Day 45: Is this some kind of a replay?


I went to my 4th interview today *sigh*. hindi ako napapagod sa pag-attend ng mga interviews but what pisses me off (a bit) is the fact that i am beginning to get tired with the 'finale'...ganito kasi ang eksena na laging nangyayari sa interviews ko..


interviewer: ok, ariza tell me something about yourself

me: oh well, i am one of the unfortunate casualties of this F^&!*ing recession. i am now unemployed and begging all the headhunters to shortlist my CV and currently bugging my friends to pass my CV to their bosses and insist that they need additional staff even though they don't really need one! my phone is always beside me, hoping against hope that somebody would call me for an interview. in fact, i am not missing any calls nowadays. isn't that great? if some people do collect stamps, i collect Gulf News - Appointment Section. But you know, I would rather call that section a DISAPPOINTMENT SECTION cause I am not getting anything from that page..nothing at all! Alright, I think I have said too much about myself now. Is there anything else that you would want to know about me?  (you see, this is the part where i am selling myself..at binebenta ko ang sarili ko ng bonggang-bongga!)

at matapos ang mahaba pang tanungan....

interviewer: ok, how much is your previous salary, if I may ask?

me: i used to get $100,000 US all inclusive every month (haha in my dreams!)

interviewer: great...now tell me how much is your expected salary

me: uhmm, i am expecting to receive at least $100,000 US monthly plus medical for me and my family, air ticket every 6 months, for me and my family as well, car allowance, free housing and a hefty bonus every year! i do understand the current market situation hence I am not asking for more (eksena! haha)

interviewer: alright. you know i am very much impressed with you and your CV but as you know we are still in process of interviewing some candidates and we still have like thousands of people like you who were F$%#ed by this recession and looking for a job. once we are done with our interviews, we will give you a call, say in 2 YEARS or so, to inform you of the outcome. (memoryado ko na yun linya ng mga nagiinterview sakin!)

me: oh great!

tas bababa na ang puting tabing para sa pagtatapos ng eksena. ganyan lagi ang nangyayari sa interview ko. pakiramdam ko nanonood ako ng isang palabas na paulit-ulit ang nangyayari. yun tipo bang hindi pa man natatapos ehh alam mo na agad ang ending. pero kada attend ko sa interview syempre ako yun tipong nanood din ng replay na pelikula na alam ng mamamatay yun bida ehhh still umaasa na iiwas yun bida sa bala for the 2nd time around..heller, alam ng babarilin sya di pa rin umiwas? hak hak corny!

di ko nga alam kung may mali ba sa pagsagot ko? hahahah..syempre di naman ganyan talaga ang usapan but more or less ganyan ang nangyayari. after magtanungan ng expected salary, to think na mashado ko na ngang binababa ang talent fee ko. kinakailangan pa rin pag-aralan ng mga HR na yan kung ako ba ay swak na maging tambay ng opisina nila or may mas malala pa sakin at yun ang papaboran nila. can't they just say, I AM SORRY YOU ARE ASKING WAY TOO MUCH THAN YOU DESERVE SO GET THE HELL OUT OF MY OFFICE! ? hahahahah.

meron pang eksena na nareciv ko sa email asking if i am still looking for a career opportunity and is willing to relocate. sinagot ko naman ng maayos ang email at kung bakit until now e di naman ako tinatawagan. pinacheck ko kung kani-kanino ang reply ko and OK naman daw. hindi ko alam kung engot talaga ko o sadyang di lang nila  ko gusto waaaaaaaaaaaa

anyways, magpapaka-positive na lang ako at baka sakali maka-attract ako ng positive energy sa kasalukuyang situation ko.  i know naman na nangyayari to sakin kasi kaya ko daw toh lampasan sabi ni Bro! i trust Bro kaya Thy Will Be Done na lang...kakanta na lang ako ng Que Sera, Sera hanggang makatagpo ako ng trabaho hehe..

AT SANA MALAPIT NA YUN!!!

Day 44: Marital Problem

natagpuan ko toh sa blog ng friend ko and nakakatuwa sya kaya ishe-share ko..hek hek



30di4o2_jpgjoke



may mai-advice ba kayo sa letter sender??? hahahahha

Day 43: Journal-Journalan ng isang UNEMPLOYED

it has been almost a month na rin pala since i got unemployed. whew! ambilis ng panahon. mabilis pa sa podracer ni Anakin..lol..afterschock to ng panonood ng Star Wars Marathon..lol talaga!  from time to time naiisip kong mainis sa nangyayari especially kay Bernard Madoff na syang isa sa mga sanhi ng pagkawala ko ng trabaho hehe. you deserve to be in prison, mister! hmf!

anyways, since hindi na nga ako pinabalik pa sa trabaho at ako ay naterminate OVER THE PHONE wala na akong ginawa kung hindi ang humarap sa PC at libutin ang lahat ng website ng headhunters sa UAE just to find a job. i still have until end of September bago cancelin ng dati kong company ang residence visa ko so i still have time kahit papano. hay life! magmula nga ng mawalan ako ng work, eto na naging routine ng buhay ko....

9am - wake up with Gelo (or sometimes earlier than that, depende sa gising ng aking bunsutil)

10am - start browsing the net; check facebook, friendster and emails

12pm - try to have lunch..magana kumain kung may good news sa email pero on diet kung puro regret letter ang laman ng inbox ko hehe

2pm - balik sa net..hahalughugin lahat ng pwede pag-applyan

3pm - will take a nap with Gelo or play with Gelo depende sa mood na naman ng bebe ko

6pm - will take a shower kasi parating na si habibi (haha)

7pm - will take dinner

8pm - wala na gagawin kung hindi tumitig sa TV at panoorin ang lahat ng soap opera ng Pinoy TV

12am - will try to sleep

2am - gigising para padedein si bebe o palit diaper

5am - gigising ulit para padedein ulit si bebe or palit ulit diaper

9am - alam nyo na kung ano kasunod no? haha

yan ganyan ang buhay ko sa panahong unemployed ako. i have attended couple of interviews last week. yun isa sa headhunter na Core Elements, i'd say nasayang ang oras ng pagpunta ko kasi they don't have any job naman for me, hmf! pinapunta lang ako para interviewihin kuno at iregister sa kanilang database tas pinagbayad pa ko ng 150dirhams. although i was told not to pay, e sa bilis ng pangyayari, nagbayad pa rin ako haha. the other one was in Al Ain (part ng Abu Dhabi, 2 hours drive from Dubai ). the interview went very well, i think. nagkatalo na lang sa demand ng talent fee.  it was a panel interview, as i said, i think i did well naman pero syempre depende sa mga naginterview sakin..lol. i am still waiting for their call whether i am hired or not, they told me to wait until end of July. well, maghihintay na lang ako ng call, ano pa bang dapat kong gawin.

in between pala dyan sa aking schedule ay ang pagsesermon naman sa panganay kong ubod ng kulit. as in makulit pa sakin hehe. napapractice ang voice box ko ng bonggang-bongga. minsan si Lord nakakatuwa rin kung mag-grant ng wish. dati binibiro ko husband ko. sabi ko ano kaya feeling ng housewife kasi i have been working for 10 years na rin. siguro naasar si Lord sa biro ko, ayan pinagbigyan ako. He gave me a chance to be a HOUSEWIFE! sana lang wag nya patagalin diba? hahaha

oh well, it's almost 11pm na dito. i will try to sleep na. manonood muna ako ng Eat Bulaga (for the 3rd time) with my husband and Gelo. nagpapaantok pa rin kasi sila...

wish me luck on my job hunting. sana naman di na mashadong lumayo yun job na hinahanap ko di ba? hehe

Day 42: Sa Wakas

hay buhey, parang guley! haha

bumisita lang ako sa bahay kong inaagiw na...busy kasi ako sa paghahanap ng bagong mapagkakakitaan..ang hirap maging unemployed huh..lol..pero good thing sa pagkakatanggal ko sa work ay nagkaron ako ng more time with my babies...hay masarap din maging plain housewife..hehe

ge ge kita kita sa blogosperyo!

pahabol inarte:
miss you na pala mga friends like pajay, joshie, onats, turon, gas dude and others..lol..bisita ako sa blogs nyo pag may time na..gotta run!!!
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting