Day 37: Nanay ko si Darna!

first of all, hello kay Onats na nagiintay daw ng update ko hehe. sa totoo lang wala akong mashadong maisip na update sa blog ko. puro kasi recession lang ang pumapasok sa utak ko hahah..

in any case, nung isang araw naisipan kong ipa-scan sa ate ko na nasa pinas ang aking college grad pic dahil gusto ko sya ibandera dito sa bahay ko sa Dubey (hehe). excited pa naman ako only to find out na ampanget ko pala dun sa pic na yun kaya ayan nagbago na isip ko..magpapapicture na lang ako sa studio ng naka-toga ulit para medyo 'maganda' na ko dun sa grad pic ko..hahahaha...andaya diba? at sa paghahalunkat ng ate ko ng mga old pics ko sa bahay namin, natagpuan nya ang picture na nasa baba..





si Mama ANa po ay ang aking ina. aba'y akalain nyo na ang aking dakilang ina ay isa rin palang manunulat nun kabataan nya? di nga lang namin alam kung saang babasahin naipost itong poem nya kasi ginupit nya lang yan at itinabi sa isa sa mga album nya. kung di ako nagkakamali naipost toh sa isang school paper. my mom passed away 13 years ago.  hindi kami talaga naging close ni Mama kasi mula ng maghiwalay sila ni Papa nag-abroad na sya and every 2 years kung umuwi. pero kahit ganun andun  yun respect & love namin syempre kay Mama. we love her so much at syempre for us isa syang DAKILANG INA. she died because of liver failure. ambilis ng pangyayari ni hindi ko nga namalayan.....(Maalaala Mo Kaya soundtrack..pasoookk... :p ) di ko na idedetalye kung pano nangyari basta sa loob ng 1 linggo nagkasakit at nawala ang Mama namin. marami pa sana kaming plano mag-iina kaya lang..ganun talaga..

pero teka ayoko naman magdrama sa blog ko (bukod sa katotohanang komedyante ako at di dramatic actress) , kaya ko lang naman toh naipost kasi gusto ko lang ishare sa inyo na narealize kong may pinagmanahan naman pala ako sa pagiging 'manunulat'. sa dalang ng pagkikita namin ni Mama hindi nya naishare ang hilig nya sa pagsusulat. hindi ko na tuloy nasabi sa kanyang mahilig din ako magsulat. kahit walang wenta sige lang sulat lang ng sulat, hak hak.  naalala ko pa isa rin nga palang contributor sa The True Filipino Magazine (yata) si Mama, isa itong magazine na distributed sa Hong Kong kung saan nagwowork si Mama. pinapahanap ko pa nga sa ate ko yun article na naisulat nya. hay kung buhay lang sana si Mama....

kaya lam nyo naiingit ako sa mga blogger like Gas Dude na nakasama si Momsky Womsky sa Singapore..yun mga kulitan moments nila..di ba nakakainggit..ngayon kasi na stable na kaming magkakapatid parang ang sarap ng feeling sana kung kami na yun nag-aalaga naman sa Mama namin, after years of hard work, malaking konswelo sa magulang yun sila naman alagaan mo...hayyyy...kaya pag may article about mothers parang ayoko na rin basahin kasi naiingit lang ako pero pag ang article naman ehhh panay reklamo tunkol sa nanay nabubuset ako..kung alam lang nilang mahirap mawalan ng nanay noh! totoong parang naputulan ka ng isang paa pag nawala ang nanay mo. oh well, maliban pala kung uber-sama naman ng nanay mo hehehe...

hay i just miss my Mama...di ko alam pano tatapusin tong entry na toh..ni hindi ko nga alam kung may pinatunguhan ba..basta ang alam ko bigla akong nalunkot at nanghinayang when my sister sent me that pic..naalala ko lang bigla ang Mama..hindi naman kasi nagpaparamdam si Mama sakin..alam nya kasi takot ako sa mumu hahahaha...wish ko lang maging mala-Darna rin ako sa mga anak ko like si Mama sa amin..isa syang SUPERWOMAN...akshuli, isa syang maliit na SUPERWOMAN..para syang si Darna nung ang gumanap ay si Vilma Santos hahaha...since idol nya naman yun, in fact meron syang clippings ng mga movies ni Vilma noon...tama..sya nga si Darna - ate V version :P

ayan onats, may update na ko, may napala ba readers ko? hahaha

3 Any violent reactions?:

onatdonuts said...

wow, simple at masayahin ang pagkaka-kwento mo pero ewan ko ba naantig ang puso ko hahahahaha namimiss mo talaga siguro si mama mo. :-) at astig siya ah writer pala si mami. hehe dun ka nagmana.

carelesshush said...

@onat

tsalamat dear!! hehehe...oo nga miss ko siguro si Mama :(

tiki-tiki boy said...

atu di mo miss?

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting