Day 79: Bati na nga kaya si Kris & James?

hindi na ko magtataka kung sugurin ako ng sandamakmak na ipis dito sa kinauupuan ko. sa dalas ba naman ng pangngatngat ko ng sokoleyt dito sa pwesto ko. madalas nakikita ko nalalaglag yun bits ng sokoleyt ko sa pagitan ng mga box file na nasa paanan ko haha

tinatry ko karirin ang tumblr pero sa totoo lang siguro dahil sa tagal ko ng tumatambay sa kung ano anong kalokohan sa intarnet. parang natatamad na ko sumabay sa bago...hehe. 2002 pa lang nakikisabat na ko sa forum, 2003 meron akong sariling website na nilumot na dahil di ko na nabalikan. di ko na nga alam kung anong pangalan hahaha. naadik na ko sa chat, nakabuo na ko ng napakaraming blog..hay! pero hindi kasi ako busy nung mga time na yun. WALA AKONG LIFE, sa brutal na salita..hahahah..kaya nagagawa kong karirin ang bawat nauusong bagay sa intarnet..ngayon abala na ko sa mga chikiting ko at sa magandang salita MAY BUHAY NA KO!

ayan ubos na sokoleyt ko, masakit na ngipin ko, tamad na utak ko magisip ng isusulat dito..

Day 78: Back to Normal

balik na naman sa normal ang buhay ko. walang trabaho sa opisina. nagiintay ng oras ng uwian at ngumangata ng sokoleyt sa twing maisipan. problema nga lang pag ubos na si sokoleyt (tulad ngayon). gusto ko umorder ng coke sa tindahan at sabayan ng isang bar ng kitkat kaso lang buong 200 ang pera ko. ayaw ko mabaryahan pag kasi nabaryahan mauubos ko na naman agad..hehe. kaya tiis na lang na walang coke at kitkat. mag-tea break na lang ako (lols).

after kulang-kulang isang bwan natapos ko rin yung Health & Safety Manual na pina-retype ng isang manager sa tambayan ko. nampucha sya, isang higanteng libro yun. pasalamat sya mahaba pasensya ko kung pindutan rin lang naman ang paguusapan (hehe).

eto ang problema, tapos na sya, naubos ko na ang pages. wala na akong trabaho. kung di ko naman agad tatapusin hindi ako titigilan nung manager na yun at parang sa twing makikita nya ko eh yung H & S manual ang naiisip nya...hmf! mahirap pa naman makipagkulitan sa kanya, kalahi sya ni Harry Potter na nilulunok ang bawat salita nya..amf!

pero sabi ko nga BACK TO NORMAL. ito ang normal kong buhay. darating sa ofis ng 7am, magiintay na may magbukas ng mahiwagang pintuan ng ofis, magfe-fesbuk, mag-yayahoo, tutunganga at magpapanggap maghapon na busy ako sa kakatype hehehe. magiintay na matapos ang office timing at magiintay ng mga kalahating taon pa sa baba ng building para sa sundo ko.

at pagkatapos ng lahat ng yan...dun ko pa lang mararamdaman ang tunay at exciting kong buhay...sasalubungin ng panganay kong paniguradong may comment na naman ako sa kanya, di ko pa man naibaba ang bag ko (haha), titingnan ng bunso kong parang aliw na aliw na makita na naman ako (kala ata clown ang ina nya) at hihilata sa kama na para bang pagod na pagod sa trabaho hek hek hek.

sabi nga JUST ENJOY LIFE wag na sayangin ang panahon sa pagmamarakulyo sa mga bagay-bagay na wala naman katuturan. magsisigaw ka man dyan at umatungal sa hirap ng buhay mo, wala naman ibang makakatulong sayo kung hindi ang sarili mo :)

Day 77: For A Change!

2010 na! Parang kailan lang..whew!

Mashado akong nagiging abala ngayon sa munting tambayan ko. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa na finally nagkakaron ako ng pinagkakaabalahan. Wala na ko karapatang mag-kukuta-kuta sa pagkaburyong ko sa maghapon hehe.

Malapit ko na matapos ang Veronica Wants to Die ni Paulo Coelho. Malapit ko na rin makumbinse ang sarili ko na - - - BAKIT NGA BA HINDI KO GAWIN ANG BAGAY NA GUSTO KO? Hindi ko naman sinasabing ayaw ko ng ginagawa ko o ayaw ko ng anong meron ako. Masaya nga ako na may kumpleto at masayang pamilya ako, mga gwapong anak at asawang feeling member ng boom-boom-pow boys super responsable, mga kaibigan na kahit na may kanya-kanyang issues e nagagawang tumawa at humalakhak sa maghapon. Kahit na may isang higanteng SAD FACE na naka-ambang sa amin nagagawa naming palitan yun ng mas malaking GUMUGULONG AT HUMAHALAKHAK NA SMILEY FACE. Isang - - HAHAHAHA TANGA KA! - - - na linya lang, solve na kami! Meron akong kapatid na kahit madalas magpasakit ng bulsa ulo ko e still alam kong loves na loves ako. Meron akong trabaho na kahit kalahati ng katawan ko ay di kumbinsidong gusto ko talaga dito, still the fact na may trabaho ako ay isang blessing na. Hay ano pa ba hahanapin ko?

Pero alam nyo may gusto ako gawin - GUSTO KO MAGRESIGN SA TRABAHO AT MAG-VOLUNTEER SA UNICEF O KAYA SA KAPUSO FOUNDATION!

Ano sa tingin nyo? Matagal ko kasing pangarap yan e. Parang sapat na ang sampung tumatalembong na taon sa pagoopisina, gusto ko naman yun medyo kakaiba. Kung mahusay lang ako magtupi ng mga damit at mahaba pasensya ko sa mga makukulit na tao, baka nga nagapply na ko as saleslady hehe. Minsan curious ako, sino kayang mas masaya, ang mga nasa opisinang malaki ang sahod pero tali sa opisina-bahay ang buhay o ang mga saleslady na nasa minimum pero sa araw-araw na pagbubukas nila ng shop nila meron silang bagong nakikitang katawa-tawa o kamangha-mangha...hmmmmm

Ah basta gusto ko magtrabaho sa isang NGO! Wala lang..sabi ko nga FOR A CHANGE! :D
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting