Day 49: So damn happy!

I am so damnnnn happy! Daig ko pa ang kumain ng isang kahong happy peanuts!! Daig ko pa ang nagtoothbrush ng isang galong happee toothpaste!!! HAPPY ako!!!

Dude, di ko na kailangan pang magpunta ng SG...hehehe...alam mo na!

Ayoko muna i-announce ng bonggang-bongga..baka maamoy ng kalaban...kontrahin pa! hahahaha

Pero andito ako ngayon sa BLAG ko kasi nga I AM SO DAMN HAPPY!!!

thanks God.

God is good. Sabi nga dun sa Chaplet na nakuha ko from the Marians..oh teka Marians ng Immaculate Conception ha, hindi fans club ni Marian Rivera..lol...in any case, ayun nga, sabi nga doon...

Through this chaplet you will obtain everything, if what you ask for will be compatible with My will . By this novena of The Chaplet of the Divine Mercy, I will grant every possible grace to souls. Even if a sinner were most hardened, if only once he will recite this chaplet, he will obtain grace from My infinite mercy

I am sooooo happy that I received this chaplet before my interview yesterday. I am soooooo happy that I recited the novena before I went to my interview and soooo happy that He answered my prayers...He never fail those who trusts Him...

Thanks....an endless thankssssss....

Day 48: Happyness


i am still unemployed pero masaya pa rin naman ako,hehe. the reason being is because i have my family with me. my husband who supports me kahit anong gawin kong tumbling sa buhay. may 2 kids na kahit yung isa e nuknukan ng kulit and yun isa naman ay super galing mamuyat, still they make me happy. just looking at my 3 boys (husband + 2 kids) makes me feel HAPPYNESS!


my husband and i always try our best na magkaron ng time for ourselves, no matter how busy we are, before we sleep, kailangan may kwentuhang magaganap. yeah right, mga malisyosong readers (errr, meron ba?), kwentuhan lang ang aking tinutukoy, hindin yun tipo ng 'time for ourselves' na iniisip nyo bwehehehe. although, pwede rin maganap yun syempre :p. bago kami matulog nagkukwentuhan muna kami ng mga bagay na naganap sa maghapon namin. we only stopped doing that nung magbuntis ako last July. kasi basta wala akong pagkakaabalahan sa bahay, natutulog ako. well, alam nyo na ang buntis. hayok sa tulog! haha. then of course after 9 months i delivered our baby, so busy naman kami sa aming newborn kaya wala pa ring time to make kwento...but now, we're back in business! and i am so happy that again nagchichikahan na naman kami ng mga pangyayari sa buhay naming dalawa.

last night was one of the best nights i have ever had siguro. oh teka, not because nagtumbling ako sa kama ha (haha). i am happy kasi for the longest time, napagusapan namin yun mga pangyayari sa married life namin that happened few years ago. from 2004 till present ang kwentuhan namin. actually, at first we were not talking about our marriage, nakikialam kami sa marriage ng may marriage (haha) then without realizing napaguusapan na pala namin yung samin. we talked about how and why he cheated on me 3 yrs ago, bakit ako naaddict sa chat when he was still in Pinas..he even asked if i really had a boyfriend online (LOL), how we almost separated and everything as in everything na hindi namin sinubukang pagusapan before. why? ayaw lang namin harapin, ker nyo ba? hehe..but sabi nga it is always better to talk about the storm, once the storm has passed. wag mo sabayan ang lakas ng ulan at hangin, moment ng bagyo yun, wag mo sya agawan ng eksena. hayaang humupa, matapos ang 'unos' then you talk about it. mas pleasant, mas magaan.

in any case, i am just blabbing here. wala lang, i am just happy that my husband and i again spent almost 2 hours talking..just talking about our family. the kids, our marriage, our life....kapag ganito ang tema, masarap mag asawa..hehe

sana ganito na lang lagi...HAPPYNESS!!!

Day 47: Time flies so fast....

Hello Gabriel,

Parang kailan lang kasing-liit ka pa ni Gelo. Ang cute mo pa nun eh, ngayon pacute ka na, hehe. Hindi ko halos namalayan na 8 years old ka na. Akalain mo halos magkasinglaki na pala tayo. Parang kailan lang pinaglalaban kita,  ngayon ikaw na lumalaban sakin (haha).

Kidding aside, I just want you to know that from the day na nabuhay ka sa aking wonderful womb hanggang sa ma-erase na ko sa mundong ito, love na love ka ni mommy.  Although lagi tayo nag-aaway because of your kakulitan, I hope na maunawaan mong para sayo lang naman lahat ng sermon ko. Mom only wanted you to know the right from wrong. Mahirap mabuhay ng walang nanay na nag-ga-guide sayo habang lumalaki. Just like what I always say..MANIWALA KA SAKIN, CHLOE!...naexperience ko ang paglaki ng walang Mama sa tabi so alam ko.  Hindi namin gugustuhin ni Daddy na mapahamak ka that's why we always try our best na ituro sayo ang tama. At tulad ulit ng sinasabi ko..HINDI LAHAT NG PWEDE (gawin)...AY DAPAT (gawin)!

Sana lahat ng tamang pag-uugali na tinuturo namin ni Daddy sayo ay di mo makakalimutan. Sana rin wag ka magtatampo o magtatanim ng sama ng loob samin dahil lagi ka namin pinapagalitan. Tinuturo lang naman namin sayo ang tama. Gusto lang namin mapabuti ka tulad ng ibang magulang sa anak nila. Gusto lang namin na sa paglaki mo dala-dala mo yun values na tinuro namin at di ka lalayuan ng mga tao dahil masama ugali mo. Inborn ang pagiging malambing at makulit mo pero sana minsan wag sosobra at nakakairita rin naman, hehe.  Alam mo bang kahit nagagalit na ko sayo, napapatawa mo pa rin ako sa mga bloopers at punchlines mo. Like kahapon binibiro kita na manonood tayo ng BOLD! Then I asked you kung alam mo ba yung BOLD...sabi mo...OPO, IBIG SABIHIN NUN KALBO! wahahahah...di ba BALD ata ang ibig mong sabihin, nak? hehe..you're so corny! o di kaya naman ng minsang itanong mo kung bakit ang mga patay sa eksena sa palabas ay walang oxygen?! PATAY na nga di ba, bat pa lalagyan ng oxygen...LOLS ka talaga anak!

hay, I know you are too young to understand what we are tying to tell you right now but I know that you are a smart kid and little by little you'll understand what we mean and we hope that in time you'll be grateful that we have thought you the right things..

Gusto ko lang sabihin rin sayo na kahit magbinata o mag-asawa na kayo ni Gelo..you, two, will always be Mommy's little treasures. Kayo ang the best blessing na binigay ni Papa God samin kahit pa matitigas ang  ulo nyo, alam ko naman na nagmana lang kayo samin ni Daddy, hehe.

I love you 'nak! Wish ko ngayong birthday mo is good health and sana mabawasan ang kakulitan mo lalo na ang pagiging pilosopo. Wish ko rin na mag-stay ka sa pagiging malambing and maasikaso sa kapatid mo. Sana wag mo kakalimutan maging polite at maging thankful ka sana sa lahat ng blessing na natatanggap natin. Sana kahit papano naging masaya ka sa birthday party na binigay namin.

Actually, I have a lot of things to say pero baka abutin ng 100 page tong sulat ko e hindi pa rin tapos ang gusto ko sabihin. Basta in short, mahal na mahal ka ni Mommy at Daddy and palagi kami andito para sa inyo ng kapatid mo!!!!

Happy Birthday Kulet!!!!

Day 46: Nosebleed Moments

my eldest son is turning 8 bukas. ambilis ng panahon, parang kailan lang bulinggitong pa sya ngayon damulag na, hehe. anyways, alam nyo bang hindi ko alam kung san ko pinaglihi yung batang yun at bakit sobrang DALDAL! di naman ako madaldal? madaldal ba ko? matanong ba ko? hindi naman diba? hehe. sabi nga ng pinsan ng daddie nya, siguro nung maliit pa sya pinakain sya ng mga 4 na keps ng baboy..kasi daw sobrang daldal nya! hahahahaha..hindi ko alam kung bakit yan ang sinasabi kapag may madaldal na tao..kesyo pinakain daw ng keps ng baboy. bakit, madaldal ba keps ng baboy? waaaaaaaaa

in any case, gusto ko lang i-share yun mga nosebleed moments ko with my panganay...

Kakulitan 1:

while watching TV..nakita nya yun word na PAST LIFE?

CHLOE: Ano ba ang PAST LIFE? Ito ba ay MABILIS na BUHAY?

KAUSAP: errr....(speakless! hahahah)

 ******************************************************************************************************

Kakulitan 2:

while watching Killing Fields...

CHLOE: Ano ba ang Killing Fields? Ito ba ay PINAPATAY na FIELD? Kahit anong field, basta halaman?

AKO: suntok, nak..gusto mo? (bwahahah)

 ******************************************************************************************************

Kakulitan 3:

Nakita nya yung nakalagay sa isang building na - - - TO LET

CHLOE: Ano ba ang TO LET? Wrong spelling ba ito ng TOILET?

AKO: (dali-daling nangunguha ng tissue at tutulo na ang dugo sa utak ko! hahahahaa)

******************************************************************************************************

Kakulitan 4:

since wala kami magawa mag-ina kahapon, we decided to go to the mall at optical shop cause i need new contact lens na..

Optical Shop:

Kailangan ko sya iwan sa labas ng shop kasi susukatan nga ang aking mata pero I am afraid that he might break something outside so pinagpaalam ko na kung pwede sumama sya sa loob, at pumayag naman yun optometrist provided that he'd behave..lol

ME: OK, wag ka daw magulo.

CHLOE: OK po...(pero ikot sya ng ikot sa maliit na testing area..hehe)

ME: Huy, wag daw sabi magulo e.

CHLOE: picturan na lang kita para souvenir

ME: OK

CHLOE: Ayan meh, ganda! Muka kang robot!

and he showed me this picture



 waaaaaaaaaaaaa...ayus sa compliment anak ko di ba??

Then after eye testing, lumabas na kami sa showroom para mamili ng contact lens and magtingin ng bagong eyeglass for me.. since wala ang husband ko to give me opinion kung bagay ang eyeglass sakin, si Chloe na lang tinanong ko.

ME: Chloe, bagay ba sakin toh? (showing him one of the eyeglasses)

CHLOE: Opo meh, ganda. Para ka lang si Betty La Fea

toinks!!! ayus!!! hahaha

After sa Optical Shop we decided to go to H & M...at syempre di pa rin matigil ang bibig ng anak ko mula optical shop hanggang sa H& M..mga siguro nasa 5-7 minutes walk lang naman yun..pero nonstop sya sa walang katuturang pagdadaldal. Then, he saw one of those thingies na niroroll sa damit para maalis yun himulmol or puti-puti sa damit. nalimots ko na yun tawag, haha!  Anyway, eto naging usapan namin:

CHLOE: (pointing to that 'thingie' nga) Meh, dapat yun ang ginamit ni daddie sa paglalagay ng design sa wall ng bahay natin!

ME: tungek! alam mo ba kung ano yan?

CHLOE: hindi po

ME: pang-alis yan ng puti-puti sa mga black na damit. di yan pang-painting!

CHLOE: oo nga, hindi naman ganyan yung sinasabi ko eh!

errr, mali ba ko ng unawa sa unang sinabi ng anak ko na dapat ganun ginamit ng tatay nya?! hahahha

ME: Ok fine. Manahimik ka na dyan (magbabayad na kasi ako sa counter)

CHLOE: Meh, dapat kasi wallpaper nilagay ni daddie sa bahay.

ME: Ehhh, border nga lang gusto ni daddie mo eh

CHLOE: mas maganda kung wallpaper, yun lalagyan mo lang ng paste tas didikit mo sa pader ng buo!

ME: Ehhh. border nga lang daw! Alam mo ba kung ano ang border?

CHLOE: Opo! Yun mga tenant natin sa bahay!

ME: waaaaaa....(muntikan ng mag-collapse!!!) anuveh?! B-O-A-R-D-E-R yun at hindi B-O-R-D-E-R

CHLOE: ahhh, hehe. magkaiba pala yun?....ng spelling??

ME: (am turning violet na!)

Kalain nyong WALLPAPER ang pinaguusapan namin sukat isali yun mga tenant namin sa bahay...hahahaha..buti na lang mag-inang Indiana at isang Araba ang nasa likod namin kung hindi malamang nag-collapse na rin yun sa pakikinig pa lang sa anak ko hehehehe

So after H & M, nagdecide na kong umuwi bago pa ko himatayin sa mall. On the way to the parking, nadaanan namin yun coffee shop na Second Cup...

CHLOE: (serious ang itsura) Meh, asan ang First Cup?

ME: ..........(tuluyan na kong nag-collapse! hahahahaha)

ay naku sinasabi ko sa inyo (yes, sa mga iilang readers ko..lol) kung nalulungkot kayo sa buhay, paparentahan ko anak ko para aliwin kayo hahaha..or kahit libre na, mapahinga lang ako sa isang araw na kadaldalan nya...hehehe..masusulit naman talaga ang maghapon nyo with Chloe, NO DULL MOMENTS, or rather, NO QUIET MOMENTS hahaha.pero kahit ganyan anak ko love ko yan, hihihi...

Love you Chloe..Happy Bortdey!!! Wish ko lang matuwa ka sa mga robots na regalo namin sayo bukas!!!!! Atin-atin lang ha, actually si Daddie mo yun may type ng mga Robots na binili namin, kaya sya yung nasunod sa mga designs hahaha..but I know you'll love it! May bago ka na namang kakalikutin :)
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting