only God is wise enough

To choose the cross each can wear.

So never complain about your cross,
For your cross has been blessed;
God made it just for you to wear
And remember ... God knows best.


~ Helen Steiner Rice ~

Day 51: A fact of life

My day began with nerve racking news.  Now, to get rid of this pressing issue in my head…which is actually a fact of life...I decided to just write in my blog..waste my precious time thinking of what  ‘kalokohans’ I have done recently that I can share to everybody….again, I know there are only about 5 people who read my blog….but who cares?! Who the hell cares?

The class started already in some school, at least. Chloe’s school will start next week. He still has few more days to jump around the house. This morning I saw some kids dressed in uniforms waiting for their school bus. The little Indian boys look so cute in their neatly tucked uniform with their trolley bag beside them and a lunch box on their hand. 

Seeing them actually made me sing…..

One little two, little three, little Indians

Four little five, little six, little Indians

Seven little eight, little nine, little Indians

Ten little Indian boys.



Ten little, nine little, eight little Indians

Seven little, six little, five little Indians

Four little, three little, two little Indians

One little Indian boy.



By the way, today is 09.09.09..sabi nila lucky daw…feeling ko naman hindi…hayyy!!! Ayan napa-English tuloy ako..boring tuloy post ko..pero pinaghirapan ko na yun English ko kaya ipopost ko na rin..lols..

Mag-enjoy na lang sa palabas...





Day 50: I hate Ate Vi!

as much as possible ayoko sana may TV sa bedroom. for me kasi ang bedroom is a place where you can rest..and TV is for living room ONLY. but i have to break that rule yesterday kasi si Madam Neneng (my nanny) ay laging nakakatulog sa sofa na bitbit si Gelo while watching TV. mga 100x ko na siguro nasabi na gumitna sa sofa at baka malaglag sila pag napasarap ng tulog but then parang di ata ako nauunawaan ng ishlayt..lol...so we've decided na i-fix na ang lumang tv sa aming bedroom para dun na lang sila tumambay ni Gelo at kahit makatulog ay for sure na nasa kama sila at di mahuhulog.

so nafix na nga si TV..eto ka na, naisipan ng habibi ko na i-test ang player at tv na sinet-up nya. sinalang yun old movie ni Ate Vi na ANAK...ayun awa ni Batman dis-oras ng gabi umiiyak ako sa palabas..bwahahahha!! nakailang ulit ko ng napanood yun movie na yun. namili pa nga ako ng DVD copy for my collection kasi gusto ko yun story. Kumusta naman yun, sa twing na lang papanoorin ko yung movie na yan e humahagulgol ako ng iyak...waaaaaaaa..kaya hate ko na si Ate Vi kasi lagi nya na lang ako pinapaiyak sa mga movies nya...ayoko na manood ng palabas ni Ate Vi...lols..boycott?! hahahaha

i can somewhat relate kasi. di naman dahil kasing-bad ako ni Carla (played by Claudine) but kasi DH si Mama nun sa Hong Kong at nakuuuu talagang kawawa naman mga katulong dun! nun nga nagbakasyon kami sa Hong Kong may tinuro si Mama samin na taga-kabilang bldg at nasa lower floor kaya tanaw namin yun kitchen. late na pero si kabayan kudkud pa rin ng kudkud ng kitchen, dun daw kasi natutulog yun filipina na yun..kawawa diba? alam kaya ng family nya sa Pinas na sa kusina sya natutulog...na dun sa malamig na tiles naglalatag si ate? tas ang pamilya sa pinas pag na-delay ang padala magiinarte pa, hmf! mga spoiled!

minsan nga nakakatuwang-nakakairita e. nung nasa pinas yun anak o asawa nila, nakakatiis sila sa kakarampot na kita. nung mag-abroad at nakapagpadala ng malaki saka pa aangal yun mga nasa pinas na short na daw yun budget nila. anakngpating oo! alam kaya ng mga nasa Pinas kung gano kahirap maging OFW? yun tipong gusto mo na ibitin patiwarik yun boss mo o katrabaho but pinipigilan mo sarili mo kasi iniisip mo yun pamilya mo sa pinas.   yun tipong gusto mo na mag-asawa pero medyo pinagiisipan mo pa kasi nga may mga nag-aaral ka pang kapatid o kaya may sakit si inay o si itay na kelangan ng sustento sa pagpapagamot.

hay ang mga matitino at martir na OFW..pwede mo na ipagpatayo ng monumento...tsk! pero dun sa mga nagloloko sa abroad, gudlak sa inyo! hehehe

eniweiz, kaya ayun kagabi imbes magtumbling ako sabay split..ayun singhot ako ng singhot kasi nga nagiiyak ako sa palabas...nagsisi tuloy yun habibi ko at kung bakit daw ba kasi naisalang pa si pesteng dvd...wahahahahah..

at eto pa ang abnormal kong habibi, iniintay yun part na sasabihin kay Vilma yung linyang AKALA MO LANG WALA...PERO MERON, MERON MERON! hahaha...sabi ko dun yun sa Bata, Bata Pano Ka Ginawa na movie...sagot naman ng habibi ko...Eh bat di na lang tayo kaya gumawa ng bata?? :lol::olrayt:
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting