Day 27: Magdiet ka, now na!

orayt, this is it! magdiet daw ako sabi ng aking dietician na si Mr. Shafiq. as much as i enjoy eating rice pero kelangan ko daw itong bawasan. mula sa isang bandehadong kanin na kinukunsumo ko sa isang araw kelangan daw at least 18 - 21 kutsara na lang ang pwede kong kainin sa isang araw along with some 'damo' este vegetables pala na low in starch! hmf! ..now i wonder, yun caller ko kaya from IRRI ay may kinalaman sa desisyon na ito ni Mr. Dietician?!..hmmmm...

teka, bakit ba ako nagpunta sa dietician? di naman ako sosyalin para makipagmeet sa dietician ng wala lang diba, hehe. at di naman ako health conscious para mag-aksaya ng isang oras at kalahati sa harap ng indianong dietician na sa haba ng sinabi eh isa lang naman ang naintindihan ko..MAGDIET KA! hahahahaha....ok, ang main reason  kung bakit kinailangan kong makipagmeet kay Mr. Shafiq (the dietician) ay sa kadahilanang inutusan ako ng aking OB/GYN na si Dr. Ulrich 'Gwapo" Honeymeyer na makipagkita sa kanya. sa mga di pa nakakaalam, ako po ay 26 weeks pregnant na at mataas ang aking glucose level according sa latest GCT result ko! mula sa normal rate na 3.0 - 8.3 ang aking glucose level ay nasa 8.6! nakakainis hindi ba?! may 0.3 pang sumingit! e di sana pwede ako kumain ng kahit sandamakmak na blueberry o chocolate muffin, magpakasaya sa chocolate croissant at magpakasawa sa isang bandehadong kanin?!

ngayon ang challenge sakin ay eto: MAGDIET KA O MA-CAESARIAN KA!? at kahit hindi na ulitin pa ng isang beses ang tanong na yan ay pipiliin ko ang magdiet! ang mahal kaya ng CS dito, akalain nyong nasa PhP180,000 wala pa yun miscellaneous dun! hay buhey! so anyway, imagine nyo naman na ang isang kakapuranggit na taong tulad ko, na may kakayahang umubos ng 1 bandehadong kanin at sankaterbang ulam (ke oily sya o hindi) ay uutusang kumain ng at least 21 kutsarang kanin lang kasama ng mga gulay (na hindi ko nakilala as pagkain until now) o di kaya daw ay kumain ako ng yogurt at gawin kong  dressing ng mga damo vegetable salad ko..waaaaa talaga! PERO dahil makulit ako tinanong ko si Mr. Dietician kung pwede ba yogurt + fruits na lang, eto lang ang matunog nyang sagot --- 'NO, VEGETABLE IS A MUST!' anak ka ng dietician oo!

ok fine, magda-diet na nga! para raw naman toh sakin at sa lumalaking butchokoy sa aking sinapupunan (oi, may sinapupunan ako, kalain mo?! haha)...sige payag na ko na hanggang 21 na subo lang ng kanin ang gagawin ko sa araw-araw pero sandok ang gamit ko at hindi kutsara, nyahahahah!!!!!

6 Any violent reactions?:

The Gasoline Dude said...

Hahaha ako din kelangan mag-diet napapalakas na naman ang kain ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ako nag-rice for about two weeks, pero hindi ko kinaya. Susubukan ko ulit na hindi mag-rice next month. *LOLz*

carelesshush said...

@Gas Dude

haha gudlak! ako nga eto 2nd day pa lang eh di ko na keri..huwaaaaa..kelangan ko ng matinding powers! hmf!

thanks for dropping by!

xG said...

ahm
natakot ako
hahahahaha

ok payn!
pero ayaw ko magdiet
ang sarap kumain
:3

pero kung para magkaron ng baby?
aba
gogogo!
gudlak sa baby

:D

carelesshush said...

@XG
wowoowowow!!!! very, very long time Ms. XG!!!!!

how is you?!!

5months na ang baby ko ngayon and thankfully nag-diet ako kasi kung hindi uber-laki nya. 8.9lbs sya nun nilabas ko! lols..ayoko naman maging headline sa dyaryo tulad nun bata sa Indonesia..nilabas ng 19kgs?!!

:) thanks for droppin' by!

Mb said...

'm 4 weeks preggy now and is planning to see Dr. Ulrich, is he a good OB? thanks!

carelesshush said...

hi MB :). well, yes he is. pero hindi sya masyadong masalita and nakakaintimidate yun laki nya haha. but if you have any questions, don't hesitate to ask him, he's nice and very approachable :).

Goodluck on your pregnancy!! Am sure Dr. Gwapo will take care of you.

thanks for dropping by!

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting