orayt, this is it! magdiet daw ako sabi ng aking dietician na si Mr. Shafiq. as much as i enjoy eating rice pero kelangan ko daw itong bawasan. mula sa isang bandehadong kanin na kinukunsumo ko sa isang araw kelangan daw at least 18 - 21 kutsara na lang ang pwede kong kainin sa isang araw along with some 'damo' este vegetables pala na low in starch! hmf! ..now i wonder, yun caller ko kaya from IRRI ay may kinalaman sa desisyon na ito ni Mr. Dietician?!..hmmmm...
teka, bakit ba ako nagpunta sa dietician? di naman ako sosyalin para makipagmeet sa dietician ng wala lang diba, hehe. at di naman ako health conscious para mag-aksaya ng isang oras at kalahati sa harap ng indianong dietician na sa haba ng sinabi eh isa lang naman ang naintindihan ko..MAGDIET KA! hahahahaha....ok, ang main reason kung bakit kinailangan kong makipagmeet kay Mr. Shafiq (the dietician) ay sa kadahilanang inutusan ako ng aking OB/GYN na si Dr. Ulrich 'Gwapo" Honeymeyer na makipagkita sa kanya. sa mga di pa nakakaalam, ako po ay 26 weeks pregnant na at mataas ang aking glucose level according sa latest GCT result ko! mula sa normal rate na 3.0 - 8.3 ang aking glucose level ay nasa 8.6! nakakainis hindi ba?! may 0.3 pang sumingit! e di sana pwede ako kumain ng kahit sandamakmak na blueberry o chocolate muffin, magpakasaya sa chocolate croissant at magpakasawa sa isang bandehadong kanin?!
ngayon ang challenge sakin ay eto: MAGDIET KA O MA-CAESARIAN KA!? at kahit hindi na ulitin pa ng isang beses ang tanong na yan ay pipiliin ko ang magdiet! ang mahal kaya ng CS dito, akalain nyong nasa PhP180,000 wala pa yun miscellaneous dun! hay buhey! so anyway, imagine nyo naman na ang isang kakapuranggit na taong tulad ko, na may kakayahang umubos ng 1 bandehadong kanin at sankaterbang ulam (ke oily sya o hindi) ay uutusang kumain ng at least 21 kutsarang kanin lang kasama ng mga gulay (na hindi ko nakilala as pagkain until now) o di kaya daw ay kumain ako ng yogurt at gawin kong dressing ng mga damo vegetable salad ko..waaaaa talaga! PERO dahil makulit ako tinanong ko si Mr. Dietician kung pwede ba yogurt + fruits na lang, eto lang ang matunog nyang sagot --- 'NO, VEGETABLE IS A MUST!' anak ka ng dietician oo!
ok fine, magda-diet na nga! para raw naman toh sakin at sa lumalaking butchokoy sa aking sinapupunan (oi, may sinapupunan ako, kalain mo?! haha)...sige payag na ko na hanggang 21 na subo lang ng kanin ang gagawin ko sa araw-araw pero sandok ang gamit ko at hindi kutsara, nyahahahah!!!!!
Day 26: Curious
sabi kasi ni Pajay mag-update na daw ako. since masunurin naman ako kaya eto kahit walang wenta mag-a-update daw ako..hahahah!
naging busy lang naman ako these past few weeks kasi tinatapos ko ang Twilight Saga. talaga namang kinarir ko sya ng bonggang-bongga. ayan problemado tuloy ako kung sino kina Edward at Jacob ang type ko..hahaha..feeling Bella?! ever since di ko ginugusto yun bida sa movie or story kasi alam ko marami ako kaagaw so i always settle sa mga supporting lang...supportive kasi ako, pramis! haha..nung sa Harry Potter, nagustuhan ko na si Rob Pattinson (Cedric Diggory) kasi namatay sya dun eh (lol) kumbaga dramatic ang ending ng role nya. heroic ba? pero this time sa Twilight gusto ko pa rin sya, tho 1000% sure na di na sya mamamatay kasi nga immortal sya diba? hehe
speaking of immortality, isn't it cool kung immortal ka? wow, dadaanan mo lahat ng generations! para kang atsara, preserved na preserved ka but WITHOUT PRESERVATIVES! haha. pero one thing na nakakalungkot sa pagiging immortal, mamamatay na lahat ng kakilala mo pero ikaw buhay pa rin, you can't even stay in one place kasi mahahalata nilang you're not aging..hmmm...so meaning isa kang NPA..tsk! CURIOUS tuloy ako kung anong feeling ng isang IMMORTAL!
anyways, talagang walang pumapasok sa utak ko today. gusto ko lang mag-BLOG kasi wala rin naman akong gagawin dito sa office, hmf! damn this recession! di lang economy ang nag-slow down pati na rin ang trabaho sa office..hay! gusto ko na lang sana magtumbling-tumbling dito sa office para maaliw ako kaya lang andaming kanto ng opisina namin, mahirap magsirko! haha
ay sabi pala ng receptionist namin, may tumawag daw kaninang umaga from IRRI asking about me. kinoconfirm daw ng calller kung talagang nagtatrabaho ako sa company na ito, which kinonfirm naman daw ng receptionist namin since harmless naman ang tanong! eto ka na, tinanong ko kung anong name nun tumawag...di daw sinabi nun caller..i also asked kung 'kabayan' ba yun tumawag baka naman kakilala kong gusto lang iconfirm kung andito pa ko sa Dubai pero indi daw kasi fluent daw mag-English at halatang ibang lahi...uhmmm..sino kaya yun?! instead tuloy isipin kong isang harmless verification lang ang lahat, nagiisip tuloy ako kasi bakit naman may tatawag at magcoconfirm ng employment ko dito? inisip ko tuloy yun mga pinagkakautangan ko baka naman hinahunting na ko..haha..teka..esep-esep....eh teka pano kung kikidnapin pala ako nun caller at inaalam lang kung dito pa nga ako nagtatrabaho..anak ng tokwa oo! makikidnap ako ng ganun-ganun lang?!
na-CURIOUS ako ngayon kung ano ang IRRI -- at sabi ni Google ito daw ay INTL. RICE RESEARCH INSTITUTE...huwat?! ano naman koneksyon ko sa IRRI? nakarating ba sa kanila ang balitang malakas ako kumain ng bigas kaya hina-hunting na nila ko? hahahah.. di naman ako nag-apply for any job sa kanila...sino kaya yun?! sabi ng ate ko baka daw hihingan ako ng donation para sa pataba ng palay..haha..o e teka baka naman may connection toh sa FERTILIZER SCANDAL..nakuuu ayoko maging controversial..lalo na kung connected ang senate...hahahah...hay, di ko talaga alam kasi ang IRRI ay ang LARGEST NON-PROFIT AGRICULTURAL RESEARCH CENTER IN ASIA..ano kinalaman ko sa agrikultura?! mainit nga ang kamay ko sa mga halaman! one time, nag-attempt akong mag-gardening, awa ng dyos ng mga halaman, isang araw lang silang namukadkad after that para silang na-massacre! haha..patay silang lahat!
heh, basta! wala ako kinalaman sa pageexperiment ng bigas kung pano sya pahahabain o paiiklin o patatabain..wahahah..basta ang alam ko lang masarap ang bigas pag naging kanin..bow! :D

Day 25: Bagong Simula
ayan 2009 na! HAPPY NEW YEAR EVERYONE!
super daming nangyari nung 2008 noh? may nga sumikat, may nalaos; may pinanganak, may namatay; may mga kumita; mas maraming nalugi...hay 2008...napakakulay ng storya mo!
in any case, so this is my first entry for 2009. gustuhin ko man na maging SENSIBLE ang entry na toh pero pinanganak akong walang sense so wag na kayo umasa, haha.
last Xmas nakatanggap ako ng gift from my special friend Cathy. niregaluhan nya ko ng book ng Twilight. alam nya kasi na hobby ko ang mangolekta ng libro at isa akong frustrated na librarian, haha. at first, ayoko sana basahin yung Twilight. isa kasi ako sa mga taong engot pagdating sa mga uso-uso na yan. ibig kong sabihin, alam kong IN ang Twilight (movie and book) pero hindi ko sya naiisipan basahin o panoorin. katwiran ko saka na lang pag di na sya uso. hahahaha. eto po ay sa kadahilanang ayoko lang makisabay (kunwari) o makiuso. wala lang abnormal lang ako, ipokrita in other words! hahaha. tapos pag di na uso, yun tipong alam na ng buong mundo ang storya saka pa lang ako mageengot na basahin o panoorin sya, waaaaaaaa...antanga di ba? weh, at least honest naman akong tanga ako, hihi.
anyway, kahit ayoko sana muna basahin si libro, sa kawalan ng magawa nun Holiday, naisipan ko na rin syang basahin. ayun natuwa naman ako! at aaminin ko there are times na kinikilig ako sa kaetchosan ni Edward at ni Bella. i even shed a tear nung andun na ko sa part na sumulat si Bella kay Edward kasi makikipagkita na sya kay James sa Phoenix! hay talaga nga naman oo! tsaka parang nakakatuwang nagsasabihan ng I LOVE U ang vampire at yun lablyf nya..hahah..la lang..natutuwa lang ako, ker nyo ba :p
at eto na dahil nga mahilig ako sa libro, syempre hindi pupwedeng di complete ang sequel..kaya sa weekend bibilin ko pa yung New Moon, Eclipse at Breaking Dawn. gusto sana iregalo pa sakin ni Cathy yung 3 kaya lang magiintay pa muna daw sya ng 3 pang occassion sa buhay ko bago nya yun bigay..waaaaaaa..sa Feb pa yun susunod na occassion kasi bday ko..since inipera akong tunay, bibilihin ko na sya sa Magrudys sa weekend..bwahahaha..
so ayan sinisimulan ko ang 2009 ko sa pagbabasa ng libro..sana naman matapos ang 2009 na medyo mas productive ang ginagawa ko diba? hehe..sana naman matapos na tong credit crunch na toh at naku naman talaga! sabi sa chinese horoscope..by November daw maganda na ang takbo ng career ko..teka paurong kaya o pasulong ang takbo nya?? hmm...
pero simula palang ng taon medyo confused na ko..e kasi naman habang tinatapos ko ang Twilight ehhhh nanonood din ako ng series ng Smallville. binigyan kasi kami ng DVD copy ng friend namin from Season 1 till Season 8...ngayon di ko alam kung sino ang mas kras ko si Edward Cullen ba o si Clark Kent..hmf! Pag binabasa ko yung Twilight mas naiisip kong ilagay na character si Tom Welling (CK) kasi parang mas bagay syang vampire tusok-tusok kasi ang teeth nya, hahahah....pero kung titignan muka naman talaga vampire si Robert Pattinson...ay naku..kompyus small brain ko! hmf!tas feeling ko mas bagay na Bella Swan si Kristin Kreuk (Lana) kasi maarte sya at pacute..bwehehe..ay akalain nyo ang name ng mga leading ladies nila ay KRISTIN at KRISTEN..ay akalain mo nga naman talaga noh?! hahahahaha
ehhh di bale eto na nga lang.....happy new year sa mga frenships na natagpuan ko dito sa blogosperya like Joshmarie, Pajay, Ron Turon at kay Onat na mukang di pa rin nakakarecover sa holiday at wala pa rin syang entry..hehe
PAHABOL:
ay akala ko bakit biglang nagtaas ng boses tong ofismeyt ko..NO WAAAAY! sabi nya! ayun pala si Beckham daw eh nasa mall at andun yun sis in law nya at ikukuha daw kami ng autograph bwahahahahah....ayus! humabol pa ko e no ala rin naman sense hahahaha

Subscribe to:
Posts (Atom)