sabi kasi ni Pajay mag-update na daw ako. since masunurin naman ako kaya eto kahit walang wenta mag-a-update daw ako..hahahah!
naging busy lang naman ako these past few weeks kasi tinatapos ko ang Twilight Saga. talaga namang kinarir ko sya ng bonggang-bongga. ayan problemado tuloy ako kung sino kina Edward at Jacob ang type ko..hahaha..feeling Bella?! ever since di ko ginugusto yun bida sa movie or story kasi alam ko marami ako kaagaw so i always settle sa mga supporting lang...supportive kasi ako, pramis! haha..nung sa Harry Potter, nagustuhan ko na si Rob Pattinson (Cedric Diggory) kasi namatay sya dun eh (lol) kumbaga dramatic ang ending ng role nya. heroic ba? pero this time sa Twilight gusto ko pa rin sya, tho 1000% sure na di na sya mamamatay kasi nga immortal sya diba? hehe
speaking of immortality, isn't it cool kung immortal ka? wow, dadaanan mo lahat ng generations! para kang atsara, preserved na preserved ka but WITHOUT PRESERVATIVES! haha. pero one thing na nakakalungkot sa pagiging immortal, mamamatay na lahat ng kakilala mo pero ikaw buhay pa rin, you can't even stay in one place kasi mahahalata nilang you're not aging..hmmm...so meaning isa kang NPA..tsk! CURIOUS tuloy ako kung anong feeling ng isang IMMORTAL!
anyways, talagang walang pumapasok sa utak ko today. gusto ko lang mag-BLOG kasi wala rin naman akong gagawin dito sa office, hmf! damn this recession! di lang economy ang nag-slow down pati na rin ang trabaho sa office..hay! gusto ko na lang sana magtumbling-tumbling dito sa office para maaliw ako kaya lang andaming kanto ng opisina namin, mahirap magsirko! haha
ay sabi pala ng receptionist namin, may tumawag daw kaninang umaga from IRRI asking about me. kinoconfirm daw ng calller kung talagang nagtatrabaho ako sa company na ito, which kinonfirm naman daw ng receptionist namin since harmless naman ang tanong! eto ka na, tinanong ko kung anong name nun tumawag...di daw sinabi nun caller..i also asked kung 'kabayan' ba yun tumawag baka naman kakilala kong gusto lang iconfirm kung andito pa ko sa Dubai pero indi daw kasi fluent daw mag-English at halatang ibang lahi...uhmmm..sino kaya yun?! instead tuloy isipin kong isang harmless verification lang ang lahat, nagiisip tuloy ako kasi bakit naman may tatawag at magcoconfirm ng employment ko dito? inisip ko tuloy yun mga pinagkakautangan ko baka naman hinahunting na ko..haha..teka..esep-esep....eh teka pano kung kikidnapin pala ako nun caller at inaalam lang kung dito pa nga ako nagtatrabaho..anak ng tokwa oo! makikidnap ako ng ganun-ganun lang?!
na-CURIOUS ako ngayon kung ano ang IRRI -- at sabi ni Google ito daw ay INTL. RICE RESEARCH INSTITUTE...huwat?! ano naman koneksyon ko sa IRRI? nakarating ba sa kanila ang balitang malakas ako kumain ng bigas kaya hina-hunting na nila ko? hahahah.. di naman ako nag-apply for any job sa kanila...sino kaya yun?! sabi ng ate ko baka daw hihingan ako ng donation para sa pataba ng palay..haha..o e teka baka naman may connection toh sa FERTILIZER SCANDAL..nakuuu ayoko maging controversial..lalo na kung connected ang senate...hahahah...hay, di ko talaga alam kasi ang IRRI ay ang LARGEST NON-PROFIT AGRICULTURAL RESEARCH CENTER IN ASIA..ano kinalaman ko sa agrikultura?! mainit nga ang kamay ko sa mga halaman! one time, nag-attempt akong mag-gardening, awa ng dyos ng mga halaman, isang araw lang silang namukadkad after that para silang na-massacre! haha..patay silang lahat!
heh, basta! wala ako kinalaman sa pageexperiment ng bigas kung pano sya pahahabain o paiiklin o patatabain..wahahah..basta ang alam ko lang masarap ang bigas pag naging kanin..bow! :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 Any violent reactions?:
hahahaha..
ang kwela ng Post mo...kulit ka rin pala..lol..
baka manager ng artista yung tumawag..nadiscover ka siguro dahil sa bagong pix mo dito...lolz..malay mo..hehehe
Salamat at pinakinggan mo ang request Ko...hahaha..
nice nice carelesshush...:P
@pajay
naktokwa naman! nadiscover ako?! para ano? model ng bigas? hahahaha…deym! ayus!
kuletz! :)
kamusta? hindi ko rin alam kung bakit di ka makapgcomment sa post ko... :)
Post a Comment