Day 97: S-T-R-E-S-S

ang buhay parang trabaho lang sa opisina, minsan busy, stressed ka at higit sa lahat imbyerna ka sa mga tao sa paligid mo. pero minsan naman sobrang easy at wala kang magawa kundi tumunganga at maglibot sa FB. lumalaki ang balakang mo kakaupo at tanging break ay ang pagpunta sa banyo.

itong pagpasok ng 2011 hindi ko alam kung dapat ko bang iyakan o tawanan na lang. hindi ko matandaan kung nasabi ko na ditong PUNYETA KANG 2011 KA! wahahah..halos lahat yata ng kakilala ko nagdusa sa 2011 maliban kay Shamcey Supsup siguro (hmm parang nasabi ko na talaga to dati lol). masyadong stressful kasi ang taon ko in fact hindi pa nga matapos tapos. 

siguro lessons learned na lang talaga. hay! actually isa lang naman nakakapagpastress sa akin ngayon. BANKO! umalis ako ng UAE na may pending na bayarin sa banko and of course kelangan ko yun isettle. hindi naman sa ayaw ko isettle kaso ala pa ako pangsettle hahaha... 

HOW I WISH I COULD ANSWER THE DEBT COLLECTOR THAT NO MATTER HOW MANY TIMES THEY CALL ME IT WOULDN'T CHANGE THE FACT THAT I HAVE NOTHING TO PAY THEM. YOU SEE, I AM NOT EARNING FROM THEIR CALLS, EVEN A SINGLE PENNY! (LOL)

nakikipagnegotiate ako sa banko ko pero puro legal notice ang sinasagot sakin so bahala sila sa buhay nila na-sstress lang ako sa mga eksena nila haha

hindi ko alam kung dapat ko ientertain ang katotohanang pwede nila ko kasuhan at tawagan ang mga kamag anak ko sa PI. actually yun panghuli ang problema ko kasi dedma ako sa kaso wala naman ako sa UAE haha. ayoko lang mastress pa yun mga taong di naman dapat mastress? hmft!

anyways, good luck na lang sa akin & i think aabutin pa ng 2012 ang issue ko na toh. basta sana lang matupad ang plano naming makapagsummer sa PI next year, otherwise it will be a hell lot of stressful months to endure pa..hayyyyy!

Day 96: Steve Jobs

patay na si steve jobs di ko pa sya makikilala kung di sya namatay waaaaaaaaa...maswerte ako na meron akong mga souvenirs ng 'idea' ni pareng steve bago naman sya pumanaw! sana yung papalit sa kanya mas maging mahusay pa ang mga Apple products. tho wala naman na ko balak pang bumili ng mga bagong produkto ng Apple masaya na ko sa MAC ko at enjoy naman ng bongga ang mga chikiting ko kay iPod touch! besides, ang mahal din kaya! hehehe

speaking of Touch, in fairview naman malaki ang naitulong ng bagay na ito sa aking bunsutil. natutuwa ako na at the age of 2 yrs old (di ko alam kung advance ba sya or tama lang hehe)almost memorized nya na ang alphabet. nung panahon ko nagsisimula ang kabataan sa ABAKADA na libro, ngayon super hi-tech na talaga. even numbers nauunti unti nya na pagsunud-sunurin at narerecognize nya na ang figure kapag nakita nya sa screen.

minsan nga natatakot na ko parang adik na sa alphabet si bunso, matutulog na lang kami nag-A B C D pa sya at pag lumalabas kami bigla nya na lang binabasa yun letters ng mga bagay bagay sa kalsada loooool. pero kung good sa bunso ko, bad naman sa kuya! pag hawak na ang ipod parang wala na sa realidad =))

hayst! napansin ko lang parang karamihan ng genius sa technology puro drop outs? si Google, si Facebook at si Steve! baka yun panganay ko since tamad nga magaral at mahilig sa computer maging ganyan din paglaki? LOL
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting