Day 30: Boredom kills the charosera!

(warning: isang kilometrong entry ito..kung walang tyaga, wag na magsimula..hehe)


Tulad ng napakaraming araw na nagdaan wala na naman ako magawa kaya naisipan ko maglibot-libot sa internet.  Sa totoo lang ayoko ng ganito kasi nakakalaki ng pwet ang maghapong pag-upo. Aba’y buti sana kung magiging matambok tulad ng kay J-Lo eh ang kaso hindi..ito ay magiging isang malaking flat na pwet lang kasi nga for 8 hours nakaupo lang ako! hehe..Mamanasin pa ko ng lagay na toh e…pero sabi nga ng boss namin magpasalamat na lang kami na kahit naiinip kami at least employed pa rin kami. Sa dami ng lay off na nangyayari sa paligid maigi na toh kesa maging unemployed ako diba, hehe..

At eto nga, sa aking paglilibot ay napagtanto ko ang mga sumusunod:

  • Darating sa Dubai ang aking hinahangaang si Paulo Coehlo para sa Emirates Airline International Festival of Literature na gaganapin mula Feb 26 hanggang March 1. Di ko lang alam kung anong date sya magiging open for book signing o kung magkakaron nga ba ng book signing pero wish ko lang na magkaroon at makapunta sana ako sa Dubai Festival City kung saan gaganapin ang event…hmmmm

  • Ang Cirque du Soleil ay nasa Dubai mula March 5 hanggang April 5! Isa ito sa mga event na pagiisipan ko kung pupuntahan namin o hindi, hek hek. Affordable naman yun price ng ticket pero...depende kung sisipagin ako, har har har!

  • Hindi pinayagang makapasok dito sa UAE ang Israeli tennis player na si Shahar Peer kasi wala daw diplomatic ties ang UAE sa Israel. Charosera mga UAE officials, hehe..well, actually hindi talaga pwede ang kahit sinong tao o hayop man na pumasok sa UAE kapag isa kang Israeli o kaya kahit napadaan ka lang sa lupain ng Israel..isa kasi sa mga matinding supporter ng Palestine ang UAE..naalala ko nga noon yun dati kong boss, nagmagandang magtour sa Jerusalem. Ayun pagbalik dito sa UAE at may tatak sya sa passport from Jerusalem, hindi sya pinapasok ng Immigration bwahahahah..bumalik na lang muna sya ng Canada at nag-renew ng passport nya..hahaha..abnormal kasi!

  • Nabalitaan nyo naman na siguro yun tunkol sa octuplets? Well, the octuplet mom’s publicist calls it quits! Duh, finally! Para sakin napaka-irresponsible nya at selfish sa pagdedesisyon na gumawa pa ng mas maraming bata. Hindi na nga nya maasikaso pa yun 6 anim nyang anak! Hay!

  • May bagong lalabas na book si Bob Ong at ang title ay Kapitan Sino . Kapag lumabas na toh sa market, malamang orderin ko na naman sa Divisoria.Com ala kasi dito nagbebenta ng tagalog books..hmf! 

Now speaking of Bob Ong..naalala ko na may mga nakakatuwa syang quotes. Although, malamang nabasa nyo na sila ng paulit-ulit, ilalagay ko pa rin dito para pandagdag sa entry ko ngayong araw na ito....bwahahahah..ker nyo eh blog ko toh?!

Heto ang ilan sa mga nagustuhan ko na sabi daw ni Bob Ong:

"Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher."


"Iba ang informal grammar sa mali!"


"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko"


"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo,lima,sampung taon sa hinaharap, magiiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareho dahil lang kaboses nya si Debbie Gibson o magaling sya mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit kaninuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumuka ring pandesal. Maniwala ka."

Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko eh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan."

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kungdi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon kung magaling kasa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't ibang paraan. Tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan."

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam nyang hindi lahat sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Walang taong manhid. Hindi lang nya talaga maintindihan kung ano ang gusto mo iparating dahil ayaw mo syang diretsuhin"


“Kung magmamahal ka ng pangalawa, iwan mo yung una. Hindi ka naman kasi magmamahal ng pangalawa kung minahal mo talaga yung nauna”


O diba asteeg yun panghuli! May point sya dyan ng bonggang-bongga, hahaha!  Oi ni-retype ko talaga lahat yan para ubos-oras haha.

Malapit na pala ang birthday ko..ina-announce ko talaga na sa Saturday na sya! haha..kaya batiin nyo ko huh! LOLS! i'll be 18 by then..lols..charosera...ende...i'll be 29 na this coming Saturday..naalala ko last year as a birthday gift sinama ako ng aking habibi sa kanyang business trip sa Pinas. last year, sa Pinas pa naka-base ang panganay namin na si Kulet. am so excited nun time na yun kasi almost 2 years na rin kami hindi umuuwi and miss ko na ang aking unico hijo. i got a chance to see my youngest niece for the very first time din (sya yun nasa profile ko, hehe). kakaiba ang last year, mayaman ako last year, hahahaha...pero this time mas mayaman pa ko kasi, dala-dala ko ang aming second angel..2 months pa bago ko sya ilabas pero seksayted na ko..weeeee..sa sobrang excitement nga namili na kami ng mga gamit ng bebe namin kagabi, haha..habol sana ko sa last day ng Dubai Shopping Festival sale kaso lang nun last Saturday pa pala ang last day..bwahahaha..malas talaga!


ayan naku 11am pa lang dito, 7 hours pa kong uupo at ngangata ng almonds? huwaaaaaaaaa..nakakainipppppppppp......damn am so bored!


Pahabol: Mukang engot ang format ng entry ko pero wakoker hahaha...la naman mashado nagbabasa dito..bwahahahahhaha

















0 Any violent reactions?:

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting