Day 24: My 2008

i am (was?) planning to write a year-ender article tulad ng maraming blogger..kaya lang natatamad ako haha..

gusto ko sana magreflect at pagnilay-nilayan ang mga bagay na naganap sa buhay ko ngayong 2008 pero naisip ko na mas madali yatang mag-Thank U Lord na lang ako sa mga blessings na nareceive ko since mahirap naman isa-isahin talaga ang mga bagay na natanggap ko hehe.

pero ang taong 2008 ang one of the best years in my life..mashadong maraming reasonssssss kung bakit sya the best di ko na iisa-isahin pa pero gusto ko lang pasalamatan si Papa God & si Sta. Clara for listening to my prayers..hehe...oo nagdadasal ako kay Sta. Clara dun sa may Marikina, in fact ako e nagdadala ng itlog dun for 2 years na. napagkasunduan kasi namin ng habibi ko na every uwi namin ng pinas we'll see to it na bibisita kami dun...call it korni but for us it is like panata :)..hek hek

etong 2008 mashado naging colorful ang life ko..there were some down moments na parang may down syndrome ako  pero mas madalas naman yung happy moments ko na parang nakakain ako ng happy peanuts kaya korek lang..

oh by the way, masaya pala ako last Xmas kasi for the first time buo ang 'pugad-baboy' family..i received an LV bag from my habibi and i gave him Tissot watch (touch)..tas si bulilit naman ay binigyan namin (on behalf of Santa Claus kahit wala kaming chimney haha) ng WII..we all enjoyed our gifts pero mas nageenjoy kami sa WII. sabi tuloy ni bulilit, kanya naman daw yun at bakit di sya makapaglaro kasi kaming matatanda ang nageenjoy, bwahahahah!

well, as for myself, syempre niregaluhan ko ang self ko ng Burberry na....BAG pa rin! hahaha..just so you know, isa ako sa mga baklang mahilig sa bag..malaki o maliit basta BAG korek sakin. kahit pa plastic bag nyahahahah!

alam nyo naiisip ko rin na gumawa naman ng New Year's Resolution...am sure maraming blogger na rin ang nagpost ng ganyang topic pero again natatamad ako..haha..pero kasi naman magmula ng matutunan ko ang salitang 'resolution' eh wala pa naman yata akong natupad talaga! so siguro this coming year, ang resolution ko na lang is TUPARIN ANG KUNG ANUMANG NAISIP KONG RESOLUTION..lols..pwede na ba yun?

hay naku 2 tulog na lang 2009 na! panibagong taon, panibagong simula. sana ang 2009 ay maging maliwanag  tulad ng simula ng aming 2008. sana ang 2009 ay hindi matulad sa 2008 na nag-end sa isang malaking economic crisis..at syempre sana sa 2009 eh dagdagan ulit ng amo ko yung pangwaldas ko bwan-bwan heheheh...lintek kasing credit crunch ala tuloy yata bonus at salary increase next year!

o ayan uwian na (nasa office pa kasi ako!) ipopost ko na toh tas iedit ko na lang sa bahay hehehe..

bye 2008 and welcome 2009!!!

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!! Sana madagdagan pala ang kaibigan kong blogger next year!!!!

Day 23: Bakit Wala?

may natanggap akong balita ngayong umaga

isang malunkot na balita...hindi lang pala malunkot...isa syang masamang balita

ang di ko maintindihan ay kung BAKIT parang wala akong maramdamang REAKSYON ng puso ko nang mabasa ko ang balita...

di ko alam kung BAKIT...

nakaholiday ba ang 'sense of feeling' ko?

tinatamad bang makiramdam ang katawan ko?

BAKIT di ko magawang umiyak dahil sa balitang natangap ko?

BAKIT di ko makuhang makaramdam ng lunkot...maigi pa nung nalaman kong namatay si Daboy o kaya si Marky Cielo...

sa dami ng BAKIT na gusto ko sagutin parang lalo akong nahihiwalay sa emosyon ko..

ang alam ko dapat malunkot ako..dapat mag-alala ako...at higit sa lahat dapat umiyak ako

pero BAKIT WALA???

hindi ko talaga maintindihan...

habang tinatayp ko toh nasa paligid ko ay tatlong batang abala sa panonood ng Disney Channel..lalong di ko mahalunkat kung saan man nagtago ang lintek na emosyon...gusto ko makaramdam ng lunkot..gusto ko umiyak..pero ala e...isang MALAKING emptiness lang ang nararamdaman ko...

oh wait, may nararamdaman pala ako...EMPTINESS!

hay..alam ko mali ito..alam ko hindi dapat ganito...

iniisip ko na isa marahil sa mga dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko (o yeah, ngayon alam ko ng may nararamdaman din pala ako) ay ang kadahilanang hindi naman ako lumaking kasama sya. wala akong 'memories' na aalalahanin at panghihinayangan.

wala naman akong masyadong alam tunkol sa kanya kung hindi ang pangalan nya at kung anong relasyon ko sa kanya. ang alam ko lang masungit sya. ang alam ko lang....ahhh basta!

ngayon, nakarating sa akin ang balitang sinugod sya sa ospital...bakit di ko maramdaman ang lunkot na dapat nararamdaman ko sana? bakit di ko magawang umiyak sa posibilidad na 'mawawala' na sya....

BAKIT??!!!

Day 22: Kompyus

pano ba sasagutin yung ganitong text:

Few days to go
Xmas/New Year na
Masaya ka ba?

Did you say sorry
Sa mga taong
Di mo sinasadyang masaktan?

Did you say thanks rin
Sa mga taong
Nagpapahalaga sayo?

Wel, do this habang maaga pa
U'll have a wonderful year and xmas!

I'll start

Sorry if I've caused you pain
Either intentionally or unintentionally

But thank you for the friendship, respect
Love and acceptance you've given me

Merry Xmas & Happy New Year!!!


lam nyo bat ko pinoproblema kung pano sasagutin yan..


di ko kasi alam kung sino yung sender...nyahahahahah!!!!! kainis ala sa fonbuk ko! hmf!

Day 21: Basted!

I AM SUPER BASTED!!!



hay naku...di naalala ang anniversary namin! kung di ko pa sinabing may  nakalimutan syang gawin nung araw na yun...di nya pa maiisip kung anong meron..hmf!! eto pa, bago nya narealize, NAGALIT PA NGA SAKIN! naktokwa!


dalas neto mangyari ha...di na nakakatuwa...hmf!

at di rin ako magpapacomment ngayon..gusto ko lang din maranasan yung nagsasara ng comment...kasi sa buong buhay-blogosperya ko di ko pa naranasan yung walang nagcocomment kasi nakasara yun comment...kasi kahit nakaopen yung comment dito..wala lang talaga nagcocomment sa blog ko kasi walang trip magcomment...nyahhahaha


gusto ko sana magupdate ng BLAG ko everyday since may 'intarnets' (gaya-gaya lang) naman ako sa bahay..kaya lang naisip ko magmumuka naman TWITTER o PLURK tong blog ko..hehe...kaya ayan nagbago na isip ko


ay..di ko pala alam iclose yun comment...bwahahahah...yae na nga...letch!


ay...bye Marky Cielo na pala..huhuu...type ko pa naman tong si Marky kasi ang cute-cute nya sumayaw...ano kaya cause of death nya noh???

teka congratulations din pala kay PACMAN kasi nanalo sya..akalain mo naman...sa loob ng 1 araw nakatanggap ang Pinas ng good and bad news...pero ako puro bad news lang..di na nabati nun anniversary, nabalitaan pang namatay ang isa sa mga kras ko sa showbiz..hay life...so ka-ka! di na sakin news yun pagkapanalo ni PACMAN...alam ko kasi mananalo sya..hehehe..magulat pa ko pag natalo sya...!


tse,  BADTRIP ako!....

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting