Day 23: Bakit Wala?

may natanggap akong balita ngayong umaga

isang malunkot na balita...hindi lang pala malunkot...isa syang masamang balita

ang di ko maintindihan ay kung BAKIT parang wala akong maramdamang REAKSYON ng puso ko nang mabasa ko ang balita...

di ko alam kung BAKIT...

nakaholiday ba ang 'sense of feeling' ko?

tinatamad bang makiramdam ang katawan ko?

BAKIT di ko magawang umiyak dahil sa balitang natangap ko?

BAKIT di ko makuhang makaramdam ng lunkot...maigi pa nung nalaman kong namatay si Daboy o kaya si Marky Cielo...

sa dami ng BAKIT na gusto ko sagutin parang lalo akong nahihiwalay sa emosyon ko..

ang alam ko dapat malunkot ako..dapat mag-alala ako...at higit sa lahat dapat umiyak ako

pero BAKIT WALA???

hindi ko talaga maintindihan...

habang tinatayp ko toh nasa paligid ko ay tatlong batang abala sa panonood ng Disney Channel..lalong di ko mahalunkat kung saan man nagtago ang lintek na emosyon...gusto ko makaramdam ng lunkot..gusto ko umiyak..pero ala e...isang MALAKING emptiness lang ang nararamdaman ko...

oh wait, may nararamdaman pala ako...EMPTINESS!

hay..alam ko mali ito..alam ko hindi dapat ganito...

iniisip ko na isa marahil sa mga dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko (o yeah, ngayon alam ko ng may nararamdaman din pala ako) ay ang kadahilanang hindi naman ako lumaking kasama sya. wala akong 'memories' na aalalahanin at panghihinayangan.

wala naman akong masyadong alam tunkol sa kanya kung hindi ang pangalan nya at kung anong relasyon ko sa kanya. ang alam ko lang masungit sya. ang alam ko lang....ahhh basta!

ngayon, nakarating sa akin ang balitang sinugod sya sa ospital...bakit di ko maramdaman ang lunkot na dapat nararamdaman ko sana? bakit di ko magawang umiyak sa posibilidad na 'mawawala' na sya....

BAKIT??!!!

13 Any violent reactions?:

joshmarie said...

gurl, story ko yung stroy ni mahinay about kulto sa ormoc, pero hindi ako 'yung girl. hahahahahaha. nakita mo talaga yung JOSH? hahah. ampf!

salamat sa panonood... :)

carelesshush said...

@josh
oo pramis nakita ko talaga nakasulat in ALL CAPS

JOSH--pa-slant pa nga pagkakasulat eh nyahahah..kung pd ko lang ireplay yun..:p

Pajay said...

sino ba to?...lolz...napaiisp ako..puzzle ba to?......tae!..basahin ko nga ulit...hahahaha

carelesshush said...

@prof

naku wag mo na isipin..wala yan clue kaya di mo mahuhulaan, hehe

by the way, according sa last text na nareciv ko...wala na sya kahapon...

bubulong ko na lang sayo para di ka na makompyus hihi

xG said...

sa kakatanong mo
nakalimutan mo huminto
para isipin kung ano yung sagot
:)

carelesshush said...

@XG
lols tenchu sa pagbisita po :)

honga e sa dami ng tanong nakalimutan ko na pagtuunan ng pansin yun sagot :D

dapat kasi malunkot ako dahil isa syang 'pamilya'..pero ewan!

:D

The Gasoline Dude said...

Anong relasyon mo sa kanya? Anong relasyon niya sa mga batang nanonood ng Disney Channel? Mahal mo ba siya?

Andaming tanong. Hehe. = P

The Gasoline Dude said...

Anong relasyon mo sa kanya? Anong relasyon niya sa mga natang nanonood ng Disney Channel? Mahal mo ba siya?

Andaming tanong. Hehe. = P

carelesshush said...

@Gas Dude

lols...andami ngang tanong haha

isa syang KAPAMILYA (baka kasi may nagbabasa ng BLAG ko na kamag-anak ko mahirap na hahah)

wala syang relasyon sa mga batang nanonood ng disney channel trip ko lang sila isama sa blog ko haha

HINDI! :p


ayan ha nasagot ko naman :p

tenk u for dropping by po!

carelesshush said...

testing lang ng gravatar..ninakaw kasi un gravatar ko haha

watusiboy said...

alam mo nung namatay ang lolo ko (as in yung tatay ng nanay ko), hindi ako naiyak. although nalungkot ako para sa nanay ko. lima o tatlong beses ko lang kasi sya nakita sa buong buhay ko.

carelesshush said...

@watusi

ayun di naman pala ako nagiisa..normal naman pala yun...teka normal ka ba? hehehehe :)

Merry Xmas!

watusiboy said...

hindi ako masyadong sure. hehe.

Post a Comment

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting