my eldest son is turning 8 bukas. ambilis ng panahon, parang kailan lang bulinggitong pa sya ngayon damulag na, hehe. anyways, alam nyo bang hindi ko alam kung san ko pinaglihi yung batang yun at bakit sobrang DALDAL! di naman ako madaldal? madaldal ba ko? matanong ba ko? hindi naman diba? hehe. sabi nga ng pinsan ng daddie nya, siguro nung maliit pa sya pinakain sya ng mga 4 na keps ng baboy..kasi daw sobrang daldal nya! hahahahaha..hindi ko alam kung bakit yan ang sinasabi kapag may madaldal na tao..kesyo pinakain daw ng keps ng baboy. bakit, madaldal ba keps ng baboy? waaaaaaaaa
in any case, gusto ko lang i-share yun mga nosebleed moments ko with my panganay...
Kakulitan 1:
while watching TV..nakita nya yun word na PAST LIFE?
CHLOE: Ano ba ang PAST LIFE? Ito ba ay MABILIS na BUHAY?
KAUSAP: errr....(speakless! hahahah)
******************************************************************************************************
Kakulitan 2:
while watching Killing Fields...
CHLOE: Ano ba ang Killing Fields? Ito ba ay PINAPATAY na FIELD? Kahit anong field, basta halaman?
AKO: suntok, nak..gusto mo? (bwahahah)
******************************************************************************************************
Kakulitan 3:
Nakita nya yung nakalagay sa isang building na - - - TO LET
CHLOE: Ano ba ang TO LET? Wrong spelling ba ito ng TOILET?
AKO: (dali-daling nangunguha ng tissue at tutulo na ang dugo sa utak ko! hahahahaa)
******************************************************************************************************
Kakulitan 4:
since wala kami magawa mag-ina kahapon, we decided to go to the mall at optical shop cause i need new contact lens na..
Optical Shop:
Kailangan ko sya iwan sa labas ng shop kasi susukatan nga ang aking mata pero I am afraid that he might break something outside so pinagpaalam ko na kung pwede sumama sya sa loob, at pumayag naman yun optometrist provided that he'd behave..lol
ME: OK, wag ka daw magulo.
CHLOE: OK po...(pero ikot sya ng ikot sa maliit na testing area..hehe)
ME: Huy, wag daw sabi magulo e.
CHLOE: picturan na lang kita para souvenir
ME: OK
CHLOE: Ayan meh, ganda! Muka kang robot!
and he showed me this picture
waaaaaaaaaaaaa...ayus sa compliment anak ko di ba??
Then after eye testing, lumabas na kami sa showroom para mamili ng contact lens and magtingin ng bagong eyeglass for me.. since wala ang husband ko to give me opinion kung bagay ang eyeglass sakin, si Chloe na lang tinanong ko.
ME: Chloe, bagay ba sakin toh? (showing him one of the eyeglasses)
CHLOE: Opo meh, ganda. Para ka lang si Betty La Fea
toinks!!! ayus!!! hahaha
After sa Optical Shop we decided to go to H & M...at syempre di pa rin matigil ang bibig ng anak ko mula optical shop hanggang sa H& M..mga siguro nasa 5-7 minutes walk lang naman yun..pero nonstop sya sa walang katuturang pagdadaldal. Then, he saw one of those thingies na niroroll sa damit para maalis yun himulmol or puti-puti sa damit. nalimots ko na yun tawag, haha! Anyway, eto naging usapan namin:
CHLOE: (pointing to that 'thingie' nga) Meh, dapat yun ang ginamit ni daddie sa paglalagay ng design sa wall ng bahay natin!
ME: tungek! alam mo ba kung ano yan?
CHLOE: hindi po
ME: pang-alis yan ng puti-puti sa mga black na damit. di yan pang-painting!
CHLOE: oo nga, hindi naman ganyan yung sinasabi ko eh!
errr, mali ba ko ng unawa sa unang sinabi ng anak ko na dapat ganun ginamit ng tatay nya?! hahahha
ME: Ok fine. Manahimik ka na dyan (magbabayad na kasi ako sa counter)
CHLOE: Meh, dapat kasi wallpaper nilagay ni daddie sa bahay.
ME: Ehhh, border nga lang gusto ni daddie mo eh
CHLOE: mas maganda kung wallpaper, yun lalagyan mo lang ng paste tas didikit mo sa pader ng buo!
ME: Ehhh. border nga lang daw! Alam mo ba kung ano ang border?
CHLOE: Opo! Yun mga tenant natin sa bahay!
ME: waaaaaa....(muntikan ng mag-collapse!!!) anuveh?! B-O-A-R-D-E-R yun at hindi B-O-R-D-E-R
CHLOE: ahhh, hehe. magkaiba pala yun?....ng spelling??
ME: (am turning violet na!)
Kalain nyong WALLPAPER ang pinaguusapan namin sukat isali yun mga tenant namin sa bahay...hahahaha..buti na lang mag-inang Indiana at isang Araba ang nasa likod namin kung hindi malamang nag-collapse na rin yun sa pakikinig pa lang sa anak ko hehehehe
So after H & M, nagdecide na kong umuwi bago pa ko himatayin sa mall. On the way to the parking, nadaanan namin yun coffee shop na Second Cup...
CHLOE: (serious ang itsura) Meh, asan ang First Cup?
ME: ..........(tuluyan na kong nag-collapse! hahahahaha)
ay naku sinasabi ko sa inyo (yes, sa mga iilang readers ko..lol) kung nalulungkot kayo sa buhay, paparentahan ko anak ko para aliwin kayo hahaha..or kahit libre na, mapahinga lang ako sa isang araw na kadaldalan nya...hehehe..masusulit naman talaga ang maghapon nyo with Chloe, NO DULL MOMENTS, or rather, NO QUIET MOMENTS hahaha.pero kahit ganyan anak ko love ko yan, hihihi...
Love you Chloe..Happy Bortdey!!! Wish ko lang matuwa ka sa mga robots na regalo namin sayo bukas!!!!! Atin-atin lang ha, actually si Daddie mo yun may type ng mga Robots na binili namin, kaya sya yung nasunod sa mga designs hahaha..but I know you'll love it! May bago ka na namang kakalikutin :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 Any violent reactions?:
dko kinaya..=)
@cathy
hahahha..salamat sa pagbisita ng page ko...kelangan na ba kita itawag ng Ambulance?!
hahaha natawa nan ako jan keps ng baboy na ayn hahaha wella a nyways ganyan nan palagi sinasabi ng mga matatanda about sa pagigiging madldal eh .... ahppy bday sa babay mo
ermm, thanks ianyce! medyo nawindang ako ng ishlayt sa comment mo pero thanks for dropping by hehehe
never ko pa sya nakausap ng maayos. ang tanong, nakakausap ba sya ng maayos?
Post a Comment