Day 31: Magulang ka!

(Mood: Serious..beware..nakakabato basahin..haha)

wala akong magawa kagabi kaya naisipan kong basahin ulit yun book ni Bob Ong na BAKIT BALIKTAD MAGBASA ANG MGA PILIPINO?..teka parang lagi akong walang magawa noh? hehe..nabanggit nya dun yun mga style ng pananakot ng mga magulang natin nung bata pa tayo, particularly, mga nanay natin. at ang pag-iimplement ng mga rules na ewan kung saan nadampot, haha. nung una ko tong nabasa, natatawa ako, pero dahil sa pangyayari 2 days ago,  parang naunawaan ko ng slight kung bakit nagkakaron ng Martial Law sa loob ng isang tahanan, hehe.

di sinasadya pero parang automatic siguro sa isang magulang lalo pag lumalaki na ang anak mo na mag-set ka na ng rules at turuan ng GMRC ang bata. nitong nakaraang araw, napag-init ng panganay ko ang aking ulo to the highest level! pinadalan lang naman ako ng teacher nya ng sulat at nirereklamo ang behavior nya sa school! aaminin ko na napalo ko at nasigawan (using my uber-high pitch tone) si Kulet dahil ilang beses ko na syang kinausap about his behavior sa bahay at sa school but he wouldn't listen. actually, he is just 7 years old so understandable na andun sya sa stage ng kakulitan at walang care sa paligid. pero.....

part ng utak ko sinasabing 'bata pa sya, unawain mo' pero the other part is saying 'kelan mo sya tuturuan ng tamang leksyon, kung di pa ngayon?' bukod sa complain ng teacher, isa rin syang pasaway sa bahay. nahahati ako sa awa sa anak ko habang umiiyak (tho isang palo lang naman sa braso at sa paa ang ginawa ko) pero mas nakakaawa ata sya kung kalalakihan nya ang mga maling ugali nya diba? isa sa mga trait ng anak ko ay ang kahusayan nya sa pangdededma (hehe). he'd just say opo and di na po ako uulit whenever pinapagalitan mo (i guess lahat naman ng bata ganun) pero makalipas ang 5 minutes at naramdaman nyang OK ka na, feeling nya OK na rin na ibalik nya ang kakulitan nya.

ayoko tratuhin ang anak ko ng parang matanda dahil gusto ko enjoyin nya ang kabataan nya. pero pano ko gagawin yun ng di ko nakakaligtaan ang pagtuturo ng tamang manners sa kanya? hmmm..aktwali, 7 months ko pa lang nakakasama ng full time si Kulet. 9 months pa lang sya nun iniwan ko sya sa mother-in-law ko. alam kong hindi mababago in 7 months ang mga bagay na nakasanayan nya sa loob ng 7 years! para kaming bagong mag-asawa na nag-aadjust sa isa't isa. ayoko sya lumaki na takot sakin, gusto ko yung may love-love moments kami every now and then...pero paano?

gusto namin mag-asawa na lumaki ang mga babies namin na kaya makihalubilo sa kahit sinong tao, kayang makipagsabayan sa kahit anong klaseng tao. pero alam nyo bang walang alam na street games ang anak ko. as in kahit patintero o sipaang bola o jolen o kahit anong pang-jologs na laro ay di nya alam! susmio! dumaan ba sya sa kabataan?! hehehe.. ayaw kumain ng gulay (which is again normal sa mga bata) o kahit anong pagkain bukod sa fried chicken, itlog, hotdog o kahit anong pritong pagkain na wala gaaanog sustansya? ni hindi nga marunong mag-CR, maligo o kumain yun magisa noon. dinaan ko sa dahas para matutunan nya ang mga bagay-bagay hahahah..altho may yaya sya ayoko syang maging depende sa yaya..sabi nga ni Rosa Rosal---'maigi na ang mga bata ay may alam sa bahay kahit pa may katulong, para di sila pagmalakihan ng mga katulong nila'..at para lumaki silang kayang tumayo sa sariling paa...hay

hay ngayon ko naiisip na mahirap pala talaga maging magulang. ngayon ko naiisip kung bakit kailangan ako pagalitan ng nanay ko noon dahil sa kakulitan ko. isa sa mga madalas sabihin ng nanay ko sakin nun --- "PAHALAGAHAN MO BAWAT PISONG HAWAK MO, DI KO YAN BASTA BASTA NAPUPULOT"..nun myembro pa ko ni Pilosopo Tasyo, isasagot ko lang dyan, 'e madali naman makapulot ng piso' pero ngayon alam ko na ang kahulugan ng linyang yan at isa yan sa mga aral na gusto ko ipasa sa anak ko...

sa twing titingnan ko ang anak ko, naghuhumiyaw ang mga salitang ---

"MAGULANG KA NA!"

"RESPONSIBILIDAD"

"PANG-UNAWA"

"PAG-AALAGA"

"PAGMAMAHAL"

at marami pang ibang salita....isang napakalaking responsibilidad pala talaga ang maging magulang...so help me God! at teka ha, 1 pa lang anak ko nyan, nagrereklamo na ko! susmio!

wish ko sa birthday ko...mapalaki ko ng maayos ang mga magiging anak ko..hehehe...ayoko naman kasi na paglaki nya at isa na rin syang blogger, ang mga bagay na kukwento nya tunkol sa nanay nya ay isang kahindik-hindik na storya, hahahah...baka naman i-ban ko sya sa blogosperya nun!

4 Any violent reactions?:

ka bute said...

until now di ko pa rin maintindihan kng bakit ganun ung title ng book na un? hehehe. parang gusto atang sabihin, "bakit bobo ang mga pilipino?" ;)

carelesshush said...

@kabute

lols ishlayt na ganun nga yata hehe

thnx for droppin by!

Jenn Besonia said...

@kabute -> It's another term for "Bakit hindi marunong sumunod sa batas ang mga pilipino?"

@carelesshush -> Wag mo na po paluin anak mo. Kausapin mo na lang sya ng maayos. Ipaliwanag mo kung bakit hindi dapat ganun yung gagawin nya. pero syempre, sabi mo nga sobrang kulit ng anak mo....mmm. Bigyan mo na lang sya ng premyo pag nagpakabait sya! :) Sa ganung paraan, mamomotivate sya magpakabait.

carelesshush said...

@jenn
hi thanks for dropping by! yeah...i don;t feel good din naman pag pinapalo ang bata..its just that sometimes u have to :(

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting