it has been almost a month na rin pala since i got unemployed. whew! ambilis ng panahon. mabilis pa sa podracer ni Anakin..lol..afterschock to ng panonood ng Star Wars Marathon..lol talaga! from time to time naiisip kong mainis sa nangyayari especially kay Bernard Madoff na syang isa sa mga sanhi ng pagkawala ko ng trabaho hehe. you deserve to be in prison, mister! hmf!
anyways, since hindi na nga ako pinabalik pa sa trabaho at ako ay naterminate OVER THE PHONE wala na akong ginawa kung hindi ang humarap sa PC at libutin ang lahat ng website ng headhunters sa UAE just to find a job. i still have until end of September bago cancelin ng dati kong company ang residence visa ko so i still have time kahit papano. hay life! magmula nga ng mawalan ako ng work, eto na naging routine ng buhay ko....
9am - wake up with Gelo (or sometimes earlier than that, depende sa gising ng aking bunsutil)
10am - start browsing the net; check facebook, friendster and emails
12pm - try to have lunch..magana kumain kung may good news sa email pero on diet kung puro regret letter ang laman ng inbox ko hehe
2pm - balik sa net..hahalughugin lahat ng pwede pag-applyan
3pm - will take a nap with Gelo or play with Gelo depende sa mood na naman ng bebe ko
6pm - will take a shower kasi parating na si habibi (haha)
7pm - will take dinner
8pm - wala na gagawin kung hindi tumitig sa TV at panoorin ang lahat ng soap opera ng Pinoy TV
12am - will try to sleep
2am - gigising para padedein si bebe o palit diaper
5am - gigising ulit para padedein ulit si bebe or palit ulit diaper
9am - alam nyo na kung ano kasunod no? haha
yan ganyan ang buhay ko sa panahong unemployed ako. i have attended couple of interviews last week. yun isa sa headhunter na Core Elements, i'd say nasayang ang oras ng pagpunta ko kasi they don't have any job naman for me, hmf! pinapunta lang ako para interviewihin kuno at iregister sa kanilang database tas pinagbayad pa ko ng 150dirhams. although i was told not to pay, e sa bilis ng pangyayari, nagbayad pa rin ako haha. the other one was in Al Ain (part ng Abu Dhabi, 2 hours drive from Dubai ). the interview went very well, i think. nagkatalo na lang sa demand ng talent fee. it was a panel interview, as i said, i think i did well naman pero syempre depende sa mga naginterview sakin..lol. i am still waiting for their call whether i am hired or not, they told me to wait until end of July. well, maghihintay na lang ako ng call, ano pa bang dapat kong gawin.
in between pala dyan sa aking schedule ay ang pagsesermon naman sa panganay kong ubod ng kulit. as in makulit pa sakin hehe. napapractice ang voice box ko ng bonggang-bongga. minsan si Lord nakakatuwa rin kung mag-grant ng wish. dati binibiro ko husband ko. sabi ko ano kaya feeling ng housewife kasi i have been working for 10 years na rin. siguro naasar si Lord sa biro ko, ayan pinagbigyan ako. He gave me a chance to be a HOUSEWIFE! sana lang wag nya patagalin diba? hahaha
oh well, it's almost 11pm na dito. i will try to sleep na. manonood muna ako ng Eat Bulaga (for the 3rd time) with my husband and Gelo. nagpapaantok pa rin kasi sila...
wish me luck on my job hunting. sana naman di na mashadong lumayo yun job na hinahanap ko di ba? hehe
0 Any violent reactions?:
Post a Comment