Day 37: Nanay ko si Darna!

first of all, hello kay Onats na nagiintay daw ng update ko hehe. sa totoo lang wala akong mashadong maisip na update sa blog ko. puro kasi recession lang ang pumapasok sa utak ko hahah..

in any case, nung isang araw naisipan kong ipa-scan sa ate ko na nasa pinas ang aking college grad pic dahil gusto ko sya ibandera dito sa bahay ko sa Dubey (hehe). excited pa naman ako only to find out na ampanget ko pala dun sa pic na yun kaya ayan nagbago na isip ko..magpapapicture na lang ako sa studio ng naka-toga ulit para medyo 'maganda' na ko dun sa grad pic ko..hahahaha...andaya diba? at sa paghahalunkat ng ate ko ng mga old pics ko sa bahay namin, natagpuan nya ang picture na nasa baba..





si Mama ANa po ay ang aking ina. aba'y akalain nyo na ang aking dakilang ina ay isa rin palang manunulat nun kabataan nya? di nga lang namin alam kung saang babasahin naipost itong poem nya kasi ginupit nya lang yan at itinabi sa isa sa mga album nya. kung di ako nagkakamali naipost toh sa isang school paper. my mom passed away 13 years ago.  hindi kami talaga naging close ni Mama kasi mula ng maghiwalay sila ni Papa nag-abroad na sya and every 2 years kung umuwi. pero kahit ganun andun  yun respect & love namin syempre kay Mama. we love her so much at syempre for us isa syang DAKILANG INA. she died because of liver failure. ambilis ng pangyayari ni hindi ko nga namalayan.....(Maalaala Mo Kaya soundtrack..pasoookk... :p ) di ko na idedetalye kung pano nangyari basta sa loob ng 1 linggo nagkasakit at nawala ang Mama namin. marami pa sana kaming plano mag-iina kaya lang..ganun talaga..

pero teka ayoko naman magdrama sa blog ko (bukod sa katotohanang komedyante ako at di dramatic actress) , kaya ko lang naman toh naipost kasi gusto ko lang ishare sa inyo na narealize kong may pinagmanahan naman pala ako sa pagiging 'manunulat'. sa dalang ng pagkikita namin ni Mama hindi nya naishare ang hilig nya sa pagsusulat. hindi ko na tuloy nasabi sa kanyang mahilig din ako magsulat. kahit walang wenta sige lang sulat lang ng sulat, hak hak.  naalala ko pa isa rin nga palang contributor sa The True Filipino Magazine (yata) si Mama, isa itong magazine na distributed sa Hong Kong kung saan nagwowork si Mama. pinapahanap ko pa nga sa ate ko yun article na naisulat nya. hay kung buhay lang sana si Mama....

kaya lam nyo naiingit ako sa mga blogger like Gas Dude na nakasama si Momsky Womsky sa Singapore..yun mga kulitan moments nila..di ba nakakainggit..ngayon kasi na stable na kaming magkakapatid parang ang sarap ng feeling sana kung kami na yun nag-aalaga naman sa Mama namin, after years of hard work, malaking konswelo sa magulang yun sila naman alagaan mo...hayyyy...kaya pag may article about mothers parang ayoko na rin basahin kasi naiingit lang ako pero pag ang article naman ehhh panay reklamo tunkol sa nanay nabubuset ako..kung alam lang nilang mahirap mawalan ng nanay noh! totoong parang naputulan ka ng isang paa pag nawala ang nanay mo. oh well, maliban pala kung uber-sama naman ng nanay mo hehehe...

hay i just miss my Mama...di ko alam pano tatapusin tong entry na toh..ni hindi ko nga alam kung may pinatunguhan ba..basta ang alam ko bigla akong nalunkot at nanghinayang when my sister sent me that pic..naalala ko lang bigla ang Mama..hindi naman kasi nagpaparamdam si Mama sakin..alam nya kasi takot ako sa mumu hahahaha...wish ko lang maging mala-Darna rin ako sa mga anak ko like si Mama sa amin..isa syang SUPERWOMAN...akshuli, isa syang maliit na SUPERWOMAN..para syang si Darna nung ang gumanap ay si Vilma Santos hahaha...since idol nya naman yun, in fact meron syang clippings ng mga movies ni Vilma noon...tama..sya nga si Darna - ate V version :P

ayan onats, may update na ko, may napala ba readers ko? hahaha

Day 36: Francis M-less naaaaaa!!!!


nung last Friday saktong paglipat ko sa Channel 7, ina-announce ni Vic Sotto ang pangyayari tunkol kay Francis M. nalunkot naman ako ng bonggang-bongga! hindi man kami magkakilala ng personal pero I like Kiko. simpleng rock! hindi nga tumatanda face nya e...ayan nga namatay syang bata..we'll always remember him with his child-like face and attitude...hayyyy...

sabi pa nga ng bro ng officemate ko para daw syang nawalan ng isang mabuting kaibigan (hehe) kahit di naman sila talaga magkakilala! buti na lang buhay pa si Kiko meron na kong dalawang shirt ng 3 Stars and a Sun..hay nakakalungkot naman talaga oo! hindi naman biglaan ang balita dahil alam na ng lahat ang medical condition nya but still nakakagulat na ambilis nya naman talaga nawala..tsk! walang ng sisigaw sa EB ng SEAMLESS NAAAAA!!!!!

nabasa ko sa ABS-CBN news na bibigyan sya ng posthumous presidential award..wow..parang Heath Ledger lang! pero bakit ganun. antagal na sa industriya ni Kiko tapos kung kelan wala na saka ire-recognize ang contribution nya? hmf! at least yun award ni Heath Ledger was given to him dahil sa pagganap nya sa last movie nya ehhh yun kay Kiko matagal ng achievemen yun..nabubuhay pa sya!!!! and sana sa loob ng 7months na naghihirap si Kiko sa sakit nya...naisip ng gobyerno na parangalan na sya..yun sana lang eh buhay pa sya nung naparangalan sya para binaon nya sana sa kung saan man sya pupunta..hmf to the highest level! well, ayun lang naginarte lang ako!

in any case, my condolences sa mga naiwan ni Kiko..nakakatuwa si Pia, his wife, parang sobrang tatag nya na nakukuha nya pang ngumiti at may energy syang humarap sa media...hayyy!!! life nga naman oo...life is too short para aksayahin talaga sa mga walang wentang bagay..errr, tulad ng pagboblog? hehehe jokes!

Day 35: Wrong Mistake!

sa wakas may pinagkakaabalahan na ko sa opisina. may isang client na kelangan ko tawagan ng tawagan kasi may pina-follow up akong issue...pero sadya yatang pang comedy ako kaya kahit gusto ko sumeryoso sa buhay nauuwi pa rin sa joke ang eksena ko...hehehe..eto basahin nyo kung bakit ko nasabi yan:

AKO: uhmm, Arash (my officemate), did you receive any call from Mr. Pajay?

Arash: who?

AKO: Mr. Pajay (duh - sa isip ko lang hehe)

Arash: sorry, who?

AKO:  (inis na ng ishlayt kasi magkaharap naman kaming naguusap bat WHO sya ng WHO) Mr. Pajay? From UNC?

Arash: sorry i don't know him

AKO: Mr...oh crap...i meant Mr. Pankaj!!

Arash: (laughing) ohhhh, no not yet. can you follow-up with him again?

AKO: (pahiya ng ishlayt) OK!

next eksena..ako leaving the scene...balik sa desk ko at nagtatawa magisa! nyahahahah

bago ko kasi lapitan si Arash kababasa ko lang ng blog ni Pajay, ayan tuloy nabitbit ng utak ko si Pajay imbes na Pankaj! waaaaaaaaaaaahahahahahah.....

welkam back pala kay Onats & Joshie..nakakatuwa at kayo eh nagbalik na sa blogosperyo..pero eto pa nakakatuwa sa inyong pagbabalik pareho kayo ng latest topic..YOU CHANGED MY LIFE ni Sarah G. at John Lloyd hahaha..ang mga taga GMA ba pare-pareho ng lovelife?! nyahahhah..PEACE!
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting